Chapter 16 “Ang cool ‘no? Pregnant ka pero wala ka namang halos na pinaglilihian. Atsaka simula nang lumipat kayo rito ni Azure, hindi talaga kita napansin na nagkaroon ka ng mood swings. Ang suwerte ni Azure saiyo, sa inyo ng baby mo dahil halatang magaan ang buhay niya kasama ka.” Sandali kong nilingon ang nagsalita. Nakangiti ito subalit mababakas ang pangimbulo sa tinig niya. “Nagpapasalamat din ako na naging masaya ako kasama siya, Alicia. Kaya siguro ang behave ng baby namin dito sa tiyan ko at hindi ako binibigyan ng problema kasi hindi nagkukulang si Azure na iparamdam sa amin kung gaano siya kabuting tao at kabuting ama sa baby namin kahit hindi pa man ito lumalabas. Responsable sa amin si Azure, Alicia at labis kong ina-appreciate iyon.” Dalisay na kaluguran ang dumnaloy sa p

