I want you PAGKATAPOS ng pag-uusap namin na iyon ay nagsimula na akong umiwas sa kaniya. Hangga't maaari ay hindi ako lumalapit sa kaniya kung hindi pa naman namin gagawin ang pinagkasunduan namin. Palagi siyang dito umuuwi, kahit na day-off niya sa trabaho ay nandito siya. Nangangamba na nga akong baka may makaalam na nandito ako kaya kahit pinapayagan niya akong lumabas ng penthouse ay nagkukulong lang ako sa loob maghapon. Wala rin namang problema sa akin dahil nakakapag-concentrate ako sa pagsusulat ko. So far, I could say that the characters I made, satisfied the perfectionist me. Napapangiti ako habang binabasa ang mga description nila. I was in the balcony again, preparing to write the whole outline when I heard the sound of the doorbell. Nagtataka akong pumunta sa harap ng pin

