CHAPTER 11
Tattoo
"You sure you wanna do this?" tanong sa akin ni Law nang tuluyan niyang inihinto ang sasakyan niya sa may hilera ng tattoo shops.
"What's with that tone, Law? Isn't this your idea?" natatawang tugon ko sa kanya.
Nagsabi kasi siya sa akin kagabi na magpapasama siya sa akin na magpa-tattoo pagkatapos niya akong samahan sa second therapy session ko. Now that we’re finally at the tattoo shops, I suddenly want one too.
Katatapos lang ng second session ko kay Dr. Gerry at nakumpirma niya na nga na may autophobia ako. Sinailalim niya ako sa ilang tests at niresetahan din ng p’wedeng inumin pampakalma kung sakaling atakihin ako ng phobia ko.
I feel like getting a tattoo will inspire me to be better quickly. Minimalist lang sana at ipata-tattoo ko sa may kanang collarbone ko.
"Yes, it is. For myself," paglilinaw niya. Mas lumawak pa ang ngisi ko.
He thinks I am being impulsive. Well. I am but I don't care.
"It's fine. Maliit lang ang ipapa-tattoo ko. I won't regret it," pagkumbinsi ko pa lalo sa kanya.
In the end, he sighed. Wala rin siyang nagawa.
Tuluyan na nga kaming lumabas ng kotse niya at pumasok sa pinakamalapit na tattoo shop.
I was wearing a wide smile before we went inside a tattoo shop until I saw the artist.
Oh hell. Wrong shop.
Aabante na sana ako at yayayain na lang maghanap ng ibang shop kaso ay nakilala na ako ng tattoo artist.
“Hey, Eve! Long time no see!” bati sa akin ni Lloyd. It made me nervous for some reason.
Sa huli, wala rin tuloy akong nagawa kung 'di batiin siya para hindi magmukhang suplada.
“Lloyd.” I faked a smile.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kasama ko, nakakunot na ang kanyang noo.
“You know him?” kuryosong tanong ni Law sa akin.
Mabagal akong tumango.
I've known Lloyd for a couple of years. He's a close friend of Theo.
He was full of tattoos all over his body. His hair was in a mohawks hairstyle bleached with red. May mga piercing din siya sa mukha at maski sa kanyang dila.
“Oh. It’s shocking that you’re with someone else and not with Theo,” Lloyd brought up what I already expected.
Wala pang ilang segundo, nakinita ko na ang iritasyon sa mga mata ni Law.
“Haven’t you heard of the phrase ‘people change’, bra?” Sarcasm was evident in his tone.
Nang makita ko pang kumuyom ang kamao niya, hinawakan ko na ang braso niya para umawat.
“Law…” I called his attention. When he glanced at me, I shook my head.
“Woah, easy, dude.” Tumawa naman ang kaibigan ni Theo, mukhang nang-aasar pa.
“Let’s just find another tattoo artist,” pagdedesisyon ko. “S-Sorry, Lloyd.”
Bago pa magkagulo, hinatak ko na lang tuloy si Law palabas ng shop ni Lloyd.
Law's irritation didn't fade away instantly.
“Why do you have to say sorry to that motherfucker?” naiiritang aniya pa pagkalabas namin ng shop.
“I don’t wanna be rude. Kahit papaano, kakilala ko rin naman ‘yong si Lloyd,” dahilan ko naman.
He clenched his teeth. He gazed at me for a moment using his darkened amber eyes.
Hinatak ko na lang tuloy siya sa sunod na tattoo shop. Doon na nga kami nagpa-tattoo nang sabay.
Wala akong ideya sa balak na ipa-tattoo ni Law. Ganoon din naman siya sa akin.
I requested a minimalist lightning bolt tattoo on my right collarbone. Kahit pala medyo maliit lang 'yon, medyo may sakit pa rin lalo na't malapit lang sa buto.
To my surprise, Law tattooed almost the same thing. He was wearing a plain black muscle tank top, revealing his biceps so I immediately saw his cool tattoo on the upper part of his left arm.
Talagang napaawang ang labi ko dahil sa angas ng tattoo niya.
It was a lightning strike that looked so real. Every root of it was detailed. Kaya rin siguro nagtagal ang tattoo artist sa pagta-tattoo sa kanya. Medyo may kaunting pula pa rin ang braso niya dahil bago pa lang ang tattoo pero sigurado akong mawawala rin iyon.
“What can you say?” nangingiting tanong niya. Halata sa itsura niyang gustong-gusto niya rin ang tattoo niya.
“Dope.” I proudly said.
“Do you like it?”
Tinanguan ko iyon habang nangingiti.
"How about yours?" Nang tanungin niya ang akin, parang nahiya ako.
"I'll show it to you. Someday," pagdadahilan ko na lang tuloy.
His eyebrow rose.
"Someday? That sounds like a long time," biro niya.
"Alright. Soon," pagtawad ko tuloy.
Nagtawanan kami sa kalokohan namin bago kami bumalik ng kotse niya para umuwi na.
As we walked back to his car, my phone vibrated because of a message. Akala ko si Rhea lang. Kaso ay napalis ang ngiti sa labi ko nang makita at mabasa kung sino ang nag-text.
Theo:
I’ve heard you’re with a new guy. Is that the same guy from your old campus?
My heart was frozen with fear. Mukhang nakarating kaagad sa kanya ang balita. Hindi na ako magtataka kung si Lloyd ang nagsabi.
I have always been harsh on myself for not building enough barriers to keep out those who take me for granted. But ever since I met Law, I realized a lot of things like… no matter how impossible it may seem, someone will come into your life and will treat you better than anyone else did.
Later that day, I found myself praying to rain. Ewan ko. Nababaliw na talaga ako. Pero gusto kong umulan para may maidahilan ako kapag tinawagan ko si Law. Sakto kasing wala ulit si Rhea kaya mag-isa lang ako sa condo.
To my surprise, the rain actually poured. God knew how happy I was when I heard the rain started falling. Una kong naisip ay tawagan agad si Law.
But when I was about to call him, our smart doorbell rang. Kaagad akong napangiti, hindi pa man ako sigurado kung sino ang tao sa labas. Una kong hinala ay si Law.
Mukhang handang-handa siya, huh? Kabubuhos palang ng ulan, nandito na agad sa condo.
Without looking at the peephole, I wholeheartedly opened our unit’s door, just to be surprised that it was not Law who rang the bell.
Kaagad naglaho ang ngiti ko sa aking labi at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Theo pala ang dumating.
What the…
He was soaking wet because of the rain. It was as if he ran on his way to my unit without an umbrella. When he smiled at me, I got goosebumps.
“T-Theo?” I nervously called his name. “What are you doing here?”
I’ve read his text but I never expected to see him tonight! Hindi na nga ako nag-reply sa message niya kanina e!
Ano’ng pinunta niya rito? Makikipagbalikan na naman ba siya? Sawa na siyang tumikim ng iba-ibang babae?
“It’s raining. Just thought you need a buddy for tonight,” aniya gamit ang hindi tuwid na boses; mukhang nakainom siya. “Miss you, babe—”
When he was about to kiss me, I immediately stepped back in terror.
What the hell?!
“S-Stay away,” kabadong utos ko sa kanya.
Kita ang gulat niya sa inakto ko. Sandali lang iyon. Matapos ang ilang segundo, napangisi siya nang walang halong tuwa.
“Woah. This is new. You’re planting grudges now, Eve?” he asked sarcastically when he noticed I was avoiding him.
Imbes na sagutin ang tanong niya, tinuro ko na lang ulit ang pinto.
“I think you’re drunk. Go home, Theo.” I tried to be as polite as possible. Still, he found my actions rude.
“Wait a minute. Hindi ko alam na ganito ka na pala kawalang modo? Basta-basta mo na lang ako ipagtatabuyan? Mag-usap muna tayo. Ayusin natin ang relasyon natin.” Bumakas ang iritasyon sa tono niya.
His words stung. Hindi ako sanay masabihan ng mga ganoong salita kaya na-guilty ako.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” tanong ko na lang tuloy. Pilit kong pinigilang maglakas ng boses sa frustration.
Gusto ko na lang siyang iwan akong mag-isa! Bakit ba kasi siya nandito?
“I want to say sorry. For being an ass,” sambit niya. Buti alam mo. “Hindi ko sinasadyang makipaghiwalay sa ‘yo noon.”
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa huli niyang sinabi.
Huh? So, what is he trying to say? Na aksidente niya akong nai-message na ayaw niya na?
“Yes, I’m stupid, Theo, but your expectation of me is worse than I actually am. Tingin mo, maniniwala ako sa mga sinasabi mo?” Sa huli, tuluyan nang tumaas ang boses ko.
Does he think I am that gullible to believe him?
“For real, babe. Pinagsisisihan kong pinakawalan kita noon. I’m sorry. I’m so so sorry!” pagmamakaawa niya pa sa akin. “If you only know how I couldn’t sleep at night, regretting my decisions before.”
Wow. Talaga lang, huh?
To make his sorry more convincing, he even held my hand. Kaagad ko namang inilayo ang kamay ko sa kanya.
“Don’t touch me,” turan ko na may halong pandidiri. “Go home, Theo. Wala ka nang maloloko rito.”
A minute of silence passed. At last, I saw how his jaw moved when he gritted his teeth. Tuluyan nang napigtas ang maigsing pasensiya niya.
Muli akong nakaramdam ng takot at kaba. Mabilis akong tinakasan ng lakas ng loob ko kanina.
“You aren’t like this before. You’ve changed.” Nagbago ang tono ni Theo. Naging nakatatakot ito. “May bago ka na, ‘no?”
Nanatili akong tahimik.
“‘Yong kasama mo bang magpa-tattoo sana kay Lloyd? ‘Yong varsity player sa dati mong school? Varsity player sa isang high school?! Really? You’re into younger guys now? Answer me, Eve!”
I closed my eyes tightly when he shouted at my face. Napasinghap pa ako dahil sa gulat.
Parang gusto kong maiyak sa takot. Nangilid ang mga luha ko habang ang kamay ko’y nagsimulang manginig.
“Why can’t you respond? Tama ako, ‘no? Hindi na ako magtataka kung matagal mo na palang kilala ‘yon. Hinintay mo lang na ako mismo ang makipaghiwalay sa ‘yo.”
“W-What are you talking about?!” Sa dami ng mga binatong paratang sa akin ni Theo, iyon lang ang nasabi ko.
"Don't tell me that's one of your flings? That child? Gross, huh? Such a cougar."
I was sinking into the deep sea of her tears. The words I wanted to say were strangled in my throat. Ang tanging nagawa ko ay tingnan si Theo gamit ang matalim kong tingin. Alam ko kasing kapag nagsalita pa ako, baka tuluyang bumuhos ang mga luha ko ngayon din.
Kaya bihira lang din talaga akong makipag-away sa kahit na kanino. Madalas kasi, naiiyak na lang ako sa sobrang galit.
Our attention went to the phone I was holding when it started ringing. To my surprise, it was Law who’s calling.
Hindi ko alam na pinagmamasdan pala ni Theo ang reaksyon ko. Nang siguro’y mapansin niya ang gulat ko sa tumatawag, naghinala na agad siya.
“Speaking of the devil,” aniya ba naman at mabilis na hinablot ang cellphone ko.
“Hey! Give my phone back!” Sinubukan kong agawin pabalik pero mas matangkad siya sa akin. Hindi ko maabot nang itinaas niya sa ere ang cellphone ko at binasa ang pangalan ng tumatawag.
“So, his name is Law?” He smirked devilishly before he proceeded to throw my phone on the floor.
Napasinghap ako dahil sa ginawa niya at napatakip ng bibig. Sa labas ng pagkakabato niya sa cellphone ko, nag-crack ang screen nito at namatay.
Oh hell no!
“What have you done?!” Naiiyak kong dinaluhan ang cellphone ko. Ayaw na nitong magbukas.
Sira na talaga ang ulo niya!
Theo was breathing fast as if he was that furious at me. Tuluyan namang dumausdos ang luha ko. I picked up my phone and tried to turn it on but it would.
“Didn't know you can stoop that low. f*****g with someone way younger than you?” pagpapatuloy niya sa pagsasabi ng masasakit na salita sa akin.
Tumayo ako ulit at sandaling tinitigan si Theo nang masama bago lumapat ang palad ko sa kanyang pisngi.
It was so hard even my palm hurt. Sobrang napuyos lang ako sa galit. Ni hindi ko kailanman naisip na masasampal ko si Theo pero hindi ako nagsisisi.
“Leave!” sigaw ko pa habang patuloy na tumutulo ang mga luha.
For the nth time, he clenched his teeth before he left me silently. Pagkalabas na pagkalabas niya ng unit namin, doon na ako humagulhol.