Chapter 7

3997 Words
TATLONG linggo ang lumipas pagkatapos ng birthday party ni Hannah ay ganun pa rin. Nasa klase niya si Jude nang mga oras na 'yun. Natapos ang isang subject nila. Nagsilabas ang ilang mga kaklase niya pero naiwan siya sa loob upang mag-aral. Binabasa niya ang mga lecture notes niya nang umupo sa tabi niya si Andrew. "Nag-aaral ka Jude?", tanong ni Andrew. "Ay hindi! Nagbabasa!", pilosopong sabi ni Jude na nagpatawa kay Andrew. "Ikaw talaga Jude. Tatalino ka ng husto niyan. Sige na nga mag-aral na nga rin ako.", sabi ni Andrew. Ngumiti si Jude sa sinabi ni Andrew. Tumayo ang lalake at nagtungo sa desk nito para kuhanin sa kanyang bag ang mga gamit nito. Muli siyang tumabi kay Jude pagkatapos no'n. "Okay lang ba sa'yo Jude kung tatabi ako sa'yo para mag-aral?", si Andrew. "Okay lang. Sure. Ba't tinatanong mo pa.", si Jude. Nagsimulang mag-aral ang dalawa. Tahimik lamang sila na nag-aaral. Hanggang sa dumating sina Rafael at Lenlen galing canteen. "Uy, silang dalawa lang ang naiwan dito sa classroom.", si Lenlen. "At tsaka sabay pang nag-aral ang dalawa oh.", si Rafael. Natawa si Jude. "Ang kikitid pala ng mga utak niyo.", sabi ni Jude. "Hayaan mo na Jude.", si Andrew. "Uy!! Kinikilig naman ako sa inyo!", si Lenlen. "Nag-aaral lang kami dito tapos kinilig ka na agad?", sabi ni Jude. "Ano ba 'yang pinag-aaralan niyo?", naitanong ni Rafael. "Economics, Raf.", sabi ni Andrew. "Ganun ba? Hala sige. Mag-aral na rin tayo.", si Rafael. Pati sina Lenlen at Rafael ay nahawa sa kanilang dalawa. PAUWI na sina Jude at Andrew nang biglang harangin sila ng grupo ng mga kalalakihan na ikinagulat naman nilang dalawa. "Sino kayo?", tanong ni Andrew. "Hindi na kailangang malaman mo kung sino kami! Basta ang importante ngayon ay bugbog ka sa'min Andrew.", sabi ng isang miyembro. Biglang kinabahan ang dalawa ngunit kinontrol ni Jude ang kaba upang maging matapang. "At ano naman ang kasalanan ng kaibigan ko?", matapang na sabi ni Jude. "'Wag kang makialam dito, Jude! "Teka", parang pamilyar kay Jude ang isang lalake. "Nakita na kita ah. Ikaw si Mark Humperson 'di ba? Hoy! Anong kasalanan ng kaibigan ko sa'yo!", galit na si Jude. "Walang makakaagaw sa'kin kay Hannah. Akin lang siya!", si Mark. "Eh di sa'yo na! Kainin mo nang mabusog ka!", galit na si Jude. "Wag na 'wag mo akong ginagalit bakla!" "Anong bakla! Gusto mong baklain ko'yang mukha mo! Hoy! Mark, wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko! Magkamatayan na tayo! Akala mo ba takot ako sa'yo! Kung ayaw mong mabura ang pagmumukha mo kasama ng mga pangit mong kasama, get out of our way! Alis! Uuwi na kami!", talagang matapang si Jude. "Aba talagang ginagalit mo ako!" Akmang susugurin na nila nang biglang kunin ni Jude mula sa kanyang bag ang kanyang arnis stick. Binigay 'yun ni Rafael sa kanya noong Third Year High School pa lamang sila. Pinaghahampas ni Jude ang mga masamang tao pati na rin si Mark. Buti at hindi nila nagalaw si Andrew at nagsitakbuhan ang mga abnormal. "'Wag na kayong bumalik dito! Wala pala kayong binatbat sa'kin eh!", sigaw ni Jude. Nilingon ni Jude ang kaibigan at tinanong kung nasaktan ba ito. Wala naman daw. Talagang humanga si Andrew sa pagtatanggol sa kanya ni Jude. "Maraming salamat talaga Jude dahil pinagtanggol mo ako. Kaibigan nga kita.", sabi ni Andrew. "Walang anuman 'yun, best. Teka nga pala, bakit umuna nang umuwi sina Rafael at Lenlen? 