Chapter 15

2595 Words
CHAPTER 15 Lie “Isn’t that your kid, Eve?” sarkastikong tanong sa akin ni Theo nang tuluyan kaming makarating sa bahay namin. Talagang hindi na nagmabilis pa si Theo matapos niya akong makitang umiiyak. Kahit ganoon, buo na rin ang pasya kong hindi na ako sasakay sa kanya pauwi. At first, I acted like i ddin’t hear him. I focused on getting the things I need here in our old attic. Kinuha ko na ang lahat ng kailangan ko para hindi ko na kailangang bumalik pa. “Tell me why was he there?” Patuloy naman sa pag-iinteroga si Theo sa gilid ko. Talagang hindi siya titigil hangga’t hindi ako sumasagot. “I don’t know,” I told him the truth. Talaga naman kasing wala akong ideya kung bakit bigla na lang sumulpot si Law sa gilid. Theo shouldn’t expect me to call Law at that time when I could barely hold the unfastened helmet. Makakapag-cellphone pa ba ako sa ganoong lagay na parang isang bitaw ko na lang kanina, mahuhulog na ako? Theo scoffed. Mukhang hindi pa rin siya naniwala. Wala na ako roong magagawa pa. “Slow the f*****g down, motherfucker?” He mimicked what Law told him. “How dare that kid talk to me like that? Hindi ako nagmabagal dahil sinunod ko siya. Just so he knows, I slowed that because I saw you crying.” No one cares. Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko,bumaba na ako at handa nang umuwi kahit hindi pa man lang kami nakatatagal sa bahay nang isang oras. Pinangunahan ni Theo ang paglabas namin. Kinuha ko namang oportunidad iyon para kumuha ng Uber. ‘Yong kinuha ko ay ang driver na pinakamalapit lang para hindi na ako maghihintay pa. “Let’s go,” aya ni Theo sa akin pauwi. Akala niya siguro ay sasakay pa ulit ako sa kanya matapoas ang traumang inabot ko kanina. Never again. “I’m not riding with you again,” I said with finality. In an instant, his forehead wrinkled. Mukhang naiirita na naman siya sa akin. “What?” “Go home alone. I already called an Uber.” “Are you f*****g kidding me, Eve?” he asked with evident anger in his voice. Imbes na magpadala ulit sa pagtataas niya ng boses, sinubukan kong panindigan ang desisyon ko. “Mukha ba ‘kong nagbibiro?” sarkastikong utas ko pa. Buti na lang din, saktong dumating na ang kinuha kong Uber. Sumakay na ako agad bago ko pa maabutan ang galit ni Theo. As soon as I entered the back seat, I saw how Theo angrily threw one of his helmets to the ground. I even saw him mouthing curses while glaring at me. It was nerve-wracking. Sa ilang taon na nakasama ko siya, alam ko nang nagiging ganito lang siya kapag may bagay siyang gusto pero hindi makuha-kuha. Kaya ganoon niya na lang ako balewalain noon kasi alam niya na palagi ko siyang tinatanggap sa tuwing bumabalik siya. Pero ngayong natauhan na ako sa mga katangahan ko, gusto niya na akong hawakan nang mahigpit. Theo has a territorial instinct like a dog. He loves to mark his territory and he’s willing to bite when someone invade it. Grabe ang pagkalma ko nang tuluyan kong matakasan si Theo. Akala ko, iyon na ang huling beses na makikita ko siya ngayong araw. Mali pala ako. When I arrived at our condo, Rhea was still not at home. Sobrang tahimik ng paligid. Medyo madilim din dahil wala pang nagbubukas ng ilaw. It was fine with me. ‘Tsaka lang naman ako inaatake ng phobia ko kapag kumukulog at wala akong kasama. Tumungo na lang ako sa kuwarto ko para sana magpahinga. But to my surprise, someone was already there. My blood ran cold when I saw Theo sitting at the edge of my best. He continuously massaging the bridge of his nose. Una ay akala ko, multo lang. Mas ayos sana kung multo na lang pero hindi. “W-What the?” Napaabante ako sa gulat. “What are you doing here?!” Paano siya nakapasok sa loob? My heart pounded harshly because of horror. “You’ve been messing with me, Eve,” Theo stated using an eerie voice. “Stop playing around.” Talagang hindi pa siya muna tumingin sa akin. Pokus siya sa pagmasahe ng ilong niya habang nakangisi. “Ano ba’ng sinasabi mo? Pa’no ka nakapasok sa unit namin?!” Itago ko man, bumakas pa rin sa boses ko ang takot. “I know you want me back too. You’re just trying to make me jealous.” Tuluyan nang tumayo si Theo at tumingin sa akin. Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil doon. “Well, now I am. So, stop the play already.” Huh?! Nababaliw na ba talaga siya?! I tried to swallow all my fears. Sinubukan kong umaktong matapang kahit ang totoo, grabe na ang panginginig ng mga tuhod ko. “Are you that entitled to yourself that you think I can’t find someone better than you? Well, sorry, Theo. But most people are better than you.” Aktong tatalikod na ako at lalabas na ng kuwarto ko nang mabilis siyang humakbang patungo sa akin. “We’re not yet done talking, cougar.” Before I could run away, he caught my shirt to stop me. Sa sobrang kagustuhan kong tumakbo at dahil sa higpit ng hawak niya, napunit ang pang-itaas kong damit. I screeched in terror but Theo didn’t stop there. Talagang halos ibalibag niya ako patungo sa kama ko. “What the f*****g hell, Doroteo?!” sigaw ko sa kanya nang may halong kaba at galit. Hell! Talagang napunit ang damit ko sa ginawa niya. Lumaylay ito kaya hinawakan ko na lang para hindi sumilip ang suot kong bra. I was breathing heavily while Theo remained quiet. His eyes seemed filled with fury. The chill haze of my suspicion began to crystallize. Masama ang kutob ko. Kailangan ko nang makaalis dito sa unit namin ni Rhea. Kaya kahit hindi pa man ako masyadong nakababawi sa halos pagtapon sa akin ni Theo, kaagad na akong bumangon at tumayo sa kabilang parte ng kama ko. But as I was thinking of a way to escape, Theo blocked my way. “You’re not going anywhere. I’ll make you remember how much you love me, Eveanne,” aniya pa na tila nasiraan na talaga siya ng bait. “You’re crazy!” In a swift motion, I tried to run in the opposite direction but Theo was faster than me. Nahawakan niya pa rin ako. I screamed at the top of my lungs, wishing someone would what me. Natigil lang ako sandali nang hiklatin niya ako pabalik sa kama. “I said you’re not going anywhere!” he shouted with his thunder-like voice. Bago pa ako muling makatayo, pinaibabawan niya na ako. Tuluyang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa grabeng takot. Ang kabog ng dibdib ko'y halos marinig ko na dahil sa sobrang bilis at lakas nito. Theo pinned my hands at the side of my head. I tried to remove it but he was just way stronger than me. “Stop, Theo!” pagmamakaawa ko sa kanya. Pero nagbingi-bingihan siya. “You love me, Eve. You still do,” aniya pa bago niya umpisahang halikan ang leeg ko. Hell no! “Stop! Please!” I tried my best to avoid his lips but he was so persistent. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa dibdib ko. I never thought he could do something like this to me! Even though his temper is out of hand, I still think he's better than this. Hanggang sa napahagulhol na lang ako. Then suddenly, a miracle happened. Theo stopped kissing my neck. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Nang lumuwag iyon, awtomatiko kong tinakpan ang sarili ko dahil sa takot. Mukhang natauhan na rin si Theo sa balak niyang gawin sa akin. Umalis siya sa ibabaw ko at tiningnan ako gamit ang nag-aalalang tingin. Perhaps my whimpers knocked some senses into him. “S-Sorry, Eve,” paghingi niya ng paumanhin sa akin at sinubukan pa akong hawakan. “I didn’t mean to—” I flinched even before he touched me. Ayaw kong magpahawak sa kanya. Ayaw ko na kahit kailan. “D-Don’t touch me.” Napahilamos siya ng mukha dahil sa stress. “I’m really sorry, babe. I was just so mad at you.” His voice was filled with regrets. Hindi naman na ako roon naawa dahil sa ngayon, mas naaawa ako sa sarili ko. “Leave, Doroteo.” Fortunately, he didn't let me repeat myself again. Umalis na lang agad siya at iniwan akong mag-isa. Pagkaalis niya, niyakap ko na lang ang sarili ko at humagulhol. Hindi pa rin talaga nawala ang takot ko. My whole body was trembling. It felt like I was traumatized. As an instinct, I called someone to ask for help. Si Law ang una kong tinawagan. Hindi ko rin alam. Basta't pakiramdam ko ay siya ang pinaka makakapagpakalma sa akin ngayon, hindi man ako sigurado kung handa pa rin siyang damayan ako sa kabila ng lahat. But after just a few seconds of ringing, he instantly answered my call. Namuhay ang kapiranggot na pag-asa sa puso ko dahil doon. “Alya?” bungad ni Law. Even just hearing his voice comforts me. Parang gusto ko na namang humagulhol at magsumbong agad sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. “Why did you call?” pahabol na tanong pa niya nang hindi ako kaagad nakapagsalita. I bit my lower lip to stop myself from sobbing. He gave me a chance to tell him my problem but I chose to lie again. Minsan, hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko. Bigla ko lang napagtanto na… ayaw kong maisip ni Law na tinatawagan ko lang siya kapag may kailangan ako. “N-Nothing. Sorry. Napindot ko lang,” pagsisinungaling ko na kaagad niya namang nabisto. “You’re lying,” he said blatantly. My heart ached by realizing how well he knows me. Alam niya kung kailan ako nagsisinungaling kapag kausap niya ako nang harapan o 'di kaya'y sa tawag. Dahil doon, tuluyan na nga akong napahagulhol ulit. Hindi ko na kinaya pang pigilan ang sarili ko dahil parang mas masakit sa dibdib kapag pinigilan mong umiyak. “Are you crying? What happened, Alya?!” naaarlamang tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya masagot kaagad dahil nag-uumapaw ang mga luha ko. “Answer me! Where are you?!” It took me a few moments before I was able to tell him where I was. Wala pang limang minuto nang sabihin ko sa kanya kung nasaan ako, kaagad na siyang nakarating. As soon as I saw him walking into our door, I hugged him tightly. Hindi ko na muna inalintana ang mga prinsipyo ko sa buhay sa sandaling iyon. Sadyang kailangang-kailangan ko lang na may mayakap bago ako tuluyang mabaliw. Sandaling nagulat si Law sa ginawa ko pero kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik. “What happened? Hmm?” nag-aalalang tanong niya sa akin. His question triggered my tears even more. Because of that, I cried on his chest. Ni hindi ko masagot ang tanong niya. Kahit ganoon, nagkaroon naman na siya ng hinala noong mapansin niya ang sira ng damit ko. “Your shirt…. Did the bastard do something to you?!” His tone changed from tender to fuming mad. Hindi ako sumagot. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Law. “I’m gonna kill him,” utas niya na muli kong ikinakaba. When I looked at him, I saw how rage glistened in his amber eyes. Sa itsura niya ngayon, mukhang kayang-kaya niyang gawin ang sinabi niya. Roon ko na siya pinigilan. “Law… don’t.” He glanced down at me because of what I said. Nang nagkatitigan kami, inilingan ko siya. Doon na natunaw ang galit sa kanyang mga mata. In the end, he closed his eyes tightly. After that, he punched the wall angrily. “That motherfucker!” Mukhang sobrang galit siya kay Theo. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya sa padee namin, nagdugo ang kanyang kamao. Nang pareho na kaming kumalma, nagpalit na muna ako ng damit bago ko ginamot ang sugat niya sa sala. Indeed, his presence is my serenity. Ngayong kasama ko na siya, tuluyan nang naglaho ang matinding takot ko mula pa kanina. Kahit ganoon, si Law naman ay mukhang galit pa rin. “Tell me the truth, Alya. What actually happened?” seryosong tanong niya sa akin habang ginagamot ko ang sugat sa kanyang kamao. Sandali akong napatitig sa kawalan. “Theo was mad at me. He tried to…” Ni hindi ko mabanggit ang salitang naisip ko. Buti na lang at agad namang nahinuha ni Law ang gusto kong sabihing salita kaya hindi ko na kinailangan pang pilitin ang sarili ko. “Just to make me remember how I loved him before,” pagpapatuloy ko. His eyes darkened. Muli niyang ikinuyom ang kanyang kamao. “That bastard…” he muttered, full of revulsion. “I’m fine already. He stopped when I begged him to,” paniniguro ko naman kay Law. “He said sorry then left.” Pinukulan niya ako ng dismayadong tingin. “Don’t tell me you’ll just forgive that bastard easily again? You’ll take him back again as if nothing like that happened?” “No. Never.” Not now that I realized I deserve more than that. “In fact… I just lied to you when… I said we were back together.” Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa tukuyan kong pag-amin. “You lied?” Tila hindi makapaniwala si Law sa sinabi ko. Mukhang inakala niya talagang kami na ulit ni Theo dahil sa reply ko sa text niya noong nakaraan. Dahan-dahan akong tumango, nahihiya sa aking ginawa. Napasuklay naman si Law ng buhok niya at napabuntonghininga. “I just think… we need to stop spending time with each other. We need to stop the fire before it burns us. Lalo na’t… hindi naman tayo p’wede sa isa’t isa,” pagdadahilan ko. “Who said that we can’t be together?” he asked frustratingly. “It’s common sense, Law. I’m way older than you! Six years? Seven? Not sure—” Hindi niya na ako pinatapos pa sa pagsasalita. “Just five. And I’m already turning 20 on October 6,” paglilinaw niya na para namang may malaking pinagbago iyon. “Just five? That’s still inappropriate! Ano na lang sa tingin mo ang sasabihin ng iba sa 'tin?” “Why do you want to badly fit into the standards set by other people? Why do you care so much about their opinion of us?” Natauhan ako dahil sa mga sinabi ni Law. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil napagtanto kong… totoo ang mga sinabi niya. “This is our life and other people should have no say with it,” Law uttered with certainty. Wala na akong nasabi pa roon. Sandali kami ulit natahimik na dalawa bago ko siya narinig na huminga nang malalim. “Moreover… thank God,” ani Law. “Thank God your relationship with that bastard was just a lie.” My lips parted in utter disbelief because of what he said. But he seemed genuine with every word he said. “You have no idea how I almost lost my mind just by thinking how everything turned worst in just a glimpse, Alya,” pagpapatuloy niya pa na siyang nagpakirot ng puso ko sa tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD