Chapter 12

1702 Words
CHAPTER 12 Avoid After that talk with Theo, I spent the rest of my night crying. Ni hindi ko na nga naintinding mag-isa lang ako sa gabi habang kumukulog at bumubuhos ang ulan. Even in my sleep, his painful words haunted me. Hindi iyon naalis sa isip ko at paulit-ulit ko pang naririnig. Parang iyon ang muling sumampal sa akin ng katotohanang pilit kong tinatakasan. "Don't tell me that's one of your flings? That child? Gross, huh? Such a cougar." “Didn't know you can stoop that low. f*****g with someone way younger than you?” Gross. Cougar. Low. Sa lahat ng paratang sa akin kagabi ni Theo, sa mga salitang iyon ako pinaka natamaan. I suddenly rethought my plans and decisions. First thing in the morning when I woke up, I went to a mall to buy a new phone. Kahit anong tap ko kasi sa cellphone kong hinagis ni Theo, hindi na ito nag-open pa. Iyon na rin ang ginamit ko para maiba ang isip ko kahit sandali sa mga nangyari. I was starting to think of a way to start avoiding Law when I went home and saw him waiting for me in our condo. Talagang nawindang ako nang siya ang bumungad sa akin pagpasok ko. What is he doing here?! “There she is. Eve! May bisita ka," balita ni Rhea sa akin na nakauwi na rin pala. Kaagad din namang nawala ang mapang-asar na tingin ng kaibigan ko sa akin nang mapansin siguro niya ang kakaibang reaksyon ko. Her smile faded as she turned silent. Napaiwas naman ako ng tingin. Mukhang hindi lang si Rhea ang nakapansin noon. Maski si Law. “Are you alright?” tanong sa akin ni Law at mabilis na tumayo sa inuupuan nang lampasan ko siya. “Your phone was out of reach yesterday.” I continued walking to my room without answering him. Sumunod naman siya sa akin. I know he doesn't deserve this treatment from me but… I just can't think of a better idea for him to avoid me. Hindi tamang naglalalapit ako sa gaya niya at ganoon din naman siya sa akin. "Rhea also told me she wasn't home last night. Umuulan at kumukulog. Dapat tinawagan mo 'ko para nasamahan kita rito," pagpapatuloy niya pa sa pagsasalita. He sounded so worried. It made me feel guilty even more. Still, I stood on my principles this time. “Why are you here?” malamig na tanong ko sa kanya. “Dapat pumasok ka sa school ngayon, ‘di ba?” “I was worried about you last night so I came here to check on you,” sagot niya naman. “I’m fine. I took the meds Dr. Gerry prescribed and it was effective.” He didn't seem convinced with my answer. Sunod niya namang pinagtuunan ng pansin ang dala-dala kong paperback ng bago kong biling cellphone. “You bought a new phone?” Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Nasira phone ko kagabi. Nabagsak," tipid na pagdadahilan ko na lang. “Kaya ba hindi kita matawagan kagabi?” I nodded. I couldn’t look straight into his eyes. Pakiramdam ko kasi, kapag masyado akong nakipagtitigan sa kanya, malalaman niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko ngayon. “You should go to school. Mag-aral ka nang mabuti,” payo ko na lang habang nagbi-busy-busy-han. To my surprise, he stood beside me and placed his hand on my lower back. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa epekto ng simpleng haplos niya. A great pang gripped my heart. “Did I upset you?” malambing pang tanong sa akin ni Law na siyang halos hindi kayanin ng puso ko. “Huh?! What are you talking about?!” natatarantang pagdadahilan ko. Roon palang, alam ko nang nahahalata na niya na may hindi ako sinasabi. “Then why are you acting so cold?” “I’m not. Pumasok ka na sa school kaysa um-absent ka para sa ‘kin.” Muli ko tuloy pinanumbalik ang lamig sa tono ko. I just want to avoid seeing him for the meantime. Napakahirap kasing magdahilan at umiwas lalo na’t trinatraydor ako ng sarili kong puso. I dragged him outside my room. Nakailang minuto pa siyang pangungulit bago ko siya tuluyang napaalis. As soon as I closed our door again, my eyes welled up with tears. I felt layers of unsettling emotion which made me burst into tears in a second. “Ano’ng nangyayari, Eve?” Mabilis akong dinaluhan ng kaibigan kong si Rhea nang marinig niya akong umiiyak. Paglapit niya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. I just want someone to hug at this moment. “Hoy! What happened? Sinaktan ka ba ni Law?!” natatarantang tanong niya na ang tanging nasagot ko lang ay pag-iling. I felt a sting of melancholy and confusion while I was sinking into the deep sea of my tears. Buti na lang, mapagpasiyensya ang kaibigan ko sa akin. Talagang hinintay niyang kumalma ako bago siya nagtanong nang nagtanong. Sinabi ko naman sa kanya ang nagpapabigat sa dibdib ko. I