Chapter 11

1767 Words
KAUSAP ni Stephen ang barkadang sina Alex at Ken sa canteen. Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Stephen na expel na siya University. “Seryoso ka ba diyan Stephen? Talagang expel ka na sa University? Pa’no nangyari ‘yun?”, gulat na tanong ni Alex. “Dahil sa ginawa ko kay Jude kaya ako na-expel.”, malungkot na wika ni Stephen. “What? Si Jude? You mean si Judelo Miranda? Nagsumbong siya?”, si Ken. “Hindi. Hindi si Jude. Mismong mga Clinical Instructor namin. Natatakot ako ngayon.”, wika ni Stephen. Ngayon lamang nakita ng dalawang lalake kung pa’no kabahan at matakot si Stephen. “Ngayong ma-e-expel na ako, siguro naman magiging masaya na si Jude.”, sabi ni Stephen. “No bro! Dapat sabihin mo sa kanya ito. Or magmakaawa ka sa kanya.”, si Ken. “No need. Ayoko nang guluhin si Jude. Lalo lamang siyang magagalit sa’kin.”, wika ni Stephen. Bumuntong hininga ang dalawang lalake. Talagang nagbago na nga si Stephen. Hindi na ito ang dating Stephen na nakilala nila na masungit at masama ang ugali. Sa tingin nila’y si Jude ang nagpabago nito. “Aalis na ako guys. Sa tingin ko may tatlong araw pa ako upang manatili sa University.”, wika ni Stephen sa malungkot na tinig. Umalis na nga ito. Nagkatinginan naman ang dalawang lalake. “Alam mo Ken, dapat kausapin natin si Jude. Siya lang ang makakatulong kay Stephen this time. Saan kaya siya?”, ani Alex. “Dude, mag-a-alas singko na. Hindi na nga pumasok si Stephen sa four o’clock niyang subject. I think umuwi na si Jude. Kausapin natin siya ng maayos bukas.”, ani Ken. MAAGANG pumasok si Jude sa University. Papasok na sana siya sa scheduled classroom nila nang makasalubong niya sina Venus, Emmie, at Dianne at sinabing walang klase sa subject nilang ‘yun ngayon. Napangiwi si Jude. “Yay! Bakit naman?”, si Jude na napangiwi. “May emergency si Ma’am Garcia ngayon Jude. Next week pa ang balik niya.”, sabi ni Dianne. “Ay ganun ba.”, si Jude. “Sama ka sa’min sa canteen?”, si Venus. “Sige, habang ‘di pa ako kumakain ng breakfast.”, ani Jude. Sumama siya sa tatlo niyang classmates. Pagdating sa canteen ay kumain sila. Kinuha naman ni Jude ang mga notes niya sa bag. “Jude, hayan ka na naman. Mag-relax ka nga muna. I’m sure memorize mo na ‘yan.”, ani Venus. “Wala kasi akong magawa eh.”, ani Jude. “Mag-relax ka muna. How about playing a guitar. May dala akong gitara.”, ani Dianne. “Good. Marunong akong mag-guitar.”, ani Jude. “Cool.”,ani Emmie. Binigay ni Dianne ang gitara niya kay Jude. Nag-iisip naman si Jude ng kakantahin. “Now and Forever kaya ni Richard Marx.”, si Jude. “Sige paborito ko ‘yan”, wika naman ni Venus. Ngumiti si Jude at nagsimulang kaskasin ang gitara at kumanta. Whenever I'm weary from the battles that rage in my head You make sense of madness when my sanity hangs by a thread I lose my way but still you seem to understand Now and forever I will be your man. Sometimes I just hold you Too caught up in me to see I'm holding a fortune that heaven has given to me I'll try to show you each and every way I can Now and forever I will be your man Now I can rest my worries and always be sure That I won't be alone anymore If I'd only known you were there all the time All this time Until the day the ocean doesn't touch the sand Now and forever I will be your man Now and forever I will be your man Tinapos ni Jude ang kanta. Natulala naman ang tatlong babae sa kanya. “Bakit?”, napatanong si Jude. “Ang ganda ng boses mo Jude. Ibang klase! Ikaw na talaga.”, puri ni Venus sa kanya. Sumang-ayon naman ang dalawa. Jude gave them a half smile. “Sana noon ko pa ito kinanta.”, sabi ni Jude. “Galing mo talaga Jude. Sumasali ka ba sa mga singing contest?”, tanong ni Emmie. “Ay naku hindi. Hindi ako sumasali diyan.”, si Jude. “Bakit naman. Eh sayang ang boses mo.”, si Emmie. Ngumiti lamang si Jude. “Punta lamang ako ng rest room. Maghuhugas lang ako ng mga kamay.”, si Jude. “Sige.” Tumayo si Jude at magtutungo ng rest room. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang dalawang barkada ni Stephen na sina Ken at Alex. “Oh Jude.”, si Ken. Jude rolled his eyes. Lalagpasan sana niya ang dalawang lalake ngunit pinigilan siya ng mga ito. “Jude sandali lang.”, si Ken. “Ano ba’ng kailangan niyo sa’kin?”, seryosong tanong ni Jude. “May ipapakiusap lang sana kami sa’yo. ‘Wag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan. Wala kaming intensiyong masama ‘sa’yo. Promise!”, sabi ni Ken. “Ano ba ang dapat natin na pag-usapan?” “Tungkol ito kay Stephen.”, si Ken. Inirapan ni Jude si Ken. “Kung tungkol ito sa walang modong lalakeng ‘yun, mas mabuti pang umalis na ako.” “No Jude! Makinig ka muna sa’min please? Alam mo ba’ng ma-e-expel na si Stephen sa school?”, si Ken. “Ano!”, hindi naitago ni Jude ang pagkagulat. “Totoo Jude. Hindi kami nagbibiro.”, ani Alex. “At ano naman ang dahilan kung bakit siya ma-e-expel?”,pormal na tanong ni Jude. “Dahil sa mga ginawa niya sa’yo Jude. Nalaman kasi ng Dean ninyo ang nangyari sa’yo no’ng binuhusan ka namin ng dugo ng baboy at idinapa doon malapit sa may cashier. Patawarin mo sana kami sa ginawa namin.”, paumanhin ni Ken. Bumuntong-hininga si Jude. “So ako pala ang dahilan ng pagkaka-expel niya dito sa University.”, pormal na sagot ni Jude. “Hindi naman sa ganun Jude. Kaya kami lumapit sa’yo dahil ikaw lang ang makakatulong sa kanya.”, ani Ken. “Wala na akong magagawa diyan. Kung desisyon ‘yun ni Dean Dolores De Silva ay talagang wala na akong magagawa.”, ani Jude. “Hindi ka ba naaawa kay Stephen, Jude? Maawa ka naman sa kanya. Alam mo bang nagbago na siya dahil sa’yo. Pinipilit niyang maging isang mabuting tao dahil na-realize na niya ang mga pagkakamali niya. Sa pakiwari nami’y ikaw ang naging dahilan ng pagbabagong ‘yun ni Stephen. Bigyan mo siya ng pagkakataon Jude. Please.”, sabi ni Alex. “Hindi ko naman sinabing magbago siya.”, sabi ni Jude. “Nagbabago ang isang tao Jude,alam mo ‘yan.”, ani Ken. Hindi na lamang nagsalita si Jude. Bumuntong-hininga na lamang siya. NASA student lounge si Jude at nag-iisip. Sa totoo lang ay naaawa naman siya kay Stephen. Hindi naman siya pusong bato para hindi kaawaan ang kaklase. Ayaw niyang ma-expel si Stephen nang dahil lang sa kanya. Ayaw niyang mawalan ng kinabukasan ang isang tao nang dahil lamang sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumuntong-hininga. Nakapagdesisyon na siya. Pupuntahan niya ngayon ang kanilang Dean nang sa ganun ay makiusap siyang ‘wag i-expel si Stephen. Gagawin niya ang sa tingin niya’y tama. Tumayo siya at kinuha ang kanyang mga gamit at pupunta siya ngayon sa Faculty Office. Nakailang buntong hininga na ba siya? Ewan niya, he did not count it. Nakarating siya sa may pintuan ng Faculty Office. Kumatok siya ng dalawang beses at pumasok. “Good morning Clinical Instructors.”, pumormal si Jude. “Good morning Mister Miranda. What can we do for you?”, tanong ng isang Clinical Instructor na si Mrs. Gazilda. “May sadya ako kay Dean, Ma’am.”, si Jude. “Nasa loob ng office niya si Dean. Kumatok ka muna at pumasok.”, sabi ni Mrs. Gazilda. “Sige po. Salamat.” Kumatok siya sa pintuan ng Dean’s office. “Come in.”, narinig ni Jude na sinabi ng Dean. Binuksan ni Jude ang pintuan at nakita niya si Dean Dolores De Silva na nakaupo sa silya nito. Ngumiti ang Dean sa kanya. “Oh, Mister Judelo Miranda.”, si Dean De Silva. “Good morning po, Dean.”, bumati ng pormal si Jude. “Good morning. Have a sit.”, ang Dean. Umupo si Jude sa tapat ng Dean. “Hindi pa kita ipinatatawag Mister Miranda but it seems that you know already.”, sabi ng Dean kay Jude na hindi naitago ang pagkabigla nang dumating si Jude. Pumormal si Jude. “Kaya po ako nandito dahil nalaman ko pong i-e-expel niyo na raw po si Stephen Roa?”, si Jude. “Yes, Mister Miranda. I am expelling him because of what he has done to you before. Hindi tama para sa isang Nursing Student ang manakit ng kanyang kapwa lalo na ang kanyang kapwa Nursing Student.”, wika ni Dean De Silva. Bumuntong-hininga si Jude. “Dean, I am here to… defend him. Totoo po ang ginawa niya sa’kin pero hindi niya po’yun sinasadya. Alam ko pong hindi tama ang ginawa niya sa’kin but Mister Stephen King Roa right now is trying his best to correct all his mistakes. Dean, please give him another chance. ‘Wag niyo po siyang i-expel. Ayoko pong mawalan ng kinabukasan ang isang tao nang dahil po sa’kin.”, wika ni Jude. Nagulat ang Dean sa kanya. Napangiti ito. “Sure ka ba sa sinasabi mo, Mister Miranda?”, tanong ng Dean sa kanya. “Opo. I believe that Mister Roa is a good person Ma’am. Please give him another chance by not expelling him from this University.”, ani Jude. Napangiti ang Dean sa kanya. Nakikita ng Dean kung gaano kabuti ang puso ni Jude na kahit sinaktan siya at ipinahiya ay tinutulungan pa rin niya ang mga taong nanakit sa kanya. “Kay buti mong bata Mister Miranda. I’m proud of you. Alright, as the Dean of the College of Nursing, I will not going to expel Mister Stephen King Roa in this course.”, the Dean declared. Napangiti si Jude. “Thank you so much Dean.”, tumayo si Jude at nag-shake hands silang dalawa ni Dean Dolores De Silva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD