CHAPTER 20 Stalk After I received a creepy message from someone, I didn’t tell Law about it immediately. To be honest, I didn’t let it get into me either. Pinaniwala ko na lang ang sarili kong may namali lang ng message sa akin kahit na mayroon akong hinala kung sino ang nag-text sa akin noon. Wala rin naman kasi akong oras para pagtuunan pa ng panahon ang ganoong bagay. Ilang linggo na lang kasi, gaganapin na ang pinagkakaabalahan kong project. I focused on the construction of the designs I made for my upcoming collection. Tapos ko na lahat ng mock-ups ng mga damit at kailangan ko na talagang magtahi. For now, I stayed on a studio I rented. Ganito lagi kapag may mga proyekto ako. Matrabaho kasi talaga gumawa ng line o collection at kailangan pa ng malaking espasyo. Tinali ko mun