told her about my conversation with Theo. “That lame ass Theo! Ang kapal ng mukha no’n ah!” asik ni Rhea matapos niyang marinig ang lahat. “Why didn’t you tell it to Law? Baka nagkaro’n ka pa ng hustisya.” “It’s wrong… I shouldn’t be—” Hindi na pinatapos pa ni Rhea ang sasabihin ko. “Your ex is obviously gaslighting you! ‘Wag kang maniwala sa mga pinagsasasabi niya!” She’s got a point. Aware din naman ako roon. “Yes, I know. Some of what he said were made up. But we couldn’t just shove away the fact that I am, indeed, older than Law.” A pining melancholy consumed all of my hopes. “Does it bother him ba?” Natahimik ako sandali sa itinanong ni Rhea. Alam ko kasing ilang beses na ring ibinalewala ni Law ang tungkol sa agwat ng edad namin. Nang hindi ako makasagot, nagpatuloy ang kaibigan ko sa pagkumbinsi sa akin. “No naman, ‘di ba? Then, why be bothered?” aniya pa. “Because I am the older one! I should know better.” I sounded frustrated. Sa huli, napaiwas na lang ako ng tingin. I heard my best friend sigh. “Then what are you going to do?” I felt a sting of melancholy and confusion because of the answer I immediately thought of; it took me a moment before I finally said it. “I need to exit in his life. Before everything gets worse.” Ginugol ko ang oras ko sa pagtatahi para maiwasan ang pag-iisip ng sitwasyon ko ngayon. Bago naman tuluyan lumubog ang araw, nakatanggap ako ng email sa kapatid ko. Funny how he emailed instead of calling me. Aakalaing mag-business partner lang kaming dalawa. Drake Valiente: I’ll be home later for some business trip. Let’s have dinner together. Bring your boyfriend. Iyon ang in-email niya. Nalimutan kong hindi pa pala alam ni Kuya Drake na wala na kami ni Theo. Me: I can’t. I’ll go home alone. Pagkasagot ko palang sa email ni Kuya, kaagad na akong nakatanggap ng tugon niya pabalik. Drake Valiente: Don’t bother. I already contacted Theo. He said he’ll make time for us. Hell! Nang mabasa ko iyon, parang gusto ko na lang sirain ang screen ng laptop ko. He contacted Theo already?! At hindi man lang sinabi ng isang ‘yon na wala na kami?! Ano’ng gusto niyang mangyari?! Kuya Drake and Theo knew each other for quite some time. Business partner kasi ni Kuya ang papa ni Theo. Sa totoo lang, iyon din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala. Boto naman si Kuya kay Theo mula pa noon dahil malapit nang ipamana kay Theo ang kompanya ng tatay nito. If I would compare my brother and my father, Kuya Drake would win when it comes to being strict. Kapag sinabi niya, wala nang pero-pero. Hindi siya ‘yong kagaya ng ibang mga kapatid na makakabiruan mo. Siguro ay dahil ang laki rin ng itinanda niya sa akin. Tutol man ako sa gustong mangyari ni Kuya, wala na akong nagawa pa nang dumating na nga sa condo ulit si Theo para sunduin ako. “Sorry about yesterday. I’m just drunk.” Iyon ang bungad ni Theo pagkapasok ko sa kotse niya. Nanatili akong tahimik. Kapag nakikita ko ang mukha niya, naiinis pa rin ako lalo na dahil sa mga sinabi at ginawa niya sa cellphone ko kagabi. Ipinokus ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Saktong pag-andar niya ng sasakyan, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang nag-text, naghurumentado agad ang puso ko nang mabasa ang pangalan ni Law. Law: Where are you? There’s no one in your condo. Pagkatanggap ko palang ng message niya, muli nang tumunog ang cellphone ko dahil sa kanyang tawag. Sa taranta ko, mabilis ko ‘yong i-d-in-ecline. Hell! Mukhang nakauwi na siya galing school. Ganito ang oras ng tapos ng klase nila e. My heart when I thought of the possibility that after his class, Law immediately went to our condo to see me. “Who’s that?” kuryosong tanong ni Theo dahil nakita niya kung paano ako matarantang patayin ang tawag. “None of your business,” malamig na sagot ko naman sa kanya. Imbes na kausapin ang katabi ko, nagtipa na lang ako ng reply sa text ni Law. I couldn’t talk to him through call! Theo’s beside me! Alam ko pa naman ang ugali ng ex ko. Baka kung anu-ano pa ang sabihin nito habang kausap ko si Law. Me: I’m out. Gonna meet my brother. Pagka-send na pagka-send ko ng message, nag-reply agad si Law nang dalawang beses. Law: Why aren’t you answering my calls? I can come with you. Normally, I get butterflies in those kinds of messages from him but now, I got heartache instead. Me: Don’t wanna talk right now. Don’t worry. I’m with someone. I hate to turn him down but I need to. It’s the best for us. Law: Rhea? Bitterness crept within me. Still, I typed the answer I hate to admit. Me: Theo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD