Kabanata 6

2050 Words
Escape Plan “GOOD morning po, Maam,” pagbati ng isang security guard na nakapwesto sa labas ng pinto ng milk tea shop kung saan ako papasok. Nginitian ko rin naman ito pagkatapos ay tinanguan. This is the place where Zakdiel and I decided to meet. Mayroon kasi akong mahalagang sasabihin sa kaniya kaya kahit na mahirap siyang kausapin ay nagpatulong ako kay Eilys, nagbabakasakaling mapapapayag niya ang nakatatanda niyang kapatid na isnobero. Ikinuwento rin sa akin ni Eilys na naging successful ang operasyon ng nanay. Nagpapagaling na lamang daw ito at maari nang makauwi sa susunod na linggo kung wala nang makita na panganib ang kaniyang doktor. Talagang hindi ako pumayag na hindi ma-operahan ang nanay, kaya kahit na tutol si Zadkiel ay ako na mismo ang nakipag-usap sa doktor at nagbayad ng kaukulang halaga na kakailanganin. Basta mailigtas lamang sa kapahamakan ang buhay ni nanay ay gagawin ko ang lahat. I let out a deep breath then I decided to enter the milk tea shop. Nang makapasok ako sa loob ay hindi ko siya nakita. Nag-aalala tuloy ako na baka indian-in ako ng lalaking iyon. Sumulyap ako sa aking pambisig na relo kasabay ng aking pag-iling. Bigla akong nahiya sa aking sarili nang malaman kong masyado pang maaga para sa itinakda naming oras nang pagkikita. “Silly,” komento ko sa aking sarili. Napaghahalataan tuloy na masyado akong excited dahil bukod sa mas maaga ako sa napag-usapan naming oras ay hindi maikakailang napakapal yata ang lagay ko ng blush-on nang mapagmasdan ko ang aking mukha sa salamin sa gilid na bahagi ng milk-tea shop. My cheeks burnt in fire, so I got a small mirror and tissue in my handbag. I removed the extra make-up and when I got satisfied with my look, that’s when I decided to walked towards the counter to order my favorite milk-tea together with the chocolate cookies I saw on their menu. Matapos kong makapagbayad at makuha ang in-order ko ay naghanap ako ng bakanteng mesa para doon muna tumambay habang hinihintay si Zadkiel. For me, this important thing I will be going to say is a matter of life and death. Kakausapin ko siya nang masinsinan. Sasabihin ko sa kaniya ang plano kong kumuha ng sperm donor at siya ang maswerteng lalaki na napili ko. Alam kong tatanggi siya dahil mahirap siyang kausap, pero gagawin ko pa rin ang makakaya ko para pumayag siya sa aking alok. “Kaya mo iyan, Adi,” pagpapalakas ko ng aking loob habang bumubulong sa hangin. I clasped my hands before I sipped my drink. I was trying to get all my composure, but when I heard someone shouting my name, my face went pale. The second I saw my best friends who were sending smiles from distance made my heart throbbed in astonishment. Biglang akong nasamid nang malunok ko ang isang pearl sa milk-tea dahil sa pagkagulat.. Pasimple kong nasapo ang aking noo, lalo na nang makita kong kumakaway pa sa aking direksyon si Cyllene. “Bakit sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa?” I whispered to myself while I was smiling on them. I was silently praying that they wouldn't sit beside me, but it was impossible. They were my friends, so they would sit beside me. Pinagpapawisan ng sobra ang aking noo, nangangamba tuloy akong baka masira ang aking make-up. Pinaghandaan ko pa naman ang araw na ito. Naggala kaagad ang aking mga mata at hinanap ko si Zadkiel. Nang hindi ko siya nakita ay napasinghap ng hangin. I was thankful that he still wasn't around. Hindi maaring malaman ng aking mga kaibigan na makikipagkita ako kay Zadkiel dahil isang katerbang sermon na naman ang aabutin ko sa kanilang lahat. Masyado kasi silang strict, daig pa ang mga parents ko. “What's up, pare? Mukhang gulat na gulat ka,” Masien chatted while wearing her mocking smile, that's why I greeted my teeth and I rolled my eyes. “Magugulat talaga ako dahil bigla na lang kayong susulpot sa harapan ko,” I answered, diverting the question to them before I took another sip on my milk-tea to hide my nervousness. Sa kapitolyo na nga ng Laquiero ko napagdesiyunang makipagkita kay Zadkiel para hindi malaman ng mga kaibigan ko, pero heto at mahuhuli pa yata kami. Matinik talaga sila, naaamoy yata ang mga plano ko. “Posturang-postura ka, ha. May katagpo ka bang lahi ni Adan, bes?” Cyllene inquired as she drew a smirk on her lips. Nasamid na naman ako dahil bigla na naman akong makalunok ng pearl. Umubo ako at tinakpan ang aking bibig gamit ang panyo na kinuha ko sa aking bag pagkatapos ay sinamaan ko ng tingin ang aking dalawang kaibigan na mukha ng aso kung ngumiti. Parang may kung anong nagwawala sa loob ng aking tiyan, gusto ko silang itaboy, sabihin na umalis sila rito at humanap na lang ng ibang milk-tea shop pero kapag sinabi ko naman iyon ay siguradong magtataka sila. “Wala! At teka nga, kailan mo pa pinakailaman ang make-up ko?” I argued while clasping my hands together, under the table. Tinaasan lang nila ako ng kilay pagkatapos ay hindi ako pinansin. Am I too obvious? Binawasan ko na nga ang make-up ko kanina para hindi masyadong halata. Parang gusto ko tuloy na tumakbo papasok ng comfort room at tignan ang sarili ko sa salamin. Mahahalata rin kaya ni Zadkiel na masyado akong nagpaganda para sa kaniya?  “Maria, ikaw na ang umorder. Kung ano ang flavor ng sa'yo, iyon na rin ang order ko,” Cyllene announced as she gave a paper bill to Masien who marched towards the counter while complaining. Ayaw na ayaw kasi nitong tatawagin siyang Maria, nakakapangilabot daw kasi. “Bakit?” inosenteng tanong ni Cyllene bago marahang umupo sa katapat kong upuan, nakita niya yata ang aking nakalukot na mukha. “Wala. Nasaan si Zem?” I asked while my two hands were now pinching my legs. Sinubukan kong umaktong kalmado at nginitian ko si Cyllene ng malapad. Para akong clown kung ngumiti habang siya ay nagtataka kung bakit ganito ang aking inaakto, mabuti na lamang ay hindi siya usisera tulad ni Masien. “She had to go to her monthly check-up,” she replied while she was browsing her cellphone. Patuloy kong itinatago ang pagkataranta at pagkabalisa. Gusto nang tumakbo papalabas ng aking mga paa, ngunit wala naman akong maisip na dahilan para hindi sila maghinala. I was thinking of how I could escape but I lost my chance when Masien arrived and took a seat beside me. “Bakit ka nga pala nandito?” Masien inquired as she sipped her milk tea, making me gulp hardly. Kung wala lang akong lipstick ay tiyak na mapapansin nila ang pamumutla ng aking mga labi dahil sa hindi ako makapag-isip ng tamang isasagot. I was palpitating even if I didn’t drink a coffee. Para kasing may lie detector test ang mga tainga ni Masien at isang pagkakamali ko lamang ay mabibisto na kaagad ako. “I was just touring around. Na-miss ko lang talaga ang Laquiero.” I tried really hard not to stutter. Pinagmasdan naman nila akong dalawa na pinagdududahan ako. Fortunately, after minutes of staring session, they finally nodded as a sign that they didn't find me suspicious. I sighed silently and I felt a sudden relief. “Mabuti na lang at nakita ka namin. We finally came to a conclusion. We're going to help you, pare. Kasama rin si Elle na tutulong sa'yong maghanap ng sperm donor,” Masien announced as she sipped her drink again. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at itinaas-baba ang kaniyang mga kilay na tila nanunukso. Ngunit sa halip na matuwa dahil sa kaniyang ibinalita ay napuno lamang ako nang pag-aalala. Wala sa kanila ang isip ko kundi na kay Zadkiel. I was thinking of him. Paano kung makita siya ng mga kaibigan ko? “Adi, you're zoning out!” Cyllene got my attention by waving her hand in front of my face. Doon lang bumalik ang aking ulirat kaya kaagad akong tumango at ngumiti sa kanila. “Yes, I'm listening,” pagsisinungaling ko dahil wala na talagang pumapasok sa isip ko kundi kung paano ko katatagpuin si Zadkiel. “May nakalatag na kaming pwede mong pagpilian. Ano bang gusto mo? Korean, American, Chinese, Japanese, European? Name it and we'll find what type of sperms you like,” Cyllene giggled while using her husky voice, she then slightly moaned and rolled her eyes.  Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa aking katawan habang nandidiring nakatingin sa aking kaibigan. Wala talaga siyang pinipiling oras ng kahalayan. “Bes, I'm sorry but I changed my mind,” nag-aalangan kong salaysay kaya nagulantang sila at pinandilatan pa ako ng mata. Parang hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. Ang plano ko naman talaga ay magpahanap sa kanila ng magiging sperm donor, pero bigla na lang nagpakita sa akin si Zadkiel at naiba ng kaunti ang aking plano. Hindi na ako magpapahanap ng lalaking magiging ama ng baby ko, dahil nakita ko na siya. Si Zadkiel, si Zadkiel ang magiging ama ng baby ko. Pero kailangan kong itago sa kanila dahil tututol lang naman sila. My best friends didn't like Zadkiel from the start but they hated him more, the day I left Laquiero. Natitiis nila akong lahat kapag nagsimula na akong magtanong tungkol sa lalaking iyon. Kapag tinatanong ko naman sila kung bakit ay wala akong makuhang matinong sagot. That's why aside from hiring him as my sperm donor, I would also want to discover their little secret if they really have it. Gusto ko lang makasiguro dahil mapapraning ako kaiisip ng posibleng maging dahilan kung bakit ayaw na ayaw nila kay Zadkiel. “Ganoon kabilis? Adi, ikaw ba iyan?” Hinawakan ni Masien ang aking magkabilang braso at niyugyog ako nang niyugyog kaya naman binatukan ko siya noong nagkaroon ako ng pagkakataon. “Naisip ko lang ang sinabi niyo na bata pa naman tayo,” I lied again, hiding the truth by laughing. Idinaan ko sa pagtawa ng parang wala ng bukas ang aking mga pagpapalusot. “Ganoon ba? Tama iyang desisyon mo. Sabi na at nagkulang ka lang sa kain, bes,” Cyllene joked while Masien chuckled. Napakamot na lang ako sa aking ulo habang nagtatawanan silang dalawa. Nawala lang ang atensiyon ko sa kanila nang bigla na lang tumunog ang aking cellphone, senyales na mayroong tumatawag. I ignored their talks while I was getting my cellphone out of my bag. Kusang lumuwa ang aking mga mata nang makita ko ang pangalan ni Zadkiel sa screen ng phone ko. Mabilis kong pinatay ang tawag pagkatapos ay nginitian ko ang aking mga kaibigan na parang walang nangyari. Nakatanggap pa ako ng text, nasa labas na raw siya ng milktea shop. Damn it! I was on panic-mode and I thought I was losing my mind. Mabuti na lang at bigla akong nakaisip ng magandang palusot. I laughed on the back of my mind when a light bulb appeared on my head. Kunwaring nalulungkot ako nang tumingin ako sa aking mga kaibigan na hanggang ngayon ay nagdadaldalan pa rin. “Mga bes, I gotta go. Nag-text ang editor ko,” pagpapaawa ko at nang makuha ko ang kanilang simpatya ay wala pang limang segundo'y nasa pinto na ako ng milk tea shop. Nakasalubong ko si Zadkiel sa harap ng pinto. He looked surprise and confused, but I didn't have a lot of time to explain what's going on, that's why I grabbed his hand and I pulled him away from the milk-tea shop. “Bakit tayo tumatakbo? May humahabol ba sa'yo?” sunod-sunod niyang tanong nang pigilin niya ang aking kamay kaya kami napahinto. Tumigil kami sa isang lugar malayo sa mga mata ng aking mga kaibigan. Maaliwalas rin ang hangin sa lugar dahil sa mga puno na nagbibigay ng lilom. Tinanggal niya kaagad ang mga kamay naming kanina ay magkasiklop nang mapansin niya ito. Sinimangutan ko siya, ngunit parang wala naman itong naging epekto sa kaniya kaya lihim na lang akong napairap sa hangin. “Bakit gusto mong makipagkita sa akin?” He lifted his eyebrow while he was wearing a blank expression. Ngayon ko lubos na nakita kung gaano kaganda ang kulay abo niyang mga mata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD