Chapter 9

3491 Words
ILANG araw pa ang nagdaan ay muli na namang nag-usap sina Andrew at Hannah. This time ay gagawin na ni Andrew ang panliligaw sa kanya. Nasa tabi sila ng dagat noon at mahangin. “Hannah?”, si Andrew. “Bakit?”, si Hannah. Hinawakan ni Andrew ang kamay niya. Napatingin naman si Hannah sa kanyang kamay na hinawakan ni Andrew. “M-May nanlili….may nanliligaw na ba sa’yo?”, tanong ni Andrew na bakas ang pagkabara ng lalamunan nito. Tumingin si Hannah kay Andrew. “Oo, si Mark. Pero hindi ko talaga siya sasagutin. Ayoko sa kanya.”, ani Hannah. Sa pamamagitan non ay nagkaroon ng pag-asa si Andrew’ng maipadama kay Hannah na mahal na mahal niya ito. “Hannah, sana maniwala ka sa sasabihin ko. Mahal na mahal kita. Matagal na. Hindi ko lang masabi sa’yo dahil natatakot ako. Natatakot akong baka layuan mo ako.”, sa wakas at nasabi na rin ni Andrew ang kung ano man ang nararamdaman niya. Maging si Hannah ay nagulat sa rebelasyon ni Andrew. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Andrew sa kanya. “Kailan pa?”, tanong ni Hannah sa kanya. Napatingin si Andrew sa kanya. “Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero ang alam ko ay no’ng una pa lang kitang makita.”, sabi ni Andrew. “Sa anong dahilan Andrew?”, tanong ni Hannah. “Dahil sa….. sa…. taglay mong pambihira Hannah.”, sabi ni Andrew. “……..alam kong nabigla kita. Sorry Hannah, hindi ko lang kasi mapigilan ang…..” “Sssh. I know. And I felt the same way for you.” Nabigla si Andrew. “Mahal din kita Andrew. Hinintay lang kitang magsalita.”, napangiti si Hannah. Hindi na alam ni Andrew ang nararamdaman. Mahal nila ang isa’t isa. “Hindi na ako magtatanong kung totoo o hindi. Ang alam ko masaya ako ngayon dahil mahal natin ang isa’t isa.”, si Andrew. Niyakap ni Andrew si Hannah. They both utter the three nourishing words and then they kissed each other. NAGLILINIS ng bahay niya si Jude nang bigla siyang salubungin nang masayang-masaya na si Andrew. Niyakap siya nito nang mahigpit dala ang magandang balita para sa kanya ngunit hindi kay Jude. Ipinaalam niyang sila na ni Hannah. Hindi nakaimik si Jude na nagulat sa sinabi ni Andrew. “Cong..congrats… Eh di okay na.”, si Jude na hindi nagpahalatang nasasaktan. “Ang saya ko talaga Jude! Hindi ako makapaniwala!”, si Andrew. Niyakap niyang muli ang kaibigan. Kinagabihan, walang tigil sa pag-iyak si Jude. Talagang wala na siyang magagawa. Mag-on na sina Andrew at Hannah. Kailangan na niyang dumistansiya sa pagitan nilang dalawa ni Andrew. Naisip niyang maaaring hindi na siya kailangan ng kaibigan. Unti-unti nang lalayo sa kanya si Andrew anumang araw. Wala na siyang magagawa kundi ang panuorin ang kaibigan habang masaya ito samantalang siya ay kulang na lang ay madurog ang kanyang puso. Hindi siya tumigil sa kakaiyak. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasaktan ka. Hindi na alam ni Jude kung kaya pa ba niyang pakisamahan si Andrew. Two days later ay nagyaya si Andrew ng picnic sa tabing-dagat kasama si Hannah. Sumang-ayon naman sina Rafael at Lenlen. Si Jude ay ayaw sana kaso di siya makatanggi dahil baka magtampo si Andrew. Sumama na lang siya kahit labag sa kalooban niya. Sa kanilang open tent ay malayang pinapanood ni Jude ang naghahabulang sina Andrew at Hannah sa malayo. Kumirot muli ang kanyang puso. Tumayo siya at nagtungo sa may malalaking bato. Pumatong siya doon at nilanghap ang sariwang hangin. Nakailang buntong-hininga siya. “Jude, halika dito. Maghabulan tayo.”, tawag ni Andrew sa kanya. Ngumiti lamang siya. “Kayo na lang.”, isang simpleng sagot ni Jude. Hindi na rin lang siya binalingan ni Andrew at nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa. Nais nang maiyak ni Jude pero pinipigilan niya. Ayaw niyang ipakita kay Andrew na nasasaktan siya. “Ahm, Drew, pwede ko bang kausapin si Jude kahit sandali lang. May sasabihin lang ako sa kanya.”, pakiusap ni Hannah kay Andrew. “Sige, ikaw ang bahala.”, si Andrew. Lumapit si Hannah kay Jude. “Jude?” Lumingon si Jude. Ngumiti siya. “Hannah? Bakit?”, si Jude. “Maaari ba tayong mag-usap?”, si Hannah. “Tungkol saan?” “Kay Andrew.” Nabigla siya sa sinabi ni Hannah. “Alam kong mahal mo si Andrew, Jude. Nakikita ko ‘yan sa’yo.” “Paano mo nalaman?” “Kilala kita Jude. Actually, alam kong nasaktan ka nang malaman mong kami na ni Andrew. Jude, hindi ko gustong masaktan ka.”, si Hannah. Jude half smiled on her. Hinarap siya nito. “Hannah, ‘wag mo akong alalahanin. Masaktan man ako o hindi, problema ko na ‘yun. Mahal ka ni Andrew at wala na akong magagawa doon. Kung saan si Andrew masaya ay doon na rin ako. Hannah, nakikiusap ako. ‘Wag na wag mong sasaktan si Andrew. Alam mo kung gaano ka niya kamahal.”, sabi ni Jude. Ayaw ni Hannah na masaktan ang damdamin ni Jude. Naiintindihan niya ito. Alam niyang hindi masabi ni Jude ang kanyang nararamdaman dahil natatakot ito. “Pakamamahalin ko si Andrew, Jude. Mahal ko siya.”, sabi ni Hannah. Ngumiti si Jude. DUMATING pa ang ilang araw. Magiging panandalian lang pala ang kasiyahan nina Andrew at Hannah. Dumating ang Donya Esperanza isang hapon noon at pilit na pinapauwi si Hannah. Tumanggi nang tumanngi ang babae. Nandoon si Andrew. “At ano naman ang dahilan ng hindi mo pag-uwi Hannah!”, mariin na pagkakasabi ni Donya Esperanza. “Hindi na ako maaaring umuwi sa mansiyon mama! Alam kong ipapain mo na naman ako kay Mark! Ma! Hindi ko mahal si Mark!”, tila hindi na mapigilan ni Hannah ang sarili. “At bakit? Kailan ka pa hindi sumusunod sa mga utos ko! Dahil ba sa lalakeng ‘yan ha!”, ang itinuturo ni Donya Esperanza ay si Andrew. “Oo! Mahal ko si Andrew, mommy! Mahal na mahal ko siya!” “Hindi maaari! Hindi ako makakapayag na isang hampaslupa lamang ang makakatuluyan mo! Si Mark ang nababagay sa’yo dahil magkapreho kayo ng estado sa buhay at isa pa, ‘wag mo akong ipahiya sa pamilya niya! Ngayon din ay aalis ka na sa lugar na ito!”, at inutusan ng Donya Esperanza na sapilitang isakay sa van si Hannah. “Bitiwan niyo ako! Mommy! Hindi niyo maaaring gawin sakin ‘to!”, naghi-histerya si Hannah. “Hannah! ‘Wag!”, sigaw ni Andrew. “Andrew!!”, sigaw ni Hannah. Tinangkang pinigilan ni Andrew ang mga tauhan ni Donya Esperanza ngunit pinagsusuntok na siya ng mga ito hanggang mawalan siya ng lakas. Huli na para mapigilan niya ang van sa pag-alis lulan ni Hannah. “Hannah!”, sigaw ni Andrew na hinang-hinang nakadapa sa lupa habang sinusundan ng tanaw ang papalayong van. “Hannah!” Samantalang nakita naman siya ni Jude. “Andrew!”, nagulat si Jude at dali-daling tinungo ang kinaroroonan ng kaibigan. “Anong nangyari sa’yo! Sinong gumawa nito sa’yo!”, natatarantang sabi ni Jude. Nawalan naman ng malay si Andrew. “Tulungan niyo kami! Rafael! Lenlen! Saklolo!”, sigaw ni Jude. Ilang oras ang nagdaan ay wala pa ring malay si Andrew. Nasa bahay sila ngayon ni Jude. Ginamot naman ni Jude ang natamo nitong mga gasgas at sugat. Alalang-alala si Jude kay Andrew. Hindi niya alam ang nangyari. “Rafael, hindi pa gumigising si Andrew.”, nag-aalalang tono sa pananalita ni Jude. “’Wag ka nang mag-alala Jude. Ligtas naman si Andrew. Bugbog lang ang natamo niya at kaunting mga gasgas at sugat.”, ani Rafael upang mawala ang pag-aalala ni Jude. Maya-maya pa’y dahan-dahang umungol si Andrew. “Hmmpp..”, ungol ni Andrew. “Andrew!” Hanggang sa unti-unti itong nagising. “Hannah!”, bulong ni Andrew. Lumingon si Jude kay Rafael. “ANDREW, ano ba talaga ang nangyari?”, tanong ni Jude. Hindi nagsalita si Andrew. Inulit ni Jude ang tanong pero hindi pa rin ito nagsalita. “Andrew, papa’no ko ba malalaman ang nangyari kung hindi ka nagsasalita diyan?”, sabi ni Jude. Tila nainis si Andrew. “Pwede ba Jude! Tumahimik ka na! Nakakabagot ka na ah! Manahimik ka na nga! Bwiset!”, galit na tono ng pananalita ni Andrew. Nabigla naman si Jude sa tono ng pananalita ni Andrew. Nasaktan siya sa sinabi nito at napaiyak siya. Nakita ni Andrew ang pag-iyak ni Jude. Sa halip na ikomporta ito ay lalo naman itong nagalit. “Tigilan mo na ako diyan Jude ha! Talagang naiinis na ako sa’yo! Sawa na akong sakyan ‘yang mga bwiset na mga luha mo! Nakakabwiset ka na! Makaalis na nga dito!”, talagang galit si Andrew. Tumayo ito at iniwan si Jude. Lalo namang napahagulgol ng iyak si Jude. Unang beses na sinabihan siya ni Andrew nang mga katagang ‘yun! Halos hiniwa na parang dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso nang mga panahong ‘yun. Hindi niya akalaing magagawa siyang pagsabihan ni Andrew nang mga ganoong salita. Kinabukasan, napagpasiyahan ni Jude na ‘wag na munang lumapit kay Andrew. Akala niya’y mainit pa hanggang ngayon ang ulo nito. Aalis sana siya upang puntahan si Lenlen nang makasalubong niya si Andrew. Nagkatitigan silang dalawa ngunit hindi nila kinibo ang isa’t isa. Ngingiti na sana si Andrew sa kanya pero yumuko ang ulo ni Jude at magpapatuloy na sa kanyang pupuntahan. Nahagip naman ni Andrew ang kanyang isang kamay para pigilan siya. “Jude, sandali lang.”, hinawakan ni Andrew ang kamay niya. Nagulat si Jude pero hindi nagpahalata. Niyakap siya ni Andrew ng mahigpit. “Sorry sa mga nasabi ko kagabi sa’yo. Hindi ko talaga sinasadya. Patawarin mo ako Jude.”, sinsiro si Andrew sa sinabi. Naiyak si Jude na hindi niya napigilan. “Iiyak mo lang ‘yan. Nauunawaan ko.”, sabi ni Andrew habang yakap-yakap si Jude. Talagang hindi siya makatulog kagabi sa nasabi niya kay Jude. Alam niya kung gaano ka-vulnerable ang damdamin ni Jude. DUMAAN pa ang ilang araw. Nagbabakasali pa rin si Andrew. Pinupuntahan niya ang mansiyon ng mga Dominguez. Kahit na ipinagtatabuyan siya ng mga gwardiya doon ay hindi pa rin siya tumitigil. Tinutulak siya ng pagmamahal niya kay Hannah na kahit saktan at pagtabuyan na siya ay gagawin pa rin niya ang lahat bumalik lang si Hannah. Samantalang si Hannah naman ay napagdesisyunan niyang magtungo muna ng Cebu. Gulung-g**o ang isip niya ng mga panahong ‘yun. Ayaw niyang saktan si Andrew dahil mahal niya ito pero kailangan niyang isakripisyo ito. Gusto ng mama niyang pumunta siya sa Cebu nang sa ganun ay makapaghanda ito. Tutol na tutol si Donya Esperanza sa pagmamahalan nila ni Andrew. Hindi man lang siya nakapagpaalam kay Andrew. Umiiyak siya nang umiiyak habang nasa loob siya ng barko. MULING bumalik si Andrew sa mansiyon ng mga Dominguez. “Hannah! Hannah! Kausapin mo ako! Si Andrew ito! Hannah!”, tawag ni Andrew kay Hannah. “Umalis ka na dito! Wala na si Ma’am Hannah dito umalis na at nagtungo ng Cebu!”, sabi ng gwardiya sa kanya. “Hindi totoo ‘yan! Mga sinungaling kayo!”. Dumating naman si Donya Esperanza. “Anong ginagawa mo dito, hampaslupa!”, isang mapanglait na tanong ng donya. “Kailangan ko pong makausap si Hannah!”, pakiusap ni Andrew. “Para saan pa? Wala na dito ang anak ko! Umalis na siya patungong Cebu! Doon na siya mag-aaral!”, galit na tono sa pananalita ng donya. Biglang nanlumo si Andrew. Umalis na pala si Hannah patungong Cebu. “Umalis ka na dito! Ayokong makita ang pagmumukha mo dito sa tapat ng mansiyon ko!”, ang huling sinabi ni Donya Esperanza kay Andrew. Umalis si Andrew dala ang matinding pighati sa puso niya. Iniwan na siya ni Hannah. Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Nagsimula ang lahat hanggang makita ni Jude si Andrew sa may malapit na sobrang lungkot, naghintay si Andrew ng ilang linggo sa pagbabalik ni Hannah, sa birthday ni Lola Isang at hanggang doong pinagsalitaan na naman ni Andrew si Jude nang masasakit na mga salita na hindi na raw niya ito kailangan dahil nalasing ito. Isang linggo ding hindi nag-usap sina Jude atAndrew simula no’n. Napagpasiyahan ni Andrew na sundan si Hannah sa Cebu. Handa na siyang umalis noon nang magtungo muna siya sa bahay ni Jude. “Jude? Jude?”, tawag ni Andrew sa kanya. Ngunit walang tao sa bahay ni Jude. Baka umalis ito. Gusto sana niyang mag-sorry sa mahal niyang kaibigan sa nangyari no’ng isang araw. Hindi niya ‘yun sinasadya. Magpapaalam sana siya na aalis lang siya sandali patungong Cebu upang sundan si Hannah. Isang sulat ang iniwan niya. Ipinasok niya ito sa may bintana ng kwarto ni Jude. Nang mapasok ito ay lumusot ito sa ilalim ng kama ni Jude na bihirang mapansin. Pagkatapos no’n ay umalis na siya. “Pangako Jude. Babalik ako.”, bulong ni Andrew. Ibinalita naman sa araw na ‘yun na may bagyong darating. Isang malakas na bagyo. Naghanda ang lahat no’n. Tinawag ni Rafael si Jude. “Jude!” “Rafael, bakit?” “Si Andrew umalis na.”, sabi ni Rafel. Nabigla si Jude sa sinabi ni Rafael. “Ha? Saan siya nagpunta?”, tanong ni Jude. “Sa Cebu. Susundan niya si Hannah doon.”, sabi ni Rafael. Biglang nanlumo si Jude. Hindi man lang nagpaalam si Andrew sa kanya. Nagsimula nang maging malungkutin si Jude. Talagang hindi na siya kailangan ni Andrew. Umalis kasi ito na hindi na nagpaalam sa kanya. Wala nang pakialam si Andrew sa kanya. Umiyak na naman siya pagkatapos no’n. KINAGABIHAN ay dumating na nga ang malakas na bagyo. Ang barkong lulan ni Andrew ay napalaot na bago pa man i-anunsiyo na may bagyong darating. Biglang tumaas ang lebel ng tubig sa karagatan. Na-alarma ang lahat ng nasa barko. Nag-panik naman ang lahat. “Ihanda ang mga life jackets at ang mga Bangka!”, sigaw ng kapitan ng barko. Talagang nagpanik na ang lahat. Kanya-kanya na upang sagipin ang sariling mga buhay. Si Andrew naman ay hindi na alam ang gagawin. Kahit siya ay nagpa-panik na rin. Umuuga-uga na ang barko at lahat ay napatili. “Tulungan niyo kami!”, sigaw ng isang pasahero. Malakas na malakas ang hangin, malakas din ang ulan at pataaas naman ng pataas ang lebel ng tubig sa karagatan. Biglang humampas ang napakalaking alon at pumasok ito sa loob ng barko. Basang-basa ang lahat. Biglang sumabog ang ilang parte ng barko. Ang ibang mga malalaking poste ay natumba at tinamaan ang ilan. Si Andrew naman ay gumagapang na dahil unti-unti nang tumatagilid ang barko. “Jude!”, biglang naisambit ni Andrew ang pangalan ng matalik na kaibigan. Unti-unting nalulunod ang barko. Sumabog na ang iilang parte ng barko. Unti-unti namang natutumba ang mainmast ng barko at tatami ito kay Andrew. Huli na para umiwas si Andrew at tinamaan siya. Nahagip siya ng mainmast at natusok ang dibdib niya sa matulis na yard nito at tinamaan ang kanyang puso na dahilan ng kanyang kamatayan. “Jude!”, huling sambit ni Andrew at nawalan na siya ng buhay. “ANDREW!”, nagising si Jude sa gitna ng madaling araw. Napanigipan niyang may masamang nangyari kay Andrew. Malakas na malakas pa rin ang ulan at hangin. Giniginaw si Jude. Napaiyak siya nang mapanigipan si Andrew. “Andrew!”, umiiyak si Jude. Kinabukasan ay binalita na rin sa mga radio, television, dyaryo, at kung saan-saan pa ang nangyari sa isang barko kagabi. Patay lahat ang mga pasaherong lulan nito kasali na ang mga crew. Wala ngang nakaligtas sa insidenteng ‘yun. Isa sa mga nasawi ay si Andrew. Hindi makapaniwala si Rafael sa narinig. Talagang biglang-bigla siya. “Len! Len!”, nanginginig na tawag ni Rafael kay Lenlen. Bakit Raf?”, curious si Lenlen. “Si Andrew……” “Bakit ano ang nangyari kay pinsan?”, si Lenlen. “Lumubog ang barkong sinasakyan niya kagabi. Isa siya….. sa mga nasawi!”, si Rafael na halata pa rin ang pagkabigla. “Ano!”, si Lenlen na hindi naitago ang pagkabigla. Ano ang sasabihin nila kay Jude? Paano tatanggapin ni Jude ito? Tumakbo si Rafael. “Saan ka pupunta Rafael?”, tanong ni Lenlen. “Kailangang malaman kaagad ito ni Jude.” Dali-daling tumakbo si Rafael papunta kay Jude. Hindi na napigilan ni Rafael ang mapaiyak. Nanghihikahos naman siya nang datnan niya ang bahay ni Jude. “Jude! Jude! Jude!”, isang nanghihikahos na Rafael ang nadatnan ni Jude sa pinto ng bahay niya. Nagpapahiwatig ‘yun ng masamang balita. “Oh, Rafael. Bakit? Anong nangyari?”, tila naguguluhan si Jude. Ilang segundo pa bagonagsalita si Rafael. Nakita ni Jude na umiiyak ito. “Rafael, ano ba ang nangyayari?”, si Jude na kinabahan. “Jude, ‘wag ka sanag mabibigla sa sasabihin ko…… pa….. patay na si Andrew. Lumubog ang barkong lulan niya kagabi. Ibinalita kanina. Jude.”, umiiyak na wika ni Rafael. Talagang nabigla si Jude. Pailing-iling siya. “Hindi! Hindi totoo ‘yan!”, si Jude na hindi naniniwala. “Jude.”, si Rafael. “Hindi totoo ‘yan! Hindi totoo ‘yan! Sabihin mo sa akin na hindi totoo yan!”, at nagsimulang maghisterya si Jude. “…..Andrew!!”, naghisterya si Jude. “Jude. Tama na!”, si Rafael na niyakap siya. Nang araw ding ‘yun ay nakuha na ng mga coastguards ang bangkay ng mga nasawing pasahero. Napagpasiyahan nina Jude, Rafael, at Lenlen na puntahan tabi ng dagat kung saan inihimlay ang mga bangkay. Pagdating doon ay nakita nila ang mga pamilya ng mga nasawi na yakap-yakap ang bangkay ng kanilang namatay na kaanak. Hindi na mapakali si Jude. Tinititigan niya isa-isa ang mga bangkay sakaling mahagip ng mga mata niya si Andrew. Tumutulo na ang luha ni Jude. “Jude.”, tawag sa kanya ni Rafael. Nakita niyang umiiyak sina Rafael at Lenlen sa isang bangkay. Nanginginig na si Jude. Lumapit siya at tiningnan ang bangkay. Napapikit siya sa sobrang sakit ng kanyang nakita. Ang bangkay ni Andrew. Hindi na napigilan ni Jude ang damdamin at niyakap niya ang bangkay. “Andrew!!!!!!!”, sigaw ni Jude sa hinagpis habang yakap-yakap ang bangkay ng kaibigan. Umiiyak siya sa hinagpis. Hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kaibigan. Biglaan ang kamatayan ni Andrew. Napaiyak rin sina Rafael at Lenlen. Mahigpit na niyakap ni Jude ang malamig nang bangkay ni Andrew at patuloy pa rin siya sa pagsigaw sa paghihinagpis. SA lamay ni Andrew ay parati na lang tulala si Jude. Halos hindi ito nagsasalita. Kinokomporta naman siya nina Rafael at Lenlen. Nilapitan naman siya ng ina ni Andrew. “Hijo, Jude. ‘Wag ka nang malungkot anak. Siguradong nalulungkot na si Andrew ngayon.”, wika ni Aling Cora na sobra ring naapektuhan sa pagkamatay ng anak. “Kuya Jude, magiging malungkot si Kuya Andrew kapag nalulungkot ka.”, wika naman ni Albert, bunsong kapatid ni Andrew. Hindi pa rin nagsasalita si Jude at umiiyak lamang ito. Nalaman ng mommy niya ang nangyari kaya tinulungan siya nito. Nais ni Jude at ng pamilya ni Andrew na sa pribadong sementeryo ililibing si Andrew. Niyakap ni Aling Cora si Jude at kinomporta. Tumayo siya pagkatapos at dumungaw sa salamin ng kabaong. Pinagmasdan niya ang mukha ni Andrew doon. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi na babalik si Andrew kailanman. Wala na ang matalik at ang pinakamamahal niyang kaibigan. Tatlong araw lang ang lamay at ililibing na si Andrew. Halos maubos na ang luha ni Jude sa kakaiyak habang tinatapunan ng mga bulaklak ang kabaong ni Andrew at unti-unti itong ibinababa sa ilalim ng hukay. Pagkatapos ng libing ay inihatid siya ng mga kaanak ni Andrew sa bahay nito. “Jude, okay ka lang ba hijo?”, tanong ni Aling Cora sa kanya. Tumatango-tango lang si Jude. Naintindihan ni Aling Cora na labis ding naapektuhan si Jude sa pagkamatay ni Andrew. “Maiwan na kita hijo ha. Gusto mo pa bang sumama sa’min?”, tanong ulit ni Aling Cora. “’Wag na po. Dito na muna ako sa bahay.”, mahinang sagot ni Jude. Tumango-tango lang si Aling Cora. Doon na nagsimula ang pagbabago sa buhay ni Jude. Ang dating masayang araw ay napalitan na ng lungkot at hinagpis. Ngayong wala na ang matalik niyang kaibigan na mahal na mahal niya ay ano pa ba ang silbi ng pagiging masaya niya. Wala na ang taong nagpapasaya at kumukumpleto sa bawat araw niya. Kinuha na ng Diyos si Andrew. Wala na ang sayang nararamdaman niya. Wala na. Wala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD