Chapter 2

1361 Words
"Hi? Ikaw si Jerson?" May kumalabit sa likod ko. "Yes, Riz?" balik kong tanong. I find her cute, at terno pa kami nakamaroon. Bata ang itsura niya naisip ko talaga bang 22 na siya o 15? Mamaya ma-child abuse ako nito ayaw kong makulong, kaya nagpasya ako na hinay-hinay lang at walang gagawing kung ano man sa kanya at first time ito! Inabot niya ang kanyang kamay, natawa pa ako. "Formal mo naman," natatawa kong sabi "Nasanay lang, e ‘di huwag." mataray na sabi ni Riz. Batang-bata ang itsura niya at mukha niya akong kuya. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil sa itsura niya. "Saan tayo?" tanong ni Riz. "Parang masarap sa Mang Inasal, doon na lang tayo." sabay turo ko sa katapat na fastfood. Naglakad kami, nakakatawa kasi sa Mcdo ang meeting place namin at sa Mang Inasal kami kakain. "Ano sa ‘yo?" tanong ko. "Ikaw ang bahala, kung ano na lang sa ‘yo," sagot nito. "Sure ka?" muli kong tanong. "Yap, hanap na lang ako ng mauupuan," paalam ni Riz. Pumunta na ako sa cashier para mag-order at nakahanap na rin siya ng upuan. Napansin ko na may 2 lalakeng nakatingin sakanya, katapat lang ng table namin. Naka-t-shirt at shorts si Riz, usual na damit, hindi naman bastusing tingnan pero ang pansin si Riz, dahil sa puti nito. Nabigla na lang ako sa ikinilos ko, tinabihan ko siya sabay akbay. Siguro, dahil nga may kapatid din naman akong babae at ayaw kong mababastos sila kaya lumabas ang brother instinct ko. "Ano ba’ng ipinunta n’yo? Kumain ng hita ng manok o tumitig ng hita ng iba?" Nagulat si Riz sa ginawa ko, kahit ako nagulat sa mga sinabi ko. "Uy, tama na baka mapaaway ka pa, hanggang tingin lang naman ‘yang mga ‘yan," saway sa ‘kin ni Riz, mukha kasing naghahanap ng away ang tono ng pananalita ko. "Bata, iba dito sa Manila, anytime pwede ka na lang hablutin ng mga ‘yan," paalala ko sa kanya. "Ah, gano’n po ba, kuya," pang-aasar niya. Ginulo ko na lang ang buhok niya. Para talaga siyangbata, ang cute, cute. Tumayo bigla ang dalawang lalake at umalis. Akala ko, sasagot pa ang dalawa. Kung ganoon man ang gawin nila, hindi ko sila aatrasan. "Oo, bata kaya next time, ‘pag may mga tulad nila, lumayo kana. Paano kung wala ako at binastos ka ng dalawang ‘yon?" inis kong tanong. "Asus, geh, sabi mo eh," sabay tawa. Maya-maya pa, dumating na ang order namin at kumain na kami. Ang daldal niya, grabe. Doon niya sinabing may anak na siya, pero inisip kong fake story ito kasi nga hindi totoo ang mga taong nasa chatroom sa pananaw ko. Single mom at magulo ang set-up nila ng partner niya. Kung totoo nga ang istorya niya sa pinagdaanan niya, matatag siya. "Boss, kanin pa nga, dalawa." Unli-rice ang kinuha ko. "Sir, isa lang po ang pwede," sagot ng waiter. I'm a short-tempered person, I paid my food right so they must serve me right. "Bakit sa may ibang branch, pwede?" Naiinis na ako. "Sir, hindi po talaga pwede paisa-isa lang po talaga," sagot ng waiter. "Tsss, sige pakilagyan na lang," naiinis na ako at nawalan na ng ganang kumain. Kawawala lang ng inis ko doon sa dalawang lalake, eto na naman tayo. "Kuya, ako rice po," habol ni Riz sa waiter Pagkaalis ng waiter… "Oh, ayan, init ng ulo agad?" Binigay niya ‘yong kanin niya. "Huh?" Alam ko ang ginawa niya pero bakit? "Init ng ulo kaagad? Naku, nababawasan pagka-cute mo," biro ni Riz. "Tss…" Nawala na kasi talaga ako sa mood. "Ayan na nawala na naman siya sa mood, haaay," malungkot na sabi nito at nagbuntonghininga pa. Medyo nakonsensya naman ako dahil pati siya ay nadadamay sa pagkainis ko mula pa kanina, kaya pinilit ko na lang maging good mood para sa kanya. "Sorry, mabilis lang talaga uminit ang ulo ko," paghingi ko ng pasensya. "Okey lang, ano ka ba?" Ngumiti na lamang ito. Tumahimik kaming dalawa pero maya-maya lang ay nagkwento na naman siya ng kung anu-anong mga kalokohang pinaggagagawa niya. Kahit papaano, nawala ang inis ko sa waiter dahil sa kakulitan ng kasama ko. Nakakadala ang mga ngiti at tawa niya. Pagkatapos naming kumain, sabi ko ay uuwi na ako. May pasok pa kasi ako. Pero napadaan ako sa Mr. Doughnut. Habang nakapila sa counter ay napaatras ako. "Aray, paa ko!" sigaw ni Riz. Natapakan ko pala ang paa niya. "O, nandyan ka pala? Sumunod ka sa ‘kin?" Akala ko kasi umuwi na siya. "Ay, hindi. Sakit! Ang laki ng paa mo!" Naiinis at halatang nasaktan siya. Nakatsinelas lang kasi ito at namula kaagad ang daliri ng paa niya. "Sorry, liit mo kasi bata, hindi kita nakita." paghingi ko ng pasensya "Libre na lang kita ng doughnut," alok ko. "Cute naman kahit maliit! Hehehe, ‘yan ang gusto ko! Bait talaga ni Kuya. Sige, kahit ano d’yan ‘wag lang bavarian," turo ni Riz. "Kahit ako tapos huwag lang bavarian?" pagtataka ko. "Manlilibre, manlilibre?" bulyaw ng bata. "Oo na, bata!" Napakamot na lang ako sa ulo. Umorder pa ko ng doughnuts para sa batang kasama ko. "Sir, ang cute n’yo namang tingnan. Girlfriend n’yo?" tanong ng cashier, may pagkatsismosa din. REAL TALK, stigma na natin na ‘pag makasama ang lalake at babae, magkarelasyon agad-agad? "Ay, hindi ko siya girlfriend, friend lang," paliwanag ko. "Ay, ganoon po ba? Sayang po, bagay kayo." panghihinayang ng cashier. Nginitian ko lang ang cashier at kinuha ang number. Hinanap ko si Riz, at ayun nakaupo ito. Lumapit na ako sa kanya, naisip ko bigla, bakit ko nga ba ‘to ginagawa? Kumpara sa iba kong nakaka-meet o nakaka-date, hindi ko dinadala sa ganitong lugar. Madalas sa malamig lugar na kung saan kaming dalawa lang. Nangangalawang na ba ang skills ko? O sadyang may kakaiba lang sa kanya. Ayaw kong magmalinis pero ‘yon talaga ang pakay ko kay Riz. Pero habang tumatagal na nagkakausap kami at nakasama ko na siya, nawawala ang main goal ko. Ano ba, Jerson? ‘Yung totoo? Pero sa kabilang banda, nag-enjoy ako sa ganito. "Uy! Nangingiti ka d’yan? Ano po meron?" tanong ni Riz. "Wala naman, gusto ko lang ngumiti." At aktong ilalapit ko ang mukha ko sa kanyang pisngi. "Ang cute no’ng bata, oh!" bigla n’yang sabi sa akin at tinuro ang bata sa kabilang mesa. Nagulat pa ‘ko, pambihira. Eto na, eh, the moves na ‘ko, ligwak pa! "Ay, oo nga." Napatingin na lang ako na may kaunting dismaya. "Na-miss ko tuloy ang anak ko." Doon ko napatunayang totoo ang kwento n’ya. Iba kasi ang tono niya at halatang miss na niya ang anak niya. "Tingnan mo ang shoes niya, mini version ng shoes ko." Ewan kung bakit ko biglang nasabi ‘yon, papansin lang ang dating. "Ay, oo nga ang cute!" Buti na lang at hindi ako napahiya kay Riz. Tumayo siya at lumapit sa ‘kin, at biglang may binulong. Nasa isip ko, naku po ‘wag ganyan. Weakness ko ang tainga ko. D’yan ang kiliti ko. Tapos, ang bango pa niya. "Type ka noong nanay, oh. Tingnan mo, ang lagkit ng tingin sa ‘yo." Napatingin ako sa nanay ng bata at totoo nga para akong hinuhubaran ng tingin. Okey naman ang itsura kaso hindi ako pumapatol sa mas matanda sa ‘kin kaya bigla kong niyakap si Riz habang hindi pa siya nakakalayo sa pagkakapuwesto niya. "Ganyan ka lang, wala akong balak magkaron ng sugar mommy. Kaya ko pang buhayin ang sarili ko," mahina kong sabi. "Hala? Agad agad?" Tumawa siya. Sinakyan niya ang trip ko. Yumakap siya! Nagugulat ako sa ginawa niya. Kumalas ako nang hindi na nakatingin ‘yong mommy noong bata, at si Riz naman ay namumula na sa kakapigil sa kanyang tawa. "Ginagawa mo?" tawang-tawang sabi ni Riz. "Wala, ano. Ikaw kasi!!!" Sana hindi nagparamdam si Jr., at alaskahin pa daw ba ako! Pasalamat siya at wala akong masamang gagawin sa kanya. "Sabi mo eh," pang-asar niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD