Chapter 17

3970 Words
One year later…. HINDI pa rin kumukupas ang pagkakaibigan nina Stephen at Jude. Mas lalo silang nagiging close sa isa’t-isa. Kinikimkim pa rin ni Jude ang damdamin para kay Stephen. Walang mi isa man ang nakakaalam maliban kay Venus na laging bukas ang isip at puso upang pakinggan ang mga hinaing ni Jude. Enrollment na noon, habang magkasama sina Jude at Stephen ay balitang may transferee daw na maganda at sexy. Bulung-bulungan ‘yun sa buong klase. “Jude, sa tingin mo, sino kaya ‘yung maganda at sexy na transferee? I wonder who is she? Wow! Excited na akong makilala ‘yung beautiful chick na ‘yun. Hmmm, siguro she have a big butt and big tits.”, ani Stephen. Binatukan naman ni Jude si Stephen. “Aray! Bakit?”, si Stephen na napahawak sa batok. “’Ayan ka na naman eh! Umiiral na naman ‘yang pagka-m******s mo!”, bulyaw ni Jude. “Ang sabihin mo nagseselos ka Jude.”, at kinindatan siya ni Stephen. Muli na namang binatukan ni Jude si Stephen. “Aray! Jude pangalawang beses na ‘yun. Gawin mo ulit sa’kin ‘yun at makakatikim ka talaga sa’kin”, si Stephen. “At bakit? Anong gagawin mo?”, pagtataray ni Jude. Inilapit ni Stephen ang mukha niya sa mukha ni Jude. “Gawin mo ulit sa’kin ‘yun at hahalikan kita.”, bulong ni Stephen sa kanya. Jude felt the tense of what Stephen said to him. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya. The nerve of this man! Pinahihina siya. Pero hindi nagpadaig si Jude at nagtaray. “Tse! Kung magagawa mo! Ewan ko sa’yo Stephen! Malala na talaga ang pagka-m******s mo!”, pagtataray ni Jude and nag-walk out. “Hey Jude. Wait.”, si Stephen. Natawa naman si Jude. Sabay silang nag-enroll. As usual, magkasama na sila palagi since the day of their friendship. Nang ma-enroll na sila ay nagtambay muna ang dalawa sa Cafeteria sa labas ng University. Kumain sila doon. Maraming pinag-usapan ang magkaibigan hanggang matapos ang araw na ‘yun. SA unang araw ng pasukan, pinag-uusapang muli ng kanilang mga kaklase ang transferee sa kanilang school. Magkasama naman sina Jude at Stephen noon. “Ano kaya ang meron sa transferee na ‘yun at bulung-bulungan siya.”, si Jude. “Makikita din natin mamaya Jude.”, sabi naman ni Stephen. Nandoon na ang kanilang mga classmates sa labas ng scheduled classroom nila. Hinihinatay na lamang nila ang kanilang Clinical Instructor dahil major subject ang una nilang klase. Habang nag-uusap sina Jude at Stephen ay bumaling ang atensiyon ni Stephen sa bagong dating. Kumunot ang noo niya dahil parang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. When he exactly confirmed who’s that person ay biglang nabuhay ang sigla ni Stephen. It’s a girl and he know who she is. “Cheska?”, parang nauutal si Stephen. Lumingon ang babae. Bigla itong napangiti. “Stephen.”, it’s Cheska, ang girlfriend ni Stephen na naikwento niya minsan kay Jude habang papauwi sila noon sa Cagayan de Oro from Libona, Bukidnon. “Cheska, ikaw nga!”, kaagad na nilapitan ni Stephen ang kanyang girlfriend at mahigpit itong niyakap. “Oh how I missed you so much honey.”, si Cheska, habang yakap-yakap si Stephen. “Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw na ito. It’s a surprise. I love you Cheska. For almost one and a half years na hindi tayo nagkita.”, Stephen said. Nagulat ang lahat ng kanyang mga kaklase sa kanilang nasaksihan, even Jude na napanganga sa kanilang dalawa. “Siya pala si Cheska.”, bulong ni Jude. Parang may naramdamang kirot sa puso niya si Jude. Si Cheska pala ang sinasabi nilang transferee na maganda at sexy. They don’t have the idea that Cheska is Stephen’s girlfriend. “Guys. This is Cheska. She’s my girlfriend.”, Stephen declared. Lumingon si Stephen kay Jude. Lumapit ito sa kanya, holding Cheska’s hand. “Jude. Siya si Cheska. ‘Yung naikwento ko sa’yo when we are heading our way back to Cagayan de Oro. She’s my girlfriend. And Cheska, siya si Judelo, Judelo Miranda but we are calling him Jude. Bestfriend ko siya. Siya ang lagi kong kasama araw-araw.”, Stephen introduced. Ngumiti si Jude. “Hi Cheska. Nice to meet you.”, pormal na pagbati ni Jude. Inilahad nito ang kanyang kamay but Cheska doesn’t even care. She ignored it. Instead na ngumiti ay tumaas pa ang kanang kilay nito. Alam na ni Jude ang ibig sabihin ‘non kaya he put down his hands. Dumating na rin ang kanilang C.I at magkakaroon na sila ng klase. NANG matapos lahat ang kanilang mga klase sa araw na ‘yun ay nagyaya si Cheska kay Stephen na kumain sa labas. Nais sanang isama ni Stephen si Jude kaso parang nahahalata nito na ayaw ng girlfriend niya. “Kakausapin ko muna si Jude, Cheska.”, si Stephen. “For what Stephen? Baka pagod na ‘yang kaibigan mo. At isa pa, gusto ko tayong dalawa lang at ayokong may isasama ka.”, ani Cheska. Kinausap pa rin ni Stephen si Jude. “Jude, gusto mo bang sumama sa’min ni Cheska? Kakain kami sa labas.”, sabi ni Stephen. Pero narinig na ni Jude ang sinabi ni Cheska kanina. Ayaw man niyang sabihin kay Stephen pero baka gusto ni Cheska na sila munang dalawa ang magkasama dahil for almost one and a half year ng hindi nila pagkikita ay gusto rin siguro ng babae na sila lamang dalawa. “Ay. W-Wag na Stephen. Kayo na lang. Baka maka-distorbo lang ako. Stephen, pagbigyan mo muna si Cheska. Matagal din kayong hindi nagkita.”, sabi ni Jude. “Sigurado ka ba Jude? Okay lang ba?”, si Stephen na may halong pag-aalala ang tinig. “Okay lang Stephen. Okay lang. Sige na at baka naghihintay na si Cheska sa’yo. Uuwi na rin ako dahil kailangan ko pang mag-aral.”, alibi ni Jude. Stephen tapped his shoulder. “Ihahatid na muna kita sa inyo.”, alok ni Stephen. “’Wag na Stephen. Sasakay na lang ako ng jeep. Tutal eh hindi naman kalayuan ang bahay namin.”, ani Jude. Nagi-guilty si Stephen para kay Jude. Nauna nang umalis si Jude. Mataray namang ngumiti si Cheska nang makitang umalis na si Jude. “Let’s go Stephen.”, yaya ni Cheska. LUMIPAS pa ang ilang mga araw at buwan ay ganun pa rin. Unti-unting nabubuo sa isipan ni Jude na ayaw sa kanya ni Cheska. Pero hindi na lang niya isinasa-isip ‘yun. Ang importante ay ang kanyang pag-aaral. Actually, wala siyang pakilalam kung gusto o ayaw sa kanya ng mga tao. Napapansin naman niya na bihira na lamang kung makipag-usap sa kanya si Stephen. Iniintindi niya lamang ‘yun dahil alam niyang higit na matimbang kay Stephen si Cheska kesa sa kanya. Nasa eskwelahan na siya noon at nag-iisa. Nagpunta siya ng student lounge at doon siya mag-aaral. Hindi niya nakita ang kanyang mga kaklase kaya siya nag-iisa. Hindi na rin niya in-expect na makikita niya si Stephen dahil sigurado siyang kasama na naman nito si Cheska. Nang matapos na siya sa pag-aaral ay wala na siyang gagawin. Kesa sa tumunganga siya ay kinuha niya ang kanyang netbook. Magsusulat siya ng nobela. Hindi pa naman pagod ang kanyang utak at katawan kaya magsusulat na muna siya. Mahaba pa ang oras bago ang kanilang klase. Lumipas na ang ilang oras ay nakatapos si Jude ng tatlong kabanata sa kanyang nobela. At least may nagawa siya ngayong araw na ‘to. For the first time on that day ay ngumiti siya. 30 minutes na lang at klase na nila. Una na siyang pumunta doon sa scheduled room nila. Pagdating doon ay nag-aral ulit siya. Nasisiguro kasi niyang may quiz sila ngayon. Pero review na lamang niya ‘yun dahil kabisadung-kabisado na niya ang kanyang pinag-aralan. Siya pa lamang mag-isa doon sa kanilang classroom. Maya-maya lamang ay nagsidatingan na ang ilan niyang kaklase. “Hello Jude. Ano ‘yang ginagawa mo?”, si Venus na nagtatanong. “Hi Venus. Nagre-review ako. May quiz yata tayo ngayon.”, sabi naman ni Jude. “What! Are you certain Jude? May quiz tayo?”, naitanong ni Venus. “Hindi ako sigurado pero alam mo naman si Ma’am Buendia ‘di ba? After lecture, the other day, quiz agad.”, ani Jude. “Oh my God! Paano ‘yan! May few minutes pa kami para mag-aral.”, si Venus na medyo nataranta. Napangiti si Jude. “May 26 minutes pa. Kaya niyo ‘yan. Hali kayo, tuturuan ko kayo.”, si Jude. Tinuruan ni Jude ang mga kaibigan. Madali naman nilang naintindihan dahil magaling magturo si Jude. After 15 minutes ay medyo kabisado na nila ang tinuro ni Jude. “Ang galing mo talagang magturo Jude.Naintindihan talaga namin agad.”, sabi ni Dianne. “Salamat.”, si Jude na ngumiti. Nagpatuloy naman sila sa pag-aaral while si Jude ay nagre-review na lang. Maya-maya lamang ay dumating na si Stephen kasama si Cheska. “Anong ginagawa ninyo?”, tanong ni Cheska. Tiningnan lamang siya ni Dianne. Tumaas ang kanang kilay nito at pinandilatan si Cheska. Naiirita kasi si Dianne kay Cheska at kapag nakikita niya ito ay nasisira ang araw niya. Masama daw ang ugali ika niya. “Dumating na ang bruha”, bulong ni Dianne. “Bakit nag-aaral sila Stephen?”, tanong ni Cheska. Pero hindi siya narinig ni Stephen. Nakatingin kasi ito kay Jude. Gumuhit naman ang galit sa mukha ni Cheska nang makitang nakatitig si Stephen kay Jude. “Stephen, ano ka ba! Kinakausap kita!”, may galit sa tinig ni Cheska. “H-Ha? Cheska? Kinakausap mo ako?”, si Stephen na nautal. “Hindi ka naman nakikinig sa akin eh!”, si Cheska. “S-Sorry.”, paumanhin ni Stephen. Narinig naman sila ni Jude. Lumingon si Jude at nakita niya sina Stephen at Cheska. Tiningnan lamang niya si Stephen at hindi man lamang ngumiti. Parang nanlumo si Stephen sa ginawa ni Jude. “Hay naku naman! Jude, doon tayo sa kabilang room mag-aral. Ang init kasi dito eh. Bumalik na lang tayo dito kapag nandito na si Ma’am Buendia. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa pag-aaral dahil may dumating na ‘di kaaya-aya!”, nagtataray si Dianne at tila pinariringgan si Cheska. Biglang uminit ang dugo ni Cheska at akmang susugurin si Dianne. “Cheska, ano ba! ‘Wag mo nang patulan!”, si Stephen na pinigilan siya. Si Dianne naman ay tinarayan siya. Si Jude ay napakunot-noo. “A-Anong nangyayari?”, si Jude. Hinila naman siya ni Dianne palabas ng classroom. “Doon tayo sa kabilang classroom Jude.”, hinila siya ni Dianne. Dala naman ni Jude ang kanyang gamit. Napasulyap muna siya kay Stephen. Nagkatinginan silang dalawa. Umiwas naman ng tingin si Jude at dumiretso na sa kung saan siya hinihila ni Dianne. “Ah Jude, sandali lang.”, si Stephen. Tumigil naman saglit sina Jude at Dianne. “B-Bakit?”, ani Jude. “Ahm… m-may quiz ba tayo ngayon?”, parang nau-awkward si Stephen. “M-Meron yata, S-Stephen.”, si Jude na hindi man lang tumingin sa kanya. “G-Ganun ba?”, si Stephen. Hindi na muling sumagot si Jude. Nagpatuloy ulit sila sa pag-aaral sa kabilang classroom. NATAPOS na rin ang kanilang klase. Todo saya naman sina Venus, Emmie, Dianne at Rhea sa nakuhang score kanina sa long quiz nila. Todo pasalamat sila kay Jude. “Ang galing mo talaga Jude. Ikaw na talaga. Matalinung-matalino ka talaga Jude. Salamat talaga at tinuruan mo kami bago pa mahuli ang lahat.”, ani Rhea. “Walang anuman ‘yun.”, si Jude na ngumiti. Nandoon naman ang ultimo ang tawag sa kanila ay “Hot Girls” na sina Janna. Melka, at Geneva. Lumapit sila kay Jude at pinuri ito. “Hey Jude. Hello. Congratulations ha. Perfect ‘yung long quiz mo. You got the 50/50 score. Ang talino mo talaga.”, puri ni Melka sa kanya. “Salamat Melka.”, ngumiti si Jude. “You’re welcome.”, ngumiti rin si Melka. Paalis na ang tatlo nang masalubong nila sina Stephen at Cheska. “Hi Stephen.”, bati ng tatlo. Ngunit nang makita si Cheska ay tumigas ang mga mukha nila. Sabay taas sa kilay at pagtataray. “Hmmmp!”, nagtaray ang tatlo. “Let’s go girls!”, si Geneva. Lumakad na ang tatlo. Natawa naman sina Dianne at Venus. Tumigas ang mukha ni Cheska nang makita si Jude. Nilapitan niya ito. “Hoy Jude!”, marahas na hinarap ni Cheska si Jude. “Bakit Cheska?”, pumormal si Jude. “Naka-tsamba ka lang ngayon! Ako dapat ‘yung nakakuha ng perfect score sa long quiz kanina! Hindi ako makakapayag na may makikipagkompetensiya sa akin! Lalo na kay Stephen!”, may galit sa tono ni Cheska. Si Dianne, na halos sasabog na ang dugo niya kay Cheska ay biglang tumayo at hinarap si Cheska. “Hoy! At sino ka naman para pagsalitaan si Jude nang ganyan ha!”, pagtataray ni Dianne. “Hindi ikaw ang kinakausap ko!”, si Cheska na nanatiling half angered ang boses. “Aba! Hoy babae! Kababagong classmate ka pa lang namin eh ang yabang-yabang mo na ah! ‘Di hamak na mas matalino pa sa’yo si Jude! Ang kapal naman ng apog mong sabihin ‘yang mga pinagsasabi mo diyan sa harap ng kaibigan namin! Hindi ka ba nahihiya diyan sa mga pinagsasabi mo!”, si Dianne. Tumaas ang kanang kilay ni Cheska. “Talagang ginagalit mo ako!”, galit na si Cheska. “At bakit? Tingin mo natatakot ako sa’yo? Mali ka Cheska Ramirez! Nagkamali ka ng binangga mo!”, si Dianne. Sa galit ni Cheska ay muntik na niyang napagbuhatan ng kamay si Dianne na kaagad namang napigilan ni Stephen. “Cheska ano ba! Tama na! ‘Wag kang umasta na parang wala kang pinag-aralan!”, pagpipigil ni Stephen sa kanya. “Stephen ano ba! ‘Wag mo nga akong pinipigilan!”, nagpupumiglas si Cheska. Stephen didn’t say another word. Hinila niya si Cheska palayo kina Jude. “Stephen ano ba!”, sumisigaw si Cheska. Nagkatinginan ang lima. “Sandali lang guys ha.”, ani Jude na susundan sina Stephen at Cheska. Sinundan nga niya ang dalawa. Hindi siya nagpahalata. Doon huminto sina Stephen sa Basketball Court. Walang tao sa mga oras na ‘yun. Nagtago sa may sulok si Jude kung saan pwede niyang makita sina Stephen at Cheska na walang nakakakita sa kanya. Nakita at narinig niyang nag-a-argue sina Stephen at Cheska. “Cheska ano ba! Why are you acting like that! You’re so childish!”, sumisigaw si Stephen. “Childish na kung childish Stephen! Wala ka namang pakialam sa’kin!”, sumisigaw sa galit si Cheska. “Anong walang pakialam? I don’t understand you!”, si Stephen, in agony. “Simula nang makilala mo ang Jude na ‘yan ay parang wala ka nang pakialam sa’kin! Oo magkasama nga tayo pero puro bukambibig mo ay si Jude! Si Jude! Si Jude! Ano ba’ng meron sa Jude na ‘yun ha! Stephen tell me! Ano’ng meron kay Jude at bakit parating bukambibig mo siya!”, sinabi na ni Cheska ang dapat niyang sabihin kay Stephen. Narinig naman ni Jude lahat. Totoo nga ang hinala niya na ayaw sa kanya ni Cheska sa simula pa lamang. “Cheska! Are you certain? Kaibigan kong matalik si Jude!”, ani Stephen. “’Di nga! Siguro may relasyon kayo ng Jude na ‘yun ‘no? Hindi mo lang sinasabi sa’kin kasi nahihiya ka! O ‘di kaya’y natatakot ka…….” “Cheska stop it! Hindi totoo ‘yan!”, may galit na sa tono ng pananalita ni Stephen. “……my gosh Stephen! Pumapatol ka sa bakla! I can’t believe that you…..” “I said stop it!”, akmang sasampalin niya si Cheska. Cheska immediately covered her face in her two arms. Nagulat naman si Jude sa kanyang nasaksihan. Narinig naman ni Stephen ang paghikbi ni Cheska. Stephen almost loses his temper. Niyakap niya kaagad si Cheska to comfort her. “I’m so sorry Cheska. I’m so sorry. Please forgive me.”, sabi ni Stephen habang yakap-yakap niya si Cheska. Cheska faced him. To relieve and comfort her, Stephen give her a kiss in the lips. Nakita ni Jude ang ginawang paghalik ni Stephen kay Cheska. Gulat na gulat siya. Habang pinagmamasdan ni Jude ang paghahalikan nina Stephen at Cheska ay hindi naman niya mapigilan ang mga luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata. Talagang nasaktan ng husto si Jude sa kanyang nakita. Masakit na masakit ang kanyang damdamin. Hindi na niya kaya ang kanyang nakikita at umalis na siya sa kanyang