Patuloy pa rin ang chat namin pagkatapos naming magkita. Kadalasan kasi, pagkatapos makipag-meet at naikama ko na, hindi na ito nasusundan. Nawawala na lang akong parang bula.
Huwag magmalinis, totoo naman, hindi ba? Boys, ‘pag gusto n’yo ‘yong chick or ‘yong ka-eyeball n’yo, tuloy pa rin ang chat. Pero ‘pag nakuha n’yo na ang gusto n’yo, mawawala na lang na parang hindi n’yo na sila kilala. In short, takot mag-commit, laro-laro lang. Tama naman, ‘di ba?
At pagkatapos ng pagkikitang ‘yon, lumalim ang usapan at madalas na rin akong pumunta sa review center nila. Hinahatiran ng pagkain o hindi kaya, para makita lang siya. Nothing more nothing, less. Enjoy, enjoy lang, hanggang isang araw nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.
"Day-off ka ngayon, ‘di ba?" biglang nag-chat si Riz.
"Oo, bakit? Miss mo ‘ko?" kantiyaw ko.
"Tara, kita tayo," aya ni Riz.
"Ano namang gagawin natin?" tanong ko.
"Ikaw, kahit ano," mabilis na sagot ni Riz.
Medyo nakaamoy ako ng kakaiba, parang makaka-jackpot ako. Pero kung hindi naman, ayos lang.
"Paano kung...." putol kong sabi.
"Ikaw, okay lang," sagot nito.
"Sure? Seryoso ako, wala nang atrasan ‘to," hamon ko.
"Oo nga, ayaw mo?" Nagtataka na ako sa kapusukan niya, pero lalake ako, marupok ako.
"Gusto. Eto na, nagmamadali na. Sige, sa huling pinagkitaan natin after 10 minutes, andyan na ‘ko," nagmadadali kong sabi.
Eto na ‘to! Sa wakas! Ngunit may pag-alinlangan akong naramdaman bigla. Paano kung pagkatapos nito ay hindi na kami magkita? Parang ngayon pa lang ako aatras sa ganito. May parte sa ‘kin na eto na ‘to, eto na ang pinakahihintay ko! Pero mas nanaig na huwag, at ayaw ko siyangmawala. Ang gulo! Bakit ngayon pa!
Pagtawid ko ay nakita ko na siya at may kakaiba sa kanya.
"Sure ka? Pwede ka pang umatras, baka umiyak ka doon," paalala ko sa kanya, pero parang ako pa ang aatras.
"Tsss, ako iiyak? Naku, hindi, ah." Lalo akong nasabik, pero may bumubulong sa ‘kin na huwag.
Pumunta kami sa isang motel at pagkapasok na pagkapasok ay naligo lang siya saglit at nagsimula na ang laban. Grabe wild and hot. Sobra! Ang galling, the best! ‘Yon nga lang, no id no entry. Pero sulit na rin. Halos three round kami at nakakapagod talaga. Lahat ng mailalabas ko, nailabas ko. Sulit. Pagkatapos ay nakatulog kami parehas, 12 hours naman ang kinuha ko kaya okay lang. Nauna akong nagising sa kanya. Natitigan ko ang mukha niya at hindi mo aakalaing ganoon siya sa kama. Sabi ko pa, etong batang ‘to doble-kara.
Nagising siya habang nakatitig ako sa kanya. Nakayakap kasi siya sa ‘kin. Hinalikan ko si Riz at mas yumakap ito nang mahigpit.
"Kanina ka pa gising?" pupungas-pungas nitong sabi.
"Hindi naman, kakagising ko lang," sabi ko.
"Sarap?" tanong nito.
Oo, masarap, grabe. Pero bakit parang first time ko? Ang saya, sana ganito kami palagi. Ayaw ko na siya pakawalan, pero mali. Mali to, may hindi tama.
Nagtataka na talaga ako sa sarili ko. Hindi ako ganito. Kadalasan, pagkatapos kong makuha ang gusto ko, nawawalan na ako ng gana. O hindi kaya, mas gusto ko pa ang makaisa pa. Pero bakit ngayon iba? Ano ‘to?
"Bitin," biro ko.
"Loko!" Humigpit ang yakap niya sa ‘king mga bisig.
"Isang round pa?" sabik kong sabi.
Hindi siya umimik, kumalas ito sa pagkakayakap at tumingin sa kisame.
"Alam mo ba ang lasa ng toilet cleaner?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit ko naman titikman ‘yon, e ‘di namatay ako?" Napatingin ako sa kanya sa gulat.
"Hindi rin. Bakit ako, buhay pa hanggang ngayon?" sarkastikong sagot ni Riz.
"Huh?" nagtataka kong tanong.
"Noong buntis ako sinubukan kong magpakamatay, uminom ako ng toilet cleaner," panimula ni Riz.
"Oh, bakit mo naman ginawa ‘yon? Buti naka-survive ka?" tanong ko, napayosi ako bigla.
"Nambabae kasi ‘yong daddy ng anak ko at buntis ako noong time na ‘yon. Sabi ko, ayaw ko na pero hindi ko alam kung paano ako magpapakamatay. Ayaw kong maglaslas, masakit. ‘Pag magbibigti naman ako, lalawit ang dila at luluwa ang mga mata ko. Pwede ding uminom ng expired na gamut, kaso nakatago ang medicine kit naming. Ascorbic acid lang ang nakalabas. Anong gagawin ko doon? Sasakit lang ang sikmura ko doon. Kaya ‘yong toilet cleaner ang nakita ko, kaso ang pangit ng lasa. Tatlong araw na hindi natatanggal ‘yong lasa sa dila ko." Nakakatawang pakinggan pero ang bigat sa pakiramdam.
"Loko ka, buti okay kayong mag-ina," gulat kong sabi.
"Matindi ang kapit niya at hindi ko pa siguro oras. Hindi ko na uulitin ‘yon, kawawa ang anak ko kung mawawala ako," mangiyak-ngiyak na sabi ni Riz.
Naramdaman ko ding may pumatak na luha sa leeg ko, sinubsob niya kasi ang mukha niya sa leeg ko at lalong humigpit ang yakap niya.
"Ang sakit. Lagi na lang ganito. Hindi pa ba ako sapat? Lahat, ginawa ko para hindi siya mawala sa akin, pero talo pa rin ako. Nagbubulag-bulagan ako para buo pa rin kami kahit ang sakit-sakit na. Pero ganito pa rin. Lagi na lang ako ‘yong option niya tuwing nawawalan siya ng babae. Parausan ‘pag sawa na siya sa mga babae niya. Daig ko pa ang p****k nito sa kakagamit niya sa akin! Bakit hindi ako makakawala sa kanya! Anong meron siya? Bakit hindi ko siya kayang iwan kahit sirang-sira na ako?" Niyakap ko siya at lalo itong umiyak.
"Shhhh, sige iiyak mo lang. Makikinig ako." Sabi na, may kakaiba kay Riz. Hindi ako nagkamali.
Nambabae na naman ang asawa niya at eto, ako ang pinagbuhusan ng galit. Kaya pala sobrang wild niya kanina. At kakaiba siyang magalit, ha, advantage sa ‘kin. Kidding aside, hindi siya kaladkaring babae na kung kani-kanino nagpapagalaw .Nagkataon lang siguro na hindi niya alam kung anong gagawin at magulo ang kanyang isip. Gusto niyangmapatunayan na kaya niyanggawin ang ginagawa ng lalakeng ‘yon. At kung sino man siya, wala siyangkwenta.
Humingi ito ng pasensya at nahiya siya sa ginawa niya. Walang problema sa akin, nag-enjoy naman ako. Inihatid ko siya sa kanilang boarding house dahil alam kong wala siya sa sarili at baka kung saan pa pumunta. Nagulat na lang ako nang mag-iba ang aura niya nang nakita niya ang kanyang mga barkada.
"Nanlalake ka n anaman?" tanong ng isa sa barkada niya, ‘yong Elvie yata ‘yon.
"Sira, nanlibre lang kaya sumama ako," paliwanag ni Riz.
"Kuya, next time, kami naman ang ilibre mo. Gahaman itong babaeng ‘to, hindi man lang kami dinamay o pinasalubungan," bulyaw ni Elvie.
"Sure. Next time, isasama namin kayo. Sige, pahinga ka na, Riz. Sige, bye," paalam ko.
Normal na siya at parang walang problema. Hindi tulad kanina, noong umiiyak siya. Kakaiba din itong babaeng ‘to ang tapang. Ang galing magtago ng emosyon.
"Yung minahal ko siya ng totoo pero hindi pa siya makuntento sakin? Tapos ayaw niya akong pakawalan, mahal niya ako pero nagsasawa na siya sakin? May ganun ba talaga? Ang sakit bilang babae na pagsawaan. Pakiramdam ko nga ay binaboy ko na sarili ko mapagbigyan lang siya pero ano? Wala, eto, paulit-ulit na lang hanggang sa iwan ulit niya ako. ‘Pag bumalik naman siya, ako naman ‘tong tanga, tatanggapin siya. Sana mamanhid na lang ako o kaya ay maging bato para hindi na masaktan. Nakakapagod magmahal at umasang susuklian niya ang pagmamahal na binibigay ko. O, kahit hindi na lang ako. Kahit si Ken, kahit si Ken lang. Kahit anong gusto niya ay gagawin ko iparamdam lang niya ang pagiging tatay niya kay Ken. Kahit ano, gagawin ko para kay Ken." At lalo siyangumiyak.
Tumatak sa ‘kin ang mga salitang ‘yon. Napaisip ako. Oo, laging may break-up. Hindi mawawala ‘yon sa isang relationship kaya nga ayaw ko ng seryosong relasyon. Masasaktan lang ako. Bata pa ang puso ko at hindi pa ko handa para doon. Biro lang.
Pero sa katulad niyangtotoong magmahal, iiyak ba siya nang sobra? Kung hindi, kita ko din sa mga mata niya na nasasaktan siya at gusto niyangkumawala sa sitwasyon niya. Iniisip niya lang ang kanyang anak. Mahirap magkaron ng broken family. Mahirap mabuhay nang may kulang sa pagkatao mo, kaya siguro hindi niya maiwan ang taong ‘yon. Swerte niya, may taong handang gawin ang lahat huwag lang siyangiwan. Ang tanga lang talaga noong lalakeng ‘yon. Sabagay, sino ba ko para makialam? Mas mabuti pang i-enjoy ko kung ano mang meron sa amin. Nararamdaman ko kasing hindi ito magtatagal. Isa pa, nandito lang siya para sa review. Pagkatapos, tulad ng iba kong ka-chat, mawawala na lang akong bigla.