'Tong dalawa talaga oh.", si Jude. Nang makauwi ay tumuloy muna si Andrew sa bahay ni Jude upang doon na kumain ng hapunan. "Grabe, ginutom ako sa mga 'yun. Ang kapal talaga ng mukha ng Mark na 'yan! Akala ba niya siya ang gusto ni Hannah. Hmmp! Gwapo nga! Ang pangit naman ng pag-uugali! Pwe!", pagmumura ni Jude. Natawa naman si Andrew sa kaibigan. "Okay na Jude. Siguradong hindi na nila ako sasaktan dahil takot na sila sa'yo.", sabi ni Andrew. "Oo nga Andrew. Dapat lang na matakot ang Mark na'yun sa'kin. Grabe anong akala niya kay Hannah, dessert? Laruan? Isip-bata talaga!". Iniba ni Andrew ang usapan. Naging seryoso ito. Tinanong niya ang kaibigan kung ano kaya kung ligawan na niya si Hannah na ikinagulat naman ni Jude. "B-Bakit mo naman gagawin 'yun?", tanong ni Jude. "Tatapatin na kita Jude. Hindi ko lang crush si Hannah Dominguez, mahal ko na siya. Magkaagawan na kami ni Mark pero malakas ang kutob ko na ako ang gusto ni Hannah. Liligawan ko siya sa lalong madaling panahon.", ani Andrew. Sa narinig ay parang kandilang naupos si Jude. Seryoso si Andrew sa sinabi nito. "Talaga ba'ng seryoso ka diyan, Andrew? O baka nabibigla ka lang diyan sa desisyon mo? Hindi basta-basta ang kakalabanin mo kapag ginawa mo 'yan. Malakas yata ang impluwensiya ni Mark. Andrew, isipin mo ang gagawin mo.", payo ni Jude sa kanya. Tumahimik muna sandali si Andrew bago siya muling nagsalita. "Naging padalus-dalos lang ba ako? Kasi Jude, mahal ko na si Hannah. Sige, maghahanap lang ako ng panahon para ligawan ko siya. Aalamin ko muna kung gusto rin niya ako. Sana gusto rin ako ni Hannah", ani Andrew. Tumahimik lamang si Jude na kumirot ang damdamin sa 'di malaman na kadahilanan. Nagseselos kaya siya? Makalipas ang mahabang sandali ay nag-iisa na lamang si Jude sa kanyang kwarto at umiiyak. Ngayon niya lamang naramdaman ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Talaga ngang mahal na niya si Andrew. Pero paano 'yun, hindi maaari ang nararamdaman niya. He's a gay and he can't even confess to his bestfriend of what he felt for him. "Bakit mahal kita Andrew? Bakit? Bakit? Bakit ako nagseselos! Bakit ako nasasaktan! Baliw na yata ako eh", humahagulhol ng iyak si Jude. Masakit ang katotohanang mahal ni Andrew si Hannah. Siyempre, Hannah is a girl. Alam na niyang talo siya. Kailangan niyang dumistansiya ng kaunti. Hindi alam ni Jude kung paano pakisamahan ang nararamdaman niya sa kaibigan. Kung malalaman ni Andrew ay tiyak na lalayuan siya nito. Malaya niyang binuhos ang kanyang mga luha para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Kinabukasan ay walang klase dahil araw ng Sabado. Wala sa mood si Jude na lumabas sa pintuan ng bahay nila at naupo doon sa may katabing wooden bench. Hindi na naman niya mapigil ang pag-iyak. Halos mamugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Si Andrew naman na patungo kay Jude ay nakita siya. Nakita niya itong umiiyak. Naging curious naman siya. Nilapitan niya ang kaibigan at kumpirmadong umiiyak nga ito. "Jude? Bakit? Anong problema? Bakit ka umiiyak?", nag-aalalang tanong ni Andrew. Narinig naman ni Jude ang tinig ni Andrew. Hindi alam nito na siya ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Hindi niya masabi ng deretso kay Andrew ang nararamdaman niya. Umupo sa tabi niya si Andrew at pinapatahan siya. "Tama na. 'Wag ka nang umiyak. Kung ano man 'yan ay malalampasan mo rin ang problemang 'yan. Remember, nandito lang ako para sa'yo. Hindi kita iiwan. Ayokong nakikita kang umiiyak Jude. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka dahil kaibigan kita. Mahal kaya kita", sabi ni Andrew. Lumingon siya kay Andrew at pinagmasdan ang mukha nito. Niyakap niya ang kaibigan. "Pangako 'yan Andrew ha. 'Wag mo akong iiwan.", sabi ni Jude sa umiiyak na tono. "Pangako Jude." NAGTUNGO ang apat na magkakaibigan sa tabi ng dalampasigan para mag-picnic. Simula na 'yun ng Christmas Vacation nila. Patalon-talon lamang si Lenlen sa may buhangin na animo'y ang saya-saya niya. "Si Lenlen kung makatalon sa buhanginan, wagas!", ani Jude. "Gusto kong maligo sa dagat!", sigaw ni Lenlen. "Eh 'di maligo ka Len.", si Andrew. Sina Andrew at Jude ay palakad-lakad lamang sa may buhanginan samantalang si Rafael ay busy sa pagsa-shot ng digital camera ni Jude. Kinunan niya ng stolen shot ang dalawa. Maganda rin namang kumuha ng litrato si Rafael. "Jude, mahiram nga ang cellphone mo.", si Rafael. "'Yung Samsung?", tanong ni Jude. "Ay hindi! 'Yung Cherry Mobile!", pilosopong sagot ni Rafael. "Pilosopo!", ani Jude. Natawa lang naman si Rafael. "Bakit cellphone ko eh may digital camera naman ah.", si Jude. "Malapit na hong ma-low batt ang digicam niyo ho.", sabi ni Rafael. "Okay." Iniabot ni Jude ang cellphone niya kay Rafael. Nagsimulang kumuha ng mga larawan si Rafael. Kinuhanan niya ng maraming litrato sina Jude at Andrew. Minsan pa nga ay mga stolen shot na magaganda nga namang tingnan. Umandar na naman ang kapilyuhan ni Andrew at sa pabigla ay binuhat niya si Jude. "Hoy Andrew! 'Ayan ka na naman ah! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Hoy! Ano ba! Umandar na naman ang kapilyuhan mo!", sigaw ni Jude. "Hindi kita ibababa! Dito ka lang sa bisig ko!", sabi ni Andrew. Patakbo-takbo naman si Andrew na karga-karga si Jude. Napatili nang napatili si Jude pero ramdam niya ang moment ngayon. Nasa bisig siya ngayon ni Andrew at ayaw niya yatang kumawala na mula rito dahil alam niyang panandalian lamang ang kasiyahang nararamdaman niya sa ngayon. Umikot-ikot si Andrew. "Andrew! Mahihilo ako!", sigaw ni Jude. Ibinaba ni Andrew si Jude at naghabulan silang dalawa. Naabutan naman ni Andrew si Jude at natumba sila sa may tubig-dagat. Tumatawa lamang sila ng tumatawa. Abala naman si Rafael sa pagkuha ng video sa kanilang dalawa. "Uy! Talagang ang sweet-sweet ng pinsan ko at ng friend ko!", sabi ni Lenlen. "Oo nga, agree ako diyan kay Lenlen. Kulang na lang eh langgamin kayong dalawa.", ani naman ni Rafael. "Bestfriend nga kami hindi ba", sabi ni Andrew. Tumawa lamang si Jude. "Psst. Kakain na tayo."tawag ni Rafael. Umahon na si Lenlen. Pero nanatili pa rin sina Jude at Andrew sa tubig. "Oh kayong dalawa diyan. Ba't hindi pa kayo umaahon?", tanong ni Lenlen. "Mamaya na kami. May pag-uusapan pa kami.", ani Jude. "O sige. Kayo'ng bahala.", si Lenlen na kinilig sa kanilang dalawa. Samantalang nag-uusap naman sina Jude at Andrew. "Alam mo Jude, bukas makalawa ay Pasko na. 'Wag kang magiging malungkot ha.", si Andrew. "Ba't naman ako malulungkot? Eh nandito ka naman. Andrew, basta kasama lang kita okay na ako. Basta 'wag mo lang akong kalimutan. Baka naman kung naging kayo na ni Hannah eh makakalimutan mo na ako.", sabi ni Jude. Ngumiti si Andrew. "Ba't ko naman gagawin 'yun? Makakalimutan ko ba ang pinakamamahal kong bestfriend? Hindi ah. Jude, kahit you are a gay ay tinatanggap kita. Mahal kita at ikaw lang ang magiging bestfriend ko habangbuhay. At tsaka, bakit mo naman naisip na makakalimutan kita kung kami na ni Hannah?", ani Andrew. "Wala. Naisip ko lang. Tsaka nga pala, Andrew, pwede mo naman sigurong imbitahin si Hannah sa Christmas Program natin ngayong 24. Maaari ding sumama siya sa atin sa simbang gabi. Oh ano?", si Jude. Ngumiti si Andrew. "Pwede rin. Good idea Jude. Pwede ko kaya siyang isayaw ulit?" "Bakit naman hindi?" Napangiti muli si Andrew. Magandang idea ang naisip ni Jude. Si Jude naman ay bumuntong-hininga. Umahon na rin sila kinalaunan. BISPERAS na ng Pasko at abala ang lahat ng mga kapitbahay sa paghahanda. Sina Jude, Andrew, Lenlen, at Rafael ay abala rin. Sa bahay ni Jude ay nagpasya silang magluto ng handaan. Expert sa pagluluto ng spaghetti, macaroni salad, at paggawa ng mango float si Jude dahil tinuruan ito ng ina noon. Si Lenlen naman ay masarap gumawa ng maja blanca. Si Rafael ay masarap magluto ng adobo at si Andrew naman ay magaling sa pagbi-bake ng cake. Masaya silang apat na gumagawa ng kanilang gawain. "Mamayang gabi na ang Christmas Program, excited na ako.", si Lenlen. "Oo nga, I'm sure magiging bongga na naman ito mamaya.", sabi ni Jude. "Jude, beshie. Pupunta daw si Hannah mamaya. Tinawagan ko siya kanina at okay lang daw sa kanya. Salamat daw.", sabi ni Andrew. "O bakit sa'kin?" "Kasi sinabi kong ikaw ang nagpapunta sa kanya rito." "Ah ganun ba. Sige. Hintayin natin siya mamaya." Habang nasa puntong ilalagay na niya sa fridge ang macaroni salad ay biglang nag-ring ang cellphone ni Jude. Kaagad niya itong sinagot dahil ang mommy niya ang tumatawag. "Hello mommy?" "Anak kumusta na diyan? Natanggap mo ba ang perang pinadala ko?", si Rinalyn sa cellphone. "Opo mommy. Kahapon lang po." "Anak, sorry kung hindi pa makakauwi si mommy ha. Talagang hindi kaya sa schedule ko dito." "Okay lang po. Ang importante ay masaya tayo mommy kahit malayo tayo ngayon." Matagal na nag-usap ang mag-ina hanggang matapos sila. Ngumiti si Jude kay Andrew. "Tara patuloy na tayo." Nagpatuloy sila sa ginagawa hanggang sa ito'y matapos. Walong oras na lamang na lamang at Pasko na. Muli na namang umandar ang kapilyuhan ni Andrew ng mga oras na 'yun. Binuhat na naman niya ng pagulat si Jude. "Andrew, 'ayan ka na naman eh!", si Jude. "Talagang nanggigigil ako sa'yo Jude!", si Andrew. "Ibaba mo ako mo please, Andrew!". "Uy!!", si Lenlen. "Ang daming langgam!", si Rafael. NAGSISIMULA na ang Christmas Program. Bibong-bibo ang lahat lalo na ang mga kabataan. Mula sa 'di kalayuan ay dumating ang isang sasakyan. Sasakyan 'yun ni Hannah. Deretso naman siyang sinalubong ni Andrew. "Hannah, buti at dumating ka na. Kakasimula lang ng program.", masayang wika ni Andrew. "Akala ko late na ako. Nasa'n si Jude?", tanong ni Hannah. "Nandoon siya sa program. Halika na." Lumakad silang dalawa patungo sa pinangyarihan ng program. "Jude, nandito na si Hannah.", medyo tinaas ni Andrew ang boses dahil maingay ang mga loudspeaker. "Hannah. Naks, buti at nandito ka na. Sino ang mga kasama mo?", si Jude. "Ako lang. Dinala ko 'yung kotse ko. Naku, ang saya-saya naman dito. Buti at pinayagan ako ni mommy.", sabi ni Hannah. "Naku buti nga.", si Jude. Nagsimula na ang preliminary disco. Sayawan ang lahat. Si Jude ay hindi masyadong sumasayaw dahil nahihiya. "Jude, sayaw tayo.", si Andrew. Natawa naman si Jude sa sinasayaw ni Andrew. "Mukha kang engot Andrew.", si