Chapter 8

1979 Words
CHAPTER 8 Orphanage In just a span of time, Law and I became closer to each other. I never knew a guy and a girl could be purely platonic. Dahil sinabi niya na rin naman, talagang siya na ang tinatawagan ko kapag kailangan ko ng kasama. Nakakahiya na minsan pero hindi niya naman kahit kailan ipinaramdam sa akin na isa akong abala. Kaya naman kapag may kailangan din siyang puntahan, ginagawa ko ang lahat para masamahan din siya. Ngayon nga ay sumama ako sa pagpunta niya sa isang orphanage. Bago ang lahat, tumulong na rin kami noong nakaraan sa pagpa-pack ng mga regalong ibibigay sa mga bata. At ngayon na nga namin iyon ibibigay. Their private foundation chose to visit an orphanage in a remote area here in California. “Your family has been doing this for years?” tanong ko pa sa kanya habang tumutulong na kami sa paghilera ng mga dala naming regalo para sa mga bata. “Yeah. Especially in the Philippines,” kaswal sagot niya naman. “It’s the practice our family taught us. Lahat kaming mga pinsan ko, gumagawa ng ganito.” Namilog ang labi ko dahil doon. Good for them, they want to share their blessings to those who lack. Mayroon kasing ibang mayayaman na puro pagpapayaman lang ang gusto; hindi man lang maisip na tumulong kahit may kakayahan naman silang gawin 'yon. “Don’t you have work to do?” tanong namn sa akin ni Law bago niya binuhat ang panibagong box na naglalaman ng mga laruan. I watched him as he worked. Humapit sa braso niya ang manggas ng suot niyang shirt kung saan may nakasulat na Arquero Foundation, pangalan ng private foundation ng pamilya niya sa mother side. Pareho kami ng damit ngayon pati na sa iba pang volunteers. “I love this idea. Mamaya ko na lang tatapusin kailangan kong tapusing designs. Dala ko naman ang sketchpad ko.” Itinuon ko naman ang pansin ko sa mga bata sa harap namin. “You love kids, huh?” puna ni Law. I just smiled while gazing at the kids in front of us. “Kinda.” I have this huge maternal instinct whenever I see kids. Kahit noong maliit ang anak ng kuya ko na si Drayven, ako rin ang nag-aalaga sa tuwing pinapasyalan nila ako rito sa California kahit na kaunti lang ang agwat namin. I couldn't resist their cuteness. Idagdag pa ang karanasan ko noong maagang naulila sa mga magulang. Hindi ko maiwasang maimahe kung ano ang mga paghihirap ng mga bata rito sa ampunan gayong namulat sila nang walang mga magulang. There were different kids in this orphanage. There were Black Americans, White, and even Asians. Halatang-halata iyon sa mga itsura nila. Mayroong halos mga binata na. Mayroon ding sanggol palang at marami ang mga batang mukhang nasa edad isa hanggang tatlo. When we started to distribute the gifts, their smiles were priceless. Nakagagaan sa puso na makapagpasaya ng mga ganitong bata. Kung anu-ano pang pakulo ang ginawa namin para mapasaya sila. Nagbigay kami ng pagkain at nagpalaro din nang may mga premyo. It was heart melting to watch them have fun despite their bitter reality. Parang gusto ko na rin tuloy magtayo rin ng private foundation kapag naiahon ko na ang Cortez. I definitely will. “Pretty,” mahinang sambit sa akin ng isa sa mga batang lalaki. He was a black American kid. Sa itsura niya, mukhang dalawang taon palang siya at wala pang masyadong alam na ibang salita. Kahit ganoon, napangiti ako. “Thank you! So are you,” utas ko. Sunod-sunod na ang mga batang lumapit sa akin. Ang iba'y kumandong pa sa akin. I wholeheartedly entertained and talked to them. Sakto namang napadpad sa amin ang nagdo-document sa foundation kaya nagkaroon ako ng litrato kasama ang mga bata. Then Law walked towards us. Narinig niya siguro ang tawanan ng mga bata kaya nakiusyoso siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit, may isang bata na ang nagtago sa likuran ko. “M-Mama…” Natawag pa ako nitong mama. Nangunot ang noo ni Law at sa huli'y tumigil siya sa paglapit. “Takot sa ‘yo ‘yong bata,” natatawang asar ko sa kanya. Siguro ay natakot dahil sa peklat niyang mukhang pang-bad guys. “Am I that creepy looking?” tanong niya sa akin na medyo nangingisi rin, parang sinasabing wala naman siyang ginagawang masama. Tinawanan ko ulit siya bago sinigurado ang batang natakot. “You don’t have to be scared. He’s harmless,” marahang sambit ko sa bata bago nilingon si Law at sinenyasan siyang ngumiti. Ngumiti naman siya kaagad. “See? Harmless.” Law squatted in front of us. “Come here, baby,” turan niya habang nakatingin sa batang nagtago sa likuran ko. “Not you, Alya.” Huh?! Of course, I know that! Sa pagkawindang ko sa idinugtong niya, mabilis nag-init ang pisngi ko sa hiya. Naghurumentado ang puso ko. Buti na lang din at walang malapit na ibang volunteer sa amin ngayon! Ang kalat nito ni Law e! Sinamaan ko tuloy siya ng tingin at inilingan. Humalakhak naman siya sa natatarantang reaksyon ko. Hell! He then patiently waited for the kid to trust him. It took a couple of minutes before the child walked toward him. Doon niya na kinarga ang bata. “Me too! Me too!” ani pa ng iba bago siya dinumog din ng mga bata. He laughed as he instantly became the children's favorite. Dalawa ang kinarga niyang bata. Nakaya niya iyon nang walang kahirap-hirap. He's a total package, I must say. Tall, handsome, wealthy, sporty, insightful, and now he also has a soft spot for kids. Masuwerte ang babaeng seseryosohin niya kapag nagkataon. Natatandaan ko noon kung gaano kaayaw ni Theo sa mga bata. “Why do you have to bring that kid?" iritableng tanong niya noon sa akin nang minsan kong isama ang pamangkin kong si Drayven sa date namin. Ate Monic, Kuya Drake's wife had something to do at that time and my brother was busy. I didn't want to leave Drayven alone in our house so I brought him with me. Medyo sakitin kasi ang pamangkin kong 'yon kaya hindi rin talaga p'wedeng iwan mag-isa. May yaya siya pero mas masisiguro kong ligtas siya kung ako ang kasama kaya ganoon ang ginawa ko. "Don't worry. He'll behave. I can assure you," sambit ko noon habang inaakbayan ang tahimik kong pamangkin. "Still! My friends might think I'm in a relationship with a single mother." Umirap pa noon si Theo. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya lalo na't sa harapan pa ni Drayve pero pinalampas ko na lang. That whole date, he kept on ranting about my nephew. Iyon ang dahilan kung paano ko nalamang hindi mahilig sa bata si Theo. Pinilig ko na lang ang ulo ko at muling ibinalik ang atensyon kina Law. Seeing him laughing with kids was such a precious moment. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maglabas ng phone para kuhanan sila ng video at pictures. “You’re cute,” nakangiting sabi ko. “Let me take a picture of you.” Hindi naman na siya tumutol at kaagad humarap sa direksyon ko. Ngumiti pa siya kaya naman sumilay ang kanyang dimple. I love how God created this man. He's filled with ironies. Sa pangalan man, sa itsura, maski sa edad. Law spent his time bonding with the kids. Nang magkaroon naman ako ng libreng oras, nag-sketch na muna ako ng mga panibagong disenyong damit. Hapon kami umalis sa orphanage pero inabot na kami ng gabi sa daan. Nasa remote area kasi ang orphanage na iyon kaya medyo mahaba-haba ang biyahe pauwi. Buti na lang din at sports car ang dala ni Law. Though, medyo nakakahiya lang kasi galing kaming orphanage tapos ang kotse ni Law ay pulang Ferrari F8 Tributo kaso sabi ng "driver" ko, ayon na raw ang pinaka-pormal na sasakyan na madadala niya. Yaman talaga. "Himala't hindi ka natatakot ngayon na mabilis akong magpatakbo?" natatawang puna ni Law habang nasa gitna kami ng mahabang daanan at halos ni wala kaming nakasasalubong na ibang sasakyan. "This is not a motor so…" I shrugged. Sa motor lang talaga ako pinaka natatakot. Lalo na sa pag-banking kapag paliko. Pakiramdam ko, anumang oras, p'wedeng makasalpok ng ibang sasakyan ang mga motor. Napangisi na lang si Law sa dahilan ko. After that, he turned on the stereo and a pop-rock song played. It was kinda cool. I couldn't help but bop my head to the song. Hey we're taking on the world I'll take you where you wanna go Pick you up if you fall to pieces Let me be the one to save you That moment became more memorable when Law took the top of his car off. Sunod na sumabog ang buhok ko nang maramdaman ang malamig na hangin nang bumaba ang bubong ng kotse niya. Napapikit na lang ako at dinama ang halik ng malamig na hangin. Itinaas ko pa talaga ang kamay ko. Break the plans we had before Let's be unpredictable Pick you up if you fall to pieces Let me be the one to save you Suddenly, as I was enjoying the moment, I heard the sky roar. When I opened my eyes, I saw a brilliant flame of fire appear in the dark blue sky, making a lovely curving path and dragging dazzling light rays. The stars that were supposed to be visible in the night sky seemed slaughtered by the thick clouds and endless majesty of lightning. For the first time in a long time, I was able to stare at my favorite thing in this world without feeling any fear, just pure ecstasy. Without feeling alone, especially now that I am with someone. Kahit mangalay ako, talagang tumingala lang ako sa langit. Hindi rin naman nagtagal, tuluyan nang bumuhos ang ulan. Wala tuloy kaming nagawa ni Law kung 'di ibalik ulit ang bubong ng kotse niya. "I guess that's all for today. See you tomorrow," paalam sa akin ni Law nang makarating kami sa parking lot ng condo namin ng kaibigan ko. I smiled at him as I nodded. "Thank you. Ingat ka sa daan,” pasalamat ko gamit ang mahinang boses. "You sure you're okay?" Kumunot ang noo niya, bahagyang ngumuso. "Nasa condo niyo na ba ang kaibigan mo? Kumikidlat, Alya." I'm not sure if he's just being concerned or he's meaning to tell me something. Nakakaloko kasi ang pagnguso niyang tila nagpipigil ng ngiti. For some reason, I wanted to smile too. Pinigilan ko lang din. Hell! Nababaliw na 'ko! "I'm sure she's home. Late na rin e," sambit ko na lang. "Alright." He sounded a little bit disappointed. "Why did you sound disappointed, Zryan?" Hindi ko na napigilang mapatanong. "What are you talking about, Alya?" Nagmaang-maangan pa talaga siya at umaktong walang ideya sa sinasabi ko. Napailing na lang ako kahit tuluyan nang napangiti. Ang puso ko'y parang lumulutang sa saya kahit simpleng usapan lang naman ang ginagawa namin ni Law. "Call me if there's a problem," seryosong utas na ni Law na siyang tinanguan ko. Hanggang sa pag-akyat ko sa unit namin, hindi mawala-wala ang ngiti ko. Hinayaan ko ns lang tutal ay wala namang makakikita sa akin. I didn't know what was wrong with me. I never felt this kind of feeling for someone. Not even for Theo. So, I clearly have no idea. Natigilan ako sa pagngiti nang pagpasok ko sa loob, walang ingay ang TV na siyang himala kapag nandito si Rhea sa condo. I wrinkled my forehead before I checked my phone. Doon ko lang napansin ang message ni Rhea sa akin na kanina pa pala. Rhea: Sorry, Eve! Can't go home tonight. I'm staying at Tim's. For some reasons, instead of being anxious, it even made me smile. Isang bagay kaagad ang naisip kong gawin: ang tawagan si Law.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD