Matapos kaming bigyan ng appetizer, nagsimula na ang game para sa mga abay at mga single na lalake at babae. "Okay, every wedding 'di mawawala ang mga games para sa ating mga single ladies and gentlemen," panimula ng Master of Ceremony. Ay patay na, ito sa pinaka ayaw kong part ng reception sa kasal. Ramdam kong pagtri-tripan kami ni Riz ng mga barkada n'ya. Ayaw ko namang maging kill joy, pero shy type ako. "At every wedding, talaga namang pahirapan ang pagpapasali sa ating mga bisita para maging participant. And I have a solution for this!" masiglang sabi ng MC. Kumakabog ang dibdib ko, pakiramdam ko mapapasubo ata ako sa mga oras na 'to. Bigla akong kinuhit ni Riz. "Mag-C.R lang ako," bulong nito. Tumango ako, pero aktong tatayo na si Riz ay bigla itong hinawakan ni Kit. "At saan