Jude na natawa. Lalo naman siyang natawa nang makita ang sumasayaw na sina Rafael at Lenlen. Si Hannah ay nahihiya ring sumayaw. "Naku Jude, hindi ako marunong mag-disco.", si Hannah. "Pareho talaga tayo.", si Jude. Maya-maya pa'y pumalit ang isang love song. Kanya-kanya namang hanap ng partner ang mga tao doon. Inanyayahan naman ni Andrew si Hannah. "Hannah, can you be my partner in dance.", si Andrew. "Sure.", ani Hannah. Nakita ni Jude sina Andrew at Hannah. Nagugulat pa rin siya kapag magkasama ang dalawa. Parang piniga ang puso niya nang makitang isinasayaw ni Andrew si Hannah. Tumingin-tingin siya sa paligid. Jude made the frown on his face. Hindi mapigilan ni Jude ang luha na unti-unting papatak sa kanyang mga mata. Minabuti niyang umalis mismo sa lugar dahil hindi niya kayang makita sina Andrew at Hannah. Nang walang nakakahalat sa kanya ay patakbo siyang umalis at hindi na napigilan ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Talagang selos na selos siya sa nakita kanina. Pumasok siya sa kanyang bahay at doon malayang nag-iiyak. Talagang nasasaktan siya. Talagang mahal na mahal niya si Andrew pero sa katotohanang mahal ni Andrew si Hannah ay wala siyang magawa kundi ang hayaan ang puso niyang masaktan. Hindi rin niya masabi kay Andrew ang katotohanan ukol sa nararamdaman niya sapagka't natatakot siyang baka layuan siya ng kaibigan. Hindi rin naman niya kaya ang layuan siya ni Andrew nang dahil lang sa nararamdaman niya dito. Mas masakit pa'yun. Minabuti ni Jude na ilihim na lang habang may panahon pa kaysa sa layuan siya. Umiyak lamang siya ng umiyak.Samantalang katatapos lang ng love music nang mapansin ni Andrew na nawawala si Jude. "Nakita mo ba si Jude, Hannah?", tanong ni Andrew. "Kanina nandiyan lang siya.", si Hannah. Naging curious naman si Andrew. Nilapitan niya sina Rafael at Lenlen. "Raf, Len, nakita niyo ba si Jude?", tanong ni Andrew kina Rafael at Lenlen. "Hindi eh. Kanina lang nandiyan siya.", si Rafael. "Hindi ko rin nakita si Jude, Drew.", si Lenlen. Bumuntong hininga si Andrew. Hinanap niya si Jude. "Jude? Jude? Nasa'n ka? Jude?", paghahanap ni Andrew kay Jude. Mula sa malayo ay natanaw niya ang pamilyar na tao. Kung hindi siya nagkakamali ay Jude 'yun. Ngumiti siya. "Jude!", tinawag ni Andrew si Jude. Patakbong lumapit siya kay Jude hanggang maabutan niya ito. "Jude, saan ka galing? Ba't bigla kang nawala?", nag-aalalang tanong ni Andrew. "Galing ako sa bahay.", simpleng sagot ni Jude. "Halika na. Hindi pa tapos ang program. Malapit na ang disco matapos.", sabi ni Andrew. Sumabay na si Jude sa kanya. Umupo na lamang si Jude sa isang metallic chair. Maya-maya lamang ay nagpatugtog muli ng love music. Nandilat si Jude at bumuntong hininga. Yumuko siya at nakasimangot. Just a few seconds, he notice a hand lending towards him. "Pwede ba kitang isayaw, Jude?", tanong ni Andrew. Nagulat si Jude. Si Andrew isasayaw siya. "H-Ha? B-Bakit ako?", nagulat na sabi ni Jude. Ngumiti si Andrew. "I want to dance together with my bestfriend.", wika ni Andrew. Hindi alam ni Jude kung kikiligin o magagalit kay Andrew pero tumayo siya at tinanggap ang alok ni Andrew. Isinayaw siya nito ng waltz steps. "Andrew, kinakabahan ako. Hindi ako marunong sumayaw.", si Jude. "'Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa'yo.", bulong ni Andrew sa kanya. Nagpatuloy lamang sila sa pagsasayaw. Tumaas ang tensiyon ni Jude dahil halos nasa bisig na siya ni Andrew. Your love is like a sun That's lights up my whole world I feel the warmth inside Your love is like a river That flows down through my veins I feel the chill inside Biglang napangiti at napapikit si Jude habang isinasayaw siya ni Andrew. "Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, Andrew.", bulong ni Jude sa sarili. LUMIPAS ang Pasko at Bagong Taon, bagong buhay na naman para sa lahat. Balik na muli sila sa eskwela. Araw-araw ay namamataan ni Jude na madalas na ang pagsasama nina Andrew at Hannah. Unti-unti namang natatanggap sa puso niya 'yun. Tinatanong niya minsan si Andrew kung sila na ba ni Hannah ay sumasagot ito ng hindi. Ilang buwan din ang lumipas at papalapit na ang kanilang Graduation. Inihahanda na sila para sa nalalapit na pagtatapos. "Jude, ayan, malapit na naman ang graduation. I'm sure isa ka naman sa mga Top Students.", sabi ni Andrew. "Ikaw din kaya. Matataas din ang grades mo 'no.", si Jude. "Kanina pa ako nagugutom.", si Andrew. "Eh di kumain na tayo. Siya nga pala, may dala akong dalawang loaves ng loaf bread cheese spread.", ani Jude. "Natakam naman ako." "Halika na" Nagtungo silang dalawa sa canteen. "Nasa'n na naman sina Rafael at Lenlen?", tanong ni Jude. "Ewan ko ba do'n sa dalawa. Lagi na lang nawawala.", ani Andrew. Bukas makalawa ay kaarawan na ni Jude. Seventeen na siya sa araw na 'yun. Bigla 'yung naalala ni Andrew pero hindi na muna niya ipagsasabi kay Jude nang sa ganun ay susorpresahin niya ito. KAARAWAN na ni Jude. Noong isang araw pa nagpadala ng pera ang kanyang ina para sa kanayang birthday. Nang makuha ito ni Jude ay ready na siya upang bumili ng mga ihahandang pagkain. Nang mabili na niya ang lahat ng ihahanda niya ay kaagad niyang niluto ang mga ito. Simple lang ang inihanda niya. Spaghetti, macaroni salad, at mango float as usual. Meron siyang ipinagtataka. Wala man lang bumati sa kanyang kaarawan ngayon. Hindi siya binati nina Andrew, Rafael, at Lenlen. "Nakalimutan kaya nila?", tanong ni Jude sa sarili. Bumuntong hininga siya. Siguro nakalimutan nila. Tuloy parang nalulungkot siya. Birthday pa naman niya. Mag-aalas singko na ng hapon no'n pero hindi pa rin nagpaparamdam ang kanyang mga kaibigan lalo na si Andrew. Talagang nakalimutan na nila na birthday niya ngayon. "Naku naman. Nakalimutan nga nila. Malas naman ng birthday ko ngayon.", tila malungkot na pagkasabi ni Jude. Nilagay na muna niya sa fridge ang mga nilutong pagkain at aalis siya upang magsimba. Wala siyang load upang tawagan o i-text sa Andrew. Magpapa-load sana siya pero hindi na niya itinuloy. Malo-lowbat na rin kasi ang cellphone niya. Pagkatapos niyang magsimba ay umuwi siya kaagad sa kanyang bahay. Malungkot si Jude sa kanyang birthday. Halos gusto na niyang umiyak pero bakit naman siya iiyak? Para 'yun lang iiyakan niya. Nakarating na siya sa may pintuan ng bahay niya. Nang pumasok siya ay may biglang humawak sa kanyang braso na ikinagulat niya. "Sumama ka sa'min!", isang mapang-utos na boses. "Si-Sino ka?", kinakabahan na si Jude. "'Wag ka nang magtanong pa! Basta't sumama ka sa amin nang sa ganun ay hindi ka masaktan!", nagsalitang muli ang hindi kilalang lalake. Paglingon ni Jude ay limang lalake ang nakita niya. Tinakpan ng mga ito ang mga mata niya ng panyolito. Doon na talagang kinabahan at natakot si Jude. "Saan niyo ako dadalhin? Maawa kayo sa'kin! Pakawalan niyo ako!", si Jude na takot na takot na. "Pasok!", inutusan siyang pumasok sa loob ng van. Nang makapasok ay dali-dali nilang pinaandar ang kotse palayo. "Sino ba kayo! Anong kailangan niyo sa akin!", hindi pa rin mawala ang takot ni Jude. "'Wag ka ngang maingay!", galit na utos ng isang lalake. Nanahimik na lamang si Jude sa takot. Mga ilang minuto lang ay naramdaman ni Jude na huminto na ang van. Tinanggal ng isang lalake ang panyolitong nakatakip sa mga mata ni Jude. "Baba!", utos ng lalake. Bumaba naman si Jude. Nagtataka siya kung bakit dinala siya ng mga ito sa isang Eat All You Can Restaurant. "Bakit dinala niyo ako dito?", nagtatakang tanong ni Jude. Hindi na nagsalita pa ang limang lalake. "Sandali! Mga kidnappers ba talaga kayo?", tanong muli ni Jude. "Pumasok ka na doon sa loob.", kalmadong sabi ng isang lalake. Sumunod na lamang sa utos si Jude at pumasok doon sa mismong restaurant. Pagpasok niya ay ganun na lamang ang kanyang gulat nang sorpresahin siya ng mga kaibigan. "Happy Birthday, Jude!", salubong sa kanya ng mga kaibigan niya. Napahawak naman sa dibdib si Jude na tila gusto niyang magalit sa ginawa nila. Lumapit naman si Andrew sa kanya. "Jude, okay ka lang?", tanong ni Andrew. "Anong okay? Sa tingin mo kaya okay ako eh muntik niyo na akong patayin sa atake sa puso! Akala ko tuloy ay kinidnap na ako ng tuluyan!", sermon ni Jude. "Sorry talaga ha. 'Yun kasi ang naisip naming paraan upang masorpresa ka.", paumanhin ni Andrew. Nagpakawala ng malalim na hininga si Jude at niyakap si Andrew. "Kahit na muntik na ninyo akong patayin sa atake sa puso, kinumpleto niyo pa rin ang birthday ko na inakala kong nakalimutan niyo na.", sabi ni Jude. "Kami? Makakalimutan ang birthday mo? Never! Ikaw pa.", ani Andrew. Napangiti si Jude at dumulog na doon sa hapag. Nandiyan ang mga pinsan ni Andrew, si Lenlen, at si Rafael na kulang na lang ay maubos ang lumpia sa kakakain. "Sige kumain lang kayo.", si Jude. "Kumain ka na Jude. Alam kong nagutom ka dahil sa nerbiyos.", sabi ni Rafael. "Tama ka nga diyan, Raf. Ginutom ako sa pinaggagawa ninyo.", sabi ni Jude at natawa naman si Rafael. Naging masaya na ang birthday ni Jude. Talagang pinaghandaan ng mga kaibigan niya ang special na araw sa kanyang buhay. Habang kumakain si Jude ay iniabot sa kanya ni Rafael ang regalo nito. "Jude, para sa'yo. Sana magustuhan mo.", si Rafael. "Naku salamat Rafael. Nag-abala ka pa.", sabi ni Jude. Binuksan naman ni Jude ang regalo at laking tuwa niya't isang Teddy Bear ang ibinigay sa kanya ni Rafael. "Rafael, ang ganda. Talagang alam mong mahilig ako sa Teddy Bear.", sabi ni Jude. Ngumiti si Rafael dahil nagustuhan ng kaibigan ang ibinigay niya. It's Andrew's turn upang ibigay ang regalo niya kay Jude. "Jude. Ang ibibigay ko ngayon sa'yo ay sumisimbolo sa ating pagiging bestfriend.", sabi ni Andrew. "Talaga Andrew?", si Jude na naging curious sa sinabi ni Andrew. Ibinigay sa kanya ni Andrew ang isang maliit na regalo at tinanggap naman niya ito. Nang binuksan niya ang regalo ay naging curious muli si Jude. Isang maliit na kahon na animo'y parang music box. Binuksan niya ang kahon at napangiti siya sa dalawang maliit na taong sumasayaw sa loob ng kahon at may maganda pang midi tone. Pagkatapos sa huli ay may sinabing "I love you bestfriend". Talagang natuwa si Jude sa iniregalo sa kanya ni Andrew. "Ang ganda Andrew", sabi ni Jude. Ngumiti naman si Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD