"Riz pasensya ka na kay Lola, okay lang na hindi ka sumama. Ako na lang ang pupunta. Mag-explain na lang ako kay Lola na 'di ka pinayagan or magdadahilan na lang ako. Maabala ka pa kasi, magpahinga ka na lang," sabi ko kay Riz.
Nasa food court na kami at naghihintay makuha ang order naming pagkain, nasa state of shock pa ata si Riz. Hindi na kasi ito umimik pagkatapos kaming imbitahan ni Lola sa anniversary party nila ni Lolo.
Tumingin ito sa akin. "Nakakahiya naman sa Lola mo inimbitahan n'ya ako tapos hindi ako pupunta. Okay lang naman sakin na pumunta, kaso," putol na sabi ni Riz.
"Kaso? Hmmm wait, may dala ka bang semi formal na dress? Or casual wear?" tanong ko.
" 'Yon na nga ang problema, wala. Saan ko naman kasi gagamitin 'yung ganoong damit. Kung meron man, nasa bahay lahat. 'Di naman din kasi ako partygoer. Puro pants at shirt lang ang dala ko," malungkot na sabi ni Riz.
"Aw, e 'di ibibili na lang kita ng damit. Kung desidido ka na talagang sumama," alok ko sa kanya. Kung isasama ko si Riz syempre gusto ko elegante s'ya tignan.
Mahilig kasi si Lola sa social guaderings at mga susyalan. Kaya kada-anniversary nila ni Lolo engrande or sa isang fine dine-in nila ito ginaganap. Mayaman kasi sina Lola, at sina Lola lang 'yon. Hindi ako kasama roon.
"Hala sure ka? Nakakahiya naman. Titignan ko kung may extrang pera pa ako, baka kasya pa pangbili ng dress tapos 'yung sapatos bahala na." Kinuha n'ya ang kanyang wallet at binilang ang cash na dala n'ya.
"No it's okay, malaking pabor na rin 'tong gagawin mo para sa akin at least hindi na ko ihahanap ng ka-blind date ni Lola para magkaroon ako ng girlfriend," paliwanag ko.
"Sa cute mo'ng 'yan? Seryoso wala ka pang-gf? Ever since?" gulat na gulat na sabi ni Riz.
"Not really, syempre nagkaroon na ako ng girlfriend in the past years. Pero ikaw pa lang ang unang babae na dadalhin ko sa family event," sabi ko sa kanya. Napangiti s'ya, kinilig ata.
Malaking factor talaga siguro sa babae pag pinakilala o isinama sa family guadering.
After naming kumain, pinamili ko na si Riz ng dress na susuotin para sa anniversary nina Lola. From head to toe, para kahit papano ay hindi na s'ya mahirapan pa. Kasabay nito ay bumili na rin ako ng isusuot ko.
Panay, pwede na 'yan! Okay na 'yan, ito mas mura 'to, ito na lang. Ang sinasabi ni Riz tuwing pipili ako ng kanyang susukatin. Alam kong weakness ng karamihan ng babae ang shopping at pagsusukat ng damit, pero ibahin mo si Riz. May taglay talagang kakuriputan, ayaw ng madaming sinusukat, ayaw ng mahal na damit. Si Riz talaga, pero pag pagkain, ay wala tapos na ang laban.
Dumating na ang araw ng anniversary nina Lolo at Lola. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung dahil ngayon na lang ulit ako makikita ng mga kamag-anak ko o dahil kasama ko si Riz at s'ya ang kauna-unahang babae na maipapakilala ko sa kanila.
Nandito ako ngayon sa apartment nina Riz, nakaupo sa sala at hinihintay s'yang bumaba. Hanggang sala lang kasi ang mga bisita.
"Kuya! Pasensya na natagalan," hingal na sabi ni Kit. "Okay lang ma.....aga pa.... Naman," nautal kong sabi. Napatitig na lang ako sa dalagang bumababa sa hagdanan.
Chinese collared dress sheveless at medyo body fit ang suot n'ya. Above the knee na color dark green, bumagay sa kanya ang kulay ng damit. Nakalugay lang ang buhok n'ya, nagmukha talaga s'yang chinita sa suot n'ya. Medyo loud make-up n'ya kasi gabi na at 'yung hills na pinili ko bumagay at sakto lang sa kanya. Pakiramdam ko pagtitinginan s'ya sa party mamaya. Ang ganda ng ka-date ko!
Tumayo ako at lumapit sa kanya, inayos ko ang kanyang buhok.
"Si kuya, TL sayo o!" asar ni Elvie.
"Ah, halata ba? Sorry sorry," sagot ko. Nagtawanan sila. Napaka-supportive ng mga barkada ni Riz, pinagtulungan nilang ayusan ito. Para hindi na raw ako gumastos sa hair and make-up. At maganda naman ang kinalabasan.
"Sige maglokohan tayo dito?" bulyaw ni Riz. 'Yung okay na sana, kaso may pagkamaton pa rin talaga s'ya kumilos at magsalita.
"Umayos ka nga! 'Di ba nag-practice na tayo! Stomach in, yong shoulders mo ayusin mo. Pati 'yung lakad mo straight dapat! Pinis at eligante dapat!" utos ni Heart.
"Opo! Ang dami naman kasi." Kumamot pa ito sa ulo.
Nakakatuwa naman, talagang nag-effert silang lahat para sa pag-attend ni Riz.
Hinawakan ko ang kanyang kamay para huminto ito sa pagkamot sa kanyang ulo at inayos ang nagulo n'yang buhok. "Riz totoo your very pretty tonight. Be yourself," sabi ko. Totoo naman na ang ganda n'ya kahit may pagkamaton itong kumilos at walang halong bola lahat ng 'to. Magiging pinis din 'tong kumilos pagnandoon na kami. At kapag nangyari 'yon, aasarin ko s'ya ng sobra. Ganti lang 'to dahil pinapanuod n'ya ako ng horror.
"Alam ko na 'yon matagal na. Ngayon mo lang napansin?" biro ni Riz.
"Harot!!" kanchaw ni Kit, sabay kurot kay Riz sa tagiliran.
"Aray! Bakit ba!" Sabay tawa ni Riz.
Lalo s'yang naging cute ng tumawa s'ya nakaka-inlove. Ha? Teka? Ano daw? Ano 'tong iniisip ko!
"Hoy kuya! Ingatan mo 'tong dalaga namin ha! Full force kami d'yan, mapaganda lang 'yang babaeng maton 'yan," masungit na paalala ni Kit. "At saka Riz, parang awa mo na, pagsabihan mo 'yang tyan mo na 'wag muna mag alburoto ha. Behave muna! Nakakahiya!" dagdag nito.
"Brad naman!" Namula si Riz at pinaghahahampas ang kaibigan.
"Totoo naman kasi!" sabi ni Kit. "Brad ang ganda ng damit, sapatos at make-up mo. Babaeng babae, pagkatapos ang pagkain mo sa plato parang pang constraction worker! Brad naman, kahit ngayong gabi lang please. Diet muna tayo okay?" paki usap ni Kit. Nagtawanan kaming lahat, kilalang kilala talaga nila ang isa't isa. Ito ang tunay na magkakaibigan, alam ang baho ng isa't isa.
"Salamat sa inyong lahat, pati kayo naabala. Babawi na lang ako sa inyo," pagpapasalamat ko.
"Ay wala 'yon ano ka ba, pang-midnight snack lang okay na kami. 'Di ba brads?" sabi ni Kit. Sabay ngumiti ito nang nakakaloko.
Parang kakaiba ang ngiting 'yon. Dapat na ba akong kabahan?
"Ay oo nga, ala king lang kaming 5 tapos isang bucket ng chicken, half spicy half original tapos mash potato at macaroni salad na rin then zinggers syempre titig-isa kami, at krushers din para may panulak, tama na samin 'yon," sabi ni Elvie. "Ano, kayo," Sabay turo sa iba pa nilang barkada. "May idadagdag pa ba kayo?" tanong ni Elvie.
Napalunok ako sa mga narinig ko, isa lang ang nagsalita pero ang lupet! At nagtanong pa kung may ipapadagdag pa! Ang lupet!
Nagulat ako hindi dahil mapapagastos ako, kung hindi nagtataka na talaga ako babae ba talaga 'tong mga 'to o lalakeng naganyong babae? Ang lalakas kumain! Now I know kung bakit ganoon din si Riz kumain.
"Mahiya naman kayo! Aba!" saway ni Riz. "E, ako Jerson paano ako? Ako 'yung isasama mo, aba ang hirap atang maging mahinhin! Kaya kahit isang family size pizza lang overload ha." Nag-beautiful eyes pa nga si Riz matapos sabihin ang kanyang request.
"At sinong dapat mahiya sa atin ha? Ikaw lang ang uubos no'n!" pasigaw na sabi ni Jainee.
" 'Yung totoo lalake ka talaga siguro na naganyong babae 'no? Lakas mo kumain," asar ko kay Riz, sabay tawa.
Hindi naman na offend si Riz aminado naman s'ya na malakas s'yang kumain. Kaya hindi na ito sumagot at tumawa na lang.
Isa ito sa pinaka nagusto ko sa kanya, ang kanyang pagtawa at mga ngiti.
"Nako, sige na sige lumayas na kayong dalawa. Late na! Baka mahulas pa 'yong make-up mo. 'Yung mga bilin naman, 'wag kakalimutan," sabi ni Heart.
"Wait kukunin ko lang ang kotche ko," sabi ko.
"Sosyal ka Brad! 'Di kotche ka pa! Samantang dati pa angkas-angkas ka lang sa motor! Minsan sa bike pa!" asar ni Gina at nagbanggit pa ito ng mga pangalan ng lalake.
"Shhh! Huwag ka ngang maingay d'yan! Binubuking mo 'ko e!" saway ni Riz.
Ngumiti lang ako sa kanila at kinuha na ang kotche. Nagpaka gentleman na ko, ganda kaya ng kasama ko at ayaw ko namang mag-commute kami sa suot n'ya. Paglabas n'ya ng gate ay nakita kong kumislap ang kanyang mga mata. Pinagbuksan ko kasi s'ya ng pinto, sa may front seat at inalalayang pumasok. 'Di ba, plus points 'to, lakas maka-gwapo. At saka palang ako pumasok sa drivers seat.
Konting bye-bye sa mga new friends then ready to go na. Hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Riz, ang ganda talaga ng ka-date ko. Malayo sa batang itsura n'ya, parang hindi s'ya 'yung Riz na naka-meet ko at lagi kong kasama.
Natatawa pa ko dahil hindi n'ya makabit nang maayos ang seatbelt at dahil doon, lumabas pa rin ang childish look n'ya. Huminto kami sandali, at may kinuha ako sa aking bulsa. "Ako na, ganito lang 'yan." Inayos ko ang kanyang seat belt. Pagkakabit ko nito ay binuksan ko sa kanyang harapan ang kahon ng kwintas na binili ko para sa kanya.
"Ano to? Ang ganda naman, para kanino 'yan?" Kitang kita sa mga mata n'ya na nagustuhan n'ya ito.
Cresant moon pendant, she is my light upon the darkness of the night. And cresant because she make me smile while I'm in the dark. Ang deep grabe! Naging corny na ko.
"Para sa'yo," sagot ko.
"Ta, talaga?" nakangiti nitong sabi.
"Sayo talaga 'yan, I have mine too, gibbous moon naman s'ya," sabi ko kay Riz.
So I can fill the missing part of the cresant para maging full moon sweet 'di ba. Isinuot ko sa kanya ang kwintas, bumagay ito sa kanya. At bakas sa mukha n'ya ang tuwa sa regalo ko. Syempre isinuot ko din ang kwentas ko, couple necklace. Nakan naman. Tahimik lang kami habang nag-drive, ninenerbyos ata s'ya.
"Nawala ata ang kadaldalan mo?" Pagpuna ko sa kanyang katahimikan.
" 'Wag kang magulo kinakabahan ako!" sabay palo ni Riz sa akin.
"Aray! Nag-drive ako! Bakit?" natatawa 'kong sabi, kinakabahan talaga s'ya. Nang lalamig din kasi ang mga kamay n'ya at nanginginig pa.
"Anong sasabihin ko pagtinanong ako? At mag-ano ba tayo para sumama ako sayo. Friends lang naman tayo 'di ba? Pero pano pag nag-asar or nagtanong sila paano tayo nagkakilala. Background ko tapos pano kung mapahiya ka dahil sa akin. Probensyana lang naman ako, anong sasabihin ko?" bigla-biglang sabi ni Riz. At sunod-sunod, with matching kumpas pa ng kamay.
"Ang dami mong sinabi! Relax. Just be yourself, okay at 'yong sa ating dalawa? We are very good friends. Sa chat tayo nagkakilala and we click, just like that. Okay? 'Wag kang praning. Ikaw talaga." I hold her hand and kiss it. Ewan ba't ko ginawa 'yon pero I'm glad na 'di s'ya pumalag. Hindi ko na rin binitawan ang kanyang mga kamay.
Dumating na kami sa bahay ng Lola ko, nandoon na rin ang mga Tito at Tita ko, mga pinsan at ibang pa naming kamag-anak. Pagpasok namin ay nakita kami kaagad ni Lola.
"Oh iho, I'm glad nakarating kayo and wow Riz! You're very pretty. Hindi mo sinabi may lahi ka pa lang Chinese," puri ni Lola.
Nagmano kaming dalawa. "Good evening po. Salamat po, natural na singkit lang po ang mga mata ko, pero purong Pinoy po ako. Kayo rin po, ang ganda-ganda n'yo po ngayong gabi, Happy Anniversary po," bati ni Riz. Ngiting ngiti si Lola sa papuri ni Riz.
"Lola matatanggihan ko pa ba kayo? Sina mama po pala, hindi raw pala makakapunta," sabi ko. Ngunit bigla akong natigilan sa sinasabi ko.
Shit! Ang sabi ko kay Riz, wala na 'kong parents. Gusto kong tumahimik na lang sa pagsasalita kaso baka magtaka naman si Lola. Hay, bahala na nga.
"Don't worry I understand, madami rin silang ginagawa sa business n'yo. Okay lang din naman dahil nandito naman kayo, ipakilala mo na ang girlfriend mo sa mga kamag-anak natin," nakangiting sabi ni Lola.
"Lola!" bulyaw ko kay Lola. Napatingin ako kay Riz at mukhang nahihiya na s'ya, na lalong nagpa-cute sa kanya.
Lumapit sa amin ang isa sa mga tito ko. "Oo nga Marky ipakilala mo naman sa amin 'yang girlfriend mo, bagay na bagay kayo, galing talaga mamili ng pamangkin ko," puri ni tito.
"Tito, si Riz po, kaibigan ko. Malinaw ha, friend," mariin kong sabi.
Ngunit hindi naniwala si Tito, at tinawanan lang ako.
Bumaling ng tingin si Tito kay Riz. "Iha, paano ka nagayuma ng pamangkin ko ha?" biro ni Tito sa kanya. "Marky, binilhan mo na ba ng helmet itong girlfriend mo? Baka bigla 'tong mauntog nako, iyak ka pag-iniwan ka nito," sabi ni Tito sa akin.
Ngumiti lang si Riz kay Tito. Kaunting bolahan pa at isinama na kami ni Tito kung na saan ang iba pa naming mga kamag-anak. Wala na 'kong magawa, kaya pinakilala ko na s'ya sa iba pang na roon.
Tuwing ipapakilala ko s'ya sa iba, "Si Riz po friend ko," pinagka diinan ko talaga 'yung salitang friend, para malinaw sa lahat. Pero in the end walang naniniwala, lalo ng si Lola.
"My future apo," laging dagdag ni lola tuwing ipapakilala ko si Riz. Pulang pula na tuloy ang kasama ko.
"Lola!" saway ko.
"Aba apo, you look perfect together, I'm very excited sa magiging apo sa tuhod ko sa inyong dalawa," dagdag pa ni Lola.
Hinawakan ko ang malilit n'yang kamay para kumalma. Matapos ko s'yang ipakilala sa mga kamag-anak namin, pumunta na kami sa part ng bahay na walang ganoong tao. Sa may pool side, sumandal kami sa railings ng pool. Pansin ko rin kasing iba ang tingin ng iba kong mga pinsan kay Riz, kaya dapat s'yang itago. Aba walang talo-talo, sa'kin lang si Riz.
"Hindi ka close sa mga kamag-anak n'yo?" tanong ni Riz. "Hindi ko lang trip kausapin sila ngayon, kasama kasi kita," pangbobola ko.
"Asus," sagot ni Riz.
Pero ang totoo, na-tense ako sa mga tito ko kanina kaya gusto kong lumayo sa kanila para makapagyosi. "Nagyoyosi ka nga pala." Nakatitig sa 'kin si Riz habang sinasabi ang mga ito.
Tumingin ako sa yosing hawak ko. "Minsan lang, pero lagi akong may dala lalo na pag nasa work. Pang pa tangal stress, lalo na pag na pressure," paliwanag ko.
Pero tuwing kasama ko s'ya nawawala sa isip ko ang magyoyosi. Kaya siguro nasabi n'ya 'yon.
"Masama sa baga mo 'yan, tapos puyat ka pa palagi nako nako," para n'ya akong sinesermunan sa tono ng pananalita n'ya. Ganoon talaga siguro pag nanay na.
I didn't feel offended besides sinabi n'ya lang na masama sa katawan ang yosi. Alam ko naman din 'yon in the first place.
"Sa totoo lang ayaw ko sa mga taong nagyoyosi," dagdag n'ya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Ewan? Basta, pero hindi ko naman pinipigilan ang mga kakilala kong nagyosi, kaibigan ko pa rin naman sila. Buhay naman nila 'yon. Pero pag si Ken ang nakita kong nagyosi, makikita n'ya," banta n'ya. Natawa ako bahagya sa pagkakasabi n'ya tungkol sa kanyang anak. Nakita kong nang gigil ito, at napasuntok pa ito. Striktong nanay siguro si Riz.
Natahimik ako sandali, at nagdisisyong itapon ang yosing hawak ko. Kahit halos kakasindin ko pa lamang nito.
"Bakit mo tinapon?" natataka n'yang tanong.
"Hmm wala lang, I cannot promise to quit smoking pero pagkasama kita hindi ako magyoyosi para hindi mo ko ayawan," sabi ko.
"Nice at least mababawasan," ngumiti s'ya. "Riz may request sana ako," sabi ko.