Not mine MATAPOS niyang makahalik sa akin ng tatlong beses ay nakangiti siyang nagpaalam upang pumasok sa trabaho. Ang plano ko na magsimulang sumulat ng panibagong manuscript ay nanatiling plano na lamang dahil maghapon akong tumulala. Hindi ko na namalayan ang oras kaya nang dumating siya ngayong gabi ay nagulantang ako dahil hindi niya ako nasabihan na ngayon na namin gagawin. Marubdob ang ginawang pagpintig ng aking puso nang lumapit siya sa akin, ngunit kumunot ang aking noo nang mapadpad ang aking mga mata sa kaniyang mga kamay na may bitbit na mga paper bags, may laman itong iba't-ibang damit at gamit na sa tingin ko ay dati kong binibili. “Take this,” utos niya kasabay nang pag-abot niya sa akin ng paper bags. Nakatingin lang ako sa inaabot niya sa akin at hindi ko alam kung ta

