Chapter 20 “DO NOT PUT garlic on fried rice. Athena doesn’t like it.” Walang ganang paalala sa akin ni Ma’am Vica. Keeping her elegant poise intact, she sits on a high stool here in the kitchen. Naririto siya para bantayan ang bawat kilos ko. Para manduhan ako sa kung ano ang dapat kung gawin sa aking niluluto. “O—opo.” I answered her, almost mumbling. Nakakainggit si Athena. Ang daming alam ng nanay ni Azure tungkol sa kaniya. Samantalang sa akin, ni hindi niya ako magawang tanungin kahit man lang sana ang apelido ko. Tapos na akong mag-prito ng porkchop at kasalukuyan kong inihahanda ang bagong lutong kanin para iyon ang gawing fried rice para sa almusal nila. May leftover pa naman kaming kanin mula sa dinner namin kagabi ngunit inasikan lang ako ni Ma’am Vica nang magtanong ako sa k

