Chapter 16

2648 Words
ACQUAINTANCE Party na nila. They were wearing their cowboy and cowgirl’s attire as if it is the acquaintance theme for this year. Mag-isang nagpunta si Jude sa De Luxe Hotel kung saan gaganapin ang College of Nursing’s Acquaintance Party. Lulan siya ng taxi noon nang tinawagan siya ni Stephen. “Hello. Stephen.”, sinagot ni Jude ang kanyang cellphone. “Jude, parating ka na ba?”, si Stephen sa cellphone. “Parating na ako. Sakay na ako ng taxi. Nasa De Luxe Hotel ka na ba?”, si Jude. “Oo Jude. Hinihintay kita dito.”, sabi ni Stephen. Napangiti naman si Jude. “Sige, parating na talaga ako. Tatawagan na lang kita ha kapag nandiyan na ako.”, sabi ni Jude. “Sige Jude. Hihintayin kita. I love you.”, sabi ni Stephen. Nawala na sila sa linya. Nagulat si Jude sa mga huling salitang binigkas ni Stephen. I love you? Baka naman as a friend. Binibigyan niya lang siguro ng maling kahulugan. Hindi na niya isinaisip ‘yun. “Ah manong, malapit na po ba tayo sa De Luxe Hotel?”, tanong ni Jude sa taxi driver. “Malapit na po.”, sabi ng taxi driver. Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin siya sa naturang hotel. Bumaba na siya ng taxi at nagbayad. “Ito pala ‘yung De Luxe Hotel.”, sabi ni Jude. He’s wearing a cowboy costume na pinili at binili ni Stephen sa kanya. Naka-cowboy’s hat din siya. “Bagay kaya sa’kin ‘tong suot ko?”, bulong ni Jude sa kanyang sarili. Nagkibit lamang siya ng balikat at tumuloy na sa hotel. Pagkapasok niya sa hotel ay kinabahan siya. Nilapitan siya ng isang attendant doon. “College of Nursing Acquaintance Party sir?”, tanong ng attendant kay Jude. “Ah, y-yes. May I know the venue ma’am?”, pormal na sagot ni Jude. “Nasa 2nd floor po. Functional Room”, sabi ng attendant. “Sige, thank you.”, si Jude. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Tuloy ay inawat na niya ang kanyang sarili. “Jude, ano ka ba! ‘Ba’t ka naman kinakabahan!”, inawat niya ang kanyang sarili. Pagkarating niya sa 2nd floor, ay kaagad naman niyang nakita ang Functional Room dahil sa door tag. Pumasok siya kaagad sa naturang lugar na pangyayarihan ng kanilang Acquaintance Party. Marami-rami na rin ang mga tao doon. May nakikita na siyang mga Clinical Instructors. Lumingon-lingon siya sa paligid. Wala pa si Stephen. “Hindi pa ba dumarating si Stephen?”, bulong niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tatawagan sana si Stephen. Habang nagda-dial siya ay muntik na niyang mabitawan ang kanyang cellphone. Ginulat kasi siya ni Stephen. “Stephen! Ano ka ba!”, nagulat si Jude. “Sorry, nagulat ba kita?”, tanong ni Stephen. “Ay hindi! Pinatawa mo ako!”, pamimilosopo ni Jude. Napangiti si Stephen. “At last nandito ka na. Ikaw na lang talaga ang hinihintay ko dito Jude.”, sabi ni Stephen. “Tatawagan sana kita kasi akala ko hindi ka pa dumarating. I remember sinabi mo kanina sa phone call na nandito ka na.”, ani Jude. “Halika na Jude. Maya-maya lamang ay magsisimula na ang program. Excited pa naman ako sa Search for the Miss Nursing.”, sabi ni Stephen. Sumama na lang si Jude. Nandoon na rin ang iba pa niyang mga kaklase. Mga ilang minuto lang ay nagsisimula na programme. Si Jude ay tahimik lang nang kausapin siyang muli ng kaibigan niya. “O Jude? Ba’t hindi ka nagsasalita diyan?”, tanong ni Stephen. “Eh ano ba ang dapat kong ikwento? Wala naman akong maikwento ano.”, si Jude. Ngumiti si Stephen at inakbayan si Jude. “Ready ka na ba?”, ani Stephen. Naalarma si Jude sa sinabi ni Stephen sa kanya at marahas siyang lumingon dito. “Anong ibig mong sabihin?”, biglaan ang pagtatanong ni Jude. “’Di ba sinabi ko sa’yo before na kakanta ka.”, si Stephen at kinindatan ka. Sa sinabi ni Stephen ay biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Jude. Talagang seryoso si Stephen sa sinabi niya noon. “Ang akala ko ba’y kinalimutan mo na ‘yun? Stephen naman. Ayoko nga. Hindi ako ready.”, bulyaw ni Jude. “Please Jude. Nasabi ko na kay Dean at maya-maya lamang ay tatawagin na ang pangalan mo for a song performance.”, sabi ni Stephen. Nakailang buntong-hininga si Jude at umiling-iling. “Sige na nga. Para sa’yo kakanta ako.”, ani Jude. Biglang napangiti si Stephen. “Thank you Jude. Now I’m so excited to hear your voice.”, puri ni Stephen sa kanya. “Tsss”, si Jude. Nag-iisip naman si Jude ng kanyang kakantahin. Mga ilang minuto rin bago siya makaisip ng talagang kakantahin. Napangiti siya. “Ay Jude, tamang-tama. Dala ko pala ang gitara ko.”, sabi ni Emmie. “Tamang-tama Emmie.”, ngumiti si Jude. Maya-maya lamang ay nag-anunsiyo na ang Emcee. “Gusto niyo ba’ng makarinig ng extraordinary singing voice na taglay ngayon ng ating fellow nursing student?”, pagsisimula ng Emcee. Sumagot ang lahat, meaning gusto nila. “Alright, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Please help me welcome, the one who owns that extraordinary voice, our Nursing Student from Level One, Mr. Judelo Miranda.”, the Emcee announced. Nagpalakpakan ang lahat, lalung-lalo na ang kanyang mga kaklase, especially Stephen. Umakyat si Jude sa stage dala ang gitara ni Emmie. Medyo kinakabahan siya. Kaharap na niya ang microphone and of course, ang kanyang fellow Nursing Students. Kakantahin niya sa gabing ‘yun ang Only Love ng Trade Mark. “Go Jude! Kaya mo ‘yan. Gusto naming marinig ang iyong extraordinary voice.”, Stephen cheered him up. Ngumiti si Jude. Tiningnan niya si Stephen sa malayo. May kakaiba siyang naramdaman sa kanyang puso. Parang nai-inspire na siya. Sinimulan niyang kaskasin ang gitara. Nagsimula siyang kumanta. 2 a.m and the rain is falling Here we are at the crossroads once again You’re telling me you’re so confused You can’t make up your mind Is this meant to be You’re asking me But only love can say Try again or walk away But I believe for you and me The sun will shine one day So I’ll just play my part And pray you’ll have a change of heart But I can’t make you see it through That’s something only love can do Palakpakan ang lahat. Napangiti naman si Stephen. “Grabe. Ang ganda ng boses ni Jude.”, puri ni Stephen. Nagpatuloy naman sa pagkanta si Jude. Oh….. In your arms as the dawn is breaking Face to face and a thousand miles apart I’ve tried my best to make you see There’s hope beyond the pain If we give enough If we learn to trust But only love can say Try again or walk away But I believe for you and me The sun will shine one day So I’ll just play my part And pray you’ll have a change of heart But I can’t make you see it through That’s something only love can do Halos lahat ay maghiyawan na at magpalakpakan. Kakaiba talaga ang boses ni Jude at ang galing pa niyang mag-gitara. Si Stephen ay nakatunganga, smiling at Jude and listening for every pitch of the tone Jude is singing. Nagpatuloy ulit si Jude. I know if I could find the words To touch you deep inside You give our dream just one more chance Don’t let this be our last goodbye But only love can say Try again or walk away But I believe for you and me The sun will shine one day So I’ll just play my part And pray you’ll have a change of heart But I can’t make you see it through That’s something only love can do oh oh oh oh That’s something only love can do Kinaskas ni Jude ng huli ang gitara para sa huling tono nito. Natapos niya ang buong kanta. Hiyawan, puri, at palakpakan ang yumanig sa buong Function Room. Bumuntong-hininga si Jude at ngumiti. “Thank you”, and he take a bow. Bumaba naman siya sa stage at bumalik sa kanyang kinauupuan. Ibinalik niya kay Emmie ang gitara. Pinuri siya ng mga kaklase niya, especially Stephen. “Jude, ang galing mo. Halos ma-in love na ako sa’yo dahil ang ganda ng boses mo. Sinasabi ko na nga ba. Pang-international ang boses mo at pwede ka nang maging isang Superstar.”, puri ni Stephen sa kanya. “Pang-international at Superstar ka diyan!”, si Jude. Niyakap siya ni Stephen. May kakaibang naramdaman si Jude nang yakapin siya ng lalake. With sparks. May nararamdaman na kaya siya para kay Stephen? Oh God! No. Hindi maaari. “I love your voice so much Jude. Nakakatanggal ng pagod.”, sabi ni Stephen. Natawa naman si Jude. “Ooooyyy!!”, hiyaw ng mga kaklase nila. “Ano ba kayo. Bestfriend lang kami ooyy agad.”, si Jude. “Hayaan mo na sila Jude.”, si Stephen. Nagsisimula na ang Search for the Miss Nursing Pageant. Mga naggagandahang mga dilag ang bumulaga sa lahat. Nanood lamang sila. Habang nagaganap ang Miss Nursing ay nakaakbay naman ang isang braso ni Stephen kay Jude. Naiilang si Jude sa ginagawa ni Stephen pero hinahayaan na lang niya. Tinatanong niya ang kanyang sarili, umiibig na ba siya kay Stephen? Parang may kung anong spark ang nararamdaman niya sa tuwing hinahawakan ni Stephen ang mga kamay niya, niyayakap siya, o ‘di kaya’y inaakbayan siya na hindi niya nararamdaman noon. Kinakabahan siya. Hindi maaaring ipapatuloy niya kung sakaling totoo man ang nararamdaman niya. Takot siyang muling masaktan. Hindi lang sa unang beses siyang nasaktan kundi mas lalo siyang nasaktan noon sa pagkamatay ni Andrew. Ayaw niyang maulit ang mapait na nakaraang sinapit niya. Aaminin man niya, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa pagkamatay ni Andrew. Pero naisip din niya; siguro kung nabubuhay pa si Andrew ngayon ay hindi ganito ka-close ang friendship nila ni Stephen o ‘di kaya’y hindi sila magiging kaibigan nito. Kung kaibigan man ay hindi sila ganito ka-close. Kung nabubuhay man si Andrew ngayon, may pag-asa kayang maging sila? Binase ni Jude ang sitwasyon sa huling sulat ni Andrew sa kanya; na kung pinigilan niya ito sa pag-alis upang sundan si Hannah noon, siguro hindi magiging ganito ang eksena sa mga buhay nila. Siguro ay magiging kaklase din niya si Andrew sa College. Dumating na sa puntong nasa logical manner na siya. Talagang napag-isip-isip niya ang maaaring mangyari kung nabubuhay pa si Andrew. Kung hanggang ngayon ay buhay pa si Andrew ay hindi niya magiging closed friend o bestfriend si Stephen dahil si Andrew lang noon ang bestfriend ni Jude. Siguro hindi siya magiging malungkutin na naging dahilan ng kanyang pagiging weird. Siguro hindi siya pagti-tripan ni Stephen noon. Kung ganun, mananatiling brusko at magaspang ang pag-uugali ni Stephen kung saka-sakali. Kung hindi ba namatay si Andrew ay mananatiling salbahe si Stephen? Kung ganun, ang kamatayan ni Andrew ang naging tulay upang makilala nilang dalawa ni Stephen ng lubusan ang isa’t isa. Ang kamatayan din ni Andrew ang naging hudyat upang magiging ganito ka-close ang relationship nila between him and Stephen. Talagang deep and critical thinking ang ginawa ni Jude. Pero bakit siya napunta sa puntong ‘yun? Ang problema lang niya ay kung paano niya maiiwasan ang damdamin niya kay Stephen. Paano’t napunta siya sa puntong ‘yun? Bumuntong hininga siya at umiling-iling. Napansin naman siya ni Stephen. “Jude, ayos ka lang?”, naitanong ni Stephen. “H-Ha? Ah… a-ayos lang naman ako… okey lang ako.”, sabi ni Jude. “May iniisip ka yata?”, si Stephen. “W-Wala ‘to Stephen.”, alibi na lamang ni Jude. Ngumiti si Stephen. “Manood na lang tayo ng Miss Nursing.”, ani Stephen. Tumango na lamang si Jude. Natapos ang pageant ng dalawa at kalahating oras. It’s almost dinner time kaya kumain na silang lahat doon. May Chinese food na available kaya kumuha din si Jude no’n. Chinese pancit canton and Chinese creamy soup ang isa sa mga putahe ni Jude sa kanyang pagkain. Binigyan naman siya ng chopsticks ng waiter. Nagsimula na silang kumain. Habang kumakain si Jude ay pinagmamasdan naman siya ni Stephen. Napansin naman niya ito. “B-Bakit?”, tanong ni Jude. “I wonder. Paano ba ginagamit ang chopsticks?”, Stephen is curious. Napatingin naman si Jude sa hawak niyang chopsticks. “B-Bakit Stephen? Hindi ka ba marunong gumamit ng chopsticks?”, naitanong ni Jude. Umiling-iling si Stephen. Ngumiti si Jude. Lumapit ito sa kanya. “Ganito ‘yan….”, at tinuruan niya si Stephen kung paano gumamit ng chopsticks. “Ganito lang pala. Sige nga, ma-try ko.”, at sinubukan naman ni Stephen. Napangiti naman si Jude sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagkain. Right after dinner, the Emcee announce that they will be having a slow dance moves na maihahambing sa waltz dancing. So it does. Isinayaw ni Stephen ang ilan niyang mga babaeng classmates. Jude is just watching them. Maya-maya lamang ay lumapit si Stephen sa kanya, offering him to dance with him. “Can I court you to a dance, Jude?”, Stephen is offering him his hands. “P-Pero Stephen, hindi ako marunong sumayaw. Natatakot ako.”, alibi ni Jude. “’Wag kang matakot Jude. I will be your guide. Walang rason upang matakot ka dahil nandito lang ako.”, sabi ni Stephen. Sa nanginginig na mga kamay ay inabot niya ang kamay ni Stephen at tumayo siya. It was the same nang isayaw siya ni Andrew noon. They started to move. Kinabahan naman si Jude. Parang ayaw niyang gumalaw. “You’re doing great Jude.”, bulong ni Stephen sa kanya. Doing great? Eh para ngang hindi siya gumagalaw eh. Pinagloloko naman siya ni Stephen. “Pinagloloko mo naman ako eh.”, sabi ni Jude. “I’m not making fun of you Jude. It’s true. You’re doing great. Tsaka, I feel comfortable with you.”, wika ni Stephen. “Talaga ba’ng komportable ka sa’kin?”, ngumiti si Jude. “Oo naman." They continue dancing. Habang sumasayaw sila ay nakaramdam muli ng spark si Jude. Para ba’ng gusto na niyang matulog at paggising niya, nasa bisig na siya ni Stephen. Ngunit naisip din ni Jude, paano na ang pagkakaibigan nila? LUMIPAS ang ilang buwan ay palago nang palago ang pagkakaibigan nina Jude at Stephen. Natapos na ang unang semestre ng taon noon. Then they are ready for the second semester. Hindi pa rin naghihiwalay ang landas ng dalawa. Kasama sila lagi sa pag-e-enroll, most of all, talagang hindi nakukumpleto ang mga araw nila kapag hindi nila nakikita ang isa’t-isa araw-araw. Tuloy, naiinggit ‘yung mga may crush kay Stephen kay Jude. Ang swerte nga daw niya dahil super close sila ng tinaguriang “crush ng campus”. Hindi ‘yun alam ni Jude na crush ng campus si Stephen pero unti-unti niya ‘yung nahahalata. Nagdaan pa ilang buwan ay mas lalong tumatatag ang kanilang pagkakaibigan; at unti-unti ring nahuhulog ang damdamin ni Jude kay Stephen. Mahal na niya ito which is para sa kanya ay hindi maaari. Sa kanyang ginagawa ay para na rin niyang trinaydor si Stephen. He has to suppress his feelings for Stephen dahil alam na niya ang mangyayari kapag ipinagpatuloy niya ang damdamin niyang ‘yun. Isa lamang siyang kaibigan at wala siyang karapatang mahalin ang kanyang bestfriend. Mauulit na naman ang damdaming labis na nagpasakit sa kanya noong mga panahong mahal niya si Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD