Chapter 13

1439 Words
CHAPTER 13 Phase Law immediately read my message but unlike before, he didn’t reply right away. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. What is thinking of me now? Iniisip niya kaya na ganoon ako katanga para bumalik pa kay Theo? Na mabilis ko na lang ibinasura ang lahat sa amin dahil lang nagparamdam sa akin ulit ang ex ko? I couldn’t help but overthink! Something in my heart was urging me to clear everything to him. At the same time, something was itching me just to let blurry to Law too. Nang sa gayon, hindi na ako mahirapang umiwas dahil si Law na ang mismong iiwas kapag patuloy ko pa siyang sinaktan nang ganito. It was hard to swallow the fact that Law was just helping me to fix my chaotic life in the first place. Yet here I am now, putting his life into chaos. Parang wala man lang utang na loob. Hindi ko na naalintana ang tagal ng biyahe dahil sa rami ng mga iniisip ko. Napabalik lang ako sa ulirat nang makarating na kami ni Theo sa bahay namin. “Kuya Drake,” bati ko sa kuya ko nang tuluyan kaming makapasok sa loob at naabutan si Kuya Drake na naghihintay na sa amin. Niyakap ko siya sandali dahil medyo na-miss ko rin naman ang kapatid ko. He came home alone; he wasn’t with his wife Ate Monic nor with his only son Drayven. Naiintindihan ko naman iyon dahil tumungo lang daw siya rito dahil sa isang business trip. Nagtanguan naman sila ng kasama kong si Theo. “I’m happy you two are going strong,” Kuya commented as he eyed us alternately. Parang gusto kong mangiwi dahil doon. “Yes, Drake,” pagsang-ayon ba naman ni Theo at nagawa pang ngumiti. Mukhang gustong-gusto niya talagang palabasing ayos kaming dalawa dahil iniisip niya, may pag-asa pa ulit na magkabalikan kami. “No, we’re not.” I ruined his bright smile because of what I said. It gradually faltered while Theo was eyeing me as if telling me to shut up. “We just had little misunderstandings for the past few weeks,” pagsisinungaling niya pa talaga sa kuya ko. Little misunderstandings? No, Theo. We’re done. Lilinawin ko pa sana ulit ang kasinungalingan ng ex ko kaso ay naunahan na akong magsalita ni Kuya Drake. “It’s normal. I’m sure you’ll get through that phase,” aniya na hindi ko na nasingitan pa. We proceeded to our dining table to start our dinner. Hindi ko makayahang magkaroon man lang ng gana kahit masarap ang pagkain. All they talked about was business—something that I lack knowledge in. Sad’yang masyadong interesado si Kuya sa kompanya nina Theo. Bago naman kami matapos sa pagkain, binuksan ni Kuya ang usapan tungkol sa akin. “So, would you mind telling me why my sister is so upset at you right now, Doroteo?” asked Kuya Drake to Theo. Because of that, I glanced at my ex, wanting to see how he would answer that question. Sandali siyang natahimik, maaaring nag-iisip ng maingat na sagot. My brother has this natural dark aura that intimidates most people. Grabe ang epekto noon sa akin; maaaring umeepekto rin iyon kay Theo. “It’s kinda private—” tangkang sagot ng ex ko kaya naman bago pa niya matapos ang panibagong kasinungalingan niya, ako na ang nagsiwalat ng katotohanan. “He’s been seeing lots of girls. He breaks up with me through text message then comes back after when he’s already tired of trying other women,” I stated without hesitation. I felt how Theo kick my feet under the table. Hindi naman ako natinag doon. “What are you talking about, Eve?” natatawang pagmamaang-maangan niya pa. “Don’t you ever dare to deny it, Theo.” I glared at him. Kuya Drake kept observing us. “Is that true?” he confirmed after sipping on his glass of wine. Nang si Kuya na ang nagtanong, wala nang nagawa ni Theo kung ‘di bahagyang aminin ang kabulastugan niya. “Kinda,” sagot niya nang may hesitasyon. “It’s just my diversion from all the stress I get from our company sometimes.” Rumahas naman ang gitla sa pagitan ng mga kilay ko nang marinig ko ang kanyang dahilan. Idinahilan niya pa talaga ang kompanya nila e hanggang ngayon, papa niya pa rin naman ang nagpapatakbo no’n? I can’t believe this man! I was hoping my brother wasn’t fool enough to believe what Theo was saying. Kahit naman kasi medyo cold si Kuya, protective iyon pagdating sa pamilya niya at sa akin. Kaya rin kahit minsan, hindi pa ako sinaktan ni Theo nang pisikal dahil iyon ang bilin ni Kuya Drake. But I guess I miscalculated my brother. “It’s normal, Shien. Maybe you’re lacking something. Am I right?” ani ba naman ni Kuya Drake. My lips parted in utter disbelief. Is he serious? He’s calling Theo’s actions “normal”? “Yeah. You hit the bull’s eye,” mabilis namang segunda ng ex ko. Normal? Are they kidding me?! Parang mas lalo pa akong nawalan ng gana dahil sa sinabi ng kuya ko. Ganito ba talaga kadalasan ang mindset ng mga lalaki? Napaka normal na sa kanila ng mga ganoong bagay? Pero kapag kaming mga babae ang gumagawa ng ganoon, kung anu-ano ang mga natatanggap naming masasakit na salita galing sa iba? Siguro kung buhay pa si Dad, hindi niya papayagan ang ganito. Kay Kuya kasi, kahit importante rin sa kanya ang pamilya niya, mas pinahahalagahan niya talaga ang kompanya. Hindi pa roon nagtapos ang inis ko sa sarili kong kapatid. Bago pa kasi kami umuwi ni Theo, binilinan pa ako ni Kuya noong mag-usap kami nang pribado. “Fix your relationship with Theo,” utos niya ba naman na halos ikinakulo ng dugo ko. “But I’m tired of him!” I couldn’t help but sound frustrated. Because I am! “Hindi ko na maaatim pang makipagbalikan sa lalaking ‘yon!” Taliwas naman sa reaksyon ko, nanatiling kalmado si Kuya Drake. “It’s just a phase. You’ll thank me after. I’m sure of that.” Will thank him after? No, Kuya. I’ll loathe you. “It’s about your business with his father, right? Kaya pinagpipilitan mo pa rin akong pakisamahan siya?” Hindi ko na napigilang isatinig ang hinala ko kaya ginagawa ni Kuya ang lahat ng ito. Mukha namang tama ako lalo na nang sandaling matahimik si Kuya Drake. His eyes darkened. On the other hand, I looked at him with pain in my eyes. I just couldn’t understand! Why does he have to include me in his devilish schemes about our company? I mean, I want to help our Unveil News Agency but not in this way! Not by sacrificing my life! But Kuya Drake’s mind seems closed. Imbes na sagutin ang tanong ko, nagpokus siya sa pag-uutos sa akin. “Fix it, Shien,” he ordered with finality in his voice. Bitterness crept within me. Doon palang, alam kong wala na akong iba pang choice kung ‘di ang sumunod. Screw this life! Parang gusto ko na lang maiyak sa mga nangyayari. Bago tuluyang sumama kay Theo pauwi, tumungo muna ako sa CR para magpalipas ng galit. Sakto namang naalala kong tingnan ang cellphone ko. Roon ko lang napansin na kanina pa pala nag-reply si Law. Law: You’re back together? That message of him added weight to the burdens I am already dealing with right now. Mas lalo pang bumigat ang puso ko. Text message lang iyon pero ramdam ko ang sakit. Tuluyan tuloy namuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Somehow, seeing his name gave me hope amidst this seemingly endless darkness. I remembered his irony, despite having the name Law, he’s a lawbreaker. How I wish I have the same guts. Sa pag-alala ko noon, bigla kong naisipang suwayin si Kuya Drake. Alight! For the first time, I want to disobey my brother. I will go against him. Kahit sa mga ganitong pagkakataon, natulungan pa rin talaga ako ni Law na magdesisyon kahit hindi niya naman intensyon. I wanted to thank him but disobyeing my brother to fix my relationship with Theo doesn’t change the fact that I still need to avoid Law too. Screw this life! Kaya kahit gusto ko mang sagutin nang totoo ang tanong ni Law, nagsinungaling na lang ako. Me: Yes. Sorry. Iyon ang ini-reply ko. Pagkatapos ay mariin akong napapikit, iniisip kung tama pa ba ang mga desisyon ko sa buhay. I just try to remind myself that this is only a phase for us too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD