Matapos n'ya akong suntukin ay hinawakan n’ya ako sa aking balikat at hinila ako palayo kay Riz. Nawalan ako ng balanse kaya natumba ako at nasubsob sa kalsada. Hinatak n'ya si Riz papalabas ng kotse. "Riz ano ba! Nakikipaglandian ka pa rin sa lalakeng 'yan! Hindi ka na nakuntento, ano bang pagkukulang ko sa 'yo! Lahat naman binigay ko! Ano ba ang naiibagay ng lalakeng 'yan na hindi ko kayang ibigay! Nawala lang ako sandali, lumandi ka na ng ganyan! Ano na lang ang sasabihing ng ibang tao pagnakita ka nilang kasama ng lalakeng 'yan." Sinimulan na naman n'ya akong ituro. Sinisigawan n’ya rin si Riz na parang napakalaki ng kanyang kasalanan. Gulat na gulat si Riz sa mga nangyayari, dahil din siguro kakagising lang nito at nagulantang sa mga nangyayari. Hindi pa si Nick nakuntento, at muli

