Chapter 19 “I’M FAMILIAR with this food.” Natatakot man ako ngunit kailangan kong ihinto ang aking pagkain upang ibaling ang atensiyon sa ina ni Azure. Ludovica Alceste, that’s Azure’s mother’s name. She’s a pure Toscani woman. Salu-salo kami ngayong tatlo dito sa komedor para sa hapunan. ‘Yong pagkaing tinikman at tinutukoy ni Ma’am Vica ay iyong niluto kong special na pancit guisado. Ito iyong side dish namin sa hapunan ngayon. Todo-lambing ang ginawa ko kay Azure kanina para lamang payagan niya akong magluto ulit. Kung dati ay ayaw akong payagan ni Azure na kumilos dito sa bahay, mas lalo na ngayong muntik nang mauwi sa disaster ang kusina dahil lang sa kapalpakan ko ngunit dahil ibig kong may maiambag sa first dinner kasama ang nanay niya kung kaya’t nagpumilit talaga ako kay Azur

