CHAPTER 7
Payback
Law and I ate first before we decided to go home. Kaya naman kahit na itinanggi kong date ang pagsama niya sa akin, parang date pa rin talaga ang nangyari. I was just too shy to admit it to myself. Buti na lang din at hindi na ulit binalik ni Law ang usapan namin tungkol sa kung ano ang tawag sa paglabas namin.
After we ate, the rain fully stopped. Maaliwalas na rin ang labas at muling sumilay ang haring araw.
“Did you bring a car?” tanong ni Law nang tuluyan na kaming lumabas ng mall.
“No. Wala akong kotse,” sagot ko naman agad.
I never really tried to learn how to drive. Sa isip ko kasi, ang laking responsibilidad kapag nagmaneho ka. Wala pa naman akong masaydong tiwala sa sarili ko. Pakiramdam ko, makakagawa ako ng matinding katangahan na p’wede kong ikakulong kung magmamaneho ako.
So, I prefer booking an uber most of the time.
“Hatid na kita sa condo niyo,” alok tuloy ni Law.
Hindi na ako tumutol pa roon, akala ko naman kasi ay kotse ang dala niya. Pagtigil namin kung saan niya ip-in-ark ang sasakyan niya, motorbike pala iyon!
Talagang napaawang ang labi ko nang makita ko iyon.
“W-We’re riding that?” nauutal na tanong ko kay Law.
I don’t have much knowledge about motorbikes but his motorbike looks so cool. Iba iyon sa nakita kong ginamit niya nang una ko siyang makita sa arena. Ang dala niya ngayon ay kulay pula.
“Yes. Why?”
Why?! Nagtatanong pa talaga siya kung bakit? E motor yata ang pinakamadalas madisgrasya sa kalsada!
“Is that safe? Medyo basa pa ang kalsada,” pagdadahilan ko pa.
“I’m the driver, Alya,” aniya lang bago dahan-dahang isinuot na sa akin ang dala niyang helmet.
“And?”
“And I’m the best driver you could ever have.” He winked at me before he brought down the glass visor of the helmet he wore on my head.
I doubted what he said though. Hanggang ngayon ba naman kasi, hindi ko malimut-limutan kung bakit ang sama ang tingin ko sa kanya bago ang nangyaring halikan sa arena.
Siya ‘yong mabilis na magpatakbo at halatang pinaiingay ang motor noon!
“And where’s your helmet?” nag-aalalang tanong ko nang nauna na siyang sumakay sa motor.
Don’t tell me he’ll drive without wearing one?! That’s illegal!
“Nasa ‘yo.” Ngumisi pa nga ang loko.
What?!
“We’re not doing this. Baka mahuli tayo!” Humakbang ako palayo sa motor niya.
“We won’t. Malapit lang ang condo mo.”
How ironic. His name is Law yet he’s a law breaker. I can’t believe him!
“And it’s dangerous!”
Wala pa man, grabe na ang kaba ko. Parang gusto ko na lang talagang tumawag ng uber.
“Trust me, okay?” kalmadong pagkumbinsi niya. “I can do this.”
Sa tono niya, para bang siguradong-sigurado siya na walang mangyayaring masama. Ako naman itong kung anu-anong sakuna na ang naimaheng mangyayari sa aming dalawa.
I stared at him for a moment, showing him how worried I am. Pinanatili niya rin naman ang titig niya sa mga mata ko.
Sa huli, ako na ang bumuntonghininga. Mukhang desidido siyang ipilit ito.
Tuluyan na nga akong umangkas sa motor niya. Wala pa man, kapit na kapit na ako. Naungusan ng takot ang hiyang mayroon ako. Mamaya na lang siguro ako mahihiya sa sarili ko. Ang importante, masiguro kong hindi ako titilapon.
“Kapit na kapit, huh?” pang-aasar niya pa nang ilingkis ko ang kamay ko sa katawan niya.
“Of course! Mamaya, maiwan ako e! Mabilis ka pa naman magpatakbo,” dipensa ko na lang. Kahit ganoon, grabe pa rin ang pag-init ng pisngi ko sa hiya.
Then, he started driving. God knows how prayed while we were on the road. Even so, my heart calmed a little bit when Law kept his promise. Talagang mabagal ang pagpapatakbo niya.
"Buti’t hindi ka mabilis magpatakbo ngayon," kumento ko sa kanya. Medyo niluwagan ko na rin ang medyo OA kong pagkakakapit sa kanya.
"You've seen me drive before?" he asked. We eyed each other through his side mirror.
"Just a glimpse. Ikaw ‘yong kaskaserong driver na nakasalubong ko bago ako pumasok sa Golden 1 Center dati.” Pareho kaming napangisi dahil sa paraan ng paglalarawan ko sa kanya.
Totoo naman kasi. Ang kaskasero niya noon. Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit sobrang takot kong umangkas sa kanya.
"Need to drive safely right now that I'm with you, baby," pagbanat na lang ni Law.
Hindi naman iyon bumenta sa akin.
"Drop the baby. I'm older than you, you know?" paalala ko sa kanya. Baka kasi nalimutan niya na porque mas mukha siyang matanda sa aming dalawa dahil sa tangkad at katawan niya.
"So what? It’s just age,” tila walang pakialam niya namang sambit.
Here we go again with our different perspectives.
"It's inappropriate."
"Only for primitive people. But who cares?”
I care, unfortunately.
Every time, it’s like I am programmed to think about what other people think of me and it sucks. Para ako laging nasa gitna kung saan lahat ay nakatingin. Kaya naman madalas kong makita ang sarili kong sumusunod sa kung ano ang sinasabing tama. Na dapat, ganito ka na umakto pagtungtong mo sa ganitong edad, na dapat ay sa ganitong tao ka lang magkakagusto, na dapat ganito lang ang mga isuot mo para matawag na disente.
Hindi na lang ako natugon dahil sa naisip ko.
Napalingon naman sa akin si Law nang matahimik ako.
“Right, baby?" pagpapatuloy niya sa pang-aasar sa akin at nagawa pa niya ulit kumindat.
There he goes with his wink. I wonder kung ilan nang babae ang nakindatan niya.
Tinulak ko na lang tuloy ang mukha niya para pabalikin ang mukha niya sa harap.
"Focus on the road, Zryan." Kulit.
"Zryan, huh? Alright, Alya."
Napailing na lang ako. Unti-unti ko ring pinigilan ang pasilay kong ngiti.
Hell. Ito ba ‘yong tinutukoy niyang talento niya sa pagda-drive? He’s driving me crazy!
“You loosened your hold. Hold me tight,” utos niya pa sa akin.
Nangunot ang noo ko. Mabagal lang naman kasi ang patakbo niya kaya bakit kailangan pang higpitan ang kapit, ‘di ba?
Sinunod ko na lang din naman siya. Hinigpitan ko ang kapit sa damit niya.
Kaso ay mukhang hindi pa rin kuntento si Law.
“Tighter, Alya. Don’t let go,” utas niya pa na talagang hindi ko naman talaga gagawin. Takot ko lang na mahulog, ‘no.
Confused, I still did what he wanted me to do. Ginawa ko na lang ang kanina kong pagkapit sa kanya kahit medyo nakakahiya.
Tama pa ba ang ginagawa ko?
“Why? Are you planning to accelerate?” Hindi ko na napigilang mapatanong. “Please, don’t. You aren’t wearing any helmet.”
“Concerned?” Natawa pa talaga si Law. Talagang ang inintindi niya lang ay ang pagpapaalala kong wala siyang helmet.
Hell! I’m so done with him.
Hindi ko na lang tuloy siya sinagot. Parang nakakahalata na akong nangingisda na lang siya ng mga salita mula sa akin e. Crazy!
After half an hour, we finally arrived at the parking lot of our condominium. Tatanggalin ko pa lang ang helmet na suot ko, hinarap niya na ako sa kanya para siya na ang gumawa noon.
“See? We’re safe,” aniya, tila nagyayabang na pinatunayan niya ang sinabi niya kanina. “Mas mabagal pa nga yata andar natin sa pagong kanina e.”
There was a smirk plastered on his face; his dimple kept showing.
“Mas ayos na ‘yon, ‘no. Kaysa maaksidente,” sagot ko naman at inayos ang buhok ko matapos matanggal ni Law ang helmet. Kinarga niya iyon bago ipinokus ang tingin niya ulit sa akin.
There he goes with his intense gaze that could melt someone if possible. Para akong nanliliit doon. Dahil hindi ko kayang panatilihin ang titig ko nang diretso sa kanyang mga mata, sa makapal na kilay niya na lang ako tumitig.
“Anyways. Thank you,” I muttered quietly.
Marahang tumango si Law.
My heart started to thump in my chest. Hindi ko alam kung tama ba ang itatanong ko pero pakiramdam ko, kailangan ko siyang tanungin.
I bit my lower lip in nervousness. Pasimple ko ring kinurot-kurot ang sarili kong mga daliri bago tuluyang napagpatuloy ang gustong sabihin.
“So… how do you want me to… pay you back?” dahan-dahang tanong ko.
Hell! I finally said it!
Sa una, hindi agad nakuha ni Law ang gusto kong tukuyin.
“Pay back? Hindi ako naniningil, Alya,” turan niya.
Mas lalo tuloy akong nahirapang mag-isip ng paraan kung paano ko ba ipaiintindi sa kanya ang ibig kong sabihin.
Ayaw kong diretsahin kasi sobrang nakakahiya! Baka isipin niya, gusto ko siya kahit ang totoo, gusto ko lang talagang ibalik ang tinulong niya sa akin. Ganoon ang hinihinging kapalit sa akin ni Theo kaya naisip kong baka ganoon din ang gusto niya.
“Not for your money. I mean… for your time?” patanong na tugon ko.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan!
Hell, Eve! You're humiliating yourself! Really!
Sandaling natahimik si Law. When I tried to look at him, I saw the light fades from his eyes until they were dark and empty. Napalunok ako dahil doon.
“You mean how you paid back your bastard ex?” He gritted teeth. Talagang pinagdiinan niya ang salitang 'bastard'.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil na-gets niya na rin ang tinutukoy ko o dapat akong matakot dahil mukhang hindi niya iyon ikinatuwa.
Wala akong naitugon sa sinambit niya. Sunod ko namang narinig ang pagbuga niya ng malalim na hininga. He seemed disappointed. I felt bad for that.
“I know we met in a not-so-quite-good situation but I’m not like your ex, Alya.” He smirked without humor. “I accompanied you today, not for that reason, okay?”
Still, despite his evident disappointment in me, he managed to stay calm.
“S-Sorry. I just thought—” paghingi ko na lang ng sorry na siyang hindi na niya pinatapos pa.
“Sa susunod na aalis ka o natatakot ka, ‘wag ka nang tumawag pa ng iba. Sasamahan kita. Nang walang kapalit.”
By that, I realized how wrong I was about my opinion of Law. Sa tuwing kasama ko siya, palagi niyang napatutunayang mali ako sa mga iniisip ko. Who would have thought that a guy like him could change the way I perceive everything?