Bumalik ako sa reyalidad, na sa kasal ako ni Ralf at Jainee at acting lang ang lahat. Ngayon ko naramdaman ang hiya sa aking pinaggagagawa. Ang plano ko kasi dapat na mangyari ay magbabading badingan ako, matapos ng liyang 'Ang hinihingi mo, mawala ka sa buhay ko.' Ay aawra akong bading at magpapasalamat dahil makakalaya na ako sa aking pagkalalake. Pero ang nangyari, umiyak ako at natuklap ang sugat ng nakaraan. Kinunchaba ko pa naman si Red para dito pagkatapos iba pala ang mangyayari! Hay nako Jerson, napaka galing. Ilang segundo pa at tumayo na ako, pinunasan ang aking mga luha at nagsalita. "Ayos ba? Kami ang Popoy at Basha ng Bulacan!" sabi ko ng buong pagmamalaki. Nagpalakpakan ang lahat, at naghiyawan. Huh, buti na lang at tapos na, at mukha namang naging maganda ang acting nami

