Chapter 6

2595 Words
Naka sandal pa rin ito sa fence ng poolside. Pumunta ako sa kanyang likuran at yumakap sa kanya. "Alam mo 'yung story ni Cinderella?" bulong ko sa kanya. Hindi naman pumalag si Riz, hinayaan n'ya lang ako sa aking ginawa. "Oo naman bakit? 'Yung magical royal ball, blue gown, glass shoes at pampkin na naging carousel," sagot ni Riz habang nakatingin sa swimming pool. "Kung sa istorya ni Cinderelle, natupad ang pangarap n'yang makapunta sa royal ball sa tulong ng fairy godmother n'ya. Pwede bang ikaw ang maging fairy godmother ko at tuparin ang hiling ko?" Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. "Ha? Hindi ko maintindihan?" tanong ni Riz, sinandal ni Riz bahagya ang kanyang balikat sa aking katawan. "I mean, I want you to be my girlfriend," lakas loob kong sabi "Ang kaso when the clock strikes to 12, the magic between us will disappear," sagot ko. May mga bagay na bigla-bigla mo na lang nasasabi ng hindi napag-iisipan. "Sure ka?" tanong ni Riz na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. "Please, it sounds weird pero nakaka-miss lang 'yung ganitong pakiramam. 'Yung may taong ipaparamdam sa 'yo na kuntento s'ya kung ano at sino ka. Riz, alam kong magulo 'tong hiling ko pero, sana bigyan mo 'ko ng pagkakataong iparamdam sa 'yo ang nilalaman ng puso ko." Hindi na ako makapaniwala sa mga sinasabi ko, pero sige lang ito na 'to. "Riz, hindi ka mahirap mahalin, maganda ka at mabait. Kalog hindi boring kasama, naughty minsan, pasaway at ang pinaka nagustuhan ko sa 'yo, totoo ka sa lahat ng nararamdaman mo," paliwanag ko sa kanya. Nakita kong ngumiti s'ya bahagya. Please pumayag ka Riz, habang kaya ko pang sabihin ang mga 'to. Habang hindi pa 'ko nilalamon ng hiya at hindi pa ako nagigising sa panaginip na 'to. Humigpit nang bahagya ang yakap ko sa kanya, inihilig n'ya naman ang kanyang katawan sa akin. Tahimik lang kaming dalawa, nakatitig sa tubig ng swimming pool, pero ang saya sa pakiramdam. Sana hindi na mag-12 ng hating gabi at huminto na lang ang lahat. Ramdam kong nagmamahalan kaming dalawa ng totoo. Walang paki-elam sa nakapaligi, kaming dalawa lang wala ng iba. Pilit itong lumingon para makaharap sa akin. "I'll enjoy every moment na kasama kita ngayon," biglang sabi ni Riz na nakatitig sa 'king mga mata. Matapos n'yang sabihin ang mga 'yon ay muli s'yang timingin sa swimming pool. Bumilis ang t***k ng puso ko, uminit bigla ang dalawa kong pisngi. Hindi ko na malayang ngiting ngiti na ako at sobrang tuwa ang aking nararamdaman. Inayos ko ang aking pakakayakap kay Riz at tinignan ang aking relo. "Ms. Pretty lady in Chinese dress, you're my official girlfriend at exactly 9:00 pm," sabi ko. Hinawakan n'ya ang aking relo, at tumingin sa aking orasan. Tama nga sila, actions speaks louder than words, at mas masarap maramdaman ang mga bagay kaysa sa sinasabi lang. "Hmm ngayong girlfriend na kita, ilan ang gusto mong maging anak?" tanong ko. Corny na kung corny sabi ko nga, kung ano ano na ang nasasabi ko tuwing kasama ko si Riz. "Hala? Anak kaagad? Akala ko ba mag-boyfriend / girlfriend pa lang tayo? Pang magasawa na yang tanong mo e?" gulat na tanong ni Riz. "Ito naman, sakyan mo na lang ako. Ngayon mo lang makikita ang mga kacornihan ko sa buhay," sabi ko na parang nagtatampo. "Sige, hmmm syempre panganay natin si Ken. Tapos isang boy na kamukhang kamukha mo lalo na 'yang eyes mo tapos ang bunso natin ay girl na pinaghalo features natin. At s'ya ang magiging prinsesa ng dalawa n'yang kuya," sagot ni Riz. "Wow, nice" banggit ko. "Teka wala kang pahabol? Payag agad?" tanong n'ya. "Oo naman why not? Two boy and one girl, kung 'yon ang gusto ng reyna ko, s'yang masusunod. Pag nagmahal kasi ako ginagawa kong reyna ng buhay ko ang taong mahal ko and I'm her servant. She's my boss. Sabi nila parang under tignan pero pag nagseryoso ako sa relasyon, gusto ko 'yung mapapasaya ko s'ya at lahat ng gusto n'ya matutupad. Ayaw ko na didiktahan ko s'ya, hanggat kaya ko ibibigay ko lahat lahat," sabi ko. Ang corny ko na talaga, pero wala e. "Sweet." Sabay kurot n'ya sa ilong ko. "Aray! Masakit ha! E, anong klaseng bahay naman ang gusto mo?" sunod kong tanong. "Hmmm gusto ko may dalawang kwarto, isa sa atin tapos isa naman para sa 3 nating anak. Magkakasama sila sa isang room para mababantayan ng mga kuya natin ang prinsesa nila. May malaking kusina mahilig din kasi akong magluto tapos garden na sakto lang ang lake, parking lot at isa pang kwarto para sa mga sapatos mo." Nagulat ako sa sinabi n'ya, sa mga sapatos ko? "Ha? Sapatos ko? At marunong ka magdrive?" tanong ko. Humarap s'ya sa 'kin,"You have a collection of around 20+ rubber shoes at ayaw mo sa fake gusto mo 1,000 pesos and up ang price ng isang pair. 'Di ko nga alam kung paano mo nasusuot lahat ng 'yon, at ang size ng paa mo is 10. Tapos may dream car ka na malapit mo ng mabili," sagot ni Riz. "Pano mo?" tanong ko. Wala akong maalalang moment na sinabi ko ang tungkol sa mga bagay na 'yon. Wait, paano kung, "Sa sss mo Mr. Mark Jerson Ocampo," mataray n'yang sabi. Tinaasan pa ako ng kilay ng bata. "Hala e 'di." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at lumayo bahagya sa kanya. Nagulat kasi ako sa sinagot ni Riz. Ibig sabihin, alam na n'ya lahat lahat? Humarap si Riz sa akin "Opo alam ko na ang lahat, ikaw talaga!" Kinurot n'ya muli ang aking ilong. "Ikaw ang bunso sa inyong magkakapatid, I'm not sure kung ilan kayo pero ikaw lang ang lalakeng anak. At ang kursong kinuha mo ay architecture. Ang pagkakaintindi ko, hindi mo gusto ang course na 'yon, pinagbigyan mo lang ang parents mo. And after makapasa ng boards, gusto mong mag-aral ulit pero sa course na gusto mo at ikaw ang magpaaral sa sarili mo. Ang kaso na enjoy mo na ang pagiging call center agent kaya tinuloy tuloy mo na ang career mo ganoong industry. Suportado ka naman ng parents' mo kaya okay lang, I remember one of your post... Gano'n gano'n na lang ba kadaling husgahan ako? Hindi ba pwedeng may gusto lang akong patunayan kaya ko ginagawa lahat ng 'to? Natawa ako sa post mong 'yon, para kasing galit na galit ka sa post mo. Pero tama naman din kasi sa kabilang banda. Bakit ka i-judge sa ginawa mo, buhay mo naman yan wala silang paki alam" sabi n'ya sa akin. Tama lahat ng sinabi n'ya, wala na akong masabi. Buking na buking na pala ako matagal na, kakaiba talaga si Riz. Yumuko ako. "So hinalughog mo pala ang sss ko up to may very first post?" tanong ko. Mga post ko kasi 'yon noong 22 years old pa lang ako. "Yup parang gano'n na nga, interisado kasi ako sa 'yo, kaya 'yon napag-tripan ko ang sss mo at nalaman ko ang buong pagkatao mo." Nag-pamewang pa ito. "Alam mo ikaw lang ata ang kilala kong lalakeng lahat ng bagay pinost sa social media. Ultimo falling hair kinuhanan!" tawang tawang sabi ni Riz. "Ah 'yon ba? Bakit ba! Walang basagan ng trip it's a free country you know," biro ko. "Pero I like your shots, 'di lang kasi simpleng pagkuha ng picture ang ginagawa mo lalo na sa mga sceneries na kinukukahanan mo pagnag-roadtrip ka o hindi kaya sa mga nadadaanan mo. May passion ka sa photograph 'no?" tanong nya. "I'm happy na may naka-appreciate ng mga photos ko, thank you. Yup it's my first love 'yan kasi hubby ko, ang kaso gusto nina mama na magkaroon sila ng architect na anak. Kaya 'yon ang kinuha kong course. At dahil masunurin akong anak, heto ako ngayon. Isang call center agent." Napakamot ako sa aking ulo. "Hmmm, ang gaganda kasi, nakakaaliw tignan may puso ang bawat shots and that is one reason why I like you." Nagulat ako sa sinabi n'ya. Kakaiba ang nararamdaman ko, pero sabi nga n'ya I should enjoy every moment. "I love you." sabi ko. "I like you." sagot ni Riz. Hindi ko akalaing sasagot s'ya, kahit magkaiba kami sa dalawang letre, ayos lang. Nararamdaman ko naman kasing totoo ang sinasabi n'ya at ayaw ko s'yang pilitin. 'Yon naman ang mahalaga, masaya s'ya. "Pwede pa kiss," makulit kong sabi. Lumapit ako sa kanya at tinapatan s'ya, pagkatapos ay humawak sa fence ng poolside at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Pikit ka muna," sabi nya. Sunod naman ako syempre sagadin na natin ang re-request! Minsan lang 'to! Sa aking pagpikit, naramdaman kong hinawakan n'ya ang aking mga balikat. Gusto kong imulat ang aking mga mata, gusto kong makita kung anong gagawin n'ya. Ramdam ko ang init ng bawat hinga n'ya, papalapit sa aking mga labi. Pero bakit ako kinakabahan? Para akong tanga na kumakabog ang dibdib parang unang beses akong hahalik! Ano to, first time?! Teenager lang ang peg?! Jerson! Ano ba! Kalma!!! Ay ewan. Hanggang naramdaman ko na lang na imbis sa labi, sa ilong n'ya ako hinalikan! Napamulat ako. "Hala ba't doon?" tanong ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa as in kunting hangin lang ang pagitan, I can see her small eyes, cute nose and lips, sarap titigan. "Ang cute cute mo!" Sabay pisil sa ilong ko! "Aray!" sigaw ko. Napa-atras ako at hinawakan ko ang aking ilong, pinang gigilan n'ya ata ang matangos kong ilong. Palibhasa maliit ang ilong n'ya, in short, pango. Lumusot s'ya pababa at tumakbo bitbit ang kanyang mga sapatos. "Riz!" sigaw ko. Huminto s'ya, at sumigaw, "Sana hindi na matapos 'tong gabing to!" Napangiti ako, ngiting ngayon ko lang ulit nagawa, 'yung ngiting may kilig, saya, at punung puno ng tuwa. Tumakbo s'ya papuntang garden at hinabol ako ito. Para kaming mga batang naghahabulan at naglalaro, malalakas na tawanan at ngiting walang kapantay. Hindi ko na maalala kung kaylan ko huling naramdaman ang ganitong saya kasama ang isang babae. Nang nahuli ko s'ya binuhat ko s'ya para yakapin. "Ang bigat mo pala!" biro ko. "Loko ka!" simangot nitong sabi. Sabay pisil na naman ng aking ilong, napaatras ako ng kunti at na off balance, at ayon natumba kaming dalawa na nagtatawanan. Mukhang 'di naman nasaktan si Riz dahil tawa pa rin ito ng tawa. Maya-maya pa ay na upo s'ya at ako naman ay nahiga sa kanyang mga hita, hinimas n'ya ang aking noo. "Alam mo sana totoo lahat ng 'to," bigla n'yang sabi. Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" tanong ko. "Sabi mo 'di ba katulad ni Cinderella after 12 midnight babalik na sa normal ang lahat? Ako bilang mama ni Ken, estudyanteng nagre-review. Tapos uuwi ng probinsya, pagkatapos ng exam. At ikaw naman, itutuloy ang pagiging call center agent," sagot ni Riz. Nakaramdam ako ng lungkot, hindi ako makapasalita. Tama s'ya pagkatapos ng alas dose babalik na ang lahat sa dati. Pero, "Pero wala pa namang 12 midnight let's enjoy the night," sabi ko. Ngumit s'ya at tumungo, inilapit n'ya ang kanyang mukha sa akin and gave me a long sweet kiss. Sa halik na 'yon, naramdaman kong hindi lang fling o mutual understanding ang namamagitan sa aming dalawa. Parang totoo talaga ang lahat. Ito 'yung pakiramdam na bawat sigundo ay mahalaga. Hindi na tatapos ang mga usapan, kulitan at ayaw ko na s'yang pakawalan. Ayaw ko ng matapostang gabing 'to. Kung pwede lang na ihinto ang oras at ma-stock na lang kami sa ganito, gagawin ko. Pero kung may simula, nariyan din lagi ang wakas. "Apo mukhang ang saya mo ngayon," sabi ni Lolo. Nakasalubong namin s'ya papuntang dinning, nagutom kasi ang bata. At 'yon, nagayang kumain kahit kaunti lang daw. Daw? Ngunit nakakapagtaka dahil sinabi 'to ni Lolo na hindi man lang s'ya nakatingin sa aming dalawa ni Riz. Kung hindi sa mga hawak n'yang mga pictures. "Ah? Ano po Lo?" tanong ko. "Apo, look at this photos, kinunan ko kanina sa poolside at garden. Ang ganda, full of love and joy," sagot ni Lolo. At tumingin ito kay Riz. "Chaka nga pala ako, pwede mo ba akong ipakilala sa napakagandang dalaga na kasama mo dito sa picture?" hiling ni Lolo. Napadilat ako sa sinabi ni Lolo, nako po poolside at garden! Kami lang ni Riz ang nandoon kanina. Hindi ko na inintindi ang tanong ni Lolo, dali dali kong tinignan ang hawak n'yang litrato. Nakuha ko pang agawin ang mga litrato na hawak ni Lolo sa taranta ko. Pagtingin ko, kami ngang dalawa ni Riz! Habang yakap ko s'ya patalikod, when she kissed my nose, naghahabulan kami papuntang garden at noong buhat ko s'ya, pati pagtumba namin habang tumatawa meron! "Lolo!" pasigaw kong sabi. "What? Eto ang souvenir namin ng Lola mo for this year, mga pictures ng mga bisita. Memories na makapagpapaalala sa amin na masaya ang lahat sa okasyong ito. Pero sa tingin ko itong mga pictures n'yo ang the best. At iha ikaw si?" tanong ni Lolo. Si Lolo may pagkachismoso rin mag-asawa nga sila. Namula tuloy si Riz. "Riz! Riz po ang pangalan n'ya Lo. S'ya po ang kasama ko ngayon," sagot ko. Ramdam ko na nahiya si Riz. Pero magaganda talaga ang mga kuha ni Lolo. Syempre kanino pa ba ako magmamana. "Good evening po, Riz po ang pangalan ko. Happy anniversary po," sabi ni Riz at nagmano ito kay Lolo. 'Di tulad ni Lola, mas kampante akong ipakilala si Riz kay Lolo. Magilaw at pala ngiti si Lolo 'di tulad ni Lola, mataray at masungit. "Ah tama, s'ya ang binabanggit ng Lola mo noong nakaraan. Nagkita raw kasi kayo sa mall. At tama ang Lola mo, maganda, magalang at bagay kayong dalawa. S'ya ba ang nobya mo?" tanong ni Lolo. Tumingin ako kay Riz, halatang kinakabahan at hindi n'ya alam ang isasagot. "Friends," sabay naming sagot. "Hay kabataan nga naman ngayon, s'ya s'ya friends kung friends pero umaasa ako na gwapo at magaganda apo sa tuhod na lalake at babae ang mabibigay n'yo sa amin ng Lola mo. Alam mo namang ikaw ang magpapatuloy ng lahi natin." Tinapik ni Lolo ang aking balikat sabay alis. At kaming dalawa ni Riz ay naiwang gulat na gulat sa mga sinabi n'ya, kaya tumawa na lang kaming dalawa. At tulad ng usapan, pagdating ng 12 midnight matatapos na ang lahat. Inihatid ko na s'ya sa apartment na kanyang tinitirahan. Pero bago s'ya bumaba ay pinigilan ko ito at hinawakan ang mga kamay. "Riz, seryoso, I'm falling for you," sabi ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko bahala na kung anong mangyayari. Buong byahe ko itong pinagisipan, at nagdesisyon akong aminin ang tunay kong nararamdaman. Ayaw ko ng i-denay ang mararamdaman ko. "Jerson, hindi mo pa ko ganoon kakilala, tulad mo pwedeng fake lang 'tong lahat o gawa-gawa ko lang lahat ng sinabi ko sayo. Pwedeng ngayon tanggap mo ko pero paano kung mabago ang lahat at hindi pala ito ang tunay kong ugali. Marami ka pang hindi alam sa akin, at natatakot ako na isang araw pagsisihan mo kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin," sabi ni Riz. Alam kong ito ang mga sasabihin n'ya. "Riz, alam kong mahigit isang bwan palang tayong magkakilala pero hindi ko pwedeng utusan ang puso ko kung ano man ang nararamdaman nito. Hindi ko alam kung kaylan at paano nangyari ang lahat ng 'to, pero isa lang ang alam ko. Ayaw kong mawala ka sa akin," mariin kong sabi. Matapos nito, hinawakan nya ang mga pisngi ko. At bumaba na s'ya ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD