Chapter 17 I just came out of the bathroom after taking a bath. Nang matapos akong makapagbihis ng aking pantulog ay dito ko naisipang magpahangin sandali sa veranda ng kuwarto namin ni Azure. Nagsusuklay ako nang mapansin kong umilaw ang isang sasakyan na nakaparada sa harapan ng farmhouse. Sandali pa ay umandar na ito paabante subalit nagdahan-dahan ito nang tumapat ito dito sa gawing bahagi ng bahay kung saan ako naroon. Tinted ang glass ng sasakyan na iyon kaya hindi ko masasabi kung sumulyap ba rito sa itaas ang driver niyon pero iyon ang pakiramdam ko. A creepy feeling tugged at my chest for an unclear reason. Ewan ko ba pero gusto kong mangilag sa mag-asawang Arthim at Alicia. Tinanaw ko lang ang papalayong sasakyan hanggang sa mawala na sa paningin ko ang tail light niyon. I s

