bc

Super Beks Series: A Tale Of A Heroine

book_age16+
544
FOLLOW
1.7K
READ
zombie
independent
princess
heir/heiress
comedy
bxb
others
superpower
special ability
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

(UNDER REVISION)

Tatlong nagagandahang mga beks ang napili, asul na apoy ang nagtakda. Sila'y mabibigyan ng misyon na iligtas ang buong mundo. Ngunit ang tanging gusto lamang ng tatlo ay maiahon sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya, at matupad ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay, ngunit sa pagdating ng kanilang kapangyarihan ay ang pagpasan nila sa problema ng buong mundo.

Tiwala, pagkakaisa, at pananalig, sila kaya ay mayroon nito?

Gaano kaya katatag ang kanilang samahan? Malalagpasan kaya nila ang mga panganib na kahaharapin nila sa kanilang mga buhay?

Ang misyon nga ba nilang tatlo ay iligtas lamang ang buong mundo o mayroon pang malalim na dahilan kung bakit sila ang napili ng asul na apoy? At kaya nga ba nilang iligtas ang sangkatauhan kung ang tingin sa kanila ng mga tao ay isang salot at hayop ng lipunan?

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
Ilang oras nang tumatakbo ang tatlong babae, hindi nila alam kung saan sila tutungo. Hindi sila maaaring magpahinga dahil alam nilang nasa likuran lamang nila ang mga kawal ng kaharian na siyang tumutugis sa kanila. Hindi maaari na sila ay maabutan ng mga kawal, dahil sa oras na mahuli sila ng mga kawal ay kamatayan ang siyang naghihintay sa kanila. “Kailangan pa nating bilisan sa pagtakbo bago pa nila tayo maabutan!” hinihingal na saad ng isang babae na tagaktak na ang pawis. Dahil sa nais na makatakas ay hindi na nila alintana ang mga sugat sa katawan. “Ngunit napapagod na ako, h-hindi na kakayanin ng aking mga paa ang siyang tumakbo pa ng matagal,” mahina at hinihingal na ani ng kanilang reyna. Magkasabay na sumigaw ang dalawang babae nang makita nilang nadapa ang reyna. “Karem!” [Reyna!] malakas na hiyaw ng dalawang babae na siyang alalay ng reyna. Napahagulgol ang dalawa dahil sa mapait na sinapit ng reyna. Hindi nila lubos maisip na darating ang araw na sasapitin nila ang kagimbal-gimbal na pangyayaring ito. Nais nilang sagipin ang iba, ngunit paano nila iyon gagawin kung ang mismong sarili nila ay hindi nila matulungan. “Tumakbo na kayo, hayaan niyo na lamang ako rito. Isalba niyo ang inyong mga buhay. Magiging pabigat lamang ako sa inyo, dahil batid kong hindi na ako makalalakad pa.” Magkasabay na umiling ang dalawang babae habang umiiyak ang mga ito. Hinawakan ng isang babae ang kamay ng karem. “Hindi maaaring iwanan namin ang aming reyna. Kami muna ang nararapat na mamatay bago ka. Mahal na reyna, malapit na tayo sa dulo ng kagubatang ito. Naroon ang ating sasakyan upang makapagtago sa ibang planeta,” mariin na wika ng isa pang alalay ng reyna. “Makinig kayong dalawa sa akin... maaabutan lamang nila tayo kapag isinama niyo pa ako,” giit pa ng reyna sa mga ito. Sabay na umiling ang dalawang babae habang patuloy ang mga ito sa pagtangis. Sila na lamang ang huling babae sa kanilang lahi, hindi maaaring pati sila ay mawala. “Tayo na lamang ang huling pag-asa ng kahariang ito. Isipin mo na lamang ang aming mga kapatid na nagbuwis ng kanilang buhay upang makalabas lamang tayo ng palasyo. Ang mga tapat na sundalo ng kaharian na inalay ang kanilang buhay upang labanan ang mga masasamang kawal.” Malakas na pagtangis ang pinakawalan ng isang babae. Gumuhit ang nakatatakot na kidlat sa kalangitan, isang malakas na kulog ang kanilang narinig. Kahit ang kalangitan ay dinadamayan ang kanilang takot na nararamdaman. Hanggang sa unti-unting pumatak sa kanilang mga katawan ang luha ng kalangitan. Patuloy sa pag-iling ang reyna sa dalawang babae. Itinulak niya ang mga ito para paalisin na, tanggap niya na ang kaniyang katapusan, ngunit ayaw niya naman na idamay pa ang kaniyang mga naging kaibigan. “Bilang inyong reyna ay nais kong sundin ninyo ang aking ipinag-uutos. Umalis na kayo at iligtas ninyo ang inyong mga sarili. Umalis na kayo at magpakalayo-layo sa pook na ito. Marami na kayong mabuting nagawa para sa akin, unahin naman ninyo ang inyong mga sarili!” nanghihina at kinakapos ng hininga na usal ng reyna. “Maging masaya at magkaroon kayo ng masayang solpos [pamilya]... hayaan niyo na lamang ako rito, kaya ko na ang aking sarili,” sunod pa na sabi ng reyna. Ngumiti nang mapait ang dalawang babae sa reyna. “Sarya!” sigaw ng isang babae dahil sa nasaksihang pagsampal nito sa reyna. “Tumigil ka, Sarya! Hindi mo dapat sinampal ang ating reyna! Huwag mong kalilimutan na siya pa rin ang ating reyna,” mariin na turan nito sa babaeng nagngangalang Sarya. “Huwag mo akong pigilan sa aking nais na gawin, Senya. Akin lamang nais na gisingin ang ating reyna mula sa kahibangan,” ani nito. May kahigpitan niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang reyna, ngunit tila’y buo na ang desisyon ng reyna na magpapaiwan ito. “Wala na ang aking eram [hari], wala ng saysay pa ang aking buhay. Paano ako mabubuhay kung sa bawat paghinga ko ay wala na ang aking asawa?” Magkasabay na umiling ang dalawa nitong alalay sa kaniya. Nagsusumamo ang mga itong hinawakan ang kamay ng kanilang reyna. “Ande mek sey, mi karem. Isipin mo na lamang ang mga merius sa iyong sinapupunan,” [Huwag mong sabihin iyan, aming reyna. / merius – Anak, bata] mahinahon na usal ni Senya sa reyna. “Narito pa kami, aming reyna. Ang inyong mga magiging anak ang siyang magliligtas at magbabalik ng katahimikan sa kahariang ito, kung kaya ay huwag kang panghihinaan ng loob dahil hinding-hindi ka namin iiwanan,” madamdaming mungkahi ni Sarya. Isang malakas na sigaw ang umagaw sa kanilang pansin. Sigaw ng mga kawal na naghahanap sa kanila. Iyon ang hudyat na malapit na sa kanilang kinaroroonan ang mga kawal. “Ke sobor! Ande que bekosre e moskopar se karem!” [Hanapin sila! Huwag ninyong hayaan na makawala ang reyna!] malakas na sigaw ng pinakapinuno sa buong kawal. “Mogo-mogo ere!” [Maghiwa-hiwalay kayo!] “Mahal na reyna...” pagmamakaawa ng dalawa sa kanilang reyna. “Umalis na tayong tatlo, kailangan nating makalayo sa planetang ito.” Dahil sa mga sinambit ng reyna ay nabuhayan ng loob ang dalawa. Mabilis nilang tinulungang makatayo ang reyna. Simula nang mawala ang magiting na hari ng Gliese ay nagpatupad ang mga Mosque Revor o matatandang konseho na magkaroon ng bagong hari na siyang mamumuno sa buong Gliese. Kahit sinumang mga Salakai at Meram ay walang makapagsasabi kung saan napunta ang kanilang dating mabait at matapang na hari. At simula nang magkaroon ng bagong hari sa kanilang kaharian, mariin na ipinatupad ng bagong hari na walang babae ang maaaring mabuhay sa kanilang planeta. Ang dating puno ng kulay at masiyahing planeta ay napalitan ng takot at pangamba, lalo na ng karahasan. Maraming mga kababaihan ang nasawi. Pinalad na lamang ang tatlong babae na may mga mabubuting loob na tumulong sa kanila upang makatakas. Sila na lamang ang pag-asa ng kanilang kaharian at planeta. Dahil nasa sinapupunan ng reyna ang kapalaran ng buong Gliese. Walang humpay sa pag-usal ng dasal sa kanilang Diyosa ng buwan ang tatlong babae, habang tumatakbo ang mga ito para sa kanilang mga buhay. “Ahh!” malakas na tili nilang tatlo nang may kulay asul na bagay ang siyang muntikan ng tumama sa kanilang tatlo. Isang ralhalis. Pinapaulanan sila ngayon ng mga kawal ng mga ralhalis. “Ande que ke bekosre e merpien!” [Huwag ninyo silang hayaan na makatakas!] malakas na sigaw ng heneral. “Malapit na sila sa atin!” naiiyak na turan ni Sarya. “Bilisan pa natin sa pagtakbo, malapit na tayo sa hangganan!” kinakabahan na wika naman ni Senya. Ngunit sabay-sabay silang tatlong natumba nang may mga kalalakihan ang siyang humarang sa kanilang daraanan. Ito na ba ang katapusan nila? “Parang awa niyo na, kami na lamang ang inyong paslangin. Hayaan niyo na lamang na makaalis ang ating reyna sa planetang ito,” pagmamakaawa ng dalawang babae sa harap ng mga hindi kilalang kalalakihan. Nakaluhod ang tatlo sa lupa habang nagsusumamo para sa kanilang mga buhay. “Ang mga sanggol na nasa sinapupunan ng reyna na lamang ang magliligtas sa mundo natin, nakikiusap kami sa inyo,” saad pa ni Senya sa mga lalaki. Hinarangan ng dalawang babae ang kanilang reyna, handa na silang saluhin ang balang tatamama sa kanilang katawan. “Kung papatayin niyo kami, mas mabuting unahin niyo muna kami bago ang aming reyna,” matapang na dagdag pa ng mga ito. Habang patuloy sa pagpatak ang malilit na butil ng tubig sa kanilang mga katawan, pakiramdam ng reyna ay bumagal ang pagtakbo ng oras. Nang mga oras na iyon ay wala siyang takot na nararamdaman. Mula sa may kalakasang ihip ng hangin, pinupuno ng init ang kaniyang puso para sa dalawang taong nasa kaniyang unahan na handa siyang protektahan. Paano siya nagkaroon ng mga tapat at mababait na kaibigan na kahit sa gitna ng kamatayan, handa nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan niya at ng kaniyang mga anak? Simula nang nag-aaral pa lamang sila ay puro sakit sa ulo lamang ang kaniyang ibinigay sa mga ito. Wala pa siyang naaalala na siya ang nagsakripisyo para sa dalawa. “Hindi namin kayo sasaktan, narito kami upang tulungan kayong makaalis sa Gliese.” Nang marinig nila ang sinabi ng lalaki ay nakahinga na lamang sila ng maluwag. Mayroon pa rin palang mga mabubuting nilalang na handa silang tulungan. “Gapi, tulungan mo ang ating karem at ang mga binibini na makatayo at dalhin mo sila sa rosko," utos nito. Kaagad na lumuhod ang isang lalaki upang buhatin ang reyna, ang dalawa naman ay tinulungan na makatayo ang dalawang babae. Ang rosko na sinasabi ng lalaki ay ang sasakyan nila patungo sa ibang planeta. “Maaari ba naming makilala kung sino kayo?” tanong ng karem sa kanila. Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ng karem, ngunit labis ang gulat at samo’t saring emosyon ang naramdaman ng reyna nang makita niya ang mga mata ng lalaki. Ang mga matang iyon ay kilalang-kilala niya. Dahil sa pagkabigla ay kahit ni isang salita man lang ay walang lumabas sa bibig ng reyna. Hinawakan ng reyna ang mga kamay ng lalaking bumuhat sa kaniya ngunit mabilis din itong lumayo sa kaniya. “Maraming salamat sa inyong kabutihan. Tatanawin naming malaking utang na loob ang bagay na ito,” mangiyak-ngiyak na turan ng reyna nang makarating sila sa rosko. “Huwag kayong magpasalamat, mahal na reyna, kami ang may utang na loob sa inyo. Ingatan ninyo ang inyong mga sarili at ang bagong pag-asa ng Gliese.” Inilibot ng lalaki ang kaniyang paningin sa tatlong babaeng napupuno ng pangamba at takot. “Nababatid kong hindi pa ito ang huling beses na tayo’y magkikita.” Pilit na ngiti ang iginawad dito ng reyna. “Pumasok na kayo bago pa nila kayo maabutan.” Tumango nang marahan ang reyna, bago nagbigay ng huling pasasalamat sa mga bayaning lalaki na nasa harapan nila. Nang makapasok ang reyna sa loob ay nagsimula ng umandar ang kanilang sasakyan. “Mag-iingat ka aking mahal, at sana ay hindi ito ang huling beses na ikaw ay aking masilayan. Babaunin ko ang lahat ng ating mga alaala sa aking paglisan sa ating planeta. Paalam, mahal ko,” mahinang bulong ng reyna sa hangin habang tinatanaw ang mga kalalakihang nakikipaglaban sa mga masasamang kawal ng bagong hari. Ngunit isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang nasaksihan ng reyna. Kitang-kita ng kaniyang mga mata kung paano naging abo ang mga lalaking tumulong sa kanila. “Hindi! Hindi! Tulungan natin sila!” malakas na hiyaw ng reyna, ngunit umaangat na ang kanilang sinasakyan, at patuloy rin sa pagpapatama ng mga ralhalis ang mga kalaban sa kanilang rosko. Mabuti na lamang at hindi magigiba ng kahit na anumang armas ang sasakyang iyon. “Wala na tayong magagawa pa, isinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa atin.” Patuloy sa pag-iling ang reyna. Wala siyang magawa kung hindi ay ang umiyak na lamang. Dahil sa bilis ng kanilang sinasakyan ay hindi na nila alam kung ano ang nangyayari sa mga lalaking tumulong sa kanila. Ngayong nasa labas na sila ng kanilang planeta, ang kapalaran na mismo ang magdadala sa kanila kung saang planeta man sila nito dalhin, at sana sa oras ding iyon ay gabayan sila ng kanilang mga Diyosa at Diyos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.0K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
142.0K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
51.5K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
19.3K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.4K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook