Sinasagot ka na namin! NAGPATULOY ang patagong pagtatagpo namin ni Zadkiel tuwing hapon. Tinutugma kong nagsi-siesta ang halos lahat ng mga magsasaka at sinisiguro kong nakauwi na sina uncle sa mansion nila bago ako pumunta ng Hacienda. We were very careful not to get caught. Noong una pa lamang ay pinagbawalan na kaming magkita ni Zadkiel habang sinusuyo niya ang aking mga tiyo. Kaya naman isinikreto namin sa lahat ang pagkikita namin, maliban na lang kay Ate Ami at Dion. Naging madali sa amin ang lahat dahil na rin sa tulong nila. Si Dion ang naging mata at tainga namin. Kapag papunta na ang aking mga tiyuhin ay kaagad niyang sasabihin akin kaya naman mabilis akong nakakaalis o di kaya ay nakakapagtago. Ginagawa iyon ng aking pinsan hindi upang tulungan ako, kundi dahil sa takot na

