MATAPOS siyang maihatid ni Stephen sa kanyang bahay ay tila 'di makatulog si Jude. Halong saya at takot ang kanyang nadarama. Masaya siya sapagka't sa kabila ng nangyayari ay hinding-hindi pa rin siya nakakalimutan ni Stephen kahit pa'pano. Natatakot naman siya kasi baka isang malaking g**o na naman ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Cheska. Napabuntong-hininga si Jude. Paano na ngayon? Baka magkagulo na naman. Talagang sagad sa buto ang pagkagaspang ng ugali ng nobya ni Stephen. Halos gusto na niyang sumuko pero hindi siya magpapatalo. Kung saan ang sa tingin niya ay tama ay hinding-hindi siya magpapatalo kay Cheska.
Tinititigan naman ni Jude ang gold necklace na binigay sa kanya ni Stephen kanina. Napangiti siya ngunit ang mga mata ay nalulungkot. Talagang mahal siya ni Stephen, pero hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman niya para dito. Si Stephen ay mahal siya bilang isang matalik na kaibigan lamang, hindi katulad kay Cheska. Sa bagay ay nobya naman ni Stephen si Cheska. Wala na siyang magagawa.
Kinabukasan naman, nag-usap sina Stephen at Cheska tungkol kay Jude.
"Bakit naman natin pag-uusapan 'yang si Jude?", ani Cheska.
"Listen Cheska. Please, 'wag mo nang guluhin si Jude. Marami siyang pinagdadaanan sa buhay.", sabi ni Stephen.
"And so? Kung marami siyang pinagdadaanan sa buhay! Ano naman ngayon! Malandi pa rin siya!", sabi pa ni Cheska.
"Cheska, listen! 'Wag mong tinatawag na malandi si Jude! He's not like that. Marami nang pagsubok ang dumaan sa kanya. He was only 7 nang iniwan sila ng Daddy niya and he was only 12 when his mother left him to go abroad. 6 years na silang hindi nagkikita ng mommy niya but still they have communication. And last year naman, namatay ang pinakamamahal niyang kaibigang si Andrew. Cheska, please. Stop manipulating Jude's life.", ani Stephen.
"Kahit anong sabihin mo diyan Stephen, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa Jude na 'yun! He's good for nothing!", pagkasabi 'non ay nag-walk out si Cheska.
Bumuntong naman ng hininga si Stephen. Talagang hindi madadala si Cheska sa mga sasabihin niya. But still he has to convince his girlfriend to gain peace.
Samantalang si Jude naman ay nasa ospital at may duty. Marami siyang pasyente sa araw na 'yun. Shifting kasi ang scheduled duty nila. Jude and his fellow groupmates ay 7am to 3pm ang shift while si Stephen and the rest of his groupmates ay sa 3pm to 11pm na shift. Hindi sila magkasama ngayon ni Stephen sa duty pero nasanay na si Jude.
"Mr. Miranda, please go to the Nursery . Please, ikaw na ang mag-Immediate Newborn Care doon.", ang kanilang C.I na si Mrs. Buendia.
"Yes ma'am. I'm coming.", nagpunta si Jude sa Nursery at nag-Immediate Newborn Care doon. Pagkatapos no'n ay sa Delivery Room naman siya dahil mag-a-assist siya sa doctor sa mga manganganak. Talagang nakakapagod ang araw na 'yun subalit kinaya ni Jude 'yun. Nang matapos ang kanyang shift ay nagkita sila ni Stephen doon, together with Cheska.
"Jude.", tawag sa kanya ni Stephen.
Lumingon si Jude. Cheska rolled her eyes.
"Ikaw pala Stephen.", si Jude na hindi ngumiti.
"Tapos na ang shift ninyo?", tanong ni Stephen.
"Oo. Tapos na. Uuwi na ako. Good luck sa shift niyong ito.", si Jude na hindi ngumingiti.
"Marami ka bang nakuhang cases ngayon?", tanong ulit ni Stephen.
"Marami-rami rin. Maraming nanganak kanina. I'm sure sa shift ninyo ay marami ring manganganak. I got 3 cases of Handled Delivery and 3 cases of Assist Delivery. 2 cases naman ang nakuha ko for Immediate Newborn Care.", walang kibong sabi ni Jude.
"G-Ganun ba? Naku buti ka pa Jude. Dalawang Assist Delivery pa lang ako at wala pa kong Handled kasi hindi pa ako masyadong marunong magpaanak. But kumpleto na ang Immediate Newborn Care ko. Buti ka pa at sumobra ang Immediate Newborn Care mo. You got a total of 6 Immediate Newborn Care Cases right?", si Stephen.
Tumango na lamang si Jude.
"Then sobra na rin 'yung Handled and Assist Delivery Cases mo. Ang galing mo talaga Jude.", pinuri siya ni Stephen.
"Stupid!", bulong na pagmumura ni Cheska.
Walang kibo lamang si Jude na ngumiti. Umalis na rin ito at uuwi na siya dahil mag-a-alas tres y cinco na. Pumara siya kaagad ng taxi at sumakay. Sinundan naman siya ng tingin ni Stephen. Habang nasa taxi ay nag-beep ang cellphone ni Jude. Si Stephen ang nag-text.
From: Stephen
Ingat ka lagi Jude. I love you :)
Gustuhin mang ngumiti ni Jude ay hindi niya magagawa. Baka sa pagngiti niyang 'yun ay lalong uusbong ang bawal na damdamin niya para kay Stephen. Bumuntong siya ng hininga at inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang uniform pocket. Pag-uwi niya sa bahay ay umupo siya sa sofa. Nais niyang matulog pero hindi siya makatulog. Ang kanyang katawan ay pagod pero hindi siya makatulog. Dahil hindi siya makatulog ay nanghalungkat na lamang muna siya sa cabinet. May kukunin lamang siya doon nang mamataan niya ang isang larawan. Larawan 'yun ng kanyang ama. Tinitigan niya 'yung maigi. Magkamukha pala sila ng ama niyang si Jonas. Hindi naman siya nagtatanim ng galit sa kanyang ama noong iniwan sila nito. Kahit papa'no ay pinatawad niya sa kabila nang hindi na niya ito nakita labing-isang taon na ang nakakalipas. Siguro talagang hindi lang mahal ng daddy niya ang mommy niya. Ayon kasi sa kinwento ng ina ni Jude na si Rinalyn noon, nadisgrasya lamang daw ni Jonas si Rinalyn. At dahil buntis na si Rinalyn noon kay Jude ay pinakasalan naman siya ni Jonas. Minahal naman daw ni Jonas si Rinalyn subalit lumipas lamang ang pitong taon ay nagbago na ito. Umuuwi daw palagi si Jonas na laging mainit ang ulo. Pero minsan naman ay kinakarga ni Jonas ang anak nitong si Jude. Naaalala pa minsan ni Jude ang sinabi ng ama niya noon sa kanya.
"Jude, anak. Kapag malaki ka na, makukuha mo na ang lahat ng gusto mo. Alam mo anak, para mangyari 'yun ay kailangan mo munang mag-aral.", sabi noon ni Jonas sa anim na taong gulang na si Jude.
"Daddy, kailangan ko ba talagang mag-aral para makuha ko 'yung mga gusto ko?", tanong ng batang si Jude.
"Oo naman siyempre anak. Dahil ang edukasyon ay ang susi ng tagumpay. Magiging professional ka pa. 'Di lang 'yun anak, magiging mayaman ka pa.". si Jonas.
"Ibig sabihin ay matutulungan ko na rin kayo ni mommy kapag naging mayaman na ako.", sabi ni Jude.
Ngumiti naman si Jonas. Kinarga niya ang anak.
Napabuntong-hininga si Jude sa alaalang 'yun. Ibinalik niya kung saan nakita niya ang larawan. Nakaramdam na siya ng antok. Pumasok siya sa kanyang kwarto at doon na natulog.
LUMIPAS pa ang ilang araw ay ganun pa rin. Malapit na ang Final Exams nila. Malapit na ring matapos si Jude sa mga requirements niya. Nasa school na siya nang makita siya nina Venus at Dianne.
"Jude, saan ang punta mo?", tanong ni Venus.
"Sa Faculty Office. May itatanong lang ako kay Ma'am Buendia.", sabi ni Jude.
"Anong shift ka ngayon sa duty?", tanong ni Dianne.
"The same pa rin. 7am to 3pm.", si Jude.
Nagpasya ang dalawang babae na sumama kay Jude sa Faculty Office.
Samantalang si Stephen naman ay kararating lamang sa school. Magkasama pa rin sila ni Cheska. Kanina pa daldal nang daldal si Cheska dahil nagagalit ito. Galit ito kay Stephen sapagka't 'di raw ito sumipot sa usapan nilang dalawa kahapon. Tinitimpi lang ni Stephen si Cheska. Ang aga-aga ay mainit na ang ulo nito. 'Di na nakatiis si Stephen at pinagsabihan na niya ang nobya.
"Cheska ano ba! Tama na! Hindi ka ba nahihiya diyan sa mga pinaggagawa mo! I'm so sick and tired of you! Talagang wala ba'ng araw na hindi pumuputak-putak 'yang bunganga mo!", galit na wika ni Stephen.
Imbes na huminahon ay lalong nagwala si Cheska.
"Ah, so ako pa ngayon ang mali ha! Stephen! My God! Ikaw na nga itong may kasalanan sa'kin, ikaw pa 'tong may ganang magalit! Oh come on Stephen! Hindi ka sumipot sa usapan natin kahapon! Naghintay ako sa'yo ng ilang oras because I'm expecting you to come! Gosh! Hindi ka sumipot kaya kasalanan mo kung bakit nagagalit ako ngayon!", litanya ni Cheska.
"Cheska please! Will you shut up! Ang dami kong problema ngayon tsaka dumaragdag ka pa!", talagang galit na si Stephen.
"Hindi ako titigil dito sa kakaputak dahil may kasalanan ka sa'kin! Ako pa ngayon ang lumalabas na mali at......"
"I said shut up!", akmang sasampalin ni Stephen si Cheska.
Bigla namang tinabunan ni Cheska ng mga braso niya ang kanyang mukha at natahimik sa kakadaldal.
"You know what Cheska! Kung ganito man lang ang sitwasyon nating dalawa araw-araw, mas mabuti pang maghiwalay na tayo! I'm breaking up with you! I'm so sick and tired of you!", pagkasabi no'n ay umalis na si Stephen at naiwan si Cheska.
"Stephen! Stephen no! Stephen! Bumalik ka dito! Stephen!", napaiyak si Cheska.
SINA Jude, Venus, at Dianne ay nasa canteen at kumakain. Nag-uusap din sila doon nang biglang dumating si Cheska. Nagulat ang tatlo sa presensiya ng nobya ni Stephen. Tinarayan naman siya ni Dianne.
"Anong kailangan mo!", pagtataray ni Dianne kay Cheska.
Galit na tinitigan ni Cheska si Jude.
"Ano Jude! Masaya ka na! Ha!", galit na wika ni Cheska.
Napatingin si Jude kina Venus at Dianne, tapos kay Cheska.
"Hiniwalayan na ako ni Stephen! Hiniwalayan na niya ako dahil sa'yo!", galit na wika ni Cheska habang pumapatak ang mga luha nito.
Biglang napatayo si Jude sa pagkagulat.
"Ano?", nagulat si Jude
"So ano masaya ka na ha! Jude!", galit pa rin si Cheska.
Hindi nakapagsalita si Jude. Umalis na rin si Cheska. Napatingin naman sa isa't-isa sina Jude, Venus, at Dianne.
Mga ilang minuto lang ang dumaan ay pinag-usapan nila ang issue nina Stephen at Cheska sa Student Lounge.
"Nabigla nga ako nang sinabi niyang hiniwalayan na siya ni Stephen. Pa'no nangyari 'yun? At tsaka mahal na mahal ni Stephen si Cheska.", Jude is wandering still.
"Hay buti nga sa kanya't hiniwalayan siya ni Stephen! Ang sama kasi ng ugali niya at tsaka ang kapal pa ng mukha!", ani Dianne.
Napabuntong-hininga si Jude.
"Baka nabigla lang siguro si Stephen sa mga sinabi niya. Hindi naman siguro niya kagustuhan ang hiwalayan si Cheska.", dagdag pa ni Jude.
Venus rolled her eyes.
"I think Stephen meant to do it. Masyado na kasing KSP 'tong si Cheska.", sabi naman ni Venus.
Hindi na muling nagsalita pa si Jude. Tinanong naman siya ni Dianne.
"Jude, 'di ba mahal mo si Stephen?", deretsong tanong ni Dianne.
Marahas na lumingon si Jude kay Dianne.
"Pa'no mo nalaman?", nagulat si Jude.
"I'm sorry Jude. Sinabi ko kay Dianne.", ani Venus.
Muling tinanong ni Dianne si Jude.
"Mahal mo siya 'di ba? Aminin mo.", tanong muli ni Dianne.
Hindi muna nagsalita si Jude at bumuntong-hininga siya.
"Kung sasabihin ko bang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ako sa kanya ay may magbabago ba?", sabi ni Jude.
"Sa bagay.", sabi ni Venus.
Hindi nila alam na nakikinig na pala sa kanila si Cheska sa may malapit. Nagulat ito sa mga narinig niya.
"Kaya pala!", galit na bulong ni Cheska.
DUMATING pa ang ilang araw, kinausap naman ni Jude si Stephen. Kinausap niya ito tungkol sa break up ng dalawa. Stephen explained everything to his bestfriend.
"Jude, kaya ko hiniwalayan si Cheska because I'm so sick and tired of her.", Stephen told Jude.
"Mahal mo siya hindi ba?", deretsong pagkakasabi ni Jude.
Napatingin si Stephen kay Jude.
"Oo naman. Siyempre.", si Stephen.
Nakaramdam ng kirot sa puso si Jude. Pero hindi siya nagpahalata.
"...But I need to do this. She has to learn her lessons. Hindi na rin tama ang ginagawa niya sa'yo.", dagdag pa ni Stephen.
Tumahimik si Jude. Nagi-guilty siya para sa dalawa. Hinawakan naman ni Stephen ang kamay niya.
"I'm sorry Jude. I'm so sorry sa mga nagawang mali sa'yo ni Cheska. I'm not going to emphasized into you that you should understand her but instead, she has to understand you. Marami ka nang pinagdaanan sa buhay mo. You deserve to be happy Jude. Always remember na nandito lang ako, okay. Stay as you are my bestfriend.", wika ni Stephen.
Pinilit na ngumiti ni Jude.
After they had talked ay magkasama sila kahit saan. Para ba'ng as if it will be the last day of the world dahil sinusulit nila ang araw na magkasama silang dalawa. They even goes for shopping, picture taking, singing at the music studio and everything that makes their friendship even stronger than before. Parang gusto nang ipagsigawan ni Jude na mahal na mahal niya si Stephen. Sa magkahawak na mga kamay ay umuwi sila. Inihatid pa nga ni Stephen si Jude sa kanila. Bago bumaba si Jude sa sasakyan ay may sinabi muna si Stephen sa kanya.
"Ah Jude.", si Stephen.
Napahinto sa gagawing pagbubukas ng pinto ng kotse si Jude at hinarap si Stephen.
"B-Bakit?", ani Jude.
Ngumiti si Stephen.
Inilapit niya ang bibig sa pisngi ni Jude and gave him a kiss on his cheeks. Nagulat si Jude sa ginawa ni Stephen. Ngumiti ulit ito.
"Take care Jude.", sabi pa nito.
Quickly, lumabas na si Jude sa kotse ni Stephen at napabuntong-hininga. Binuksan muna ni Stephen ang window shield.
"Mag-iingat ka Jude. See you tomorrow.", dagdag pa ni Stephen bago ito umalis.
Sinundan ng tingin ni Jude ang papalayong kotse.
Napahawak naman siya sa pisnging hinalikan ni Stephen. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Stephen 'yun sa kanya. Lalo lamang binigyan ni Stephen ng dahilan si Jude upang mahalin niya ito.
"No! No! Please Jude! Tama na! Hindi ka mahal ni Stephen at hindi ka niya mamahalin kailanman! You're just a friend! It's just a simple kiss in the cheeks. Don't be so stupid!", naibulong ni Jude sa sarili na tila ba inaawat niya ang sarili niya.
Muli siyang napabuntong hininga. Pumasok na siya sa bahay at kailangan niyang magpahinga.
DUMAAN pa ang ilang araw ay ganun pa rin. Parang unti-unti nang bumabalik ang closeness dati nina Jude at Stephen. Hindi na pinapansin ni Stephen ang ex-girlfriend. Ayaw man niya ng g**o pero ginagawa niya 'yun upang magtanda si Cheska. Panay naman ang iwas ni Jude kay Stephen but it seems na hindi siya tinatantanan ng kaibigan. Wala din naman siyang magawa dahil ayaw niyang ma-offend si Stephen. Magkasama silang dalawa noon. Nasa tapat sila ng library nang biglang lumapit sa kanila si Cheska sa galit na aura.
"So! Magkasama na pala ulit kayo!", kalmado ngunit nasa tinig ni Cheska ang galit.
Nagulat si Jude sa sinabi niya.
"Cheska please! 'Wag kang manggugulo dito!", inawat siya ni Stephen.
"No Stephen! No! Hindi na tama 'to! Simula nang dumating 'yang si Jude sa buhay ko ay nagkadaletse-letse na pati ang relasyon nating dalawa! Pinagpalit mo ako sa kanya!", galit na sabi ni Cheska.
"Please Cheska!", awat muli ni Stephen.
"Hindi mo alam na tinatraydor ka na niyang tinatawag mong kaibigan!", si Cheska.
Napakunot ang noo nina Stephen at Jude. Nagkatinginan sila sa isa't-isa.
"Siguro nga hindi mo lang alam! Wow! Ang tanga mo Stephen! May lihim na pagtingin sa'yo ang kaibigan mong bakla! Mahal ka niya alam mo ba 'yun! Super tanga mo!", sigaw ni Cheska.
Sa narinig ay parang naubusan ng lakas si Jude. Napahiya siya. Nanginig ang buong tuhod niya. Anong gagawin niya? Malalaman na ni Stephen ang lihim niya.
"Isa kang tanga!", sabi ni Cheska. "At ikaw naman Jude! Nakakadiri ka! Mang-aagaw! Mahal mo pala ang boyfriend ko! Nakakadiri ka!, dagdag pa ni Cheska.
Nilingon ni Stephen si Jude.
"Jude, totoo ba 'yun?", tinanong siya ni Stephen.
Hindi makapagsalita si Jude. Natatakot siya dahil alam niyang pagkatapos nito ay itatakwil na siya ni Stephen. Biglang pumatak ang malalaking luha sa kanyang mga mata.
"Jude, totoo ba ang sinasabi ni Cheska!", may authority na si tinig ni Stephen.
Hindi na nakayanan ni Jude ang kahihiyan at tumakbo ito palayo.
"Jude!"
Tiningnan ni Stephen si Cheska at galit na iniwan ito para habulin si Jude.
"Jude, sandali lang! Jude!", hinahabol ni Stephen si Jude.
Patuloy pa rin sa pagtakbo si Jude hanggang makarating ito sa may kalsada. Nakalabas na pala siya ng school. Patuloy pa rin siyang hinahabol ni Stephen.
"Jude, wait!"
Naka-cross over na si Jude sa kalsada habang si Stephen ay nasa kabilang kanto pa. Hinabol niya ulit si Jude. Hindi naman namalayan ni Stephen ang paparating na jeepney. Bumusina nang bumusina ang jeepney dahil masasagasaan si Stephen. Huli na para umiwas si Stephen sa pagkakadagan sa kanya ng jeepney. Isang nakakakilabot na tunog ang umalingawngaw sa buong kalsada. Napahinto naman si Jude sa kanyang narinig.
"May nasagasaan!", sigaw ng isang ale doon na nagtitinda ng mangga.
Narinig 'yun ni Jude at tiningnan ang nasagasaan. Gumimbal sa kanya ang duguan at walang malay na si Stephen. Nagulat si Jude at kaagad na nilapitan ang duguang kaibigan.
"Stephen! Stephen! Stephen no! Stephen! 'Wag mong gawin sa'kin 'to! Stephen!", napasigaw si Jude at napaiyak.
Maraming tao ang nandoon.
"Tulong! Tumawag kayo ng ambulansiya! Tulungan niyo kami!", humihingi ng saklolo si Jude.
Dumating naman si Cheska at bumulaga sa kanya ang halos patay nang si Stephen.
"Stephen no!", napaiyak at napasigaw si Cheska.
SA ospital ay kaagad na sinugod si Stephen sa Emergency Room.
"Nauubusan na siya ng dugo. Dok, hindi ko na ma-feel ang pulso niya.", sabi ng nurse doon habang dinadala si Stephen sa E.R.
"No! Hindi! Stephen!", si Jude na umiiyak.
Nandoon din si Cheska.
"Stephen lumaban ka!", si Cheska na umiiyak din.
Nang maipasok na si Stephen ay E.R ay nanatili muna sila sa labas.
Patuloy pa rin sa pag-iyak sina Jude at Cheska. Duguan naman ang uniporme ni Jude.
"Kasalanan mo 'to Jude!", sigaw ni Cheska.
Hindi na nagsalita si Jude at patuloy sa pag-iyak.
Maya-maya lamang ay dumating si Kate, ang ate ni Stephen. Tinawagan kasi ito ni Cheska upang iparating ang masamang balita.
"Cheska, anong nangyari kay Stephen!", si Kate na umiiyak na rin.
"Wala po ako nang mangyari 'yun Ate Kate. Nakita ko na lang ang si Stephen na nakahandusay sa kalsada.", ani Cheska na umiiyak.
Lumingon si Kate kay Jude.
"Ate Kate.", sabi ni Jude.
Lumapit si Kate sa kanya. Imbes na yakapin ay sinampal niya si Jude. Nagulat naman si Jude sa ginawa ni Kate.
"Walang hiya ka! Pinahamak mo ang kapatid ko! Akala ko ba mapagkakatiwalaan kang kaibigan! 'Yun pala ay papatayin mo ang kapatid ko!", galit na wika ni Kate sa kay Jude.
Patuloy naman sa pag-iyak si Jude.
"Umalis ka dito! Lumayas ka dito Jude! Lumayas ka! Bago ko makalimutan na tao ang kaharap ko! Lumayas ka! Hindi ka kailangan ni Stephen! Wala kang kwentang kaibigan!", sinigawan ni Kate si Jude.
Wala nang nagawa si Jude kundi ang umalis. Lumabas siya ng ospital at panay ang iyak.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating naman ng bahay niya si Jude. Matamlay na matamlay at panay ang iyak. Hindi niya in-expect na 'yun ang mangyayari kay Stephen. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa kanyang kaibigan. Hindi rin niya in-expect na sisisihin siya ng ate ni Stephen sa nangyari. Masakit isipin na ikaw 'yung sinisisi sa nangyari. Pero tinanggap 'yun ni Jude dahil para sa kanya, kasalanan niya ang nangyari. Mugtung-mugto na ang mga mata niya at ang kanyang uniform ay may mantsa pa ng dugo. Sinisisi ni Jude ang nangyari kay Stephen dahil kung hindi lamang siya tumakbo ay di sana ay hindi siya hinabol ni Stephen dahil sa paghahabol niyang 'yun sa kanya ay nadisgrasya ito. Puno ng pagsisisi at guilt ang nararamdaman ni Jude ngayon. Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak. Ano ang gagawin niya? Papa'no kung may mangyari kay Stephen? Mauulit na naman ba ang mga nangyari noon kay Andrew? Hindi hahayaan ni Jude na mangyari kay Stephen ang masaklap na nangyari kay Andrew. Pero pa'no 'yan? Galit na sa kanya ang lahat.
DALAWANG linggo ang lumipas noon ay nagpasya si Jude na magpunta ulit ng ospital. Bahala na. Patutunayan niya kay Kate at Cheska na malinis siya sa mga paratang sa kanya. Pakapalan na ng mukha sabi niya. Kailangan niyang malaman ang kalagayan ni Stephen dahil two weeks na mula no'ng mangyari ang aksidente. Kung galit man si Kate sa kanya ay patutunayan niyang wala siyang kasalanan. Totoo naman talagang walang kasalanan si Jude. Nakarating na siya ng ospital no'n. Nagtanong siya sa isang nurse doon sa Nurses' Station.
"Stephen King Roa po?", tanong ni Jude.
Tinignan ng nurse ang record.
"Naku sir. Sorry pero three days na pong naka-discharge si Mr. Roa.", sabi ng nurse.
"Ha? Tatlong araw na?", nagulat si Jude.
"Oo. Tatlong araw na!", isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran.
Lumingon siya at nakita niya si Cheska. Nagulat siya.
"C-Cheska?", si Jude.
Sarkastikong ngumiti ang malditang babae.
"Anong ginagawa mo dito! Ang kapal talaga ng mukha mo 'no! Matapos ang lahat ng ginawa mo kay Stephen ay may mukha ka pang ihaharap!", sabi ni Cheska.
"Wala akong kasalanan Cheska. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Stephen. Wala mi isa sa atin ang may gustong mangyari 'yun.", sabi ni Jude.
Napamura si Cheska.
"Talaga lang ha! Wala na nga pala si Stephen dito. Tatlong araw na siyang nakalabas dito sa ospital na 'to. Pagkatapos no'n ay umalis silang dalawa ni Ate Kate papuntang States.", si Cheska.
Nagulat si Jude sa sinabi ni Cheska.
"Anong sinabi mo?", si Jude.
"Sa States na maninirahan ang pamilya ni Stephen. Dinala na siya ni Ate Kate doon dahil doon na niya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral. And besides, sabi ni Ate Kate sa'kin, kailangang ilayo niya si Stephen sa'yo dahil malas ka! Ayaw na ni Ate Kate sa'yo at the worst part diyan ay galit na galit si Stephen sa'yo dahil paglilihim mo sa kanya!", wika ni Cheska.
Sa sinabing 'yun ni Cheska ay nawalan ng kulay ang mukha ni Jude at hindi nakapagsalita.
"Alam mo kung ano ang sabi ni Stephen? Sana hindi ka na lang niya kinaibigan dahil kung tutuusin raw ay dala lang 'yun ng awa niya sa'yo! Ngunit ang totoo ay ayaw niya sa'yo! Wala kang kwentang kaibigan Jude! Alam mo, sabi pa niya, kaya namatay ang kaibigan mong si Andrew dahil pinabayaan mo siya! Pabaya kang kaibigan Jude! Hindi na babalik si Stephen dito dahil sa'yo! Nilayuan ka niya dahil nandidiri siya sa'yo!", wika ni Cheska.
Pagkatapos no'n ay umalis ang babae at naiwan si Jude na lumung-lumo. Hindi naman niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Umalis na pala si Stephen. Umalis siya dahil sa kanya. Pag-uwi ng bahay ni Jude ay hindi na napigilan ni Jude ang pag-iyak. Iniwan na siya ng lahat ng mga taong mahal niya. Nakaupo siya sa sofa at malayang umiiyak. Hindi na niya alam kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pinaparusahan ba siya ng Diyos? Bakit nangyayari itong lahat sa kanya.
Sa may pintuan ay may lalakeng nakatingin sa kanya. Nakasuot ito ng matingkad na puting damit. Naawa siya kay Jude at lumapit ito sa kanya. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito.
"Jude, 'wag ka nang umiyak. Tama na." malungkot na pagkakasabi ng lalake.
Hindi siya napapansin ni Jude dahil hindi naman niya nakikita ang lakake. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"Kung sana ay nabubuhay pa lang ako, sasamahan kita palagi Jude. Mahal na mahal kita Jude. 'Wag ka nang umiyak mahal ko.", ang espiritu pala ni Andrew 'yun na lumapit kay Jude.
Hinihimas-himas nito ang buhok ni Jude. Kung sana'y nabubuhay lang siya ay hindi niya hahayaang magkaganun si Jude. Mahal na mahal niya ito. Kahit hindi siya nakikita ni Jude ay niyakap niya ito. Nagpatuloy pa rin sa pag-iyak si Jude at hindi alam kung hanggang kailan siya magdurusa.