CHAPTER 10
Someday
One of the most difficult yet interesting things someone will ever take on is defining love.
For various people, the concept of love might signify many different things. Love could be viewed as something as straightforward as an act performed in the aid of a person or a cause. For some, true love only occurs between family members or between humans and divinity and is completely unconditional.
Love can be exclusively romantic or even purely s****l for some people. Others believe that love is dynamic, constantly changing, and felt for everyone and everything.
But one thing’s for sure: love is the most potent thing in this world.
I felt like I traveled back to my teen days as I recalled what happened last night between me and Law. Kahit ilang beses ko pa rin talagang paulit-ulitin, hindi ko mapigilang kiligin.
Hell! He’s driving me crazy!
It's hard to put into words the excitement that abounds in my heart. Kasasabi ko lang na gusto kong platonic lang ang mayroon sa amin ni Law pero sa inakto ko kagabi, parang higit pa roon ang gusto ko. Contradicting b***h!
Maagang umalis si Law kinaumagahan. Magbibihis lang daw siya tapos sasamahan niya na akong magpatingin sa therapist gaya ng sinabi niya kagabi. The whole night, we really didn’t do the deed. All night, we cuddled instead. It compromised my expectation that didn’t happen.
Ngayon, kahit kanina pa umalis si Law ay hindi pa rin tumigil sa panggagambala sa akin ang mga paruparo ko sa tiyan. I keep getting butterflies every time I recall everything that happened last night.
Niyakap ko na lang nang mahigpit ang unang ginamit ni Law. Maski roon, dumikit na ang nakaaadik na amoy niya. It made me miss him already.
“Hell!” I think I’m going crazy!
I knew it’s wrong to feel this way to someone way younger than you but—hell! Hindi ko na rin makontrol ang sarili ko!
Idagdag pa ang mga sinasabi ni Law sa akin. Who would say such things to someone you don’t like? No one! Unless, he’s an ultimate playboy! Tinanong ko rin naman siya kagabi kung talagang ganoon na ang mga linyahan niya sa ibang babae pero ang sabi niya lang…
“Believe me or not, I never said that to someone before. Sa ‘yo lang. Sa ‘yo lang naman ako nagkaganito e.”
Now, should I believe him?
Natigilan ako sa pag-o-overthink nang marinig na may pumasok sa condo namin. Talagang napabangon ako at nagmadaling tingnan kung sino ang dumating habang umaasang si Law na ‘yon.
“Law?” tanong ko pa. To my disappointment, it was just my best friend.
“Eve,” bati ni Rhea sa akin, hindi niya namalayang iba ang natawag ko sa kanya. “Sorry, girl, about last night! Talagang malakas lang ang ulan kagabi at masarap magpainit.”
Talagang pinatalon-talon pa ni Rhea ang mga kilay niya para mas maintindihan ko kung anong pagpapainit ang ginawa niya kagabi.
Oh, Rhea. If you only know…
“So, how did you survive the night?” pagkumusta sa akin ng kaibigan ko.
Isang tanong niya palang, parang gusto ko nang mangiti.
Hell! Malala na talaga ‘to! Hindi naman ako naging ganito kay Theo e!
Kaso kahit gaano ko pa yata galingang magpigil ng ngiti, mukhang kilalang-kilala na ako ng best friend ko. Wala pa man akong sinasagot, may hula na agad siya.
“Don’t tell me you call Theo again?!” hinala niya na marahan ko lang inilingan.
“Nope.”
Nangunot naman ang noo niya nang hindi pa rin maalis ang multo ng ngiti sa labi ko.
“Then why are you smiling like an idiot? As if nagpainit ka rin kagabi?”
“Oh come on!” Hell! I can’t with her naughty guesses!
But, actually, I did. We did.
Sa huli ay nagkibitbalikat na lang ako. Sunod ko namang naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa isang message. Mabilis ko iyong binasa nang kinakabahan.
Law:
You ready? Am on my way.
My lips automatically arched as I read Law’s message as if it’s my default when it comes to him. Ang kaibigan ko, mas lalong naghinala.
“Hoy! Don’t tell me you have a new guy?! This is big news! My best friend has someone new!” OA na sigaw ni Rhea, kulang na lang ay lumabas siya at magsisisigaw sa hallway ng floor ng condo namin.
Tuluyan na nga akong natawa.
“And why are you smiling? Who texted?!” pakikiusyoso niya ulit at nagmamadaling lumapit sa akin.
“No one—hey!” hiyaw ko nang agawin niya ang cellphone ko sa aking kamay.
Wala na nga akong nagawa nang tuluyan niyang mabasa ang message na nginitian ko/
“Law, huh? And he’s on his way?! Let me meet him!”
In the end, I sighed. Hindi na lang ako tumutol pa dahil alam kong magpupumilit din naman siya.
I focused on showering and getting ready for our agenda for today. Napili kong suotin ang isang itim na biker shorts at itim din na spaghetti-strapped na top. Pinatungan ko ang pang-itaas ko ng isang puting long sleeve polo na hindi ko ibinutones. Bagkus, ini-ribbon ko ang laylayan noon.
Regarding my hair, I put it in a middle-parted sleek hairstyle like I always do. Plinantsa ko lang din ang nakalugay kong buhok sa likod para mas maayos tingnan ang sarili ko.
I also put on natural-looking makeup. To finish my look, I wore gold accessories such as gold hoop earrings and a gold chain necklace.
“Ayos na ayos?” asar pa sa akin ni Rhea.
“Stop. And don’t you tease me in front of him later, okay? I don't want him to think na kinikilig ako sa presensya niya,” sita ko sa kaibigan ko.
“Oh my god! My best friend is playing hard-to-get! There’s a storm coming!”
Gaya ng kanina, umakto na naman siyang sumisigaw sa kung sino. Baliw talaga.
Natawa na lang ako dahil sa lakas ng trip niya.
Then my phone vibrated for another message. When I saw it was from Law, my heart started to pound harsher.
Law:
I’m here.
Pagkabasa ko palang ng message ni Law, kaagad nang may nag-doorbell sa unit namin ni Rhea.
“He’s here!” Alam na alam kaagad ni Rhea na si Law ang dumating. Nauna pa nga siya sa pintuan, mukhang gustong-gusto niya nang makita kung sino ang lalaking ikinangingiti ko.
“Wait!”
I tried to stop her but she acted like she didn't hear me. Siya na talaga ang nagbukas ng pinto para kay Law.
“Ow.”
Nawala sandali ang pagkaligalig ng kaibigan ko nang tuluyan niyang makaharap si Law. Nang makita ko naman ang ayos nito, hindi na ako nagtaka kung bakit natameme ang kaibigan ko.
Law was wearing a simple black shirt and black jeans yet his charisma was overflowing. Idagdag pa ang isang kamay niyang nakapasok sa isa niyang bulsa.
When our eyes met, the butterflies in my stomach betrayed me again. Napalunok ako bago binigyan si Law ng tipid na ngiti.
Matapos naman ng ilang sandaling pagkatahimik ng kaibigan ko, muling umingay ang bunganga niya.
“You must be the reason why my best friend is smiling like a psycho—” paglalaglag niya sa akin na natataranta kong pinigil.
“Rhea!”
I can't believe this girl!
Kaagad kong tinakpan ang bibig niya parang hindi na niya matapos pa ang sasabihin.
“D-Don’t mind her,” tuon ko naman kay Law at kinakabahan pang pilit na tumawa.
But his mind focused on what my friend spilled.
“She is?” nangingiting tanong ni Law sa kaibigan kong hindi makapagsalita. Mukhang interesado rin siya sa binubunyag ni Rhea.
Tumango-tango na lang ang hawak ko. Mas lalo naman akong nahiya.
Hell! Nagtulungan pa talaga 'tong dalawa!
My cheeks were so hot from blushing. Parang gusto ko na lang tuloy manatili rito sa condo at iwasan si Law nang isang buong araw dahil sa kahihiyan.
Law licked his lower lip, trying to hide his smirk. Napaiwas na lang ako ng tingin at pinakawalan ang bibig ng madaldal kong kaibigan.
“I’m Law. You must be Rhea?” pakilala ni Law sa kaibigan ko.
“Yes. The one and only best friend of this gal.” Inakbayan pa ako ni Rhea bago niya ako tinulak palapit kay Law.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Pinatalon-talon niya naman ang kanyang mga kilay bilang tugon.
“Alright. Enjoy your date, lame asses pips,” panglalait pa sa amin ng kaibigan ko bago niya kami pinagsaraduhan ng pinto. Malamang ay gusto niyang mas humaba ang oras naming dalawa ni Law.
Tuluyan na nga kaming umalis ni Law. Akala ko nga ay hindi na niya ibabalik ang usapan tungkol sa sinabi ni Rhea pero pagkapasok namin sa dala niyang kotse, tungkol doon agad ang itinanong niya.
“So, be honest with me, Alya. Why were you smiling according to your friend?” he asked while protruding his lips, trying not to smile.
Muli namang nagbalik ang pag-init ng pisngi ko.
“I wasn’t!” mabilis ko agad na pagsisinungaling.
He just arched his brow with a hint of mischievousness on his handsome face.
“Mmkay?” Mukhang hindi siya kumbinsido sa isinagot ko.
Sunod ko namang napamilyaran ang linya niyang ‘yon. Ganoong paraan ko kasi nasagot ang tanong niya kahapon dahil masyado akong tuliro sa mga halik niya.
He’s teasing me!
“Stop!” saway ko tuloy kay Law. Parang gusto ko na lang takpan ang buong mukha ko dahil paniguradong pulang-pula na ito.
He chuckled. At last, he started driving; his left hand maneuvering the steering wheel and his right hand resting on my lap. It kept my heart melting but I acted like it was nothing.
Nang tuluyan kaming makarating sa nakaplano naming puntahan, sumibol ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
Somehow, I couldn’t help but be nervous about figuring out what my real condition is. At the same time, I am hoping to finally untangle myself from my fear of being alone; I am excited to be as strong and independent as other people.
Pagkarating namin, pina-fill out muna ako ng mga kung anu-ano kabilang na sa mga sintomas na nararamdaman ko. Pagkatapos, sandali lang kaming naghintay ni Law sa waiting room bago ako tuluyang tinawag.
“I’ll wait you here,” ani Law at pinatakan pa ako ng halik sa noo bago ako pinakawalan.
With that move of him, my fears faded away in an instant. I couldn’t help but wonder… what we really are.
Obviously, we are not f**k buddies because we only f****d once. I am still not certain about what I feel for him but I am sure he’s the only one who made me feel this way. Siya rin naman, hindi pa nililinaw kung ano na nga ba ang tingin niya sa akin. Ang tanging binibigay niya lang ay pahiwatig, mga pahiwatig na alam kong hindi ko p’wedeng pagbasehan nang husto.
Siguro, hindi ko na muna iisipin hangga’t hindi pa namin tuluyang pinag-uusapan. Basta’t kuntento ako sa kung ano’ng mayroon kami ngayon.
Tinanguan ko na lang siya na tila isang masunuring bata bago tuluyang pumasok sa loob ng silid kung saan ko makakausap ang therapist ko.
When I entered the room, I met Dr. Gerry, the therapist who was assigned to me. Sa una, tinanong niya muna ang ilang impormasyon tungkol sa akin. Sintomas na nararanasan ko at maski mga nakaraan ko. Kinuwento ko naman sa kanya lahat.
Ganoon daw talaga sa first therapy session. Aalamin muna nila kung ano ang mayroon ako at sa susunod na session pa talaga magsisimula ang paggamot sa akin, kung sakaling may sakit nga ako.
Then she made me undergo different tests to know my state. Sa umpisa lang pala nakakakaba. Mabait naman kasi si Dr. Gerrry.
After almost an hour, we were done. Pagkalabas ko ng silid, napatayo agad si Law at kaagad akong dinaluhan.
I noticed how he checked on me. Nginitian ko naman siya para ipakitang ayos lang ako.
“You alright?” nag-aalalang tanong niya pa sa akin.
Tinanguan ko naman siya.
“How was it?” pahabol na tanong niya pa, kuryoso sa kung ano ang nangyari sa first session ko.
“Wala pang final na diagnosis pero hinala ni Dr. Gerry, mayro’n akong autophobia,” balita ko naman sa kanya nang walang pag-aalinlangan.
“Autophobia?”
“Fear of being alone. And in my case, it’s getting triggered by the lightning strikes.”
Nagtagal ang titig niya sa akin. Alam kong nag-aalala siya. Taliwas naman iyon sa naisip ko.
Ngayong mayroon akong hinuha na may ganoon pala ako, parang mas lalo akong nagkaroon ng pag-asang makaalis sa takot ko.
I believe that in order to get out of a problem, you must figure out the problem first. With that, you will know how to deal with it.
“You’ll be okay.” He assured me.
“Thank you, Law.”
I knew it a simple “thank you” is not enough for everything he did for me but I couldn’t find the right words to say. Hiniling ko na lang kung gaano ko talaga mine-mean ang simpleng mga salitang iyon.
“No worries.”
He gave me a new and better perspective on things. He is like the lightning that breaks through the seemingly dark abyss of my life.
Matapos naming magpakonsulta sa therapist, lumabas kami para kumain at mamasyal. Fortunately, I brought my sketchpad. May mga nakaipit doong damit na iginuhit ko at ginupit ko ang gitna. Ganoon ang ginagawa ko minsan kapag gusto kong maghanap ng mga panibagong pattern na gagamitin sa mga bago kong tatahiing damit.
“You really want to be a designer someday?” tanong ni Law habang tinitingnan ang iba sa mga iginuhit kong damit. Natawa naman ako dahil doon.
We had our lunch at Midtown here in Sacramento. Kahit tanghali, hindi maaraw dahil makulimlim. Kumikidlat pa nga. Buti’t hindi tumatama sa kung saan.
“I am a designer. Have you forgotten our age gap?” biro ko. “But I do have another dream in life. Gusto kong ibangon ulit ang luxury fashion house ni Mommy; ang Cortez.”
Tumingala ako sa nangangalit na langit at itinapat doon ang ginuhit kong damit na may binutasan ko.
“I’m sure you can do it,” ani naman ni Law dahilan para mapalingon ako sa kanya.
“You think so?” natutuwang paninigurado ko.
It was such a big deal to hear him say such a thing. Nakakalakas ng loob.
Proud naman siyang tinanguan ako.
I brought back my eyes to the sketch I directed upward. Saktong pagtingin ko, may dumaang kulay asul na kidlat. Sumakto iyon sa mga butas ng damit na siyang nakagawa ng magandang pattern na bumagay sa disenyo ko.
Muli tuloy akong napangiti nang malawak.
Someday, I’ll create a line for Cortez about lightning. Someday…