Selos HE didn't come back. Buong magdamag akong naghintay sa kaniyang pagbalik, ngunit ni anino niya'y hindi ko nasilayan. Malaki ang naging pagtatampo ko sa kaniya, bakit pa siya mangangako kung hindi niya naman pala kayang tuparin? Akala ko ay nakalimutan niya na rin niya ang tungkol sa booksigning event ko ngayong araw ng Linggo, ngunit nagkaroon ng isang himala nang mukha niya ang una kong nakita pagkagising ko ng umaga. Siya ang gumising sa akin at ipinagluto niya pa ako ng almusal. Gustuhin ko mang kiligin sa mga ginagawa niya para sa akin, pero kapag bumabalik sa isip ko ang pagpapaasang ginawa niya sa akin sa mga lumipas na araw ay umuusbong ang inis sa aking puso. Hindi ko siya pinapansin, tahimik lamang ako sa kaniyang tabi habang nasa loob kami ng kotse. Nang makarating n

