MAG-ISANG nagpunta ng library si Jude at mag-aaral siya doon. Kailangan pa niyang pag-aralan ang ibang subjects. Sinasanay na niya ang kanyang sarili na wala si Stephen. Para yatang unti-unti nang lumalayo sa kanya ang matalik na kaibigan. Ayaw man niyang isipin pero nasasaktan talaga siya sa tuwing magkasama sila ni Cheska. Pero anong magagawa niya? Si Cheska ang girlfriend eh siya ay isang hamak lamang na bestfriend. Alam niyang mas mahal ni Stephen si Cheska kesa sa kanya. Napag-isip-isip din niya na 'yung mga paglalambing sa kanya ni Stephen noon ay gawa lamang 'yun ng awa ng lalake sa kanya dahil sa kanyang mga pinagdadaanan noong mga panahong nakakulong siya sa masakit na alaalang iniwan sa kanya ni Andrew nang mamatay ito. Siguro'y naawa lang si Stephen sa kanya. Noong una ay halos kulang na lang ay patayin siya ni Stephen dahil sobrang ayaw ng lalake sa kanya noon. Galit na galit nga siya kay Stephen noon dahil para sa kanya, si Stephen na ang pinakabastos na tao sa buong kalawakan. Pero nang maging kaibigan niya ito ay tila nagbago ang pananaw niya sa lalake. Ibang-iba sa Stephen na kinasusuklaman niya noon. Hindi na muna nag-isip si Jude ng mga ganun. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang gagawing pag-aaral.
SAMANTALANG gagawin naman ni Cheska ang kanyang masamang plano. Palalabasin niyang masama si Jude sa mata ng mga Clinical Instructors. Gagawa siya ng kwento na nangopya daw si Jude kanina sa exam which is not true. 'Yun lang kasi ang naisip niyang paraan upang siraan si Jude. Pupunta siya ngayon sa College Dean upang gawin ang kanyang masamang pinaplano. Nang makapasok na siya sa Faculty Office ay kumatok siya sa pintuan ng Dean's Office. Pumasok siya at kunwari'y bumati kay Dean De Silva.
"Good afternoon Dean.", bati ni Cheska.
"Good afternoon Miss Ramirez. What can I do for you?", binate naman siya ng Dean.
Umupo si Cheska sa harap ng Dean at nagsimula nang magsalita sa kanyang mga pagsisinungaling.
"Ahm, Dean, may sasabihin lang pala ako sa'yo. Tungkol kay Mr. Miranda.", ani Cheska na kunwari'y concern.
"Ano naman ang tungkol kay Mr. Miranda, Ms. Ramirez?", curious si Dean De Silva.
"I am just concern Dean, but I caught him cheating during the exam awhile ago.", simula na ng pagsisinungaling ni Cheska.
Nagulat ang Dean sa sinabi ni Cheska. Parang hindi siya makapaniwala. Tumaas ang kanang kilay ng Dean pero hindi ito nagpahalata kay Cheska.
"T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Ms.Ramirez?", may authority sa tinig ng Dean.
Medyo kinabahan si Cheska pero pinanindigan niya ang kanyang pagsisinungaling.
"T-Totoo po 'yan Dean. Nakita ko siyang nag-tsi-cheat kanina. L-Lumabas kasi 'yung C.I namin na si Ma'am Buendia para sagutin lang 'yung phone call niya tapos hayun, Jude grab the chance to cheat on his seatmate. Kahit naka-one seat apart kami ay nagawa pa rin niyang mangopya ng mga answers.", ani Cheska.
Bumuntong-hininga ang Dean.
"W-Well, if that so, I will call Mr. Miranda immediately after this. Sige, thank you Miss Ramirez for the information.", nasabi na lang ng Dean.
"Sige po Dean. Aalis na po ako.", si Cheska.
Tumayo siya at lumabas na ng Dean's Office. Nang makalabas na siya sa Faculty Office ay malademonyong siyang ngumisi. Talagang gagawin niya ang lahat, mawala lang sa landas niya si Jude.
"Siguro naman ay mawawala ka na sa landas ko Jude! Madi-discourage na rin si Stephen sa'yo at wala na akong kaagaw sa atensiyon ng boyfriend ko.", bulong ni Cheska at sinabayan niya ng malademonyong pagtawa.
NATAPOS na si Jude sa kanyang pag-aaral. Wala siyang kaalam-alam na siniraan na pala siya ni Cheska mismo sa Dean nila. Papunta na siya ng kanilang scheduled classroom nang salubungin siya ni Emmie.
"Jude, nandito ka na pala. Pinatatawag ka ng Dean natin.", sabi ni Emmie.
"Bakit raw Emmie?", tanong ni Jude.
"Ewan ko, hindi ko alam Jude. Urgent daw.", sabi ni Emmie.
"O sige, pupuntahan ko na muna.", si Jude.
Pupunta ngayon si Jude sa Faculty Office kung saan nandoroon ang Dean's Office. Hindi niya alam ang dahilan ng pagkakatawag ng Dean sa kanya pero kung anuman 'yun ay haharapin niya.
Nasa loob na siya ng Faculty Office at kumatok naman siya sa Dean's Office. Pumasok siya. Nakita niya ang mukha ng Dean na tila malungkot.
"Dean, bakit po? Bakit niyo po ako pinatatawag?", si Jude na walang kaalam-alam.
"Maupo ka muna Mr. Miranda.", sabi ng Dean.
Naupo naman si Jude.
"Mr. Miranda. Totoo ba?", si Dean De Silva na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.
Nagulat si Jude.
"Ano pong totoo Dean?", naguguluhan si Jude.
Nagbuntung-hininga ang Dean.
"Nagpunta kasi dito si Ms. Cheska Ramirez. Ang sabi niya sa'kin, she caught you cheating during the exam kanina. Is that true, Mr. Miranda?", sabi ng Dean.
Marahas na napalingon si Jude sa Dean.
"Ano po? Cheating? Dean, alam niyo naman sigurong hindi ko magagawa 'yan. Nagsisikap po akong mag-aral tapos sisiraan lang po akong nangongopya? Aba'y hindi naman tama 'yan.", sabi ni Jude.
Yumuko ang ulo ng Dean.
"I'm so sorry Mr. Miranda. Pero alam kong hindi mo magagawa 'yan. That's why pinatatawag kita to clarify this.", sabi ni Dean De Silva.
"Sumusobra na talaga 'yang si Cheska. Pati pag-aaral ko dinadamay niya.", si Jude na halos maiyak na.
"Don't worry Mr. Miranda. Hindi ako naniwala sa kanya. I know you can't do that cheating as she said. You are an achiever student. You even topped every semester. Ikaw pa nga ang nangunguna sa Dean's List.", sabi pa ni Dean De Silva.
Bumuntong-hininga si Jude.
"Thank you for trusting my ability Dean.", sabi ni Jude.
Nagpaalam na siya sa Dean at lumabas na ng Faculty Office.
Talagang punung-puno na siya sa mga pinaggagawa ni Cheska. Mga ilang minuto lang ang nagdaan ay talagang hinarap na ni Jude si Cheska.
"Cheska, mag-usap nga tayo!", may authority sa tinig ni Jude.
Magkasama noon sina Stephen at Cheska at nakaupo sa isang metal bench. Talagang galit si Jude nang mga panahong 'yun.
"At nandito na pala ang cheater.", pagtataray ni Cheska.
"At ikaw pa ang nagsabi 'non! Ang lakas ng loob mong magsinungaling Cheska! Talagang masama 'yang pag-uugali mo! Hindi ka na nahiya! Nagpunta ka pa sa Dean para lang ipalaganap 'yang kasinungalingan mo!", may galit na sa tono ng pananalita ni Jude.
Biglang tumayo si Cheska at hinarap si Jude.
"Siguro guilty ka 'no? Bakit Jude? Natatakot ka? Natatakot kang ipagkalat ko ang baho mo?", si Cheska na nagtataray.
"'Wag mo akong hamunin Cheska Ramirez! Hindi mo pa ako masyadong kilala! O baka naman ikaw itong takot. Sinungaling ka! Baka ako pa ang magkalat ng baho mo dahil mismo mga kaklase natin, ayaw sa'yo, kasi masama kang tao! Maliban pang masama ka, sinungaling ka pa! Ang kapal ng mukha mo!", galit na galit na wika ni Jude.
Sobrang nagalit si Cheska sa mga sinabi ni Jude. Akmang sasampalin niya ito ngunit nahawakan ni Jude ang kamay niya.
"Ano? Sasaktan mo ako! Ikaw na nga itong sinungaling, ikaw pa 'tong may ganang magalit! Mahiya ka naman!", ani Jude tapos sinampal si Cheska.
Napahawak naman sa nasaktang pisngi si Cheska. Nagulat naman si Stephen sa kanyang nakita.
"Cheska!", si Stephen.
"How dare you!", akmang sasampalin niya ulit si Jude ngunit naunahan naman siya. Sinampal ulit siya ni Jude ng mas malakas pa.
"Jude, tama na!", pag-aawat ni Stephen kay Jude.
"How really dare you!", susugurin na naman niya si Jude at sasampalin ngunit naunahan na naman siya ng sampal ni Jude ng ubod-lakas pa hanggang sa matumba siya sa sahig.
"Jude, tama na please! Maawa ka!", pagmamakaawa ni Stephen.
"'Yan ang bagay sa'yo Cheska! Isa kang sinungaling! Tiniis ko lamang ang mga pambubusabos na ginagawa mo sa'kin noon, pero kapag ang pag-aaral ko na ang inaagrabyado mo, ako mismo ang makakalaban mo!", talagang hindi na napigilan ni Jude ang sarili.
Napatingin siya kay Stephen. Pagkatapos no'n ay umalis na siya. Pinalabas lang talaga niya ang kanyang galit. Talagang pinipilit ni Cheska ang ipalabas kung sino siya. Talagang matapang si Jude. Kahinaan lang talaga niya ang pag-ibig. Tama rin naman ang ginawa niya. Kaya lang naman niya tinitiis at hindi kinikibo ang mga pambubusabos sa kanya ni Cheska ay dahil kay Stephen. Ayaw niyang magalit sa kanya ang kaibigan dahil mahal niya ito. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang nasasaktan din si Stephen. Kaya lang niya tinitiis si Cheska nang mga panahong 'yun. At dahil pag-aaral na niya ang inaagrabyado ni Cheska ay hindi na niya palalagpasin 'yun. Kailangan nang magtanda ng girlfriend ni Stephen. Napag-isip-isip na nga niyang layuan na lamang si Stephen kahit hindi niya kaya. 'Yun na lang ang tanging paraan na naisip niya upang lubayan na siya ni Cheska. Pero papa'no? Hindi kaya ng puso niya ang layuan si Stephen sapagka't mahal niya ito. Para bang may kulang kapag wala si Stephen. He is now torn between situations. Paano niya lalayuan si Stephen? Oo nga't nagawa niyang lumayo dito pero hinahanap-hanap pa rin ng puso niya si Stephen. Halos gusto na niyang umiyak pero anong magagwa niya? Masasayang na naman ang mga luha niya.
SAMANTALANG galit na galit naman si Cheska sa ginawa ni Jude sa kanya. Hindi niya akalaing magagawa 'yun ni Jude.
"Bwiset talaga 'yang Jude na 'yan! Masama talaga ang ugali niya! Makikita niya ang hinahanap niya!", galit na wika ni Cheska.
"Cheska please! Shut up! Kasalanan mo naman eh! Nagsinungaling ka kasi! Ano na lang kaya ang sasabihin ng Dean natin at tsaka ng mga Clinical Instructors natin sa ginawa mo! Kilala ng lahat si Jude, Cheska! Hindi ka man lang nag-isip!", pinagsabihan siya ni Stephen.
Marahas na lumingon si Cheska kay Stephen.
"Pati ba naman ikaw Stephen! Teka! Ano ba'ng pinakain sa'yo ng Jude na 'yan at halos siya pa ang kinakampihan mo! Ako na nga 'yung sinaktan niya 'di ba! Nakita mo pa nga! Tapos siya pa ngayon ang kinakampihan mo! Stephen, I'm your girlfriend at ako dapat ang kinakampihan mo at hindi 'yung Jude na 'yun!", galit na sermon ni Cheska.
Biglang tumayo si Stephen at akmang magwo-walk out.
"At saan ka naman pupunta? Stephen, don't leave! Kinakausap pa kita!", sigaw ni Cheska.
"You know what Cheska! Walang kapatutunguhan ang usapang ito. So better I leave.", sabi ni Stephen.
"Stephen wait! Ano ba! Sino ba'ng pipiliin mo! Ako o 'yang si Jude! Mamili ka Stephen! Si Jude o ako!", si Cheska.
Napabuntung-hininga si Stephen.
"Wala sana akong dapat na pagpilian sa inyo. Both of you ay mahalaga sa'kin pero sa ginagawa mo ngayon Cheska, you are so childish!", galit na si Stephen.
"Mamili ka, si Jude o ako?", pag-uulit ni Cheska.
"Si Jude! Si Jude ang pipiliin ko! Why? Because he's not like you.", sabi ni Stephen saka umalis.
"Stephen! Stephen! Arrggh!", napaiyak si Cheska sa sinabi ni Stephen.
Si Stephen naman ay hindi na alam ang gagawin kay Cheska. Hindi naman dating ganyan ang kanyang girlfriend. Ewan niya kung bakit nagkaganun si Cheska. Umiiling-iling si Stephen at umalis.
KINABUKASAN, habang naglalakad si Jude papunta sa Arts and Science Building ay hinarangan siya ni Cheska. Nagulat naman siya sa animo'y mala-demonyong anyo ng babae.
"Hayop ka Jude! Walang hiya ka! Hindi ko pa makalimutan ang ginawa mo sa akin kahapon! At dahil do'n, nagalit sa akin si Stephen! How dare you to do those things to me!", galit na wika ni Cheska.
Tumaas ang kanang kilay ni Jude.
"Kasalanan mo 'yun Cheska! At isa pa, kung nagalit man si Stephen sa'yo, 'yun ay dahil may ginawa kang kasalanan at 'wag mo akong sisisihin do'n. Ikaw na nga itong may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit. Talagang gusto mo ng away 'no? O sige pagbibigyan kita!", paghahamon ni Jude kay Cheska.
"Talagang gusto kong makipag-away sa'yo Jude! Inagaw mo ang boyfriend ko! Malandi kang bakla ka!", galit si Cheska.
Napangiti lamang si Jude.
"Ako malandi? Ako mang-aagaw? You are just hallucinating dear! Dahil wala akong inaagaw sa'yo! At isa pa hindi ko kayang mang-agaw at maglandi na kagaya nang sinasabi mo! Hindi ako ganung tao Cheska!", ani Jude.
"Di nga? Pero ginawa mo!", si Cheska.
"Ano ba talaga ang gusto mo?", si Jude.
"Ano ang gusto ko? Ang mawala ka sa landas ko!", pagkatapos ay sinugod niya si Jude at sinabunutan.
"Tama na Cheska! Tama na!", pilit na lumalaban si Jude.
Panay ang sabunot ni Cheska sa kanya. Nakawala naman si Jude. Dahil sa galit niya ay nasuntok niya si Cheska sa pisngi.
"Daig mo pa ang walang pinag-aralan Cheska!", sigaw ni Jude.
Sinugod niyang muli si Jude but this time, nanglaban na si Jude. Samantalang si Stephen naman ay nakita niya ang pangyayari. Kaagad siyang sumulong at inawat ang dalawa.
"Cheska, tumigil ka na!", at itinulak ni Jude si Cheska palayo.
"Cheska! Jude! Tama na!", pag-aawat ni Stephen.
Ngunit sinugod muli ni Cheska si Jude dahil hindi pa ito nakukuntento. Dumispensa naman si Jude.
"Ano ba!", si Jude.
"Sinabi nang tama na!", naitulak nang marahas ni Stephen si Jude at natumba ito.
Nagulat naman si Jude sa ginawa ni Stephen sa kanya. Napalingon siya kay Stephen at nakita niya itong yakap-yakap na si Cheska. Hindi siya makapaniwalang nagawa 'yun ni Stephen sa kanya. Gusto niyang maiyak. Hindi niya napigilan ang kanyang luha. Pinulot niya ang kanyang mga gamit at tumayo. Kaagad naman siyang umalis without uttering any words. Tila nanginginig siya at talagang hindi makapaniwala. Talagang pumatak na mula sa kanyang mga mata ang kanyang malalaking luha. Lumabas siya ng Arts and Science building na luhaan. Hindi niya namalayan na napilayan pala ang kanyang kaliwang balikat. Saka lang niya naramdaman nang ilagay niya sa balikat niya ang kanyang bag.
"Ahh!", napahawak si Jude sa napilayan niyang balikat.
May sugat din pala siya sa may kaliwang siko. Hindi naman masyadong malaki pero mahapdi. Naduplas yata 'yun sa magaspang na sahig ng Arts and Science Building nang maitulak siya ni Stephen. Nagtungo siya ng University Clinic upang ipagamot 'yun pati na rin ang pilay niya sa balikat at ang ulo niya dala ng sabunot ni Cheska.
Pagdating doon sa Clinic ay in-assist naman siya ng University Nurse na si Ms. Beatrice Magtrayo.
"Anong nangyari sa'yo Jude?", tanong ni Beatrice.
"Ah-ahm, n-nadapa kasi ako Ms. Beatrice. Napilayan ako at nabagok ang ulo ko.", alibi ni Jude para hindi na humaba pa ang issue.
Pagkatapos no'n ay muling napaiyak si Jude.
"Jude okay lang 'yan. Tara at gagamutin natin.", sabi ni Beatrice.
MATAPOS magpunta ng Clinic si Jude ay nagpunta ito ng canteen. Hindi siya kakain kundi mag-iisip. Medyo masakit pa rin ang pilay niya at mahapdi pa rin ang sugat niya sa may siko at tsaka masakit pa rin ang bukol niya sa ulo. Hindi siya makapag-concentrate sa pag-aaral ngayon dahil masakit ang ulo niya. Wala din naman silang exam sa araw na 'yun. Nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni Stephen sa kanya kanina. Ngayong alam na niya na si Cheska talaga ang pinakamahalaga sa kanya ay kailangan niya 'yung tanggapin. He is nothing but just Stephen's bestfriend. Pero parang hindi na 'yun ngayon. It seems that the relationship between him and Stephen is not anymore considered. Parang wala na lang ngayon ang pagkakaibigan nila. Hindi naman niya mapigilan ang muling pagpatak ng kanyang mga luha. Siguro ay ayaw na ni Stephen sa kanya kaya siya tinulak nito. Hindi niya kayang isipin na ang taong mahal niya ay ayaw na sa kanya.
"Aray!", nasaktan na naman ang pilay niya sa kaliwang balikat.
Umiiling-iling siya.
"Panira naman ng moment 'tong pilay kong 'to!", sabi ni Jude habang umiiyak siya.
Tumayo siya at tiniis niya ang sakit ng pilay niya. Paalis na sana siya nag may nakabangga siya.
"S-Sorry.", pagpapaumanhin ni Jude, not knowing na si Stephen pala 'yun.
"Jude?", boses 'yun ni Stephen.
Naging curious si Jude, nang umangat siya ay si Stephen nga. Nagulat siya at kinabahan. Hindi na siya nagsalita pa at akmang aalis na.
"Jude sandali lang.", hinawakan ni Stephen ang balikat niya.
"Aray!", napahiyaw si Jude.
"Bakit Jude?", nakita ni Stephen ang bandage sa may siko ni Jude.
"May sugat ka? Napa'no 'yan?", saka pa lang niya naisip na bunga 'yun ng pagkakatulak niya kay Jude.
"Aray! Stephen, m-may pilay... ako sa kaliwang balikat...", sabi ni Jude na napangiwi sa sakit.
"Napilayan ka Jude?", nag-alala si Stephen.
Hindi nagsalita si Jude.
"Oh my God! I'm so sorry Jude. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Please forgive me. Jude, I'm so sorry. I'm so sorry.", at niyakap ni Stephen si Jude.
Talagang hindi niya sinasadya ang maitulak si Jude kanina. Ang totoo niya'y pagkatapos umalis ni Jude kanina sa Arts and Science Building ay sinundan niya ito pero hindi na niya mahagilap kung saan nagpunta si Jude.
Sa isang mesa ng canteen ay nag-usap silang dalawa doon.
"I don't know what's going on pero baka makita tayo ni Cheska dito magkakagulo na naman.", sabi ni Jude.
"Umuwi na si Cheska. I advised her to leave for awhile.", si Stephen.
"Hindi siya a-attend ng klase mamaya?", tanong ni Jude.
"Hindi na muna. I'm so sorry Jude. Ako na ang hihingi ng dispensa para kay Cheska.", hinawakan ni Stephen ang kamay niya.
Napatingin naman si Jude sa kamay na hinawakan ni Stephen.
"I miss you Jude. I miss our friendship. Galit ka ba sa'kin?", si Stephen.
Umiling si Jude.
"Hindi ako galit sa'yo Stephen.", sabi naman ni Jude.
Nagyuko ng ulo si Stephen.
"Sana maibalik pa natin 'yung dati Jude. 'Yung dating samahan natin.", sabi pa ni Stephen.
"S-Sana nga. P-Pero baka.... Hindi na maibabalik 'yun dahil sa malalaman mo....", sabi ni Jude.
"Ano ang dapat kong malaman Jude?", naging curious si Stephen.
"H-Ha? Ah-ahm... w-wala Stephen... wa-wala.. S-Sorry.. wala lang ako sa isip ko ngayon...", si Jude na biglang natauhan sa sinabi.
Muntik na siyang madala sa kanyang damdamin. Muntik na niyang sabihin kay Stephen ang tungkol sa kanyang nararamdaman para dito.
"J-Jude, okay ka lang?", tanong ni Stephen.
"H-Ha? Ah-ahm, o-okay lang ako. M-Masakit pa rin ang pilay ko sa kaliwang balikat eh pati na rin 'tong sugat ko at ang ulo ko.", alibi na lang ni Jude.
"Ganun ba? Sorry talaga Jude ha. Hindi ko sinasadya. Ano ba'ng kailangan kong gawin?", si Stephen.
"W-Wala Stephen. Wala. Wala kang gagawin. Tsaka alam ko namang hindi mo sinasadya ang nangyari kanina. It's okay Stephen. Mawawala din naman 'to siguro bukas.", assurance ni Jude.
