Tayo na “KIEL, may ginawa ba sila sa'yo?” Nagmamadali akong lumapit sa kaniya upang salubungin siya sa tapat ng pintuan. He was slowly walking as if his world fell apart. Nakasisiguro akong may sinabi o di kaya ay may ginawang hindi maganda ang aking mga tiyuhin sa kaniya. “Ano ang nangyari?” I asked again when I stood up in front of him. Sinalubong niya lang naman ako ng tingin pagkatapos ay hinila ako papalapit sa kaniya upang ikulong ako sa kaniyang mga bisig. “Wala, baby. Nag-usap lang kami nila Uncle,” he replied before his hugged became tighter. “Manliligaw pa rin ako, kahit ano ang mangyari,” bulong niya na tila hinaplos ang aking puso. “It's time for me to stand and to fight for us. Kahit na itakwil nila ako ulit ay sasama pa rin kami ni Ulan sa'yo,” I muttered before I gently

