TOAH 54: LIPAD

2446 Words

ADOLPHO “Huwag kayong sumuko dahil malapit na tayo!” pagpapalakas ng loob ni Nana Mela sa mga kasamahan namin. Isa sa mga kababaihan ay nahimatay dahil sa sobrang init, kahit ang dalawang bata ay nahimatay rin. “Saan ba ang patutunguhan natin Nana Mela, purong buhangin na lamang ang aking nakikita. Datapwa’t hindi nga naman tayo napatay ni Ampo, subalit ang init naman na nagmumula sa haring araw ang siyang papaslang sa atin,” ani ng isang matandang lalaki, nagngangalan itong Ipseng. “Kung ako sa ‘yo ay huwag ka na lang magreklamo Lelong Ipseng, ilaan mo na lamang ang iyong lakas sa paglalakad at hindi sa pagrereklamo,” rinig kong ani naman ni Karlo. “Tama si Karlo, Lelong Ipseng, kung maaari ay iwasan ninyong magsalita para maibsan ang mabilis na pag-ubos ng tubig sa ating katawan,” tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD