CHAPTER 14
Or else
Dahil sa rami ng iniisip ko kagabi bago kami umalis sa bahay namin dito sa California, nalimutan kong inuwi na sa condo ang mga luma kong mga sketchpad na naglalaman ng mga luma kong designs.
Ngayong umaga ko sana balak kunin kaso paglabas na paglabas ko ng pinto sa condo, may sumira na agad ng umaga ko.
“What are you doing here again, Theo?” iritableng tanong ko kay Theo nang makita ko siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng unit namin ni Rhea.
Tumuwid siya ng pagkakatayo bago ako hinarap.
“Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa ‘tin, Eve?” bungad niya ba naman sa akin.
Huh?
“What are you talking about?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
Hanggang ngayon ba naman, iniisip niya pa ring babalikan ko siya? Akala niya yata, wala na akong pag-asang magbago.
I’m not gonna lie. I thought about the same thing too. Akala ko, buong buhay ko nang pagpapasensiyahan si Theo sa mga ginagawa niya at tatanggapin niya nang bukal sa puso kapag binalikan niya ulit ako. It was because I thought I need him, especially when there are thunders and lightnings and Rhea is not around.
I thought I would always need him. But Law made me realize I was wrong.
“I know your brother talked to you about us privately last night,” ani pa ni Theo. Nagkaroon ako ng hinala sa kung paano niya nalaman ang tungkol doon.
“You told him to do that, did you?” Tumalim ang tingin ko sa kanya.
Given how my brother sided with him yesterday, I would not be shocked if Kuya Drake just ordered me to fix my relationship with him because he requested so.
Imbes naman sagutin ni Theo ang tanong ko, iniba niya nag usapan.
“Please, Eve. I can’t live without you. Kung hindi tayo magkakaayos, baka hindi ko na kayaning mabuhay pa hanggang bukas,” pagmamakaawa niya sa akin.
Then drop dead already, bastard.
Nagtagis na lang ako ng mga ngipin at hindi na pinansin ang pagmamakaawa ni Theo.
Nagpatuloy ako sa pagbaba sa unit namin. Kaso ay talagang sinundan ako ng ex ko kahit sa elevator.
“Why are you following me ba?!” Hindi ko na napigilang mairita sa kanya.
“Your brother told me you’ll come back to your house this morning. He ordered me to accompany you,” pagdadahilan niya pa.
Mukhang pursigido rin talaga si Kuya na pagbalikin kaming dalawa nitong si Theo. But sorry. I’ve already made a decision for myself too.
“Are you Kuya Drake’s dog?” sakastikong utas ko.
Nang hindi na matiis ni Theo ang tabil ng pakikitungo ko sa kanya, tuluyan na ring napigtas ang kanyang pasensiya.
“Why are you so bitter and mad?” He equaled my irritation. The only difference is his is scarier. “Dahil pa rin ba ‘to sa pagbasag ko sa phone mo? I already said I’m sorry!”
His loud voice echoed in the four corners of the elevator we were in. Fortunately, there was no one but us inside when he lost his temper.
Medyo bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Hindi kaagad ako nakapagsalita.
Nang tuluyang nagbukas ang elevator sa ground floor, marahas niyang hinawakan ang palapulsuan ko at hinatak ako kung saan.
“You’re going with me whether you like it or not. Binilin ka sa ‘kin ng kapatid mo,” may pagbabantang turan niya.
I tried to remove his hand on mine but he was just way stronger. Talagang hindi niya hinayaang makaalis ako sa pagkakahawak niya. He gripped my wrist tightly to the point he was starting to hurt me.
“Nasasaktan ako!” daing ko.
Halos manlamig na rin ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kaso ay hindi talaga nagpatinag si Theo. Umakto siyang parang hindi ako narinig.
Kinaladkad niya ako tungo sa parking lot kung saan niya p-in-ark ang motor na dala niya. Nang makarating kami sa tapat noon, ‘tsaka niya lang binitawan nang marahas ang kamay ko.
I immediately looked at my wrist after he gripped it. Kaagad nagmarka ang kamay niya.
Bitterness crept within me because of frustration. Gusto kong magsabi ng kung anu-anong mga salita dahil sa inis at galit pero nangangamba akong kapag nagsalita ako, maiyak na lang ako.
So, I swallowed the spite in my heart despite the anger stirring within me. Nang mag-angat naman ako ng tingin sa balak niyang sakyan namin, doon palang nag-sink in sa utak kong motor ang dala niya.
“What is that, Theo? Don’t expect me to ride that,” pagtutol ko sa balak niya.
Theo’s jaw moved when he clenched his teeth. Ang talim na rin ng tingin niya sa akin, wala na ang bakas ng pagmamakaawa gaya ng kanina.
“Don’t be stubborn. Naiinis mo na ‘ko,” nagtitimping sabi niya.
Pati pag-abot niya sa akin ng extrang helmet na dala niya ay padabog. Tuluyan nang naubos ang pasensiya niya sa akin.
My eyes misted over. Gusto ko na lang talagang maiyak. Ni hindi man lang din ako tinulungan ni Theo magkabit ng helmet gayong hindi ako marunong. Hindi niya rin ako binigyan ng oras. Pagkasakay ko, pinaandar niya na agad ang motor niya nang mabilis.
Talagang kamuntikan na akong mahulog dahil sa ginawa niya. Pati ang ipinahiram niyang helmet, muntik na ring mahulog dahil hindi ko pa naaayos ang pagkakalagay noon sa ulo ko.
“Oh hell, Theo! Slow down!” pagmamakaawa ko habang kapit na kapit sa damit niya ang isang kamay ko. Ang isa naman ay nakakapit sa helmet na hindi ko pa nakakabit talaga.
Sobrang takot lang talaga ako sa mga mabibilis na motor. Lalo na’t si Theo pa ang driver. Pakiramdam ko, kaunting pagkakamali lang, sesemplang kaming dalawa.
“Hold on tight if you don’t wanna fall,” he uttered brutally. Hindi niya pa rin binagalan ang pagpapatakbo.
“Stop this! Mag-u-uber na lang ako!” utas ko pa. Pero imbes na gawin ang sinabi ko, mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo.
Screw him!
I screeched in terror with a pounding heart. The mixture of fear and rage flowed through me like lava.
Buti na lang, napadaan kami sa traffic light at saktong naabutan ng red light. Walang ibang nagawa ni Theo kung ‘di prumeno at maghintay na mag-green light ulit. Parang doon lang ako nakahinga dahil sobra ang pagpipigil ko kanina.
I took that chance to fix my helmet. Halos hindi ko pa magawa dahil bukod sa hindi ko alam, sobra rin ang panginginig ng kamay ko.
Aside from that, my eyes were blurred with tears. Kabado rin ako na baka mag-green light na ulit nang hindi ko pa naaayos ang helmet ko.
Sa gitna ng pagkakataranta ko, may biglang humawak sa nanginginig kong mga kamay. Awtomatiko akong napaangat ng tingin.
To my surprise, it was Law. Talagang napaawang ang mga labi ko nang magtama ang tingin naming dalawa.
What is he doing here?
I observed him in a span of seconds. He was wearing a helmet too. Mukhang naabutan din siya ng red light at nakita akong natataranta sa helmet ko habang nakaangkas kay Theo. Small world.
Magtatanong na sana ako kung bakit siya lumapit pero kaagad niya nang iniayos ang helmet ko. Pinagmasdan ko lang siya buong oras.
In a swift motion, he finished fastening my helmet. He then looked at me using his cold gaze. Iyon ang nagpatindig ng mga balahibo ko. Tuluyan na ring pumatak ang isang luha ko.
“What the f**k are you doing, bra?” takang tanong ni Theo, gulat na may tumungo sa aking lalaki.
The whole time, my eyes were on Law. I noticed how his rage pulsed through his veins before he faced Theo.
“You?!” gulat na utas ni Theo nang siguro ay mamukhaan si Law.
"Take care of your girl or else..." banta naman ni Law sa kanya.
"Or else what, kid?" I heard Theo smirk.
Maski ako, nag-abang ng sasabihin ni Law. Isang beses pa siyang muling tumingin sa direksyon ko bago umigting ang panga niya.
"Or else I'm gonna do it myself."
I was caught off guard by what he said. My heart raced faster.
Bago pa tuluyang bumalik si Law sa sarili niyang motor, may pahabol pa siyang salita para kay Theo.
“And slow the f*****g down, motherfucker.” Sa sobrang lutong ng pagkakamura ni Law sa kanya, natameme si Theo nang ibang sandali.
Just after Law hopped on his motorbike again, the green light turned on. Muli nang umandar ang mga sasakyan kabilang na ang sinasakyan namin.
Suddenly, when everything sank into my head, my lips trembled as tears continuously rolled down my cheeks.
“Are you crying?” tanong ni Theo sa akin nang marinig niya ang paghikbi ko. “Sorry. I’ll slow down now.”
He thought I was crying because of fear. Well, that was one of the reasons why but what triggered my tears is Law.