Pero hindi pa rin mawala sa isipan ni Stephen na may ginawa siyang kasalanan kay Jude. Talagang inuusig siya ng kanyang guilt. May plano si Stephen na bumawi sa ginawa niya kay Jude kanina.
"Jude, mamaya pagkatapos ng klase natin, punta tayo ng Centrio Mall.", pag-aalok ni Stephen kay Jude.
"H-Ha? Naku Stephen, 'yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Alam mo naman si Cheska......"
"Don't worry about Cheska. Wala siyang magagawa sa gusto ko. She is just my girlfriend Jude, hindi ko pa siya asawa.", sabi ni Stephen.
Jude gave him only a half smile. Para siyang kinakabahan.
LULAN si Jude ng kotse ni Stephen. Ma-traffic ang daan. Katatapos lamang ng klase nila at deretso na sila papuntang Centrio Mall. Tahimik lamang si Jude. Binasag naman ni Stephen ang katahimikan niya.
"Jude are you okay? Ba't ang tahimik mo?", tanong ni Stephen.
"Wala 'to Stephen. It seems that we don't know what will going to happen tomorrow. Kapag nalaman 'to ni Cheska t'yak na manggugulo na naman 'yun.", sabi ni Jude.
Napangiti si Stephen.
"Don't worry about Cheska, Jude. Kung malaman man niya ay wala na siyang magagawa. Wala nang magagawa pa ang paghihisterya niya. Sa bagay, hindi ko naman masisisi si Cheska. Mahal kasi ako 'non.", sabi pa ni Stephen.
"Bakit Stephen? Ako ba hindi rin nagmamahal sa'yo? Mahal na mahal din kita kung alam mo lang. Hindi ko lang masabi sa'yo ng deretso dahil natatakot akong baka kamuhian mo ako.", sa isip ay nasabi ni Jude.
Hindi na siya muling nagsalita pa. Nang medyo lumuwag ang daan ay nagpatuloy naman sa pagda-drive si Stephen. Nang makarating sila sa Centrio Mall ay nagtanong muli si Jude.
"Anong gagawin natin dito?", tanong ni Jude.
"Mamimili.", Stephen replied.
"Ng ano?", si Jude.
"Mahilig ka ba sa mga pocketbooks, Jude? I'm sure mahilig ka kasi nga writer ka 'di ba?", dagdag pa ni Stephen.
"Ah, o-oo. Mahilig nga ako sa mga pocketbooks. 'Wag mong sabihing....."
"Yes, at mamimili tayo ng mga 'yun. And by the way, saan ka na nga ba nagsusulat ng mga novels mo? Sa notebook o mismo sa netbook mo?", tanong muli ni Stephen.
"P-Pareho. 'Yun nga lang ay paminsan-minsan na lang akong nagsusulat sa notebook pero nagsusulat pa rin ako doon.", sabi ni Jude.
"Okay. We will going to buy the things that you want, Jude.", sabi ni Stephen.
"What? S-Stephen w-wag na. Nakakahiya naman sa'yo.", tanggi ni Jude.
Ngumiti at Stephen at inakbayan si Jude. Iningatan niyang 'wag masaktan ang pilay ni Jude sa kaliwang balikat.
"It's okay Jude. You're my bestfriend. Ginagawa ko 'to para makabawi man lang ako sa mga araw na hindi tayo magkasama at tsaka sa ginawa ko kanina sa'yo.", dagdag na sabi ni Stephen.
"Stephen, hindi mo naman kailangang gawin 'to para makabawi ka sa'kin. Isa pa naiintindihan ko naman. Hindi mo na kailangang gawin 'to.", ani Jude.
"No Jude. I have to. Ganyan kita kamahal.", sabi pa ni Stephen.
Hindi na alam ni Jude ang sasabihin. Nagpatuloy na lamang sila. Doon sila sa National Bookstore at namili doon ng mga pocketbooks at ilang mga magagandang mga notebooks. Hiyang-hiya na talaga si Jude kay Stephen pero talagang mapilit ang kaibigan. Napapangiti na lamang siya kay Stephen. Lalong umuusbong ang pag-ibig na nararamdaman ni Jude sa kanya. Ayaw man niyang isipin pero nananaig 'yun sa kanyang puso't isipan.
"Ahm Jude, ano pa ang gusto mo?", binasag ni Stephen ang katahimikan ni Jude.
"Ha? W-Wala na. Wala na Stephen. Wala na akong gusto.", nautal na pagkasabi ni Jude.
"Sure ka? Baka meron pa? Oh by the way. I forgot. After this we have to pass by on a Jewelry Shop.", si Stephen.
"B-Bakit naman?", naitanong ni Jude.
"Basta", at ngumiti si Stephen.
Takang-taka naman si Jude. Hindi niya alam ang pinaplano ni Stephen. Sumunod na lamang siya at nagpunta saila sa isang mamahaling Jewelry Shop.
"Wow! Ang mamahal naman ng mga jewelries dito.", namamanghang sabi ni Jude.
Pasulyap-sulyap siya sa mga alahas doon at napangiti. Pero nanlumo din siya kalaunan dahil ang mahal-mahal ng mga alahas doon. Kahit isang emerald pendant ay nagkakahalaga ng Php12,000.00.
"Napakamahal naman. Kung may pera lang ako, bibili talaga ako.", bulong ni Jude.
Samantalang napansin naman niya na may binili si Stephen.
"Thank you.", sabi ni Stephen.
"You're welcome sir.", sabi ng cashier.
Ngumiti naman si Stephen kay Jude.
"Para kay Cheska ba 'yang binili mo?", naitanong ni Jude.
"Hmmm. Hindi Jude.", nakangiti pa rin si Stephen sa kanya.
"Eh para ba sa'yo 'yan?", tanong muli ni Jude.
Hinarap siya ni Stephen.
"Actually, para 'to sa'yo eh.", sabi ni Stephen.
Nagulat naman si Jude sa sinabi ni Stephen. Ang binili ni Stephen na jewelry ay para sa kanya.
"H-Ha? A-Ako? P-Para sa'kin? N-Naku 'wag Stephen! Hi-Hindi ko matatanggap 'yan. A-Ang mahal niyan!", tangging sabi ni Jude.
"No Jude. Para sa 'yo 'tong Personalized 24K Gold Necklace na binili ko. Pinagawa ko 'to last month.", sabi pa ni Stephen.
Ipinakita naman niya ang necklace kay Jude. Sa hindi nagpapahalata na paraan ay namangha si Jude sa ganda ng necklace. It's a gold coated necklace na kumikinang kapag nasisilawan ng ilaw. The design is very unique. Ang naka-design sa buong necklace ay ang buong pangalan niya.
Judelo Tuazon Miranda
"A-Ang buong pangalan ko ang design ng necklace.", namamanghang sabi ni Jude.
Ang pendant naman ay unique din ang design.
JUDE & STEPHEN
BFF Forever
'Yun ang disenyo ng gold pendant. Napailing-iling naman si Jude. Alam niyang mahal ang binayad ni Stephen para sa gold necklace na 'yun.
"S-Stephen. Hindi ko naman sinabi sa'yo na magpagawa ka ng gold necklace. Napakamahal naman niyan.", si Jude.
Hindi nagsalita si Stephen, instead, lumapit siya kay Jude. He positioned himself sa likod ni Jude at pinasuot kay Jude ang gold necklace.
"Para 'to sa bestfreind kong walang sawa na umiintindi sa'kin.", sabi ni Stephen.
Stephen looked at him after.
"Bagay sa'yo Jude.", puri ni Stephen.
Hindi na muling nagsalita si Jude. Nahihiya na yata siya. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Cheska kapag nalaman nito na binigyan siya ni Stephen ng gold necklace.