Chapter 10

3559 Words
“’YUN ang kwento ng buhay nina Jude at Andrew, Stephen. Simula noon ay hindi na naging masaya si Jude. Masakit pa rin hanggang ngayon para sa kanya ang pagkawala ni Andrew. How I wish na maibabalik pa sa dati ang sigla ni Jude.”, pagtatapos ng salaysay ni Rafael kay Stephen. Biglang nanlumo si Stephen sa buong kwento sa buhay ni Jude. Ngayong alam na niya ang tunay na pangyayari kay Jude ay naiintindihan na niya ito. Kailangan ni Jude ngayon ng isang kaibigan. “Kung ganun Rafael, kailangan tayo ni Jude ngayon.”, sabi ni Stephen. Tumango-tango lamang si Rafael. MAAGANG nagtungo si Jude sa University para hindi siya ma-late. Alas sais pa lamang ay nandoon na siya. Nag-aaral siya ng ilang lecture notes baka sakaling may quiz sila kalaunan. At dahil maaga pa at tahimik pa ang paligid ay nakapag-aral siya ng maayos. Ilang oras lang ang nagdaan ay siya namang pagdating ng ilan sa mga kaklase niya. “Hi Jude.”, bati sa kanya ni Mae, isa ring kaklase niya. “Hello.”, si Jude na simple lang bumati. He continue his study. Hanggang nagsidatingan na nga ang lahat ng kanyang mga kaklase including Stephen. Si Stephen naman ay palingun-lingon, hinahanap si Jude. Nang makita niya ito ay naalala niya ang ikinuwento ni Rafael sa kanya tungkol sa pangyayari kay Jude noon. Gusto niyang kaibiganin si Jude at talagang gagawin niya ‘yun. Alam niyang mabuting tao ang kaklase niya. Kung noon pa sana niya ito kinaibigan malamang ay hindi na ito nalulungkot ngayon. Nakikita ni Stephen sa mga mata ni Jude ang matinding lungkot sa pagkamatay ng matalik na kaibigan nito. Lalapitan na sana niya si Jude ngunit dumating na ang kanilang instructor at magsisimula na ang kanilang klase. PATUNGO ng canteen si Jude upang kumain dahil tapos na ang kanyang klase. Habang kumakain ay nire-review naman niya ang kanyang mga notes. Pagkatapos kumain ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kanyang mga notes. Medyo sumakit ang ulo niya dahil kanina pa siya nagbabasa. “Ay, kaya pala sumakit ang ulo ko kasi hindi ko suot ang salamin ko.”, nasabi ni Jude sa sarili. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang kanyang eyeglasses. Matagal-tagal na rin niyang hindi ginagamit ang kanyang eyeglasses. Sinuot niya ang kanyang eyeglasses. “Bagay pa kaya sa’kin ‘to? Ano sa tingin mo, Andrew?”, sabi ni Jude. Bigla siyang nanlumo. Nakalimutan niyang wala na pala si Andrew. Nagbuntong-hininga siya. Ipagpapatuloy na lang niya ang pag-aaral mamaya. Kinuha niya ang mga gamit niya at tumayo. Palakad na siya nang makasalubong niya si Stephen. Tinitigan siya ni Stephen in an angelic way. Tumaas ang kanang kilay ni Jude sa nakikitang maamong mukha ni Stephen. Ano na naman kaya ang binabalak ng taong ito? Nagbuntung-hininga si Jude at nilagpasan si Stephen. “Jude, sandali lang.” si Stephen. Nagulat si Jude at huminto. Siya ba talaga ang tinatawag nito? “Maaari ba kitang kausapin?”, ani Stephen in a friendly way. “Kung ano man ang sasabihin mo ay hindi ako makikinig”, hinarap ni Jude si Stephen. “……..kilala na kita Stephen. Hindi mo na mabibilog ang ulo ko. Alam kong may pinaplano ka na namang masama sa’kin eh. I’m sorry pero sa puntong ito ay bistado ko na ang estilo mo!”, inunahan na ni Jude si Stephen. “Hindi Jude. Wala akong gagawing masama sa’yo. Maniwala ka sa’kin, gusto lang kitang makausap.”, pakiusap ni Stephen. “Hindi! Wala tayong dapat na pag-usapan. At sino ka naman para paniwalaan ko? Wala akong tiwala sa’yo!”, sabi ni Jude saka tumalikod at tuluyan nang umalis. Napabuntong-hininga si Stephen. Hindi niya masisisi si Jude sa mga inasal nito sa kanya. Kasalanan niya kung bakit ganun ang trato ni Jude sa kanya. Pero hindi siya titigil. Papatunayan niya kay Jude na handa siyang magbago. “Naiintindihan kita Jude. Pero mapapatunayan ko rin sa’yo na handa akong magbago.”, assurance ni Stephen. Si Jude naman ay hindi makalimutan ang maamong mukha ni Stephen kanina. Muntik na siyang madala sa animo’y mala-anghel na mukha nito kanina ngunit alam na niya ang ibig sabihin nun. Alam niyang babalakin na naman ng Stephen na ‘yun ang mapahamak siya. Talagang ganun ang hatred niya kay Stephen King Roa. Hindi na niya hahayaang saktan siya ng lalakeng ‘yun. Wala itong karapatang saktan ang damdamin niya. Minsan na siyang nasaktan at hindi na ulit hahayaang mangyari ‘yun. Kung nabubuhay pa sana si Andrew ay siguradong ipagtatanggol siya nito. Muli na namang bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. Nakaramdam yata siya ng pangangailangan ng kaibigan. “Andrew, kailangan kita ngayon.”, sa sarili’y naibulong niya. NASA canteen naman si Stephen. Naisip pa rin niya ang mga sinabi ni Jude kanina. Papatunayan niya kay Jude na magbabago rin siya. Naiintindihan niyang wala talagang tiwala si Jude sa kanya dahil sa mga ginawa niya dito noon. Kung kinaibigan lang siguro sana niya si Jude ay wala nang problema. Imbes na tulungan niya ito dahil sa mga pinagdadaanan nito ngayon ay sinasaktan niya ito. Ngayon niya lamang naisip kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan. Tama si Jude. Hindi basta-basta ang isang kaibigan. Dapat malalim ang inyong pinagsamahan at nagtutulungan kayo kahit anong oras. Magandang halimbawa ang pagkakaibigan nina Jude at Andrew noon. Nakaramdam siya ng pagka-inggit dahil sa buong buhay niya ay wala pa siyang maitatawag na bestfriend kahit may mga barkada siya. Ano kaya ang pakiramdam ng pagkakaroon ng bestfriend? Masaya kaya? Siguro nga ay masaya dahil ayon sa kanyang nalaman sa buhay ni Jude ay talagang napakasaya ng magkaroon ng bestfriend. Bumuntong siya ng malalim na paghinga. Tumayo siya at umalis sa canteen. Nang makauwi siya ay sinalubong siya kaagad ng Ate Kate niya. “Oh, Stephen, ba’t ang aga mong umuwi ngayon?”, tanong ni Kate. “Wala na po kaming klase Ate.”, Stephen replied, wala sa mood. Napansin naman ni Kate ang kawalang gana ng kapatid. “Stephen, okay ka lang? May nangyari ba?”, tanong ni Kate. “Wala Ate.”, sabi ni Stephen. Ngayon lang nakita ni Kate na ganoon ang kapatid. Tinanong niya kung in love ba ito. Sumagot naman ito ng hindi. “Ate, masama ba akong tao?”, naitanong ni Stephen sa kapatid. Nagulat si Kate sa tinanong ni Stephen. “H-Ha? Bakit mo naman nasabi ‘yan bunso?”, tanong ni Kate. “Wala lang naitanong ko lang. Kasi walang tiwala sa’kin si Jude.” “Sino naman si Jude?” “Kaklase ko. Naintindihan ko naman siya. Malaki kasi ang kasalanan ko sa kanya. Makikipagkaibigan na sana ako sa kanya pero galit siya sa’kin.” Ngumiti si Kate kay Stephen. “Eh di patunayan mong nagbago ka na. Stephen, kung gusto mo talaga siyang maging kaibigan ay tratuhin mo siya bilang kaibigan at respituhin mo siya bilang siya. Teka nga, ano ba ang nagtulak sa’yo para magbago?”, tanong ni Kate. “Wala Ate. Naisip ko lang, sobra na ang pagiging walang hiya ko. Wala akong pakialam sa mga tao noon. Nananakit pa nga ako, pero si Jude. Siya nagtulak sa’kin para magbago ako ngayon.” Napangiti si Kate. NAKAUWI na rin si Jude sa kanyang bahay. Napaupo siya sa sofa at napabuntong-hininga. Talagang kulung-kulo na ang dugo niya kay Stephen. Kailangan na niya ng dobleng pag-iingat dahil alam niyang may binabalak na namang masama ang lalakeng ‘yun sa kanya. Medyo natatakot siya pero kung ano man ang mangyari ay lalaban siya. Talagang ipamumukha niya kay Stephen na nagkamali ito ng kanyang binangga. “Kung gusto niya ng away ay nakahanda ako. Lalaban ako para sa sarili kong dignidad. Hindi ko hahayaang saktan ulit ako ng Stephen King Roa na ‘yun. Magkamatayan na kami.”, bulong ni Jude sa sarili. Muli siyang bumuntong ng hininga. Muli na naman niyang naalala si Andrew. “Andrew, tulungan mo ako. Diyos ko po, tulungan niyo po ako.”, bulong muli ni Jude. Muli na naman niyang naramdaman ang pangungulila kay Andrew. Naiyak na naman siya. Talagang walang humpay siya sa kakaiyak sa tuwing maaalala niya si Andrew. Kinuha niya sa drawer ang binigay sa kanya ni Andrew noon. Pinatugtog niya yun na humahaplos sa kanyang puso. Lalo niya tuloy na-miss ang kaibigan. “Sana hindi mo na lang sinundan si Hannah, Andrew. Sana kasama pa kita ngayon. Hindi sana ako nalulungkot ng ganito. Mahal na mahal kita Andrew. Mahal na mahal kita.”, halos mamugto na ang mga mata ni Jude sa kakaiyak. Miss na niya ang mga araw na masayang-masaya sila. Maya-maya pa’y nag-ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito. Si Rafael pala ang tumatawag. “Raf?”, si Jude na hindi nagpahalatang umiiyak. “Jude, maaari mo ba akong samahan bukas sa airport? Kung okay lang. Babalik na ako bukas ng Maynila kasi may klase na pala ako kinabukasan.”, nakiusap si Rafael kay Jude. “S-Sige. Sasamahan kita bukas.”,pumayag naman si Jude. “Salamat Jude.” NAUDLOT naman ang sana’y biyahe ni Rafael dahil may banta ng paparating na bagyo. “Patay! Pa’no ‘yan! Hindi ako makakabiyahe ngayon!”, ani Rafael. “Palipasin na muna natin ‘tong bagyo. Baka wala na ‘to bukas.”, sabi ni Jude. “Paano ang klase ko Jude, baka may ma-miss akong activity.”, sabi ni Rafael. Bumuntung-hininga si Jude. “’Wag ka na munang bumiyahe please, Rafael. Ayokong….. matulad ka kay Andrew.”, bumakas ang lungkot sa mukha ni Jude. Napansin naman ‘yun ni Rafael. “Sorry Jude. S-Sige, palipasin na muna natin ang bagyo. Hmm, how about dinner date mamaya? Treat ko.”, ani Rafael. Gusto niyang mawala ang lungkot sa mukha ni Jude. “Sigurado ka diyan Rafael? First time kong makipag-dinner date.”, sabi ni Jude. Ngumiti si Rafael. “Oo naman, siyempre. So ano, deal?” “Deal”, this time ay ngumiti na si Jude. Dumating ang gabi at dinner date nina Jude at Rafael. Sa isang Korean Restaurant sila magdi-dinner date. “Hanguk Shiktang”, binasa ni Jude ang Korean inscription ng restaurant na ikinagulat ni Rafael. “Ano ‘yun Jude?”, tanong ni Rafael. “Hanguk Shiktang, meaning Korean Restaurant”, sagot naman ni Jude. “Nababasa mo ang Korean letters?”, tanong ulit ni Rafael. “Oo naman. I’ve been studying Korean for two years. Self study nga lang. ‘Di ko na ipinaalam sa inyo.”, sabi ni Jude. “Akala ko Spanish lang ang alam mo.”, sabi ni Rafael. Ngumiti lamang si Jude. Nasa loob na sila ng restaurant. Umupo sila sa isang vacant space doon. “Alam mo Raf, I’m sure hindi ako malulungkot one of these days. Pinasaya mo kasi ako eh.”, sabi ni Jude. “Kung dito lang sana ako pinag-aral ni mama ay masasamahan kita palagi Jude. Mabuti kang kaibigan at matulunging tao. Hanga nga ako sa’yo eh dahil mabait ka. Masuwerte kami nina Lenlen at Andrew dahil kaibigan ka namin.”, buong pusong sabi ni Rafael. “Kung buhay pa siguro si Andrew ay kasama ko siya ngayon sa pag-aaral. Kung pwede lang sana next semester ay mag-transfer ako ng school.”, sabi ni Jude. “Bakit naman Jude?” “Basta Raf, sige na nga, mag-order na tayo.” Lumapit ang isang koreanong waiter. “Hwohaui jumuneul badahamnida?”, sabi ng koreano. “Ano raw Jude?”, tanong ni Rafael. “May I take your order daw.”, sagot naman ni Jude. “Ah ganun ba.” Nag-order naman si Rafael pati na rin si Jude. It takes 10 minutes bago dumating ang order nila. Nang dumating ang order nila ay nagkwentuhan sila habang kumakain. “Alam mo Raf, talagang pinasaya mo ako ngayon. Magdadalawang buwan na mula no’ng mamatay si Andrew. I admit hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya.”, si Jude. Hinawakan ni Rafael ang kamay niya. “Jude, hindi natin alam ang hangganan ng isa’t-isa. ‘Yun na nga ang kapalaran ni Andrew. Kahit ako nasaktan rin no’ng mawala si Andrew pero tinanggap ko na ‘yun. Pero sa sitwasyon mo Jude, naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap ang pagkawala niya dahil malapit kayo sa isa’t isa at isa pa, mahal mo siya. Hindi ganun kadali ang tanggapin ‘yun para sa’yo.”, sabi ni Rafael. Jude gave him a half smile. Pero bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa sila’y matapos. Bumalik na rin si Rafael sa Maynila tatlong araw ang lumipas. LUMIPAS ang isang buwan ay marami na ang pinagbago. Ngunit si Jude ay ganun pa rin. Inaatupag pa rin ang pag-aaral niya dahil ‘yun lamang ang kanyang ginagawa. At kapag tapos naman siyang mag-aral ay nagsusulat siya ng nobela kapag may konting oras pa. Apat na lugar lamang ang pinupuntahan niya sa buong eskwelahan; ang library, canteen, student lounge, at ang scheduled room ng mga subjects niya. Minsan ay nakita siya ni Venus sa student lounge na nag-aaral. “Oh Jude, hello. May quiz ba tayo mamaya kaya ka nag-aaral?”, tanong ni Venus. “Wala naman tayong quiz mamaya Ven. Nag-a-advance study lang ako.”, sagot naman ni Jude. “Ah ganun ba. Naku tatalino ka na talaga niyan. Kung sabagay, matalino ka naman talaga Jude.”, puri ni Venus sa kanya. “Di naman. Nag-aaral lang.” Venus changed the topic. “Jude, pansin ko lang, ba’t panay ang lapit ni Stephen sa’yo? Kinukulit ka ba ng mokong na ‘yun?”, tanong ni Venus. Bumuntong-hininga si Jude. “Ewan ko sa lalakeng ‘yun. Wala akong pakialam sa kanya.”, sabi ni Jude. Ngumiti si Venus. “Sa pakiwari ko’y kinakaibigan ka ni Stephen at tsaka feeling ko sincere siya sa’yo Jude.”, si Venus. “May binabalak na namang masama ‘yang Stephen na ‘yan. Alam ko na ang istilo niya. Oras na mapahamak ulit ako ay humanda siya. Hindi ko siya sasantuhin.”, may galit sa tinig ni Jude. Napangiwi si Venus. “Ang lakas kasing mam-bully niyang si Stephen akala mo kung sino. Hayaan mo na lang Jude. Tama ‘yang ginagawa mo. ‘Wag mo siyang pansinin.”, ani Venus. Hindi alam ng dalawa na kakarating lang ni Stephen sa student lounge. “Speaking of the devil”, sabi ni Venus. Napalingon si Jude at nakita niya si Stephen. Ngumiti si Stephen kay Jude. Pinandilatan niya ito at tumayo. “Tayo na Ven, nagugutom na ako. Sa canteen tayo.”, ani Jude. “Halika na”, si Venus. Lumakad ang dalawa at naiwan si Stephen na lumung-lumo. “Naiintindihan kita Jude. Pero pinapangako ko, babawi ako sa ginawa ko sa’yo. Magiging kaibigan kita at kapag nangyari ‘yun, gagawin ko ang lahat upang protektahan ka. Sa mga pinagdaanan mo ay kailangan mo ng taong puprotekta sa’yo, at ako ‘yun Jude. Babawiin ko lahat ng mga ginawa kong mali sa’yo.”, bulong ni Stephen sa kanyang sarili. Palakad-lakad lamang si Jude at nakasalubong niya ang tatlong bakla at hinarangan siya. Nagtataray ang mga ito sa kanya “B-Bakit?”, pormal na tanong ni Jude. “Anong bakit? Sisters, siya ‘yung sinasabi kong nilalapitan ni Stephen ngunit nagpapakipot.”, sabi ng isang baklang si Dana. “Siya ba ‘yan? Ew! Nagpapakipot siya sa gwapong si Stephen King Roa? Hoy, baklang hampaslupa! ‘Wag ka ngang O.A sa harapan ni Papa Stephen! Hindi bagay sa’yo!”, pangungutya ng baklang si Fernie. “Oo nga! Ew! Kapal mo ha!”, second demotion naman ng baklang si Seline. Imbes na lumaban ay nagbuntung-hininga na lamang si Jude at kalmadong pinagsabihan sila. “Hinaharangan niyo ba ako dahil lang kay Stephen? Kung gusto niyo sabihin ko pa sa kanya na sa inyo ipukol ang atensiyon niya. Hindi ko naman siya sinasabihan na lumapit sa’kin. Isa pa, hindi ako nagpapakipot. Sadya ko lang ipinapakita na ayoko sa kanya at wala akong pakialam sa kanya. So, pwede na ba akong dumaan?”, pormal na pagkasagot ni Jude. “Aba! sisters, sugurin siya.” Pinagtutulungan nila si Jude hanggang sa mahulog ang mga dala nito. Dumating naman si Stephen sa eksena at nakita niyang pinagtutulungang awayin si Jude ng tatlong malalanding bakla. “Hoy!”, sigaw ni Stephen. Natigil ang tatlong bakla sa ginagawa nila kay Jude. Lumapit si Stephen at pinagsisita ang mga bakla. “Kung wala kayong magawa sa buhay niyo ay umalis na kayo dito! Maghanap kayo ng mga lalakeng papatol sa kalandian ninyo! Sa susunod na saktan niyo ulit ang kaibigan ko ay iisa-isahin ko kayo! Alam niyo naman siguro ang ginagawa ko sa mga taong ayaw ko!”, galit si Stephen. Nanlumo ang tatlong bakla at napahiya. Umalis sila dala ang kahihiyan. “Okay ka lang Jude? Sinaktan ka ba nila ng husto?”, may pag-aalala sa tinig ni Stephen hinawakan niya si Jude. “Bitiwan mo ako! Kaya ko ang sarili ko!” “Anong ginawa nila sa’yo?” “Pwede ba! Kung makaasta ka ay parang kaibigan kita! Dahil sa’yo kaya nila ako inaway! May gusto yata sa’yo! Ewan ko! Wala akong pakialam. Pwede ba lubayan mo na ako! Dahil sa’yo napapahamak ako eh!”, pagkatapos no’n ay inirapan niya si Stephen at umalis. Nanlumo naman si Stephen. Dahil pala sa kanya kaya siya inaway ng tatlong bakla. Sinundan na lamang niya ng tanaw si Jude. Si Jude ay iiling-iling. Nagulat siya sa nangyari sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Pinagtanggol siya ni Stephen? Isa ba ‘yun sa plano ng lalakeng ‘yun? Ang kunwari’y ipagtanggol siya? O talagang totoong pinagtanggol siya nito? Bumuntong siya ng hininga. Baka isa na naman ‘yun sa plano ni Stephen at pagkatapos no’n ay sasaktan muli siya. Hindi na niya hahayaan ang lalakeng ‘yun na saktan muli siya. Lumakad muli siya. Uuwi na muna siya dahil mamayang hapon pa ang susunod niyang klase. NAGTUNGO si Stephen sa gym ng school at may tinatawagan. Nais niya sanang tawagan si Rafael dahil binigyan siya nito ng cellphone number nang mag-usap sila nito noong nakaraang buwan. Sinagot naman ‘yun ni Rafael na kasalukuyang naglalakad sa pasilyo ng kanilang classroom sa Maynila. “Sino’to?”, si Rafael. “Rafael, si Stephen ito. ‘Yung kaklase ni Jude.”, ani Stephen. “Oh, Stephen, napatawag ka?”, ani Rafael. Sinabi ni Stephen ang lahat ng kanyang concerns tungkol kay Jude. “Alam mo Stephen, mabait si Jude, magtiwala ka sa’kin. Pero dahil sa ginawa mo sa kanya ay mahihirapan ka talagang kaibiganin siya.”, sabi ni Rafael. “Pero nais ko pa rin siyang maging kaibigan Rafael.”, sabi ni Stephen. “’Wag ka lang susuko. Maniwala kang mabuting tao si Jude, Stephen. Ipakita mo lang sa kanya na sincere ka.”, sabi ni Rafael at nawala na sila sa linya. Maya-maya lamang ay tinawagan siya ni Jasson at sinabing pinatatawag siya ng Faculty. “Bakit raw?”, tanong ni Stephen. “Ewan ko sa Dean natin. Basta pinatatawag ka.”, sabi ni Jasson. Bumuntong-hininga si Stephen at lumakad siya papuntang Faculty Office. Nang makarating doon ay pormal siyang pumasok sa Dean’s office. “Good Morning, Dean De Silva. Pinatatawag niyo raw po ako?”, pormal na tanong ni Stephen. “Have a sit Mr. Roa”, tumaas ang kilay ng Dean sa kanya. Biglang kinabahan si Stephen at napaupo sa magkalapit na silya. Nagsimulang magsalita si Dean De Silva. “May natanggap akong incident report that occur about a month ago. Ikaw responsible nito.”, si Dean De Silva. “Po?”, nagulat si Stephen. “Binuhusan mo ng dugo ng baboy si Mr. Miranda. At hindi lang ‘yun, sinadya mo rin siyang idapa’t ipahiya. Alam mo bang nauntog ang ulo niya sa semento. Buti na lang at walang blood clot sa kanyang ulo. May nag-report sa’kin ng insidenteng ‘yun at isa sa mga Clinical Instructors natin ang nakakita sa ginawa mo. Ngayon niya lang ito sinabi.”, may galit sa tinig ng Dean. Napalunok si Stephen. “D-Dean, h-hindi ko po…. sinasadya ‘yun. Maniwala po kayo sa’kin.”, si Stephen na kinabahan. “I’m so sorry Mr. Roa. One of these days ay ipatatawag ko dito si Mr. Judelo Miranda. I-expel na kita sa college na ito.”, sabi ng Dean. “Po? ‘Wag po! ‘Wag niyo pong gawin sa’kin ‘to! Please give me another chance to correct my mistakes Dean. Please!”, nagmakaawa si Stephen. Umiling-iling lamang ang kanilang Dean. “I’m so sorry Mr. Roa, but that’s my decision. Kesa makapanakit ka ulit ng mga kaklase mo and other students here.”, pagtatapos ni Dean De Silva. Lumabas si Stephen ng Faculty office at parang nawala siya sa isip. Ano na lang ang sasabihin ng Ate Kate niya na na-expel siya sa University. Gusto niyang mapaiyak at bumalik kay Dean De Silva upang magmakaawa. Ano na ngayon ang gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD