Chapter 19

1738 Words
CHAPTER 19 Driver Law was not kidding when he told me before that he's the best driver I could ever have. Bukod kasi sa maalam siya sa kung anu-anong klase ng sasakyan, racer din siya. He does motor and car drag racing, mountain biking, slalom skateboard racing, and the like. Naikuwento niya rin sa akin na dati, nag-te-trail biking din sila ng isa niyang pinsan. Iyon 'yong tipo ng pag-ba-bike sa mga baku-bakung daan, kadalasan ay sa sa mga gubat. At a very young age, he experienced a lot already. Now, I am beside him to support him in his first time joining a Formula One race. From Sacramento, we traveled to Long Beach for his race. Sumali kasi siya sa Acura Grand Prix of Long Beach. I wore black denim shorts and white cropped halter top for today. I paired my outfit with a black boots. Pinanatili ko namang nakalugay ang buhok ko dahil may suot naman akong itim na cap. Medyo maaraw rin kasi. Whenever the wind blows, I can smell the saltiness of the air. It's because the race track is literally beside the beach. Maganda sana ang paligid. Ang dami ring excited sa mangyayaring karera. Kaso hindi ako mapalagay lalo na't isa si Law sa mga driver. "I gotta go," paalam ni Law sa akin. He was wearing a race suit in color red, white, and black. Sa gilid niya, kanyang karga-karga ang gagamitin niyang helmet. Ngayon na nagpaalam siya sa akin, parang gusto kong yakapin na lang siya at huwag nang pakawalan. But that would be so selfish so I stopped myself. “D-Don’t drive too fast,” nauutal na paalala ko na lang habang nangingilid ang luha sa mga mata ko dahil sa kaba. “This is a race, Alya.” Bahagyang natawa si Law sa paalala ko. I know it sounds crazy but—hell! I am just so nervous! Parang mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya e. Nang makita ni Law na hindi ko siya sinabayan sa pagtawa, nagseryoso na siya. “You don’t have to worry about me. I’m the best driver, remember?” aniya pa. Tumango na lang ako nang marahan. “Drive safely,” tahimik na paalala ko. “I will.” He gave me a smile. “Let me have one more kiss for good luck.” Bago pa ako makasang-ayon, sandali niya nang tinanggal ang suot kong cap para walang maging sagabal sa paghalik niya sa akin. I wholeheartedly welcomed his lips as he kissed me passionately. “See you at the finish line. Love you,” turan niya pa bago niya ako tuluyang iwan. Mas tumindi ang kabog ng dibdib ko noong magsimula na nga ang karera. Ang ilan pa sa mga katabi ko, kung sinu-sino ang pambato. Ako lang yata ang naroon para kay Law. But it was understandable, knowing this is his first time joining a huge car race. May age limit kasi. 'Tsaka kailangan din munang magkaroon ng Super License ang driver bago makasali. Kailangan talaga, magaling ka sa larangan ng pagmamaneho. When the race started, I prayed continuously. Pagkatapos, ang pokus ko lang talaga ay ang pulang kotseng may numerong 09 sinasakyan ni Law. The sound of each car was scary yet satisfying. Halatang-halata ang bilis ng takbo ng mga ito. The audience barely talked about Law until he started surpassing everyone on the race track and held the first position. Talagang napatili ako dahil doon, proud na proud na ako ang girlfriend ng nagpapatakbo ng pulang kotse. The audience finally noticed him. They talked about how at such a young age, Red 09 was able to be in the first position for a few minutes. Hindi naman pala gaya ng inaasahan ko ang karerang iyon. Ang akala ko kasi kapag mga ganoong karera, walang pakialam kung masangga nila ang kotse ng kalaban nila. Pero base sa napanood ko, iniiwasan din talaga ng mga nangangarera na matamaan ang kotse ng mga kalaban nila. But then, one car suddenly accelerated and hit Law's car. Talagang napasinghap ako lalo na nang medyo mapagilid ang sasakyan ni Law at tumama pa sa gilid. It created a spark for a split second. Lumipad naman ang kamay ko sa aking bibig dahil sa sobrang kaba at gulat. “Woah. White 01 dinged up Red 09. Now, White 01 holds the first position,” dinig kong sambit ng commentator. Kaagad namang nakabawi ang sinasakyan ni Law. Napunta siya sandali sa 6th position pero agad din niyang naungusan ang dalawang kotse. As Law tried to surpass the Black 31 who was currently holding the third position, their cars almost grazed each other again. Hell! Please, don't do anything dangerous! The whole time, I was stopping myself from breathing. Pasalit-salit ang kamay ko sa aking bibig at sa dibdib dahil madalas akong magulat st kabahan sa mga nangyayari. Hindi ko naman alam na ganito pala ka-intense ang mga ganitong karera. Buti na lang, imbes na ipilit ni Law maungusan ang nasa itim na kotse, siya na ang nagparaya. The race ended with him getting 4th place. Sayang at hanggang 3rd place lang ang pinarangalan. Kahit ganoon, mas matimbang pa rin na walang nangyaring masama sa kanya. Nang magkita na ulit kami ni Law, niyakap ko siya agad nang mahigpit dahil sa sobrang pag-aalala. My eyes even misted over. “How’s my driving skills?” tanong sa akin ni Law, pagkatanggal niya ng kanyang helmet. Pawis na pawis siya. Hindi ko naman iyon inalintana. “Dope,” I told him with pride. Napangisi siya. Roon sumilay ang kanyang dimple. “Told ya. I’m the best driver you could ever have.” He winked at me. After that, his team invited him for an after party but he refused. Sabi ko nga, sumama siya kung gusto niya pero aniya, mas gusto niya raw akong kasama. We rested for a while. Pinanood na lang din muna namin ang iba pang kakera. Kumpara kanina, wala na ang kaba ko. Iba lang talaga sa pakiramdam kapag taong mahalaga sa 'yo ang nasa race track at nakikipagkarera. “I’m sure I could have won third place if I didn’t slow down,” Law muttered beside me. “But I thought my girl could have died of nervousness if I had accelerated even more.” It melts my heart, knowing he's still able to think of me at that intense moment. He chuckled. I tried to seek for any hint of bitterness in his amber eyes but I found none. Mukhang hindi niya naman pinagsisisihan ang naging desisyon niya. “Buti alam mo. Akala ko, mapapa'no na ‘yong sasakyan mo kanina e.” Kunwari ko siyang sinamaan ng tingin. Si Law naman, nag-abala nang punasan ang nangingilid kong mga luha hindi pa man tumutulo ang mga ito. “But you’re great. You don’t have to regret it,” I added as I smiled at him. “I don’t. Having you here is more priceless than winning this race.” My cheeks reddened because of what he said. Talagang maski sa pagsasabi ng totoong nararamdaman niya, may lakas siya ng loob. Sana ganoon din ako. Wala akong naisip na salita para mapantayan ang sinabi niya. Iniba ko na lang tuloy ang usapan. “Are you tired?” tanong ko sa kanya. “A little bit.” He shrugged. I focused on his damped hair and his sweaty neck. I brought out a handkerchief. Gusto ko sanang ako ang magpunas sa kanya kaso ay baka kagaya siya ni Theo na ayaw magpagalaw ng buhok. Kaya naman inabot ko na lang ang panyo ko kay Law. “Yes, you do. You’re sweating bullets. Wipe them,” utos ko sa kanya. He then leaned closer to me. Playfulness became evident in his face. “Will you do the honor, baby?” request niya. I tried so hard not to smile because of romantic excitement but it was too hard. Sa pagngiti ko, nagbiro na lang din ako. “Wala ka bang kamay?” biro ko. Ito namang si Law, nakisabay rin. “Wala e,” tugon niya ba naman at itinago ang mga kamay niya sa kanyang likuran. Mas lalo niya pang inilapit ang sarili niya sa akin. Tell me, who could resist him, right? So, I wiped his face and his neck gently. I tried not to look him straight in the eye because I might not be able to take it. Buti na lang din at pumikit siya, siguro'y dinadama ang pag-aalaga ko. Sobrang tindi ng kabog ng dibdib ko. Tila mahihigitan na nito ang kaba ko kanina habang nasa karera si Law. It's been months since we started dating yet my heart never stops beating so fast when it comes to him. I just learned to suppress it. After I wiped his sweat, I was about to finger comb his hair but I stopped myself. Mukhang napansin naman iyon ni Law. "Why did you stop?" tanong niya sa akin. "Nothing. Baka ayaw mong ipagulo buhok mo e." Akala ko kasi, ayaw iyon ng lahat ng lalaki. Kapag ginagawa ko kasi iyon dati kay Theo, nagagalit siya. Ang ilang boyfriend din dati ni Rhea, ayaw magpagulo ng buhok. Kaya iyon ang inakala ko. Tingin kong dahilan ay dahil nawawala ang kaguwapuhan ng iba kapag nagugulo ang buhok. Gaya ni Theo. Medyo may kalaparan kasi ang noo nito kaya lagi lang siyang naka-cap minsan o 'di kaya'y nakatabon ang buhok niya sa kanyang noo. But I guess, Law is different. Mukhang ayos lang sa kanyang ayusin ng iba ang buhok niya kasi guwapo siya anumang ayos. Baka nga kahit kalbo, guwapo pa rin siya. "Alya, kahit buhay ko pa 'yong guluhin mo, ayos lang,” sambit ni Law sa akin. "Go on. I want to feel your care for me." "Crazy." Muli na namang lumawak ang ngiti ko dahil sa kilig. Mukha namang na-satisfied si Law sa reaksyon ko. I then happily combed his damped hair. Ang babaw pero matagal ko na ring gustong gawin iyon. Nang matapos, ninakawan na naman ako ng halik ni Law. “Thank you, baby,” aniya sabay kindat. Napailing na lang tuloy ako kahit hindi na magkamayaw ang puso dahil sa kilig. Everything went well that day until I received an alarming message from an unknown number that instantly erased all the happiness in my heart. Unknown number: You were mine before. I’ll make you mine again. Whatever it takes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD