Nakatayo ako sa harapan ng altar, nandoon din sina Elvie, Kit, Heart, Gina at ang mag-asawang Ralf at Jainee. Kulay puti at maroon ang kulay ng mga bulaklak. Napakaganda ng gayak ng buong simbahan, simple pero eligante at napaka payapa ng paligid. Nakingiti karamihan ang mga taong naroroon at ang ilan naman ay may pag-iyak pa. Nagsimula ng kumanta ang wedding singer ng kumantang Beautiful in White, nagsimula na ring maglakad ang mga kasama sa entourage mula sa mga cute na flower girl hanggang sa mga ninong at ninang. Bakas sa mukha ng mga ito ang galak sa okasyong ito. Isinara na ang pinto, hudyat ng pagpasok na bride. Parang tatalon ang puso ko, namawis ako bigla, kumakabog ang aking dibdib. Pero kahit ganoon ay sobra sobrang kaligayahan ang aking nadarama. Abot tenga na ata ang aking n

