Chapter 4

2447 Words
Hindi ko namalayan na nagiging parte na s'ya ng pang araw-araw kong ginagawa, pagkagising ko hanggang pagtulog n'ya. Minsan ako ang unang magcha-chat, minsan naman siya. Parang may mutual understanding na kami, pero sure akong hanggang doon lang 'to lahat. Palagay ko komportable lang talaga ako sa kanya, 'yon ang gusto kong itatak sa aking isipan. At dapat na hanggang doon lang ang lahat. Sanay naman ako sa ganitong set-up, kaya ayos lang na hindi mag-level-up pa ang relasyon namin hanggang magka-chat lang. Ang iniisip ko na lang ay, at least may stress reliver ako o mas magandang sabihin na s'ya ang nagiging dahilan ko para maging masaya at masigla araw-araw. Ganoon naman talaga 'di ba? Pagkomportable ka sa isang tao, hindi kayo maubusan ng pag-uusapan, 'di rin na-bored tuwing magkasama kasama kayong dalawa. Happy lang at 'yon ang mahalaga. Ito rin ang dialog ng mga taong malapit ng matalo sa kanilang sariling laro. Totoo naman 'di ba? Alam kong madaming makakarelate, 'yung tipong malapit na malapit ka ng ma-fall pero pinipigilan mo kasi alam mong hindi mo pa kayang magseryoso. At ang matindi pa dito, natatakot ka sa karma dahil sa mga pinag gagagawa mong kalokohan noon. Pero strong dapat tayo para sa huli hindi tayo ang uuwing luhaan. "Riz! Si kuya pogi oh!" sigaw ni Elvie at tinuro kung saan ako nakatayo. Nasa harapan sila ng kanilang review center at nagkukumpulan. Mukhang nag-uusap silang magbabarkada. Naisip ko kasing sunduin si Riz, wala lang trip ko lang. Nakakainip din kasi sa apartment. Tapos nag-chat din bigla si Rhz na hindi makaka-attend ang reviewee nila, kaya wala daw s'yang gagawin maghapon at tinatamad s'ya magbasa. Buti na lang nagising ako ng maaga, kung hindi tadtad na naman ako ng chat at text galing sa batang 'to. Lumingon si Riz at kinawayan ako, ako na ang kusang lumapit sa kanilang magbabarkada. "Oh bakit? Anong mayroon at pumunta ka dito? Hindi mo naman day-off ngayon 'di ba?" tanong niya sa 'kin. Pero halata sa mga mata n'ya na natutuwa s'yang makita ako. "Wala lang, naiinip kasi ako sa bahay kaya ito pinuntahan na lang kita. Tapos nabasa ko agad 'yung chat mo, nagmadali pa ako at nanginginig pa!" biro ko kay Riz. "Dapat lang! Kung hindi tadtad ka sa akin at hanggat 'di ka nagigising," sabi ni Riz na nakangiting mapang asar. "Wait, ano oras ka papasok n'yan? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Riz. "Mamayang 10 pm na ako papasok, so may 7 hours pa ako na makakasama ka," paliwanag ko sa kanya. Alas tres pa lang noon, kaya kahit medyo inaantok pa talaga 'ko ay pununtahan ko na s'ya. "Kinikilig naman ako!" sabi ni Elvie. Pinagtutulak nila si Riz, mga mapanakit din talaga 'tong mga 'to. "Nako! Ang haba ng hair ni ate may pa roses pa oh!" sabi ni Kit. Isa sa mga barkada ni Riz, nasalikuran ko na pala ito. "Ay para sa 'yo pala." Sabay abot ng dala kong bulaklak. Bakit ko nga ba s'ya binigyan ng three yellow roses. Actually noong papunta pa lang ako, nag-iisip ako ng unique na pupwedeng ibigay kay Riz, bukod sa pagkain syempre. At accidentally may nakita akong flower shop, dream come true ito para kay Riz, wala kasing nagbibigay sa kanya ng bulaklak puro pagkain lang. It's a yellow rose, joy and happiness. Alam ko kasing behind her sweet smile there is a lonely lady. "Kuya! Yellow? Happiness? Bakit hindi red para love and passion?" kantiyaw ni Elvie na inuusisa ang bulaklak na dala ko. "Ang dami n'yong alam!" bulyaw ni Riz sa kaibigan. Bumaling ito sa akin. "Salamat, nag-abala ka pa," ngumiti ito. Pagkakuha ni Riz sa mga bulaklak ay mas naging matamis ang kanyang mga ngiti. Kitang kita ko rin ang tuwa sa kanyang mga mata. Nakakatuwa at nagustuhan n'ya ang binigay kong surpresa para sa kanya. "Ano tara alis na tayo?" aya ko sa kanya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Riz. "Hmmm kahit saan?" Sabay ngiti ko sa kanya. "Game!" sabi ni Riz. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa akin. Minsan na niyang na kwento sa 'king gusto niyang makatanggap ng mga bulaklak, ang sarap daw kasi sa pakiramdam pag ganoon. Para raw s'yang tunay na babae. Pero walang hihigit sa salitang libre. "Ano mga brad mamayang gabi na lang bye!" paalam ni Riz sa kanyang mga barkada. Mas gusto niyang biglaan, on the spot tuwing may lakad. Kaysa sa planado nga ang lahat pagkatapos ay hindi naman matutupad. Nadidismaya ito at sumasama ang loob. Mabilis pa naman itong magtampo, lalo na kung hindi ito napagbibigyan sa simpleng mga bagay. "Hmmmmm manood ng sine then kain o kain tapos sine?" tanong ko. Habang nasa LRT kami papuntang SM. Tumingala s'ya, "Sabay! Tapos kain ulit." Sabay ngiti na pa-cute. Nakaupo s'ya samantang ako naman ay nakatayo sa tapat n'ya. Medyo siksikan kasi at rush hour ng nakasakay kami. At bilang gentleman, s'ya na lang ang pinaupo ko. "Takaw! Babae ka ba talaga? O constraction worker?" Sabay gulo ng kanyang buhok. "Last time I checked, babae naman ako! Anong gagawin ko, masarap kumain! Tapos libre pa! Oh 'di ba." Ngiting-ngiti nitong sabi. Kwento ulit siya, hindi s'ya nauubusan ng sasabihin. Ang daldal talaga niya, puro tawanan at asaran ang ginagawa namin habang nasa byahe, parang kaming dalawa lang ang nasa LRT. Walang pakialam sa mga nasa paligid. Hanggang nakarating na kami ng SM. "Anong gusto mong panoorin? Romance? Comedy? Or 'to may bago palang movie ang Pixar's, mukhang maganda," tanong ko. "Hmmm, hayon!!!! May horror! Gusto ko noon!" At may pagturo pa ito. Para talaga siyang bata ang kulit pero napaka-cute. Kaso nang lumo ako bigla sa gusto n'yang panoorin. Sa lahat ng categories, horror ang pinaka-iniiwasan ko! Bakit!! Bakit 'yan pa ang gusto mo. "Ha?! Ah eh. Medyo 'di ko kasi type ang ganyang palabas. Boring 'yan for sure, o kaya paikot-ikot lang ang istorya, gugulatin ka lang. 'Wag na 'yan," sabi ko. "Natatakot ka siguro no?" asar ni Riz. "Ano! 'Di ah ba't ako matatakot! Sinasabi ko lang na boring. Magkaiba ang meaning ng boring sa nakakatakot. They are two different words!" paliwanag ko sa kanya. Pero sa totoo lang gusto ko na talagang umatras, kaya sana pumayag s'yang iba na lang ang panoorin namin. Parang sumakit bigla ang tiyan ko? Hay, gusto ko ng magdahilan 'wag lang mapanuod 'yung gusto niyang palabas. Nang lalamig na ako sa totoo lang, dahil kasi 'to sa "Coming Soon" na movie. Medyo inayawan ko na ang horror movies dahil doon, pakiramdam ko anytime lalabas sa screen si shomba at kukunin ako. Lakasan na lang ng loob Jerson, kaya mo to! Kulang 2 hours lang naman ang movie. Saka Jerson ginusto mo 'to 'di ba? Sige push mo 'yan. Mapapasubo talaga ako ng wala sa oras dahil sa babaeng 'to. Dahilan pa more, palusot pa more. Go lang Jerson! Kaya mo 'to! "Weh?" asar pa lalo ni Riz. Inilapit pa nito ang kanyang mukha at tinitigan ako ng sobrang nakakaasar. "Oo nga! Ako! Takot! Tss, si Jerson ata 'to." At may pag-flex pa ako ng biceps ko. Tapang a tao eh. "Sige 'yan na ang papanoorin natin. Sus, chicken." Sige Mark Jerson palalain mo pa ang sitwasyon. "Bibili lang akong pagkain, ito para sa ticket." Inabot ko na ang pangbili ng ticket. Nako, tuwang tuwa ang bata nanalo na naman s'ya. Tapang tapangan pa ko ngayon, s'ya lang ang naka-date ko'ng horror ang gusto. Madalas kasi romance o kaya comedy ang pinapanuod namin sa date pero itong babaeng to horror. Or baka gusto lang n'yang mayakap ako? Ganoon naman ang mga babae 'di ba? Pagnatatakot yayakap bigla! Tama, tama baka 'yon ang gusto n'yang mangyari. 'Yon na lang ang iisipin ko, looking forward sa bigla n'yang pagyakap! Pero parang hindi, kasi ang saya n'ya lalo na ng nakabili na s'ya ng ticket. Bakit, bakit. Habang papasok kami ng sinehan ay kinakalma ko ang sarili ko, baka ako pa ang tumili pag may nakakagulat na scene. Pano ba 'to? Matulog na lang kaya ako sa sinehan! Sige, tama yon! Ganoon na lang. Bakit pa kasi "Annabelle" ang gusto n'ya, dapat kumain na lang kami at hindi ko na s'ya inaya magsine. Wrong move! Nakapasok na kaming sinehan doon daw kami sa pinakataas. At ako heto, pinapalakas ang loob. "May gagawin ka sa 'kin 'no? Ikaw ha pwede namang doon na lang tayo pumunta mas komportable," biro ko. Sige Jerson palakasin mo loob mo. Aliwin mo na lang ang sarili mo para 'di n'ya mahalata na duwag ka. "Sira!" Tuloy lang s'ya sa paglalakad, mukhang excited talaga s'ya sa papanoorin namin pero ako, hindi! Nagsimula na ang palabas at ako medyo kabado. Natatakot? Oo natatakot na ko pero hindi pwedeng magpahalata major turn off yon! Ka-lalake kong tao, duwag sa ganitong palabas? Pero s'ya tutok na tutok lang sa panunuod at panay ang kagat sa burger. Ni kumurap ata ay 'di n'ya ginagawa. "Okay ka lang" bigla n'yang tanong. Nagulat ako bahagya, tumaas kasi ang mga balikat ko. At sana ay 'di n'ya 'yon nahalata. "Oo naman, ako pa? Boring talaga, sabi ko sayo,"  tapang-tapangan kong sagot, may pagturo pa akong nalalaman. Lakas mo talaga Jerson! Ang kaso hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko. Hindi rin ako makatingin sa screen sa takot. "Natatakot ka nga." Tumawa s'ya nang kaunti, nahalata n'yang natatakot ako. Ay nako naman! Kakapikon ng kaunti 'tong batang 'to, pero okay lang. Totoo naman kasi, wala nandito na 'ko. Pasalamat s'ya cute s'ya, kung hindi nako. "Wah!!!!" Sigaw n'ya at napayakap sa braso ko. Nakakagulat kasi 'yung scene, kung saan-saan sumusulpot si Anabelle. "Ikaw pala ang takot d'yan," asar ko. Tapang ko 'no? Nakapikit kasi ako kanina pa, nararamdaman ko na kasing nakakagulat ang mga mangyayari. Kaya 'di ko nakita 'yung scene. Hindi lang halata na nakapikit ako, chinito kasi ako. Advantage ko 'to sa mga oras na 'to. "Bakit sinabi ko bang hindi ako natatakot? Sinasanay ko lang sarili ko para mawala ang takot ko. Just enjoy it tapos 'yon. Ang ganda kasi, at hindi boring okay! May thrill!. Pag-lovestory kasi, maalala ko lang s'ya kaya mas okay na 'to." Niyakap pa n'ya ang braso ko ng mahigpit kasi natatakot na nga s'ya, panay tili, nakakabingi grabe. Natatawa na lang ako at eventually na enjoy ko na rin ang panonood ko habang pinagtatawanan s'ya. I just get through with it dahil sa mga reactions n'ya at kung paano n'ya ubusin ang pagkain namin ng walang humpay kahit nakapulupot ang braso n'ya sa braso ko. Ang galing talaga, basta pagkain nakakagawa ng paraan. Akalain mo yon, napapanuod n'ya ko ng pinaka-ayaw kong genre ng movie. At na enjoy ko pa! At kahit nakayakap na s'ya sa 'king braso at hinaharang ang katawan ko sa mukha n'ya, ay nanunuod pa rin ito. Kahit sabog-sabog na sa mukha n'ya ang ketchup at mayonnaise. Walang arte 'di pabebe at pinapakita talaga n'ya kung ano s'ya. Panget man o maganda basta totoo s'ya sa sarili n'ya. "Ano tara dinner na tayo?" tanong ko. Gabi na rin kasi noong nakalabas kami ng sinehan. "Sure! Nagugutom na ko, grabe! Kahit malakas 'yung aircon, pinagpawisan pa rin ako!" sagot ni Riz, panay punas din ito sa kanyang mukha. At hulas na hulas talaga 'to. "Paanong hindi ka pagpapawisan, nakasiksik ka sa'kin. Kulang na lang kumandong ka! At gutom ka pa sa lagay na 'yan? Ikaw kaya ang umubos ng pagkain natin!" biro ko. At isa 'to sa pinaka nagustuhan ko sa kanya. Nakakatuwang tignan. Kung sa ibang babae 'to, diretcho CR 'to kaagad at magpapaganda. Pero si Riz nako, mas uunahin ang pagkain kaysa sa pagpapaganda. "Nagutom ako kakatili, nakakapagod din kaya 'yon," paliwanag nito. "At nag-explain pa nga." Inakbayan ko si Riz. Inirapan ako ng bata, pero tinawanan ko lang ang ginawa n'ya. "Oo na! Lets go?" Tumango ito at naglakad na kami. Habang naglalakad kami, asaran to the max kaming dalawa sa mga reactions namin habang nanunuod. Magaling talagang mang asar 'tong babaeng 'to, hindi ka rin tatantanan hanggat 'di s'ya nananalo. "Marky?" May tumawag sa akin mula sa likuran. At pamilyar ang boses ng tumawag. Ilang sandali lang ay na-realize ko kung kanino nagmumula ang pamilyar na boses. "Ay patay na!" bigla kong sabi at napalingon kaagad ako. Inalis ko rin ang pagkaka-akbay ko kay Riz. "Huh?" Napatingin sa 'kin si Riz. Nagtataka s'ya sa sinabi ko matapos kong lumingon. Pakiramdam ko namutla rin ako, wrong timing naman. Nakita ko kasi si Lola, hindi ko naman alam na nandito rin s'ya ng ganitong oras. Gabi na, nasa mall pa s'ya? Makulit na matanda. Huminto kami sa paglalakad ni Riz, at nilingon ko si Lola. "Lola!" Lumapit ako sabay mano, hindi ko alam kung paano ko mapapakilala si Riz. Kilala ko si Lola, pwedeng magustuhan n'ya ito agad o ang malala ay sungitan n'ya ito basta-basta. Masaya akong sinalubong ni Lola. "Kamusta kana apo, ang tagal mo ng hindi dumadalaw o nagpapakita sa 'kin. Malapit na akong magtampo n'yan," sabi ni Lola. Napansin n'ya na may kasama ako, kaya napahuminto ito sandali at tinignan si Riz. "At pwede mo ba akong ipakilala sa kasama mo?" tanong ni Lola. Na para bang kinikilatis na n'ya si Riz sa pagtingin niya rito. Lola talaga, huwag mo naman sanang sungitan si Riz, nakakahiya. "Ay, si Riz po kaibigan ko," sabi ko. Abot langit ang panalangin ko na huwag magsungit si Lola o magtaray. "Good evening po, Riz po." Sabay mano at nginitian n'ya si Lola. Nakatingin lang si Lola kay Riz, wala itong reaksyon sa ginawa ni Riz. Kinakabahan ako kapag ganito ang tingin ni Lola. Nakakatakot! Kaya hinawakan ko ang mga kamay ni Riz, nanlalamig ito at kinakabahan. Hinihiling kong, Lola parang awa mo na huwag mo s'yang sungitan. Tinignan ni Lola ito mula ulo hanggang paa, kumakalas ito sa pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Ngunit hindi ko ito binitawan, nakaramdam siya siguro ng pagkailang kaya n'ya ginagawa 'yon. Biglang nagsalita si Lola, "Your so pretty iha. Girlfriend ka ba ni Marky?" Napalunok si Riz sa sinabi ni Lola at nakangiti si Lola! Nakangiti s'ya! Nakangiti ang Lola ko! Hindi ako makapaniwala! Nakahinga na ako nang maluwag sa sinabi ni Lola. Pinagpawisan ako bigla sa mga nangyayari. "Lola, kaibigan ko po, kaibigan!" mariin kong sabi. Kalmado na akong ipakilala si Riz, mukhang pasado ito sa standards ni Lola. "Talaga lang ha?" tanong ni Lola at mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. Magiliw n'ya kaming inimbitahan sa anniversary nila ni Lolo, wala dapat akong balak pumunta doon, boring kasi. Ang kaso nakita naman ako ni Lola. At pinapasama pa si Riz, 'di na ako nakatanggi. Kapag hindi ako pumunta magtatampo si Lola pagpumunta naman ako dapat kasama si Riz. Nakakahiya naman kay Riz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD