KAPAG may mga group activities o kung ano pa mang aktibidad sa eskwelahan ay aktibo palagi si Jude. Siya ang nagiging pambato ng kanilang eskwelahan. Madalas ang kanyang tagumpay kaya hangang-hanga talaga sa kanya si Andrew. During assignments ay nagtutulungan palagi ang apat lalung-lalo na sina Jude at Andrew. Hindi pinapabayaan ni Jude ang mga kaibigan. Araw-araw ay tinutulungan niya ang mga ito. Talagang likas na kay Jude ang matulungin sa kanyang mga kaibigan. Masaya naman siya sa kanyang ginagawa. Hanga nga ang mga kaklase niya sa kanya sa angkin niyang katalinuhan at kabaitan. Mahal na mahal kasi ni Jude ang mga taong nakapaligid sa kanya. Lumipas ang ilang mga araw at buwan na hindi nila namamalayan ang panahon. Sa tagal ng pagkakaibigan nina Jude at Andrew ay maaaring merong magbabago.
Si Jude, na inakalang kaibigan lang ang maituturing niya kay Andrew ay nag-iba. Unti-unting nahuhulog si Jude sa karisma ng bestfriend. Minamahal niya si Andrew ngayon sa ibang paraan. Unti-unti siyang nahuhulog kay Andrew sa paglipas ng mga araw. Hindi alam ni Jude ang gagawin. Alam niyang mali pero hindi niya mapigilan ang pusong umibig sa kanyang kaibigang si Andrew. Pero hindi niya kayang sabihin ito kay Andrew sapagka’t alam niyang mawawasak ang kanilang pagkakaibigan. Tinatraydor niya ang sarili lalo na si Andrew. Titiisin at pipigilan na lamang niya ang nararamdaman para sa kaibigan para tumagal pa ang kanilang pagkakaibigan. Natatakot siyang mawala sa kanya si Andrew kaya hangga’t maaari ay pipilitin niyang pigilan ang damdamin para sa kaibigan.
3 years after……
HINDI pa rin kumukupas ang pagkakaibigan nina Andrew at Jude. Naging magkaklase pa rin sila hanggang ngayong Fourth Year High School na sila. Sina Rafael at Lenlen ay kaklase pa rin nila. Nasa kalagitnaan na ‘yun ng school year.
“Jude, samahan mo ako sa canteen. Recess tayo.”, yaya ni Andrew.
“O’ ba. Tara. Sina Rafael, ‘asa’n?”, tanong ni Jude.
“Hindi ko alam eh. Hanapin na lang natin doon sa canteen beshie baka nandoon na sila.”, ani Andrew.
“O sige.”
Nagtungo na sila ng canteen. Mamaya pang alas tres ang susunod nilang subject na Physics.
Wala sina Rafael at Lenlen sa canteen. Nagtataka ang dalawa. Naisip nila na baka nandoon sa library si Lenlen dahil mahilig ‘yung magbasa at si Rafael naman ay busy sa ginagawang research. Silang dalawa na lamang ang kumain sa canteen. Naupo sila at nag-usap at maya-maya pa’y kumunot ang noo ni Jude dahil bigla na lamang natulala si Andrew.
“Teka? Andrew? Hoy! Okay ka lang? Ba’t tulala ka?”, si Jude.
“Ang ganda talaga ni Hannah Dominguez, Jude. Crush na crush ko talaga siya.”, ani Andrew.
“H-Ha? Saan siya diyan?”, si Jude na curious.
Lumingon si Jude.
Totoong maganda si Hannah. Malayo sa pagiging puti at mas lalong malayo sa pagiging itim ang kulay ng kanyang kutis. Magaganda ang mga mata at mapupula ang mga labi. Matangkad din ang babae. Hindi malabong magkakagusto si Andrew sa kanya. Nagulat naman si Jude sa sinabi ni Andrew. Naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Kumirot ng kaunti ang kanyang dibdib.
“Maganda talaga si Hannah, ‘di ba Jude?”, ani Andrew.
Napansin niyang biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Jude.
“Jude? Ayos ka lang?”, tanong ni Andrew.
“H-Ha? Ha? Ah, okay lang ako Andrew. Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa klase natin sa Physics. Alam naman natin si Sir na ayaw nun ng mga late students. Halika na Andrew.”, anyaya ni Jude.
Tumango si Andrew.
Pero habang papaalis na sila ay sinulyapan na muna ni Andrew si Hannah. Napansin naman ‘yun ni Jude.
SA kanilang Physics class ay medyo wala sa mood si Jude. Tahimik lamang siya. Nakikinig naman siya sa klase pero talagang wala siya sa mood. Ewan niya kung bakit nagkaganun ang pakiramdam niya. Dahil ba masama ang pakiramdam niya o nagseselos siya? Hindi. Hindi maaari ‘yun. Wala siyang karapatang magselos dahil magkaibigan sila ni Andrew at lalung-lalo pa na hindi sila pwede sa isa’t-isa.
“Tumigil ka nga, Jude”, sa isip niya.
Nakinig na lamang siya sa lecture. Pagkatapos ng kanilang klase ay hinanap ni Jude si Andrew.
“Saan kaya ‘yun?”, naitanong ni Jude sa sarili.
Pero inisip na lang niyang baka sumama sa iba pa niyang barkada na classmates lang nila. Minsan kasi, sumasama si Andrew sa kanila. Mababait naman ang kanyang mga barkada kaya malaki ang tiwala niya sa mga ito. Isang oras pa bago ang susunod nilang klase dahil wala silang English na sana’y susunod na klase nila pagkatapos ng Physics. Nagkibit – balikat na lamang si Jude.
Pupunta sana siya ng library nang magulat siya sa kanyang nakita. Si Andrew at si Hannah ay nag-uusap. Muntik na niyang mabitawan ang dala-dalang libro pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip, nagtago siya sa isang sulok kung saan maririnig niya ang usapan ng dalawa.
“Kailan mo nga ba ako nakikilala, uhm, Andrew, right?”, boses ‘yun ni Hannah.
“Ah, oo, ganun nga. Andrew ang pangalan ko. Andrew Escarlan. Ah, doon kita unang nakita sa Intramurals. Ikaw pa nga ‘yung Miss Intramurals ‘di ba?”, sabi ni Andrew.
“Ah, oo. Hehehe. Ako nga. Nakakahiya nga ang moment na’yun eh. First time ko ‘yun alam mo ba. Buti na lang hindi halata ang panginginig ng tuhod ko.”, ani Hannah.
Natawa si Andrew sa sinabi niyang ‘yun. Talagang magkaibigan na ang dalawa.
Si Jude naman ay halata ang selos sa mukha. Hmmp, ano naman ang karapatan niyang magselos eh hindi naman siya babae. Isa lang siyang bestfriend ni Andrew. Nagbuntong siya ng hininga. Papaalis na sana siya nang mapansin siya ni Andrew kalaunan.
“Jude!”, tawag ni Andrew sa kanya.
Napalingon naman si Jude. Nag-aaktong wala siyang narinig at nakita kanina na parang wala lang.
“Ah. A-Andrew. Ikaw pala ‘yan. Kanina pa kita hinahanap.”, ani Jude.
“Jude, si Hannah nga pala.”, pagpapakilala ni Andrew kay Hannah kay Jude.
Ngumiti si Jude nang hindi nagpahalata sa sakit na nararamdaman.
“Hi. Ikaw pala si Jude. Nice meeting you.”, magiliw na pagbati sa kanya ni Hannah.
“H-Hi.”, si Jude.
“Naku, ang cute ng bestfriend mo, Andrew.”, sabi ni Hannah.
Napangiti si Jude. Really?
“Miss Intramurals ka hindi ba? Talagang hindi dudang ikaw ang naging Miss Intrams. Maganda ka kasi eh.”, sabi ni Jude.
“Thank you Jude. Naku, nakakahiya nga ‘yun eh. Biruin mo, muntik nang mangalog ang tuhod ko no’n kasi first time ko.”, si Hannah.
Natawa si Jude.
Nagsimulang mag-usap ang tatlo. Masarap din palang maging kaibigan si Hannah. Pero, in love kaya si Andrew sa kanya?
NAKAUWI na ng bahay si Jude. First time na umuwi siyang hindi sila sabay ni Andrew. Hindi na lamang niya pinilit na samahan ang kaibigan dahil nahihibang na yata ‘yun sa kanyang ginagawa. Kailangan pa niyang mag-aral para maging handa sa mga magiging exam at quizzes nila kinabukasan. Pero nag-aalala siya kay Andrew. Ewan niya kung bakit pero parang hindi na ito nagseseryoso sa kanyang pag-aaral. Baka hindi nito alam na may assignment sila sa Physics. Gagawan na lang siguro niya baka sakaling hindi nito alam. Kinuha niya ang mga gamit niya mula sa kanyang bag at nagsimulang mag-aral. Dalawang oras ang dumaan at tumunog ang cellphone niya. Ibig sabihin ay may natanggap siyang text message. Kinuha niya saglit ang kanyang cellphone at si Andrew ang nag-text. Dali-dali niya itong binasa.
From: Andrew
Jude, nakauwi na ako. Sorry kung hindi kita nasamahan ngayon ha. Pasensiya na talaga. Babawi ako sa’yo.:)
Napangiti si Jude. At least nabawasan ang stress niya dahil nag-text si Andrew sa kanya. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan, hindi lubos malaman ni Jude kung bakit masaya siya kapag nakikita si Andrew. Hindi niya tuloy maisip kung bakit ganoon. Pero isang konklusyon ang humantong sa kanya upang magdalawang-isip. Mahal niya si Andrew. Na-in love siya sa kanyang bestfriend. Pero hindi pupwede ang kanyang iniisip at nararamdaman. Isa siyang bakla. Baka pandirihan siya ni Andrew at lalayuan kapag ipinaalam niya ito sa kanya. Mas mabuti pang ilihim na lang niya ito kaysa ipaalam pa niya. May ibang mahal si Andrew. Nasasaktan siya pero ano ba ang karapatan niya? Isa lamang siyang hamak na bestfriend ni Andrew at isa pa, hindi siya babae. Pero at least, pinapasaya siya ng lalake at alam niyang mahal siya ni Andrew bilang kaibigan. Ayaw niyang saktan ang bestfriend niya at ayaw din niyang madismaya ito sa kanya.
Maya-maya pa’y tumunog ulit ang cellphone niya. Galing muli kay Andrew ang isang text.
From: Andrew
Nasa labas ako ng pintuan mo Jude. Lumabas ka muna.
Kumunot ang noo ni Jude. Ano na naman kayang gimik ang naisip ni Andrew? Iniwan niyang nakabukas ang kanyang libro at lumabas ng bahay. Napakunot muli ang noo niya nang walang Andrew ang kanyang nakita sa labas ng kanyang pintuan.
“Eh niloloko naman ako nitong si Andrew oh!”, sabi ni Jude.
Napahawak siya sa kanyang beywang at umiling-iling.
“Tsk tsk tsk”.
Ngunit nang humarap siya sa kanyang likod ay ganun na lamang ang kanyang gulat nang gulatin siya ni Andrew. Napatili siya sa sobrang gulat.
“Andrew ano ba! Ba’t ka ba nanggugulat!”, si Jude na naggagalit-galitan.
“Oops! Sorry Jude. Hehehe. Surprise kasi eh”, depensa ni Andrew.
“Anong surprise? Surprise mo’yang mukha mo! Eh nanggugulat ka eh! Surprise ba ‘yun? Papatayin mo naman ako sa nerbyos eh!”, ani Jude.
“Sorry na.”
“Alas nueve na ng gabi ah. Ba’t gising ka pa at lumabas ka pa sa bahay niyo?”, si Jude.
“Eh, wala kasi akong magawa sa bahay eh. Nahirapan pa ako sa assignment natin sa Physics.”, sabi ni Andrew.
Natawa naman si Jude sa sinabi ni Andrew.
“Ganun ba? Nahirapan ka sa Physics? Andrew naman. Hey! Magpasalamat ka sa akin dahil ginawan na po kita ng assignment mo. Akala ko kasi hindi mo alam na may assignment tayo.”, si Jude.
“Talaga Jude? Naku, maraming salamat. Nakakahiya naman.”
“Sus, ngayon ka pa ba mahihiya sa’kin?”
Ngumiti si Andrew.
“Ah, tsaka nga pala. May ibibigay ako sa’yo”, sabi ni Andrew.
Curious naman si Jude sa ibibigay ni Andrew sa kanya.
Iniabot sa kanya ni Andrew ang isang box ng pastel from Camiguin.
“Vjandep pastel? Sino naman ang nagbigay sa’yo nito?”, si Jude.
“Binili ko ‘yan para sa’yo. Alam ko paborito mo ‘yan.”, si Andrew.
Napangiti si Jude. Pinasalamatan niya si Andrew at niyakap ang kaibigan.
“Talagang bestfriend nga kita.”, sabi ni Jude.
Umandar ang kapilyuhan ni Andrew. Binuhat niya si Jude naikinagulat naman niya.
“Hoy Andrew, ibaba mo ako! Ano ba! Hoy, baka mahulog ako! Pilyo nito! Hoy!”, si Jude.
Magaan lang yata si Jude kay Andrew kaya wala lang sa kanya na patakbo-takbo siya habang buhat-buhat si Jude. Napatili naman si Jude sa takot na baka mahulog siya. Pero hindi ganun ang nararamdaman niya ng mga panahong ‘yun. Nakadama siya ng magaan na pakiramdam sa bisig ni Andrew. Sa taong kanyang minamahal. It seems that he sees some inspirational lights in the night. Naging masaya na naman ang gabi ni Jude.
December
UNANG araw na ng Disyembre at ramdam na ni Jude ang simoy ng Kapaskuhan. Pangiti-ngiti pa siya. Parang walang katapusang pagngiti ang ginagawa ni Jude.
“Malapit na naman ang Pasko. Palapit na rin ang birthday ko.”, si Jude.
“Jude!”, tawag sa kanya ni Andrew.
“Oh, dumating ka na pala. Saan ka ba galing?”
“Hulaan mo kung saan ako nanggaling?”
Kumunot ang noo ni Jude.
“Hayan ka na naman Andrew.”, si Jude.
“Eto naman. Galing ako kina Hannah.”
Sa narinig ay biglang napalingon si Jude kay Andrew.
“Galing ka kina Hannah?”, si Jude na nagulat sa narinig.
“Anong masama do’n Jude? May problema ba?”, si Andrew na nagtataka.
“Ah. W-Wala naman. N-Nagulat lang ako. Buti at… inimbita ka niya doon sa bahay nila.”, sabi ni Jude na hindi nagpahalata sa nararamdaman.
“Actually, birthday niya bukas. Iniimbita niya tayo, sina Rafael at Lenlen and the rest of our friends. Nabanggit ka niya. Gusto ka rin niyang imbitahin bukas sa birthday niya.”, pangiting sabi ni Andrew.
Napalingon si Jude kay Andrew.
Birthday bukas ni Hannah? Aba at nangimbita pa siya. Mayaman yata ‘tong si Hannah. Napangiti si Jude.
“Ah, g-ganun ba Andrew. Eh, b-baka hindi ako makapunta dahil busy pa ako. At tsaka marami pa akong gagawin.”, alibi ni Jude.
Biglang nalungkot ang mukha ni Andrew. Hindi pala makakapunta ang bestfriend niya sa birthday party ng crush niya. Napansin naman ni Jude ang malungkot niyang mukha.
“Oh, ba’t nag-iba ang anyo ng mukha mo? Okay ka lang Andrew?”, sabi ni Jude.
“Hindi ka pala makakapunta. Sayang naman. Alam mo naman na hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka ‘di ba.”, may hinanakit na sabi ni Andrew.
Nabigla si Jude sa sinabi ni Andrew. Nais niyang matawa at nais niyang kiligin. Ganun ba?
“Uy Andrew, nagtatampo. Kasi hindi ako dadalo sa birthday ng crush niya.”, si Jude.
“Alam mong crush ko si Hannah?”, nagulat si Andrew.
“Ay hindi! Hindi ko alam! Hindi ka rin halata ‘no?”, pamimilosopo ni Jude.
Nais matawa ni Andrew pero gusto niyang ipakita kay Jude na nagtatampo siya rito.
“Pero nagtatampo na ako sa’yo Jude. Alam mo naman pala na crush ko si Hannah tapos hindi ka pa dadalo sa kanyang birthday. Inimbita ka pa niya. Talagang nagtatampo ako sa’yo.”, pagtatampong sabi ni Andrew.
Napangiti muli si Jude. Ang cute-cute ni Andrew kapag nagtatampo. Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya.
“Sus ang bestfriend ko ang cute kung magtampo. Sige na nga, dadalo na ako sa birthday ng crush mo. Para ‘yun lang pala eh.”, ani Jude.
Pero hindi pa rin kumikibo si Andrew. Palagay ni Jude ay seryoso ito sa kanyang pagtatampo.
“Uy Andrew, kumibo ka naman diyan. Eto na oh! Oh! dadalo na ako sa kasal niyo este sa birthday party ng crush mo.”, si Jude.
“Diyan ka na nga Jude. Ewan ko sa’yo.”, sabi ni Andrew tapos no’n ay pasibyang umalis na ikinagulat ni Jude. Talagang seryoso ito sa pagtatampo nito.
“Aba! Okay umalis ka! Para ‘yun lang! Heh! Ewan ko rin sa’yo!”, sigaw ni Jude tapos no’n ay nagsimula siyang umiyak. Hindi kasi niya akalain na magiging ganun ang reaksiyon ni Andrew.
Si Andrew naman ay natigil sa paglalakad. Narinig niya ang paghikbi ni Jude. Nagulat siya at tumakbo siya papunta rito. Niyakap niya ang kaibigan.
“Uy Jude. Eto naman oh. Joke lang. Sorry na. Joke lang ‘yun. ‘Wag ka nang umiyak. Sorry na. Hindi ko naman sinasadya. Ikaw naman oh. Sorry na. Please ‘wag ka nang umiyak.”, si Andrew na yakap-yakap si Jude.
Nagpatuloy pa rin sa paghikbi si Jude.
“Sorry na. I’m so sorry. Please stop crying Jude.”, bulong ni Andrew sa kanya.
Nakadama naman ng relief si Jude sa mga bisig ni Andrew. Pagkatapos ng pangayayaring ‘yun ay inaliw ni Andrew si Jude para hindi na ito maging malungkot.
“Andrew, hindi na ako bata para aliwin mo.”, ani Jude.
“Eh umiyak ka kanina eh.”, sabi naman ni Andrew.
“’Kaw naman kasi sobrang O.A.”, ani Jude.,
Ngumiti si Andrew sa kanya.
“Basta bukas Jude ha. ‘Wag kang mawawala. Siguradong malulungkot si Hannah kapag hindi ka pupunta, lalo na ako.”, sabi naman ni Andrew.
Hindi alam ni Jude kung kikiligin ba siya o magagalit sa kaibigan.
BIRTHDAY na ni Hannah kinabukasan. Masiglang-masigla si Andrew no’ng araw na ‘yun. Talagang pinaghandaan niyang mabuti ang kanyang sarili sa kaarawan ng crush niya. He wears a neat coat and tie. Talagang gwapong-gwapo si Andrew sa kanyang suot. Si Jude naman ay nakahanda na rin pero halu-halo ang kanyang emosyon. Talagang ayaw niyang pumunta sa party pero nakokonsensiya siya dahil mabait si Hannah at inimbita siya nito. Hindi naman yata makakaya ng kanyang konsensiya kung hindi siya darating sa birthday party. Nagbihis naman siya ng formal coat and tie. Nang magkita sila ni Andrew sa labas ng kanyang bahay ay nagulat ang lalake sa transformation ng kaibigan.
“Wow! Jude, ikaw ba ‘yan?”, namamanghang sabi ni Andrew.
“Ay hindi! Hindi! Kaluluwa ko pa lang ‘to! Naiwan ang katawan ko sa loob ng bahay dahil napapagod at tinatamad pa!”, pilosopong sabi ni Jude na nagpatawa kay Andrew.
Talagang gwapo at cute na cute si Jude sa paningin ni Andrew. Hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ang kaibigan. Nakahalata naman si Jude.
“Bakit? Mukha ba akong nakakatawa sa suot ko?”, tanong ni Jude.
“Hindi naman, Jude. Actually, ang gwapo’t cute mo ngayon. Ang ganda ng hair style mo ngayon.”, sabi ni Andrew.
“Ay sus! Binobola pa ako nito! Halika na nga at hinihintay ka na ng crush mo doon. Balita ko ikaw ang escort niya ngayon.”, si Jude.
“Tama ka. Ako nga. Debut eh.”, si Andrew.
Taxi ang kanilang sinakyan patungong Dynasty Hotel. It takes 15 minutes para marating nila ang naturang hotel. Pagkarating na pagkarating doon sa hotel ay sinalubong sila ng mga guards para I guide doon sa loob. Namangha kapwa sina Jude at Andrew dahil hindi nila akalain na magiging ganito kalaki ang selebrasyon. Talagang bihis na bihis ang lahat ng mga bisita at sa tantiya nila’y mga mayayaman ang mga ito.
“Wow!”, kapwa naibiga nilang dalawang magkakaibigan.
Narating nila ang venue ng naturang party. Talagang bonggang-bongga ang birthday party ni Hannah. Hindi makahuma sina Jude at Andrew. Naghihintay na pala si Hannah doon. Tuwang-tuwa siya sa presensiya nina Andrew at Jude.
“Naku, salamat at nakapunta kayo dito. I’m so happy now. Andrew, I’m glad na hindi mo ako binigo. And Jude, I’m happy that you are here. Ipapakilala ko kayo sa mga friends ko.”, sabi ni Hannah.
Noon din ay proud na ipinakilala ni Hannah sina Andrew at Jude sa kanyang mga kaibigan. O.P kumbaga ang dalawa. Si Jude ay hindi komportable. Para yatang gusto na niyang umalis pero ayaw niyang madismaya si Hannah sa kanya. Nakita niya kung gaano kasaya ang babae sa pagdating nila. Maya-maya pa lang ay nagsimula na ang Programme. Maraming program ang inihanda na nagpa-enjoy sa lahat ng nadoroon. Palingon-lingon si Jude. Hinahanap niya si Andrew.
“Andrew nasa’n ka?”, bulong ni Jude.
Maya-maya lang ay nagpatugtog na ng waltz music.
“Ha? Uso pa ba ang waltz music ngayon?”, sabi ni Jude.
“Ladies and gentlemen. I would like to introduce my only escort. Andrew Escarlan.”, anunsiyo ni Hannah.
Nang marinig ang pangalan ni Andrew ay kaagad na natigilan si Jude para tingnan kung ano ang nangyayari.
Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao doon. Nakita ni Jude ang aktong pagsasayaw nina Andrew at Hannah. Waltz dancing ang ginagawa nila. Medyo nagulat si Jude.
“Ang ganda mo ngayon, Hannah.”, sabi ni Andrew.
“’Kaw talaga Andrew, ‘wag mo nga akong binobola diyan.”, si Hannah na natawa.
“Hindi ako nagbibiro Hannah, maganda ka.”
Natahimik si Hannah. Naging seryoso siya.
“Andrew, may ibig ka bang sabihin sa akin?”, si Hannah.
Sumeryoso naman si Andrew.
“Curious ka?”
Hindi alam ni Hannah kung magagalit o matatawa siya sa tinuran ni Andrew. Pinagpatuloy naman nila ang pagsasayaw. Sa kabilang banda ay nandoon si Mark, ang sana’y escort ni Hannah na matagal nang may gusto sa babae. Sa nanlilisik na mga mata ay galit na galit niyang tinitigan sina Hannah at Andrew.
“Yan ba ang pinagpalit mo sa’kin Hannah?" Bulong ni Mark.
Dumating naman si Donya Esperanza Dominguez, ang ina ni Hannah. Tumayo ito sa may plataporma at nag-speech.
“Thank you for arriving at my daughter’s 18th Birthday. “, sabi ni Donya Esperanza.
Palakpakan ang lahat.
“Andrew. Thank you so much. Nasaan nga pala si Jude at ang mga kaibigan mo?”, si Hannah.
Napalingon si Andrew. Sina Rafael lamang at Lenlen ang kanyang nakita, si Jude ay wala.
“Nasaan ba si Jude?”, si Andrew.
Nilingon niya kahit saan.
“Ah, sandali lang talaga Hannah ah, hahanapin ko lang si Jude.”
“Sige”.
Nagsimulang maghanap si Andrew sa kaibigan. Nakita niya ito sa labas ng hotel at nag-iisa.
“Jude!”, tawag ni Andrew sa kanya.
Napalingon naman si Jude kay Andrew at ngumiti.
“Ba’t nandito ka sa labas? Anong ginagawa mo dito?”, tanong ni Andrew.
“Dahil hindi ko kayang makita kayong dalawa ni Hannah”, sa isip ay bulong ni Jude.
“Ah, n-nagpapahangin lang ako Drew.”
“Malamig naman sa loob.”
“Mas gusto ko pa rin ng sariwang hangin.”
Ngumiti si Andrew. Inakbayan niya ang kaibigan.
“Tara na sa loob at hinihintay na tayo ni Hannah.”, si Andrew.
Sumunod na lamang si Jude sa kaibigan.”