kinatatayuan. Habang mabilis ang kanyang paglalakad palabas ng court ay panay naman ang bagsak ng kanyang malalaking luha. Hindi na niya namalayan na nasalubong na pala niya si Venus. “Oh Jude?”, si Venus. Nakita naman niyang umiiyak si Jude. “Umiiyak ka Jude? Bakit?”, nag-alala si Venus. Napayakap si Jude kay Venus at doon na niya ibinuhos ang sama ng loob. Talagang hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Talagang nasaktan siya sa kanyang nakita kanina. Talagang mahal na niya si Stephen. “Sige Jude. Iiyak mo lang ‘yan.”, si Venus na labis na nag-alala sa kaibigan. Ilang oras lang ang nagdaan, nasa canteen na sina Jude at Venus. Kumakin sila noon ng snacks ng biglang naitanong ni Venus ang nangyari kanina. “Jude, siyanga pala, anong nangyari at bakit ka umiyak kanina?”, tanong ni Venus. Tumigil muna sa pagkain si Jude at nagsalita. “Ven, ikaw lang ang nakakaalam nito ‘di ba.”, ani Jude. “Si Stephen ba ‘yan?”, si Venus. Tumango-tango si Jude. “’Di ba sinundan mo sila kanina? Ano ba’ng nangyari Jude?”, tanong ni Venus. “They’re arguing with each other kanina. Galit si Cheska sa akin dahil ayon sa kanya, dahil sa’kin kaya walang masyadong time sa kanya si Stephen at magkasama nga sila pero lagi daw’ng bukambibig ni Stephen ay ako which is ayaw ni Cheska.”, pagku-kuwento ni Jude. Venus rolled her eyes. “Ganun? Oh my God! Napakaselosa naman pala ng bakulaw na babaeng ‘yun. Maganda nga, pero nakakasuka naman ang pag-uugali!”, ani Venus. “They kissed each other.”, dagdag pa ni Jude. “What! As in lips to lips?”, si Venus na nagulat. Tumango si Jude. “Ew! Ganun ba?”, si Venus na napangiwi. Hindi na muling nagsalita pa si Jude. LIMANG araw ang lumipas ay ganun pa rin. Nasa bahay niya si Jude at nagdidilig ng mga halaman niya. He is doing his household chores dahil Sabado. Kapag natapos niya ang mga gawaing-bahay ay magpapahinga muna siya, pagkatapos ay deretso na siya sa pag-aaral. Samantalang may isang kotseng dumating. Bumaba ang driver ng nasabing kotse. Nilingun-lingon niya ang paligid. Para siyang ni-nerbiyos. Sa kanyang paglingon ay naaalala pa niya kung saan ang bahay ni Andrew. Mula kina Andrew ay alam din niya kung saan ang bahay ni Jude. “Dito pa kaya nakatira si Jude?”, si Hannah ‘yun. Nakabalik na pala siya galing America. Pagkatapos niyang manatili sa Cebu for two months ay nagpunta na siya ng America para doon na mag-aral ng Kolehiyo ayon na rin sa kagustustuha ng ina niyang si Donya Esperanza. Kaya siya nagpunta kay Jude dahil kailangan niyang humingi ng tawad sa nangyari kay Andrew. Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ni Hannah ang isang taong nagdidilig ng mga halaman. Alam niyang si Jude ‘yun. Kaagad niya Itong pinuntahan. Nasa tapat na siya ng bahay ni Jude. “J-Jude?”, tinawag ni Hannah si Jude. Narinig naman siya ni Jude. “Sino ‘yan?”, nagulat si Jude nang makalingon siya. “Hannah?”, nabuhay ang alaala ni Andrew nang makita niya si Hannah. Nabuhay ang nakaraan. Bumalik na ang babaeng naging dahilan ng maagang kamatayan ni Andrew. Nabuhay muli ang galit ni Jude. “Anong ginagawa mo dito!”, may halong galit sa tono ng pananalita ni Jude. Lalong kinabahan si Hannah. “Ah-ahm J-Jude… k-kasi….”, kinabahan si Hannah. “Ang lakas ng loob mong magpunta dito! Matapos ng ginawa mo kay Andrew ay may mukha ka pang ihaharap sa’kin!”, galit na si Jude. “J-Jude, patawarin mo ako…. Hindi ko kasi alam…….” “Patawad? ‘Yan lang? Patawad! Hindi na maibabalik ang buhay ni Andrew, Hannah! Tapos patawad lang?”, galit na wika ni Jude. “J-Jude… patawarin mo ako! Hindi ko naman gustong iwan si Andrew. Mahal ko siya Jude. Mahal ko si Andrew. Hindi ko siya kayang saktan.”, umiyak na si Hannah. Hinarap ni Jude si Hannah. “Hindi mo siya kayang saktan? Talaga Hannah! Pero ginawa mo! Iniwan mo siya! Iniwan mong sugatan ang kanyang puso! Pinatay mo siya!”, galit na galit na wika ni Jude. “Hindi totoo ‘yan Jude! Hindi ‘yan totoo. Mahal ko si Andrew!”, halos lumuhod na si Hannah. “Pinatay mo siya Hannah! Sinundan ka niya sa Cebu pero nabigo siya dahil namatay siya nang lumubog ang barkong sinasakyan niya! At ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya Hannah!”, si Jude na halos umiyak na. Hindi mapigil ni Hannah ang pag-iyak. Talagang tinutugis siya ng kanyang guilt sa pagkamatay ni Andrew. “Patawarin mo ako Jude. Patawarin mo ako. Hindi ko naman sinabi sa kanya na sundan niya ako sa Cebu.” “Kaya ka niya sinundan dahil sa pagmamahal niya sa’yo! Pinatay mo ang kaibigan ko! Pinatay mo si Andrew!”, si Jude na hindi na napigilan ang damdamin. Tumayo si Hannah. “Anong gagawin ko Jude para mapatawad mo ako!” “Wala kang gagawin. Umalis ka na! Ayokong makita ang pagmumukha mo dito dahil sa tuwing makikita kita, ipinapaalala sa’kin ng ‘yong presensiya ang sakit na idinulot sa’kin ng pagkamatay ni Andrew. Lumayas ka na dito!”, pinapaalis ni Jude si Hannah. “Jude?” “Umalis ka na!”, sumigaw si Jude. Napayuko naman sa ulo si Hannah. “Lumayas ka na dito sa harapan ko! Lumayas ka na!”, sumigaw ulit si Jude. Walang nagawa si Hannah kundi ang umalis na lamang. Luhaan siyang bumalik sa kanyang kotse. Talagang sa mga sandaling ‘yun ay hindi siya mapapatawad ni Jude. Si Jude naman ay hindi mapigilan ang pag-iyak. DALAWANG araw ang lumipas simula nang mangyari ‘yun. Nasa scheduled classroom na si Jude. Semi-Final Exams na nila kaya busy na ang lahat sa pagsagot ng kani-kanilang test papers. Pagkatapos ng exam ay busy naman sila sa pagdi-discuss ng kung ano ang isinagot nila sa exam. May iba na napalundag dahil feeling nila tumpak ang mga sagot nila. Ang iba naman ay nalungkot dahil siguro feeling nila hindi tumpak ang kanilang mga sagot. Si Jude naman ay parang wala sa sarili. Hindi pa siya nakaka-recover sa komprontasiyon nila ni Hannah noong Sabado. Nakita siya ni Stephen. Gusto siyang lapitan nito pero biglang sumulpot si Cheska. Si Cheska naman ay napatingin kay Jude. Tinaasan niya ang kanyang kanang kilay. Tapos mala-demonyong ngumiti. “Humanda ka sa gagawin ko Jude! Humanda ka! Hahahaha”, naibulong ni Cheska. Pagkatapos ay umalis kasama si Stephen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD