"Pagkatapos noon, sinuntok ko ang van ng sobrang lakas at tinalikuran si Nick. Hindi ko nga alam kung nakupi 'yung van ni lola. Doon ko kasi ibinuhos ang lahat ng galit ko. Paglakad ko pauwi ay nakita ko sina tito Sley, hindi ko alam kung kanina pa sila naroon. May ilang tanod na ing dumating. Inalalayan na lang ako ni tito pauwi, halos 'di ko na rin ako makalakad ng maayos. Hinang hina ang buong katawan ko," kwento ko kay JD. Halatang dismayado na naman ito sa kanyang mga narinig. At siguradong makakarinig na naman ako ng mga pangaral kay JD. Itinuloy ko ang aking kwento. "Kina-umagahan ko na kinuha ang sasakyan sa tapat nina Riz at bumalik ng Manila. Pagkatapos noon ay hindi na ako nakabalik sa kanila, nawalan na rin ako ng communication kayna Riz at Ken. Nagkaro'n din kasi ng training

