Free-taste NAGTIG-ISA kaming dalawa ng kwarto, ang sabi niya ay saka na lang daw kami magtabi kapag gagawa na kami ng baby. Hindi pa rin ako sigurado sa desisyon ko, siguro ganito rin ang naramdaman niya noon nang pumayag siya na maging sperm donor ko. I was still questioning myself for thousands of times but I couldn't still figure out the answer. “Kaya ko bang mawalay sa magiging anak ko kung iyon ang matagal na matagal ko ng pangarap?” Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang tanong na iyon hanggang sa bumigat na ang talukab ng aking mga mata. Nang magising ako kinabukasan ay kaagad kong inayos ang aking sarili, naligo muna ako at pumili ng simpleng damit na isusuot bago ako lumabas ng kwarto ko. I smiled when I realized that I didn't want buying expensive dresses and shoes now

