“ATE Adi, wait! Kumalma ka muna. Stable na naman daw ang lagay ng nanay ngayon,” paliwanag ni Eilys ngunit hindi pa rin maalis ang matinding pagkabog sa loob ng aking dibdib.
Nag-aalangan naman akong tumingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti sa akin. Sana talaga ay gumaling na ang nanay.
Hindi pa rin kasi mawala sa aking isip ang mga posibleng hindi magandang mangyari.
“Pwede ko ba siyang dalawin kahit na sandali lang?” I asked her but it sounded like a plea. Kinuha ko ang kaniyang mga kamay habang ang aking mga mata ay nakikiusap. Bigla namang lumapad ang kaniyang ngiti at mabilis na nagpatango-tango.
"Ate, hindi mo na kailangang magpaalam pa. Ikaw nga ang mas hinahanap ng nanay kaysa kina Kuya Kiel at Kuya Deimos," she told me as she intertwined our fingers.
Sa paglipas ng mahabang panahon ay sila pa rin ang kinikilala kong pamilya. Sila na tumanggap sa akin sa loob isang tahanan at nagparamdam sa akin kung gaano kainit ang pagmamahal ng mga magulang.
Napangiti na lamang din ako bago siya muling niyakap ng mahigpit.
Sila talaga ang unang-unang gusto kong puntahan nang payagan na ako ng aking ama na umuwi ng Laquiero.
Ang kaso nga lang ay kinain ako ng matinding hiya dahil sa pinagsasabi ko kay Zadkiel.
At ang isa pa ay natatakot din akong baka hindi na ako tanggapin, na baka sa tagal ng panahon ay nakalimutan na nila ako.
I sighed, removing the nervousness in my chest. Makikita ko na ulit ang pangalawa kong ina na mas itinuring pa akong anak kaysa sa tunay na nagluwal sa akin.
“Thank you, Eilys,” I stated as we walked through the hospital's hallway. Magkahawak-kamay kaming naglalakad habang ikinukwento niya kung gaano siya kasaya na nagkita kami ulit. Napapatawa na lamang ako nang ma-realize kong makulit pa rin siya hanggang ngayon.
“Sikat na sikat ka sa amin, Ate. Ang kaso ayaw maniwala ng mga classmates ko na magkakilala tayo, Ate,” she mentioned while complaining, so I picked up my cellphone inside my sling bag then we took pictures of ourselves together, then after that, I instantly posted it on my official i********: account, with the caption. . .
I miss you and I love you.
“They'll know by now,” I declared, making her smile sweetly. My heart fluttered as I saw that kind of smile, because it looked like Zadkiel’s.
We continued our walk while she was clapping her hands in joy and excitement.
“Ate, ikaw pa rin talaga ang gusto ko para kay Kuya Kiel,” she mentioned out of the blue, making me laugh a little.
Pareho kami ng gusto. Gusto ko pa rin ang kuya niya. Iyon nga lang ay para maging sperm donor na lang. Pilit ko nang iwinawaksi ang iba pang maaring maging posibleng dahilan.
We were chatting when we arrived in front of Nanay's hospital room, however our eyes popped out when we saw that a doctor together with nurses were running towards Nanay's bed. Ang ibang mga pasyente na kasama rin ni nanay sa kwarto ay nagpapanic at nagkakagulo na rin.
Mabilis naming tinakbo ang loob ng kwarto pero bago pa man kami makalapit kay nanay ay hinarangan na kami ng dalawang nurse, hindi na raw maaring pumasok dahil masyado na raw maraming tao sa loob.
My body trembled in fear when I saw the straight lines on the monitor, indicating Nanay's heartbeat stopped. Nagpupumilit pa rin akong pumasok sa loob ngunit nakaharang pa rin ang mga nurse. Water ran down on my cheeks while my heart was aching. I couldn't do anything but watch the assigned doctor who was trying to save her life.
Bakit ngayon pang nandito na ako saka siya mawawala?
Si Eilys ay wala ring humpay sa pag-iyak kaya naman hinila ko siya at niyakap. Pain, fear and despair came inside my chest.
Hinanap ng aking mga mata ang tatay pati na rin ang dalawa niyang mga kuya, ngunit hindi ko sila matagpuan. Kumakabog nang mabilis ang aking puso at nilulukob ako ng masidhing nerbiyos dahil kaming dalawa lamang ni Eilys ang nandito. Pareho pa naman kaming mahina ang loob.
Parang mawawalan ako ng ulirat sa tuwing makikita ko kung paanong pilit na nire-revive ng doktor ang nanay. Nawala lang ng kaunti ang aming takot nang makita naming marahang bumalik ang t***k ng puso ng nanay sa monitor. Pupuntahan na sana namin ang nanay ngunit napatigil kami nang malungkot na itsura ng doktor ang sumalubong sa aming dalawa.
“Doc, kumusta po?” I bravely questioned, ignoring my fears. Hindi ko maaaring ipakita kay Eilys na mahina ako dahil ako lang ang nakatatandang kasama niya ngayon.
Nilingon muna ulit ng doktor ang nanay bago humarap sa amin. Pinakiusapan ko naman si Eilys na tabihan muna ang nanay at susunod na lang ako pagkatapos kong makausap ang doctor. Sumunod naman kaagad siya at lumapit kay nanay.
“Mrs. Theresa Vallejo got into a cardiac arrest again,” the doctor introduced as we were striding out of the room. His expression didn’t change a bit, that’s why horror kept knocking on my chest.
Tumigil kami sa paglalakad ni Doc sa harap ng hospital ward. He was saying that Nanay was just lucky today. Pinigil ko ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Pinaaalalahanan ko bawat minuto ang aking sarili na hindi ako dapat maaring umiyak, para kay Eilys na nasa malapit lang.
“Are you her family or relative?” Doc asked while he was looking at the folder he was holding. I was about to answer him when someone in the hallway called the doctor's name. Sabay kaming napalingon ng doktor upang tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
It was Zadkiel.
His eyes were swollen and his hair was a little messy. Mukha siyang problemado at aburido, idagdag pa ang suot niyang gusot na kulay asul na polo. He looked exhausted, hindi siya ang Zadkiel na nakita ko kahapon sa Mall.
Ngunit wala akong pakialam sa kaniyang itsura. Ang importante ay nandito na siya ngayon. Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay nag-unahang tumakas sa aking mga mata nang makita ko siya. Gumaan bigla ang aking pakiramdam at kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
“Ano po ang nangyari, Doc?” He was running out of breath and he was sweating when he stood by my side. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay may kung anong sumikdo sa aking dibdib.
Ang mabilis at malakas na pagtibok ng aking puso ay naramdaman kong muli. Mas dumadagundong ito ngayon kaysa kahapon. Nag-iwas lang kami ng tingin sa isa't-isa nang magsalita ang doktor sa aming harapan at kunin ang aming atensyon.
“I will get straight to the point, your mother is really ill. Kung sa ngayon ay naagapan namin ang atake niya, baka sa susunod ay hindi na. Hindi na rin tumatalab ang gamot na ini-inject namin sa kaniya kaya ang susunod na beinte-kwatro oras ay kritikal. Operasyon na ang kailangan ng nanay mo, iho.” Napatakip kaagad ako ng bibig nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Muli akong napatingin kay Kiel na na-estatwa sa aking tabi.
We both looked awful as we gasped and sighed. My eyes went towards the hospital bed inside the ward. Sinulyapan ko ang nanay na natutulog, tila pagod na pagod nang lumaban.
“Paano po kung hindi siya ma-operahan, Doc?” I was dumbfounded when that question came out of Zadkiel's mouth. I immediately got his attention and grabbed his arms but he just avoided my gaze.
Plano niya bang hindi pa-operahan ang nanay?
“Then we should just accept what may happen. We will still monitor her for the next 24 hours. Pumunta ka lang sa office ko kapag nakapagdesisyon na kayo,” ani ng doktor bago nagpaalam sa aming dalawa.
“No, Kiel. Kailangang ma-operahan si nanay," pagtutol ko nang mabasa ko kung ano ang nasa isip niya. He didn't reply, that's why I stood in front of him then I grabbed his polo, trying to catch his eyes.
“Why are you here? Nandito ka ba para pagtawanan ako?” he inquired as his eyebrows met. Marahas niyang tinanggal ang aking mga kamay at tinalikuran ako.
Napailing naman ako at hindi makapaniwala sa kaniyang tanong.
“Importante pa ba kung bakit ako nandito? Your mother needs an operation!” I shouted, making him stop from walking. “Huwag mong sabihing tatanggapin mo na lang. May paraan pa, Kiel.”
Naiinis ako sa kanya dahil nakikita kong gagawa siya ng desisyon na alam kong pagsisihan niya sa bandang huli. May paraan pa! Maaari pang madugtungan ang buhay ni nanay kung pa-ooperahan siya.
“Ang paraan na sinasabi mo ay hindi ko kayang gawin. Mahal ang operasyon at walang-wala na ako.” I stiffened when those words came out of his mouth.
Paano nangyari na wala siyang pera?
Lalo akong nagulantang nang makita ko siyang umiyak sa aking harapan. Tila binundol ng malaking truck ang aking dibdib nang makita ko ang isa-isang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga pisngi.
Naninikip ang dibdib ko, parang gusto ko siyang yakapin at patahanin.
“What are you saying? Your mother is a teacher. Pwede kang mag-loan o kaya naman si tatay o si kuya, hindi ba at mga pulis silang dalawa?” sunod-sunod kong tanong habang hindi ko alam ang aking gagawin. Ngunit sa halip na sagot ang ibigay niya ay isang matalim na tingin lang nakuha ko.
“Wala kang pakialam, okay?! Umalis ka na!” bulyaw niya bago ako tinalikurang muli. Napairap naman ako sa hangin bago hinataw ng malakas ang kanyang likod gamit ang sling bag na nakasabit sa aking balikat.
“You, brute!” singhal ko habang sinasalag niya ng kaniyang matitipinong braso ang mga paghampas ko.
“May pakialam ako, Kiel. Nakalimutan mo na bang ina rin ang turing ko sa kaniya? Nanay ko rin siya!” I cried, making him stiffen like a statue.
Wala na akong pakialam kung may makarinig o kung may makakita man ng pagtatalo namin, basta masabi ko lang ang hinaing ko.
“Hindi ka namin pamilya, Castañanez. Umalis ka na; layuan mo na kami,” he angrily argued, making me glowered at him. He was always like this, telling me to stay away even if I wanted to be by his side.
I let out a deep breath before I closed my eyes. “If you don't want to get a loan, I have. I have the money.” I volunteered to help.
Hindi siya sumagot kaya imunulat ko ang aking mga mata. Sadness, fear and embarrassment flashed on his face.
“Sino ka ba, ha?”
“Kiel, hindi ito ang panahon para pataasin ang pride mo. I am willing to help, please,” I uttered again but his expression was still the same. Galit pa rin ang nakikita kong nakaguhit sa kanyang mukha at hindi ko alam kung ano ang maaaring dahilan.
“Adeena, you're not helping,” he declared as he walked inside his mother's room.
“I will! Whether you like it or not,” singhal ko bago ako umalis at mabilis na nagtungo sa opisina ng doktor.