Chapter 8

1540 Words
DUMATING na ang Araw ng Pagtatapos. Salutatorian si Jude at 2nd Honorable Mention naman si Andrew. Photographer of the Year naman si Rafael at Model of the Year naman si Lenlen. “Andrew Guillen Escarlan, 2nd Honorable Mention”, tawag ng adviser nila sa entablado. Ngumiti si Jude sa habang nakikita niyang sinasabitan ng medalya si Andrew at tumatanggap ng Diploma. “Rafael Magtalas Gonzales, Photographer of the Year”, si Rafael naman ang tinawag maya’t maya. Grabe ang palakpak ni Lenlen na nagpagulat kay Jude. “Ay? Grabe Lenlen kung makapalakpak, wagas!”, ani Jude. “Ang galing talaga ni Rafael.”, kinikilig na sabi ni Lenlen. “Bakit Len, kayo na ba ni Rafael?”, tanong ni Jude. “Hmm, hindi pa.”, kinikilig muli na sabi ni Lenlen. Napakamot sa ulo si Jude. “Helena Cristobal Guillen, Female Model of the Year”, tinawag na ang pangalan ni Lenlen. “Len, ikaw na.”, si Jude. Umakyat naman sa itaas ng entablado si Lenlen. Mga ilang classmates pa ang tinawag bago si Jude. “Judelo Tuazon Miranda, Salutatorian, Feature Writer of the Year”, sa wakas at si Jude na ang tinawag. Umakyat si Jude sa entablado at ang mommy mismo ni Andrew ang nagsabit sa kanyang medalya. “Congratulations Jude.”, binati siya ni Aling Cora, mommy ni Andrew. “Salamat po.”, ani Jude. Naintindihan ni Jude na hindi talaga makakadalo ang kanyang mommy sa kanyang Graduation. Ang layo kaya ng London. He takes a bow saka bumaba ng entablado. Pagbalik niya sa kanyang pwesto ay sinalubong siya nina Andrew, Lenlen, at Rafael. “Congrats Jude. Wooh! Ikaw na.”, sabi nila. “Kayo na rin!” sabi ni Jude. Umabot ang haba ng Graduation Ceremony ng mga anim na oras. Nang matapos ang Ceremony ay kanya-kanya nang hagis sa kanilang mga toga. Pagkatapos no’n ay picture taking naman. Abala ang mga kaklase ni Jude sa pagkuha ng kanilang mga litrato ni Andrew. Halos mapuno na ang Digital Camera niya ng mga litrato nila. Sa isang banda ay hinahanap ni Andrew si Hannah pero hindi niya ito makita. Napansin naman siya ni Jude. “Andrew, bakit?”, tanong ni Jude. “Hinahanap ko si Hannah.” “Wala ba diyan?” Baka nandoon. Tara hanapin natin.”, si Jude. Hinanap ng magkaibigan si Hannah. Si Jude ang unang nakakita sa kanya. “Andrew, hayun.”, ani Jude. Napangiti si Andrew nang makita na niya si Hannah. “Hannah?” “Andrew”, napangiti si Hannah. “Pa-picture tayo?”, si Andrew. “Sure.”. Nakiusap si Andrew kay Jude na kunan silang dalawa ng litrato gamit ang kanyang digital camera. Pumayag naman siyempre si Jude. Habang ipino-pokus na niya ang kayang cam sa kanilang dalawa ay kumirot ang puso ni Jude. Pinigilan niya ang kirot na ‘yun at hindi nagpahalata. Kinunan niya ng iilang shots ang dalawa. SIMULA na ng kanilang bakasyon. Medyo nakahinga-hinga na sila nang maluwag. Nasa bahay lamang niya noon si Jude nang sinalubong siya ng masayang si Andrew. Masaya niyang ibinalita na magbabakasyon daw si Hannah sa kanilang lugar. May pinsan kasi si Hannah doon sa kanilang lugar kaya nagpasya ang babae na doon na muna siya magpapalipas ng bakasyon. “Jude! Ang saya-saya ko! Magkakaroon na ako ng pagkakataon na ligawan siya. Heto na ‘yun Jude! Heto na ‘yun!”, masayang-masaya talaga si Andrew. Niyakap ni Andrew ang kaibigan. Si Jude naman ay hindi maipinta ang mukha. Kung ganun ay unti-unti nang lalayo si Andrew sa kanya. Gusto niyang umiyak pero para saa’t ano pa? Magkakasakit talaga siya sa puso sa ginagawa niya. Pagkatapos nang balita na ‘yun ni Andrew ay nag-iisa si Jude sa kanyang kwarto at nakatulala. Magiging malaki ang tsansang lalayo na ang kaibigan niya sa kanya dahil sa presensiya ni Hannah. Magpapakalayo din ba siya? Baka nga siguro na hindi na siya kailangan ni Andrew. Kung ganyan din ang mangyayari, ay gagawin niya. Wala siyang magagawa kung lalayo na sa kanya si Andrew. Siguro ay hahayaan na lang niya ang kaibigan dahil wala na siyang magagawa. Mahal ni Andrew si Hannah, ang pinakamasakit na katotohanan. Ilang araw pa ang lumipas ay nagkatotoo ang hinuha ni Jude. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Andrew sa kanya. Ni hindi man lang ito tumatawag o nagte-text sa kanya. Kada beep at ring ng kanyang cellphone ay si Andrew ang kanyang hinihintay. Samantalang sina Andrew at Hannah ay tila madalas nang nagkikita. Araw-araw ay bumisita si Andrew sa bahay na tinutuluyan ni Hannah. Masaya silang nagku-kuwentuhan, nag-aasaran, at nagtatawanan. Talagang nakalimutan ni Andrew si Jude nang mga panahong ‘yun. Gabi-gabi naman ay nagpapalitan ng text sina Andrew at Hannah. Hindi alam ni Andrew na may sinasaktan na siyang taong nagmamahal sa kanya. Isang araw, dumating ang ina ni Hannah na si Donya Esperanza. “Mommy?”, si Hannah na nagulat. “Magandang araw po.”, si Andrew na bumati sa ina ni Hannah. “Bakit hindi ka nagpasabing dito ka kina Inez tutuloy ha, Hannah?”, tila may pagka-istrikta ang tono ng boses nito. “M-mommy, please. Nabo-bore ako sa bahay.”, paliwanag ni Hannah. Napatingin ang Donya kay Andrew. “Sino siya?”, si Donya Esperanza na tinaasan pa ang kilay. “Ah, ako po si Andrew.”, pagpapakilala ni Andrew sa kanyang sarili. “Hindi kita kinakausap! Ang anak ko ang tinanong ko at hindi ikaw!”, may pangungutya sa tono ng boses nito. “Mommy, hindi niyo po kailangang ipahiya si Andrew. Ano ba kayo.”, depensa ni Hannah. “At sinasagot-sagot mo na ako ngayon ha, Hannah Dominguez!”, kung ganung kumpletong pangalan niya ang binibigkas ng kanyang ina ay talagang galit ito. Hindi na lamang nagsalita si Hannah. Nakayuko naman ang ulo ni Andrew. “Sige bibigyan kita ng isang buwan dito. Pagkatapos niyan ay uuwi ka na! Naiintindihan mo ba ako Hannah Dominguez?”, ang Donya Esperanza. “O-Opo, mommy.”, si Hannah. Pagkatapos no’n ay bumalik na sa kotse ang donya at pinaandar. Maya-maya lamang ay kinausap ni Hannah si Andrew. “Andrew, pasensiya ka na sa inasal ng mama ko kanina ha.”, pagpapaumanhin ni Hannah. “Okay lang ‘yun Hannah. Baka galit lang talaga ang mama mo. Naiintindihan ko naman.”, si Andrew na ngumiti kahit napahiya kanina. “Pasensiya ka na talaga. Napahiya ka tuloy kanina.” “Okay lang talaga ako Hannah. I understand.” Ngumiti si Hannah at niyakap si Andrew. Sa puntong ‘yun ay tuluyan nang nahulog ang loob ni Hannah kay Andrew. NASA loob ng bahay niya si Andrew no’n dalawang araw ang lumipas. Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Hannah. Nakita niyang nag-text si Jude sa kanya. Isa ‘yung group message. Nagulat siya. Si Jude. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang kaibigan. Napatayo siya. “Oh my God. Jude, I’m so sorry. Hindi na ako nagpaparamdam sa’yo!”, si Andrew. Lumabas siya ng bahay at pupuntahan mismo ang kaibigang panandaliang nakalimutan niya. Samantalang nasa labas niya ng bahay si Jude hawak-hawak ang kanyang gitara. Pa’no kaya ang puso ko kapag kapiling mo na siya Pa’no kaya matatanggap sa buhay ko’y wala ka na…….. “…..parang may mali eh. Iba na lang.”, si Jude. Kinaskas niyang muli ang kanyang gitara. Why do I love you? Don’t even want to Why do I love you like I do Like I always do You shouldn’t told me Why did you have to be untrue Why do I love you like I do Kumanta muli ng isa pang kanta si Jude. Siya namang pagdating ni Andrew. Mayro’n akong nais malaman Maaari bang magtanong? Alam mo bang matagal na kitang iniibig Matagal na akong naghihintay Ngunit mayro’n kang ibang minamahal Kung kaya’t ako’y ‘di mo pinapansin Ngunit gano’n pa man Nais kong malaman mo Ang puso kong ito’y para lang sa’yo Nandito ako umiibig sa’yo Kahit na nagdurugo ang puso Kung sakaling iwanan ka niya ‘Wag kang mag-alala May nagmamahal sa’yo Nandito ako Narinig ni Andrew ang magandang awitin ni Jude. Napangiti siya. All this time ay ngayon niya lamang narinig si Jude na kumakanta. Pumalakpak siya na narinig naman ni Jude. “Andrew?”, nagulat si Jude. “Hindi ko alam na maganda pala ang boses mo Jude. Ang sarap sa tenga.”, puri ni Andrew sa kanya. Ngumiti lamang si Jude. Lumapit naman si Andrew sa kanya. “I’m so sorry Jude kung ngayon lang ako nagpakita. Galit ka ba sa’kin?”, ani Andrew. “Hindi. Bakit naman ako magagalit sa’yo? Alam kong masaya ka sa ginagawa mo Andrew, natural lang na makalimutan mo talaga ako. Ikaw naman.”, si Jude. “Talagang naiintindihan mo ako. But I’m really, really sorry. Muntik ko nang makalimutang may bestfriend pa pala ako.”, si Andrew. “Okay lang Andrew. I understand. Hindi mo naman kailangang samahan ako araw-araw. May mahal ka at pinapasaya mo siya.”, si Jude. Niyakap ng huli ni Andrew si Jude.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD