GRADUATION na nilang dalawa. Nauna ang graduation ni Andrew at nandoon naman si Jude at ang pamilya pa ni Andrew.
“Andrew Guillen Escarlan, Top Performing Student of the year”, tinawag siya upang umakyat sa stage.
Palakpakan sa tuwa si Jude at ang pamilya ni Andrew.
Natapos ang seremonya ng lima’t kalahating oras. Nagsaya naman sila. Masaya si Andrew dahil nadoon ang pamilya niya at si Jude. Isang linggo ang lumipas at Graduation naman ni Jude. Siyempre, hindi naman mawawala si Andrew doon. Grumadweyt si Jude bilang 1st Honorable Mention sa Elementary. Marami pa siyang award na natanggap. Masaya si Andrew para sa kanya.
“Judelo Tuazon Miranda, 1st Honorable Mention.”, tinawag na siya upang umakyat sa stage.
Masayang-masaya si Andrew para sa kanya. Nagtapos ang seremonya ng limang oras.
“Jude, you’re the best ever. Ang talino mo talaga.”, si Andrew.
“Salamat.”
Nagsidatingan naman ang iba pa nilang mga kaibigan.
“Congratulations Jude! Wooh!!”, bati sa kanya ng mga kaibigan nila.
“Thank you”, puno ng pasasalamat si Jude.
Pagkatapos noon ay isang maliit na salu-salo ang pinahanda ni Jude. Masayang salu-salo ang naganap sa bahay niya.
“Sige kumain lang kayo.”, si Jude.
Nagtungo naman siya sa lanai. Nakatayo lamang siya doon. Naalala niya ang mommy niya. Kumusta na kaya ito sa London? Nakakakain ba ito ng tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog ba ito ng walong oras? Masaya kaya ito doon? Kung anu-ano ang nasa isip ni Jude noon. Miss na niya ang mommy niya. Hindi ito nakadalo sa Graduation niya upang isabit ang kanyang medalya. Bumuntong siya ng malalim na hininga. Napansin naman siya ni Andrew. Pinuntahan niya ang kaibigan.
“Jude, okay ka lang? Ba’t nag-iisa ka dito sa lanai? May problema ba?”, si Andrew na nag-aalala para sa kanyang kaibigan.
Bumuntong muli ng hininga si Jude saka nagsalita.
“Nami-miss ko lang ang mommy ko. Kumusta na kaya siya?”, si Jude na may pangungulila sa tinig.
Inakbayan ni Andrew si Jude. Alam niyang malungkot ito ngayon. Ayaw naman niyang maging malungkot ang kaibigan sa araw ng pagtatapos nito.
“It’s okay Jude. Nandito naman kami. Nandito naman ako. Mahal ka naman namin lalo na ako.”, pangiting sabi ni Andrew.
Napangiti naman si Jude in relief. Bumuntong siya muli ng hininga.
“Okay. Thanks Andrew. Pinagaan mo ang loob ko.”, sabi ni Jude.
“Halika na. Ikaw pa naman ang nagpahanda ng mga ito. Hayaan mo at darating na ‘yung iba pang mga pagkain na pinag-ipunan namin para sa Graduation natin.”, ani Andrew.
Pinasaya naman si Jude ng mga kaibigan nila.
“Daig ko pa ang may birthday.”, si Jude.
At natawa ang lahat.
SINULIT ng mag-bestfriend ang kanilang Summer Vacation noon. At dahil nga pre-teens pa sila kung tawagin ay naglalaro pa rin sila ng ilang mga pambatang laro tulad ng tumbang preso at iba pa. Enjoy na enjoy sila dahil nga bakasyon na. Naghahanda na rin sila para sa kanilang panibagong buhay sa high school. Tapos na rin sila sa elementary at naniniwala silang may mga pagbabago ring magaganap sa pagtutungtong nila ng high school. Nasa isang duyan sina Jude at Andrew at magkatabi. Nag-uusap sila no’ng mga panahong ‘yun.
“Isang buwan na lang at pasukan na ulit. Dapat magkaklase tayo Jude ha.”, sabi ni Andrew.
“Oo naman. Siyempre. Kung gusto mo kahit hanggang fourth year pa eh.”, sabi naman ni Jude.
“Gusto ko ‘yun. Sana kahit hanggang college din tutal eh pareho din naman ang kurso na kukunin natin eh.”
“Sure. Why not?”
Nagkatinginan naman ang dalawa sa papalubog nang araw.
“The sunset makes my heart wander all the time”, si Jude.
Napatingin si Andrew sa kanya at napangiti.
“Maganda talaga kapag sunset na. Orange na orange ang kulay.”, si Andrew.
Titig na titig ang dalawa sa papalubog nang araw. Inakbayan naman nila ang isa’t isa. Bestfriends are always bestfriends ika nga.
Ilang araw ang lumipas ay ganoon pa rin. Hindi pa rin naghihiwalay sina Jude at Andrew. Magkasama palagi ang mga ito kahit saan man sila magpunta. ‘Yun lamang nakaranas si Jude ng tunay na pagmamahal ng isang kaibigan. Wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buong buhay sapagka’t binigyan siya ng isang kaibigang mahal na mahal siya sa kabila ng pagiging homosexual niya. Kahit sa enrolment sa kanilang bagong eskwelahan ay magkasama sila upang maging classmate sila at sisiguraduhin ng dalawa ng hanggang Fourth Year High School ay magkasama pa rin sila.
HUNYO na at unang araw na nila sa klase bilang mga Freshmen High School o First Year High School. Magkaklase sina Jude, Andrew, at Lenlen. c***k Section sila o ‘yung mga matatalinong estudyante. Si Rafael naman ay nasa pangalawang c***k section naman. Naghinayang si Jude kung bakit nandoon si Rafael sa isa.
“Sana classmate tayo, Raf.”, sabi ni Jude.
“Gusto ko sana. Kung pwede lang na mag-transfer eh.”, ani naman ni Rafael.
“Pupunta tayo ng principal ngayon para bukas ay nasa section ka na namin. Makakasama na natin sina Andrew at Lenlen.”, si Jude.
Napangiti si Rafael.
“Tutulungan mo ako Jude?”, tanong ni Rafael.
“Siyempre naman. Kaibigan kita eh. So, tara na sa principal ngayon?”
“Sige tara.”
Dumating naman si Andrew at nakita silang dalawa.
“Hey guys. Saan kayo pupunta?”, tanong ni Andrew.
“Sa Principal’s Office. Magre-request kami ng Transfer of Section para kay Rafael para maging kaklase na natin siya simula bukas. Samahan mo na kami, beshie.”, si Jude.
“Oo ba. Sure. Tara na”, ani Andrew at sumama sa kanila.
Nasa labas na sila ng pinto ng principal’s office. Nakita ni Jude na kinakabahan si Rafael.
“Teka, relax. Hindi tayo nagpunta dito dahil may kasalanan ka. Nagpunta tayo dito para humingi ng transfer form.”, sabi ni Jude.
“Eh, baka strict ang principal natin.”, si Rafael.
Natawa naman si Andrew sa kanyang sinabi.
“Dude. Relax. Si Jude ang bahala sa’yo. Magtiwala ka lang sa bestfriend ko.”, ani Andrew.
Binuksan na ni Jude ang pinto ng principal’s office. Kahit siya ay medyo kinabahan pero hindi siya nagpahalata. Bumungad naman sa kanilang harapan ang kanilang principal na si Mrs. Milagros Natividad.
“Ahm.. go..good morning Ma’am.”, si Jude na medyo nanginig ang boses.
Mula sa pagyuyuko ng ulo ay hinarap sila ng principal at magiliw silang in-entertain.
“Yes, what can I do for you dear students.”, si Mrs. Natividad.
Umupo si Jude sa visitor’s chair samantalang sina Rafael at Andrew ay umupo doon sa may sofa.
Malamig sa loob ng principal’s office at masarap sa pakiramdam. Nagsimula namang magsalita si Jude.
“Uhm. Ma’am. We would like to request a Transfer of Section Form. My friend wants to transfer in our section so that we will become classmates until the end of this school year. We will be grateful if you will allow him to transfer in our section Ma’am.”, sabi ni Jude sa pormal at magalang na tono.
Ngumiti ang principal sa ipinakitang sinsiridad at paggalang ni Jude.
“So where is your friend? And what is his name?”, si Mrs. Natividad.
“Uhm, Rafael ma’am, Rafael Gonzales.”, si Jude.
“I would like to talk to him, okey.”, pangiting sabi ng principal.
Pinuntahan ni Jude si Rafael sa kinauupuan nito.
“Gusto ka raw makausap ni Ma’am Principal. ‘Wag kang kabahan Rafael ha. Mabait si Ma’am maniwala ka.”, si Jude.
“Sige."
Naupo naman si Jude sa tabi ni Andrew. Hinawakan ni Andrew ang isang kamay niya.
“Ba’t nanlalamig ang kamay mo?”, tanong ni Andrew.
“Medyo rin kinabahan kanina. Akalain ko ba na mabait pala ang principal natin.”, Jude response.
“Pero buti na lang at nandito ka. I’m sure magiging kaklase na natin bukas si Rafael. Salamat nga pala Jude ha. The best ka talaga. Ang swerte ko. May bestfriend akong matulungin.”, si Andrew.
Ngumiti lamang si Jude.
Natapos ang conversation nina Rafael at Mrs. Natividad. Rafael made the sign of approve na ikinatuwa ng dalawa.
“Salamat Jude. You’re the best talaga. Classmates na tayo simula bukas.” masayang balita ni Rafael.
Paglabas ng opisina ay binuhat ng dalawa si Jude.
“Oy! Teka! Ibaba niyo ako. Ano ba!”, si Jude na natatawa.
“I-blow-out natin si Jude”, si Rafael.
Nilibre nga nila ang kaibigan. Si Rafael ang gumastos. Nahiya naman si Jude.
“Naku, nag-abala ka pa.”, ani Jude.
“Okay lang ‘yan, Jude. ‘Wag ka nang mahiya. Eh 'di ba sabi mo bawal ang mga mahiyain sa’yo?”, ani Rafael.
Tumawa lamang si Jude.
Naging magkaklase na kinabukasan sina Jude, Andrew, Rafael, at Lenlen. Masayang-masaya ang magkakaibigan sa kanilang klase. Si Jude ang nagdadala ng pagpapatawa sa lahat ng mga kaklase niya. Gulat naman si Andrew sa talento niyang ‘yun. Magaling pala magpatawa si Jude. Pauwi na sila isang gabi, limang araw pagkatapos magsimula ang kanilang klase.
“Naku! Nandito na naman ang anak ng antribidang inggitera! Diyos ko!”, si Jude na nagtataray.
“Bakit Jude?”, tanong ni Andrew.
“Hayun, ‘yung babaeng maganda kung makatalikod, pero kapag humarap na, daig pa ang kapangitan ng isang impaktita. Diyos ko! Ang pangit ng ugali ng impaktitang ‘yan!”, gigil na gigil na sabi ni Jude.
Natawa naman si Andrew.
“Hayaan mo na Jude.”, si Andrew.
KINABUKASAN, dinatnan ni Jude ang isang nanghihikahos na si Andrew upang iparating sa kanya na nagkakagulo doon sa labas. Inaaway daw si Lenlen ni Ericka, ang babaeng sinasabi ni Jude na impaktita.
“Ano! Si Lenlen?”, si Jude na nagulat sa sinabi ni Andrew.
“Oo, Jude. Tulungan mo naman kami”, ani Andrew.
“Ang walang hiyang Ericka. Humanda ka’t kakalmutin ko ‘yang impaktita mong pagmumukha!”, gigil na gigil na sabi ni Jude.
Nagulat naman siya sa nakitang eksena. Sinabunutan ng sinabunutan ni Ericka si Lenlen dahil daw nang-angkin daw ito ng damit niya. ‘Di naman nakapagpigil si Jude at kaagad niyang sinugod ang bruha at walang sabi-sabing sinabunot niya ang buhok nito. Namilipit naman sa sakit ang nagulat na si Ericka.
“Walang hiya ka! Eh ang liit-liit ng kinalaban mo, pinatulan mo pa! Boba ka talagang bruha ka! Ngayon, tikman mo ang hagupit ng kamay mo!”, panggigil na sinabi ni Jude habang hawak ang buhok ng babae.
“Aray! Aray! Ano ba! Jude! Masakit!”, si Ericka na namimilipit sa sakit.
“Alam ko! At heto ang bagay sa’yo.”,
Napaiyak sa sakit si Ericka. Dahil alam niyang wala siyang laban kay Jude ay tumakbo na lamang siya.
“Wag ka nang bumalik dito ha!”, si Jude.
Nag-iiyak naman si Lenlen.
“Len. Ayos ka lang ba? Halika. Gagamutin ka namin.”, pag-aalala ni Jude.
Sa bahay niya ay ginamot niya ang mga pasa ng kawawang kaibigan. Nandoon si Andrew at si Rafael.
“Putang impaktitang ‘yun! Pati ba naman maliit, papatulan? Boba talaga!”, si Jude na galit pa rin.
“Eh akin naman talaga ‘yung damit na ’yun. Magnanakaw talaga ang bruhang ‘yun!”, si Lenlen na umiiyak pa rin.
“’Wag ka nang mag-alala Len. Bukas mamimili tayo nun. ‘Wag mo nang bawiin ‘yun, may germs na ng impaktita ‘yun. Bibili na lang tayo next week, promise ko ‘yan. Brand new pa.”, pangako ni Jude.
“Salamat talaga Jude. Ang bait mo talaga.”, ani Lenlen.
Ngumiti si Jude sa kaibigan.
“O ayan Len. Mamimili daw tayo next week ha, pangako ‘yan ni Jude. Salamat uli ng marami, beshie.”, sabi ni Andrew.
“You’re welcome. Ang dami ko nang Thank You na natatanggap.”, sabi ni Jude.
“Oh sige. I Love You na lang. I love you Jude.”, si Andrew.
Natawa naman si Jude sa tinuran ni Andrew.
“Ikaw talaga.”, si Jude.
ISANG LINGGO nga ang lumipas at tinupad naman ni Jude ang pangako niya kay Lenlen. Nasa isang mall noon sina Jude, Andrew, Rafael, at Lenlen. Masaya sila doon. Araw ‘yun ng Sabado at walang pasok. They spend their time having fun. Pagkatapos sa mall ay dumiretso sila sa isang parke. Sina Andrew at Jude ay daig pa ang mag-syota. Halos kiligin naman si Lenlen at mapangiti si Rafael.
“Ang sweet ng dalawa oh.”, si Lenlen.
“Ah, iba naman ang iniisip nito. Hoy, Helena, tumigil ka diyan ha”, si Jude.
Natawa naman si Lenlen.
“Kailangan mo pa bang kiligin , Len?” ani Rafael.
“Aba’y siyempre naman ‘no. Tingnan mo naman oh. Ang sweet ng dalawa. Daig pa ang mag-boyfriend at mag-girlfriend.
“Eh natural lang naman ‘yan kasi magkaibigan sila’di ba. Ikaw talaga Helena! Hahaha.”, tumawa si Rafael.
Si Andrew naman ay natawa rin maging si Jude. Ang kikitid nga ng mga utak ika nga. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagba-bonding hanggang nakauwi sila kinagabihan. Pagod na pagod si Jude noon at masakit ang katawan. Napagod yata sa buong araw ng paroo’t parito sa kakalakad. Naupo siya sa kanyang kama at humiga. Bumuntong siya ng hininga. Talagang masakit ang buong katawan niya. Pero ayos naman ang araw niya dahil buong araw niyang nakasama ang mga kaibigan niya, lalo na si Andrew. Maya-maya pa’y nag-beep ang cellphone niya, indicating that he is receiving a new text message. Kinuha niya ito mula sa kanyang table at binasa ang text. Text message ‘yun galing kay Andrew.
From: Andrew
Good evening Jude :)
Napangiti si Jude. He replied to his text message.
To: Andrew
Good evening din Andrew. :)
Nagkapalitan sila ng text message kinalaunan.
Si Andrew naman sa kanilang bahay ay busy rin sa pagte-text. Alam niyang pagod ang kaibigan pero para ma-relax ito ay minabuti niyang i-text ito. Nagkapalitan sila ng mga text messages ng kaibigan. Sobrang mahal at pinapahalagahan ni Andrew si Jude hindi dahil sa bestfriend niya ito, pero sa dahilang siya lamang ang nakakaalam. Si Andrew ay hindi nagkaroon ng isang kaibigang katulad ni Jude noon. Madalas ay walang nakikipagkaibigan sa kanya. Parati siyang naa-out of place noon kaya nang makilala niya si Jude ay ito lamang ang nagturing sa kanya ng kaibigan. They still continue their text communication until they got asleep.