Chapter 12

4678 Words
THREE days later, sa kanilang TFN class ay si Jude pa lamang ang nasa classroom nila. Maya-maya lamang ay dumating na si Stephen sa classroom. Malungkot ito ngayon. Napatingin naman si Jude sa kanya. Hindi maitago ni Jude ang awa kay Stephen pero ayaw niyang magpahalata, baka kung ano ang isipin ni Stephen. Nais niya itong lapitan pero pinipigilan siya ng kanyang isip. Maya-maya lamang ay nagsidatingan na ang kanilang mga kaklase. “Last day ko na yata ‘to.”, narinig ni Jude na sinabi ‘yun ni Stephen. Dumating naman ang kanilang Clinical Instructor. Bumati naman sila dito. “I’m calling the attention of Mister Stephen King Roa.”, tawag ni Mrs. Rivera kay Stephen. “Alam ko na po ‘yan Ma’am. Last day ko na ‘to at ma-e-expel na ako.”, malungkot na wika ni Stephen. “Yes, it’s about your expulsion. But Mister Roa, wala na ang ipinataw na expulsion sa’yo. Mi hindi nga nilagyan ng Dean na isa na lamang ‘yung warning. You are considered as clean record.”, wika ni Mrs. Rivera sa kanya. Nagulat si Stephen sa narinig. Totoo ba ‘yun? “Ma’am, t-totoo po ba ‘yun?”, kinukumpirma ni Stephen. “Yes, Mister Roa. Totoo ang mga sinasabi ko”, nakangiting sabi ni Mrs. Rivera. “Thank you so much Ma’am. Maraming salamat.”, taos-pusong nagpapasalamat si Stephen. “Wag ka sa’kin magpasalamat Mister Roa. Kay Mister Miranda ka dapat magpasalamat dahil siya mismo ang lumapit kay Dean na hindi ka na i-expel. Mabuti tao talaga si Mister Miranda.”, pinuri ni Mrs. Rivera si Jude. Tumahimik lamang si Jude. Napangiti si Stephen. Si Jude pala ang tumulong sa kanya na mawala ang expulsion niya. Utang niya kay Jude itong lahat. Pagkatapos ng kanilang klase ay hindi nag-atubili si Stephen na lapitan si Jude upang magpasalamat dito. “Jude, maraming salamat talaga. Utang ko sa’yo lahat ‘to.”, wika ni Stephen. “Ginawa ko lang kung ano ang tama, Stephen. Ayokong ma –expel ka nang dahil sa’kin. Unfair naman yata ‘yun.”, walang emosyong sabi ni Jude. “Basta Jude, maraming salamat talaga. May ginintuan kang puso. Mabuti ka talagang tao Jude.”, ani Stephen. Jude gave him only a half smile. Umalis na rin ito. Sinundan siya ng tanaw ni Stephen at ngumiti siya kay Jude. “Salamat talaga Jude.”, bulong ni Stephen. BUMUNTONG ng hininga si Jude. At least may nagawa siyang kabutihan sa kanyang kaklase kahit na inaapi siya nito. Pero napag-isip-isip din si Jude. Bakit kaya ang bait-bait na ni Stephen sa kanya? ‘Di kaya may pinaplano na naman ito? “Ang sama ko naman kung mag-isip.”, nasabi ni Jude sa kanyang sarili. Pero hindi niya masisisi ang kanyang sarili na hindi magtiwala kay Stephen. Hindi lang sa unang beses siya nito sinaktan at pinahiya. Pero sa totoo lang ay nararamdaman niya ang pagbabago ni Stephen at ramdam niya ang pagiging sensiro nito. Ano naman rin kaya ang dahilan ng pagiging mabait nito sa kanya? Siguro nakapag-isip-isip din ang gagong ‘yun na masama ang kanyang pag-uugali at wala mi sino man ang gaganahan sa ugali niyang masama. Nakailang buntung-hininga na naman siya at palakad-lakad lamang. Papunta siya sa Arts and Science Building dahil may i-ri-research lang siyang information para sa kanyang assignment. Nandoon kasi ang Computer and Internet Laboratory. Pagkarating doon ay ipinikit niya ang mga mata niya. Nagdadalawang-isip siya kung papasok ba siya sa Computer Lab o hindi na. Tutal e next week pa ipapasa ‘yun. Parang tinatamad si Jude nang mga panahong ‘yun. “Bukas ng umaga na lang. Gusto ko munang magpahinga sa bahay.”, bulong ni Jude sa sarili. Umalis siya at uuwi ng kanilang bahay. Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa bahay nila dahil sumakay lamang siya ng jeep. Napaupo siya sa sofa at lumabas ng napakalalim na hininga. Hindi niya alam kung bakit pagod siya. Wala naman siyang ibang ginawa sa kanilang klase kanina. He felt sleepy. Di naglaon ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at napahiga sa sofa. Napahimbing ang tulog ni Jude. Limang oras lang pala ang tulog niya kanina dahil sa pag-aaral. Palapit na kasi ang Exams nila. “ANG sarap ng sariwang hangin”, sabi ni Jude. Niramdam niya ang malamig na simoy ng hangin sa barko. Masarap sa pakiramdam. Maganda ang tanawin. Napangiti siya. “Jude!”, may tumawag sa kanya. Isang pamilyar na tinig. “Oh, Andrew, saan ka galing?Kanina pa ako naghihintay sa’yo dito.”, sabi ni Jude. “Sorry ha. Nilibot ko lang kasi ang buong barko.”, paliwanag ni Andrew kay Jude. “Oh, bakit mo naman nilibot ang barko?”, napangiti siya. “Para kang bata.” Tumingin-tingin sa palibot si Andrew. May hinahanap siya. “Nakita mo ba si Hannah, Jude?”, tanong ni Andrew. “Hindi. Kasama mo pala siya?” “Oo Jude. Magkasama kami.” Tumango-tango lang si Jude. Maya-maya lamang ay nakita ni Andrew si Hannah na tumatakbo. “Hannah!”, tawag ni Andrew kay Hannah. Ngunit hindi ito lumingon. Nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo. Hinabol naman siya ni Andrew. “Andrew, saan ka pupunta?” Ngunit nagpatuloy lamang sa pagtakbo si Andrew. “Andrew!” Ngunit malayo na ito. Bumuntong siya ng hininga. Nais niyang umiyak. Umupo na lamang siya sa metal bench ng barko. Maya-maya lamang ay may dumampi sa kanyang balikat at tumabi itong umupo sa kanya. Si Andrew. “Oh, ang akala ko ba’y hinahabol mo si Hannah?”, si Jude. “Hindi ko na siya inabutan Jude. Alam mo, masaya ako’t nandito ka.”, ani Andrew. “Ako rin naman ah. Andrew, kahit nasaan ka pa ay nandoon lang ako.”, Jude replied. “Sana mabasa mo ‘yung sulat ko Jude para sa’yo.”, sabi ni Andrew. “Sulat? Anong sulat naman ‘yun Andrew?” Ngumiti lamang si Andrew. “Malalaman mo ang katotohanan doon Jude.”, ang huling sinabi ni Andrew. “Hindi kita maintindihan.” Tumayo si Andrew at umalis. “Andrew! Andrew!” “ANDREW!”, biglang nagising si Jude mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nananaginip siya at si Andrew ang kanyang napanigipan. Muli na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Napanaginipan niya ang kaibigang pinakamamahal niya. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya. Talagang sobrang nami-miss na niya si Andrew. “Andrew, sana hindi ka na lang namatay. Sana nalaman mo na lang na mahal kita.”, sabi ni Jude habang humihikbi siya sa kakaiyak. Kung sana ay sinabi niya kay Andrew ang lahat ng kanyang nararamdaman ay di sana ay buhay pa ito. Natatakot lang kasi siyang baka layuan siya ni Andrew at kamuhian. Takot siyang mawasak ang kanilang pagkakaibigan nang dahil lang sa minahal niya ang kanyang kaibigan. Hindi na siya tumigil sa pag-iyak no’n. Pagkatapos nang ilang oras ay bumalik siya sa eskwelahan. Hindi na niya namalayan na mugto na pala ang kanyang dalawang mata niya sa kakaiyak. Alas tres y media pa lang at alas cuatro y quince pa ang klase niya pero nasa classroom na siya. Nandoon na si Stephen na nakikipagtalakan sa kanyang mga kaibigan na kaklase din nila. “Si Jude oh.”, ani Ivan, isa sa kaklase nila. Lumingon si Stephen. Si Jude nga. Napangiti naman siya. Nilapitan niya ito. “Hi Jude!”, binati niya si Jude in a friendly way. Lumingon lang si Jude sa kanya at hindi kumibo. “Jude, ayos ka lang? Teka, ba’t mugto ang mga mata mo?”, may pag-aalala sa tinig ni Stephen. “Wala ‘to. ‘Wag ka nang magtanong dahil wala ka rin lang namang alam at wala kang pakialam”, sabi ni Jude. “Papa’no ko malalaman ang problema mo kung hindi mo sinasabi sa’kin?”, talagang nag-aalala si Stephen. “Pwede ba bumalik ka na doon si kinauupuan mo Stephen. Wala ‘to at kailan ka pa naging concern sa’kin?”, ani Jude. “Concern ako sa’yo dahil kaklase kita at….. kaibigan mo ako”, sabi ni Stephen. Sa puntong ‘yun ay dumating na ang kanilang instructor. Napilitan naman si Stephen na bumalik sa kanyang kinauupuan. Magsisimula na ang kanilang English 1 na subject. NANG matapos ang kanilang English 1 ay dali-daling piunutahan ni Stephen si Jude upang ipagpatuloy ang naudlot na konbersasyon nilang dalawa. “Jude! Jude! Sandali!”, hinabol niya si Jude. Takang-taka naman si Jude. Talagang hindi siya tinitigilan ng lalakeng ito. “Ano na naman ba ha! Stephen!”, may halong galit sa tinig ni Jude. “’Yung tinatanong ko kanina. Hindi mo pa’yun sinasagot”, si Stephen. Bumuntong-hininga si Jude. “Sinagot ko na ang katanungan mo kanina pa.”, sabi ni Jude. “Pero hindi ‘yun ang tamang sagot Jude. Alam mo ba’ng nag-aalala ako sa’yo. Tingnan mo, namumugto ang mga mata mo. Alam kong umiyak ka kanina. Sa anong dahilan?”, nag-aalalang sabi ni Stephen. “At ano naman ang dahilan mo upang mag-aalala ka sa’kin? Eh halos nga noon ay patayin mo na ako dahil sa sobrang disgusto mo sa’kin! Ngayon ay takang-taka ako sa mga kinikilos mo! Kung ano man ‘yang binabalak mo ay ‘wag mo nang ituloy. Tinulungan na kita minsan dahil diyan sa sobrang kagaspangan mo.”, ani Jude. Tumalikod ito at akmang aalis na nang biglang magsalita si Stephen. “Alam kong hindi mo pa rin matanggap ang pagkamatay ng kaibigan mong si Andrew kaya ka nagkaganyan.”, sinabi na ni Stephen ang dapat sana niyang sabihin. Nanlaki ang mga mata ni Jude at hinarap si Stephen. “Papa’no mo nalaman ang tungkol kay Andrew? Pa’no mo siya nakilala?”, may authority sa tinig ni Jude. “Nalaman ko sa kaibigan mong si Rafael. Kinwento niya sa’kin ang buong pangyayari tungkol sa’yo at kay Andrew. Lumapit ako sa kanya nang malaman kong kaibigan mo siya at doon ko nalaman lahat”, sabi ni Stephen. Tinitigan lamang ni Jude si Stephen. Pagkatapos ay nagsalita siya. “Ngayong alam mo na ang kwento ng buhay ko, tigilan mo na ako. Wala kang makukuha sa’kin Stephen.”, pagkatapos no’n ay tumalikod na si Jude. Umalis na siya. Nagbabadya na namang tumulo ang kanyang mga luha ngunit pinipigilan niya. Nagpapakamanhid ba siya? Sa totoo lang ay gusto na niyang kaibiganin si Stephen pero pinipigilan niya ang sarili. Baka kung magkaibigan na sila ay mawawala din ito katulad ni Andrew. “I’m so sorry Stephen.”, bulong ni Jude sa sarili. NAGTUNGO si Jude sa Arts and Science Building. Palakad-lakad lamang siya at hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya doon. Sa puntong ‘yun ay parang kinakabahan siya. Tila may sumusunod sa kanya. Sa pakiwari niya’y si Stephen ang sumusunod sa kanya pero kakaiba. Parang masamang tao talaga ang sumusunod sa kanya. Alas sais y media na ‘yun ng gabi at nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Maya-maya lang ay may dumampi sa kanyang balikat. Napatili siya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makilala niya ang sumusunod sa kanya. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”, gulat na may halong takot sa tinig ni Jude. “Kay tagal kitang hinanap at dito ka lang pala nag-aaral Jude.”, anya ng lalake. “Sinusundan mo ako Mark?”, si Jude. Si Mark pala ang sumusunod kay Jude. Si Mark ang dating manliligaw ni Hannah. Walang hinangad ito kundi ang mapaghiwalay sina Andrew at Hannah. Kaya niya hinahanap si Jude dahil sa paghihiganti nito. Paghihiganting dapat sana ay ginawa na niya noon pa. “Condolence Jude. Patay na pala si Andrew. Patay na pala ang minamahal mong kaibigan.”, may panunuya sa sinasabi ni Mark. Hindi nakapagsalita si Jude at kinakabahan pa rin siya. “Pero dahil wala na si Andrew, sa iyo ko na lang ipupukol ang paghihiganti ko.”, nanlilisik ang mga mata nito. “Anong……ibig mong… sabihin?”, talagang natatakot na si Jude. Hindi niya dala ang arnis stick niya. Biglang napahimud sa labi si Mark. “Alam kong matagal ka nang may pagnanasa sa’kin Jude”, lumingon-lingon ito. “….why don’t we give it a try. Kakalimutan ko ang paghihiganti ko sa’yo. Madilim na oh, pwede na.”, tila nalilibog na si Mark. Kinabahan lalo si Jude. Lumapit si Mark sa kanya at akmang hahalikan siya. Bago pa man niya magawa ‘yun ay isang malakas na sampal ang natanggap niya mula kay Jude. “Bastos ka! Kahit bakla ako ay may dignidad pa rin ako!”, galit na wika ni Jude. Napahawak sa nasaktang pisngi si Mark pagkatapos ay gumanti rin siya ng sampal kay Jude. Natumba si Jude sa sahig. Pinagsasakal naman siya ni Mark. Hindi makagalaw si Jude dahil malakas si Mark. “B-Bitiwan mo ako! Hayop ka!” “’Wag kang mag-aalala. Pagkatapos nito ay papatayin na kita! Magsasama na rin kayo ng pinakamamahal mong kaibigan!” Hinablot nito ang uniform ni Jude. “’Wag! Bitiwan mo ako! Hayop ka! Nasisiraan ka na ng ulo!”, sigaw ni Jude. “Magpaubaya ka na lang! Alam kong may pagnanasa ka na sa’kin noon pa man! Heto na nga at pinagbibigyan na kita!”, si Mark. “Ang kapal ng mukha mo! Kahit kailan ay wala akong pagnanasa sa’yo! Nakakapandiri ka!”, sinikap ni Jude na tuhurin si Mark na nagawa naman niya. Nagawa naman niyang maka-eskapo sa mga kamay nito ngunit nahawakan nito ang mga paa niya at muli siyang natumba sa sahig. Sa puntong ‘yun ay ipinatong na ng lalake ang katawan niya kay Jude. “Hayop ka! Sira na ang ulo mo!” “Sira na kung sira Jude!”, at mala-demonyong tumawa ito. “Tulungan niyo ako!!! Saklolo!!”, sigaw ni Jude. Sinasaktan at sinaktan din siya nito. Nawalan na ng lakas si Jude. Maya-maya lamang ay may dumampi sa mga balikat ni Mark at pinagsusuntok ito. “Hayop ka!”, si Stephen na pinagsusuntok si Mark. Sinipa-sipa rin niya ito. Nakatakbo naman palayo si Mark. Naabutan ni Stephen si Jude na halos wala nang lakas na nakahandusay sa sahig. “Jude! Jude!”, kinabahan si Stephen. Inakay niya ito. “Stephen….”, mahinang tinig ni Jude. “Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba non? Sino siya Jude?”, si Stephen. Biglang napayakap si Jude kay Stephen. Humihikbi ito. Niyakap na rin niya ang takot na takot na si Jude. “Tahan na. Tahan na. Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan.”, sabi ni Stephen. Malaya namang umiiyak si Jude sa mga bisig ni Stephen. ISANG linggo ang lumipas mula nang mangyari ang kahindik-hindik na pangyayari kay Jude sa mga kamay ni Mark ay medyo naibsan-ibsan na rin ang takot sa kanyang dibdib. Simula nang mangyari ‘yun any sinasamahan na siya palagi ni Stephen. Hindi naman niya hinihingi sa lalake ang samahan siya dahil kaya naman niya ang kanyang sarili pero mapilit si Stephen. Hinding-hindi niya hahayaang balikan muli si Jude ng hayop na lalakeng lumapastangan sa kanya. Napailing-iling na lamang siya sa ipinapakitang kabutihan ni Stephen sa kanya. Siguro kung hindi nito nalaman ang totoong istorya ng buhay niya ay malamang ay magaspang pa rin ang pag-uugali nito. Hindi naman niya sinasabing siya ang dahilan ng pagbabago ni Stephen. Baka may iba ring dahilan. Nasa bahay lamang siya at nililinis niya ang buong kanto nito. Mamaya pa ang klase niya at uubusin muna niya ang natitirang oras para sa general cleaning. Tapos na rin naman siyang mag-aral. Habang naglilinis siya sa kanyang kwarto ay may nakaligtaan siyang isang sobre. Sulat yata ‘yun. “Bakit may sobre dito?”, sabi ni Jude. Pinulot niya ang sobreng ‘yun at tiningnan. Nabasa niya sa likod ang isang marka. Jude Para sa kanya pala ang sulat. Hindi siya maaaring magkamali. Sulat-kamay ‘yun ni Andrew. “Sulat-kamay ito ni Andrew. May sulat siya sa’kin? Kailan lang ‘to?”, naitanong ni Jude sa sarili. Malamang ay hindi pa niya ito nababasa. Binuksan niya ang sobre at kinuha ang laman no’n. Isang kapirasong papel na naglalaman ng sulat ni Andrew para sa kanya. Inumpisahan niyang binasa ang sulat. Mahal kong Jude, Patawarin mo ako sa lahat ng mga ginawa ko sa’yo. Sinaktan ko na naman ang damdamin mo. Hindi ko sinasadya Jude. Alam kong malaki ang malasakit mo sa’kin dahil kaibigan mo ako. Hindi ko alam kung papa’no magsisimulang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nakakaintindi sa’kin Jude. Simula noong magkakilala tayo ay halos parang magkapatid na ang turingan natin. Wala na akong hiniling pa sa Diyos bukod sa kaibigang tulad mo dahil nahanap ko ang taong magiging kaibigan kong matalik. Sa loob ng limang taon nating magkasama Jude ay nagiging mas komportable ako kapag kasama ka at hindi ko ikinahihiyang sabihin sa’yo na sa loob ng limang taong ‘yun ay natutunan kitang mahalin sa paraang alam ko. Totoo Jude. Alam ko na noon pa na mahal mo rin ako pero hindi ko lang masabi sa’yo dahil alam kong natatakot ka na baka layuan kita. Ayoko namang saktan ang damdamin mo Jude dahil mahal na mahal kita. Hindi kaya ng konsensiya ko ang masaktan ka Jude. Para na rin akong pinatay habang umiiyak ka sa kalungkutan. Ayokong isipin mong nagkukunwari lamang ako dahil totoo lahat ang mga sinasabi ko Jude. Sana maamin na natin ang mga nararamdaman natin nang sa ganun ay wala nang mahirapan pa sa ating dalawa lalo ka na Jude. Alam kong nasasaktan ka sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Hannah. Alam ko na ang mga pagkanta mo ay para sa’kin dahil minamahal mo ako. Patawarin mo ako Jude kung sa gano’ng parte ay nasasaktan rin kita. Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko next to my family Jude. Wala nang hihigit pa sa kabutihang dinulot mo sa’kin mula nang maging kaibigan kita. Ngayong araw na ito ay aalis ako Jude upang sundan si Hannah sa Cebu. Sasakay ako ng barko. Mahal ko siya kaya ko siya susundan. Ayaw ng mama niyang si Donya Esperanza sa’kin kaya inilayo niya sa’kin si Hannah. Puro insulto ang inabot ko sa mama niya pero nagtiis ako dahil mahal ko si Hannah. Pero nagdadalawang-isip ako kung susundan ko pa ba siya. Bago pa man mahuli ang lahat ay sana pigilan mo ako sa pag-alis ko ngayon Jude. Ikaw lang ang makakapigil sa akin sa pag-alis kong ito. Hihintayin kita Jude. Sana pumunta ka sa pier at pigilan ako. Oo, mahal ko si Hannah, pero mas mahal kita Jude. Hindi ko isasakripisyo ang kaibigan ko sa iba. Sana nababasa mo na ngayon ito Jude. Aasahan ko ang pagdating mo. Tandaan mo, mahal na mahal kita kagaya nang mahal na mahal mo rin ako. Hihintayin kita. P.S: I LOVE YOU Judelo Tuazon Miranda! Nagmamahal, Andrew SUNUD- sunod na pagpatak ng mga luha ni Jude sa kanyang mga mata. Nakadama siya ng guilt at pagsisisi. Bakit ngayon lang niya nabasa ang sulat ni Andrew? Bakit ngayon pa! Ngayong wala na ang pinakamamahal niyang kaibigan. Sobra siyang nasaktan sa nalamang mahal pala siya ni Andrew. Pakiramdam niya sa mga oras na ‘yun ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Hindi niya mapigilan ang sobrang pag-iyak sapagka’t hindi niya naisakatuparan ang huling habilin ni Andrew sa kanya. Hindi niya lubos maisip ang guilt na nararamdaman niya ngayon. He felt that he was so blue. Ano pa ba ang gagawin niya? Wala na si Andrew at hindi na babalik kailanman. “Ano ba’ng nagawa ko para pahirapan Mo ako ng ganito!”, umiiyak na wika ni Jude. Parang gusto na rin niyang mamatay. Hindi na niya kaya pa ang kanyang buhay. Pakiramdam niya ay parang pinaparusahan siya ng Diyos. Wala na ang mga taong mahalaga sa buhay niya. Ang mommy niya na mag-aanim na taon nang hindi umuuwi mula London, si Rafael na sa Maynila na nag-aaral at si Lenlen, ang daddy niya na iniwan sila noong pitong taong gulang pa lamang siya, at ang pinakamasakit sa lahat ay ang taong pinakamamahal niya, si Andrew, na hindi man lang niya nasabi sa personal ang tunay niyang nararamdaman para dito. Wala na ang mga taong nagmamahal sa kanya at mahal na mahal niya, yun ang pakiramdam niya. NASA eskwelahan na si Jude pero wala siya sa kanyang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang kanyang mga luha sa pagpatak. Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kanya at pagkamalan siyang baliw. Wala naman talaga siyang ganang pumasok pero pinilit niya ang sariling pumasok. Sa puntong ‘yun ay nakita siya ni Stephen. “Jude!”, tinawag siya nito. Nakita’t narinig naman siya ni Jude pero pinandilatan lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. Takang-taka naman si Stephen sa ipinakitang asal ni Jude. Tumakbo siya palapit rito. “Jude, bakit? May problema ba?” tanong ni Stephen. “’Wag mo akong kausapin! Wala akong gustong kausapin ngayon!”, galit na wika ni Jude. “Jude, ano ba ang problema? Maaari mo namang sabihin sa’kin”. “Sinabi ko nang ayoko kong sabihin!”, sumigaw na si Jude. “…. Pabayaan mo ako! Wala ka namang pakialam sa’kin eh! Kung mamamatay man ako ngayon ay wala kang pakialam! Hindi mo ako kaibigan! Kahit kailan ay wala kang pakialam sa’kin Stephen! Maaaring alam mo ang kwento ng buhay ko pero hindi mo alam ang nasa puso’t isipan ko! Wala nang nagmamahal sa’kin! Iniwan na nila ako!”, hindi na mapigil ni Jude ang pag-iyak. “Hindi totoo ‘yan Jude. May nagmamahal pa sa’yo. Nandito ako”, paliwanag ni Stephen. “Sinungaling ka! Kahit kailan ay wala kang pakialam sa’kin! Hindi nga ba’t noong una ay tinatapak-tapakan mo ang pagkatao ko!”, sigaw ni Jude. “Hindi kita maintindihan Jude. Oo, aaminin ko, tinapakan ko ang pagkatao mo noon pero noon ‘yun. Hindi pa ba sapat ang ipinakita ko sa’yong pagbabago ko? Hindi pa ba sapat ‘yung iniligtas kita mula sa kung sino man ‘yung gustong saktan ka?”, nagtatanong ang mga mata ni Stephen. “Walang kapatutunguhan ang usapang ito. Layuan mo na ako!” “Jude, ‘wag mong itinataboy ang mga taong nagmamahal sa’yo.” Ngunit hindi na siya pinansin ni Jude at nagpatuloy ito sa paglalakad . Sinundan pa rin siya ni Stephen. Nang mapansing sinusundan pa rin siya ng lalake ay kumaripas ng takbo si Jude palabas ng Unibersidad. Dali-dali siyang pumara ng taxi. Agad naman siyang sumakay sa naturang taxi na kanyang pinarahan upang makalayo lamang kay Stephen. “Jude!”, huling tawag ni Stephen sa kanya. Nag-aalalang may halong takot ang nararamdaman ni Stephen sa kung anuman ang gagawin ni Jude. Kaagad siyang tumungo sa kanyang kotse at dali-dali itong pinaandar. Umaasa siyang maaabutan pa niya ang taxing lulan ni Jude. Dahan-dahang lumabas ang kotse sa exit gate ng University at pagka nasa labas na ang kotse ay humarurot ito ng takbo. Kailangan niyang maabutan si Jude dahil masama ang kutob niya sa gagawin niya. Palingun-lingon siya sa kung saan pwede niyang matanaw ang taxi na lulan ni Jude. May natatanaw na siyang taxi. Sinuri niya itong mabuti at kung hindi siya nagkakamali ay taxi yun na sinasakyan ni Jude. Si Jude naman habang nasa loob ng taxi ay iyak ng iyak. Hindi niya alam kung saan siya talagang pupunta pero isa lang ang nasa isip niya; ang magtungo sa dagat. “Manong, sa may tabing dagat niyo na lang po ako ibaba.”, sabi ni Jude sa taxi driver. “Opo”. Mga 15 minutes lang ay nakarating na si Jude sa sinasabi niyang tabing-dagat. Ibinaba siya ng taxi driver sa may di kalayuan lamang ang tabing dagat. Bumaba si Jude at tinitigan ang mala-asul na kulay ng dagat. Dahan-dahan siyang lumapit doon habang nag-uumpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha. Nang makalapit na siya sa mismong b****a ng dagat ay huminto siya. Hindi na niya nakayanan pa ang sakit na nasa kanyang kalooban at sumigaw siya. “Andrew!!! Bakit!!! Bakit mo ako iniwan!!”, sigaw ni Jude habang humihikbi siya pag-iyak. “……Bakit ka namatay Andrew!!!”, muling sigaw ni Jude at napaluhod siya sa buhangin. Wala na siyang pakialam kung mabasa man ang kanyang pantalon sa tubig. Sumigaw ulit siya at dinig na dinig ‘yun ng buong kapaligiran. Bigla naman siyang tumayo at mula sa kanyang kinatatayuan at tumapak siya sa tubig-dagat. Nabasa ang kanyang sapatos pero wala siyang pakialam. Lumusong siya sa dagat na tila ba magpapakamatay. Para sa kanya ay wala nang silbi pa ang buhay niya kaya mas mabuti na lang sigurong lamunin na siya ng alon sa dagat. Malakas ang alon nang mga oras na ‘yun at malalim ang dagat. Nasa lebel na ng kanyang balakang ang tubig ngunit nagpatuloy pa rin siya paglusom. SI Stephen naman ay patuloy pa rin sa paghahanap kay Jude. Talagang nag-aalala na siya. “Jude! Jude! Jude nasa’an ka! Jude!”, sigaw ni Stephen. Nasa malapit na siya ng tabing-dagat. Lingon dito, lingon doon, sigaw dito, sigaw diyan pero hindi pa rin makita ni Stephen si Jude. Kinakabahan na talaga siya. Nasaan na kaya si Jude. Napalingon siya sa may tabing-dagat at may natanaw siya. Isang pamilyar na tao. Isiningkit niya ang mga mata niya at nagulat sa kanyang natuklasan. Kung hindi siya nagkakamali ay si Jude ang nakikita niyang lumulusom sa dagat. “Diyos ko! Jude!”, dali-daling tumakbo si Stephen patungo sa kanya. Parang nawawala na sa sarili si Jude nang abutan ito ni Stephen. Dahil sa sobrang pag-aalala at pagkatakot sa kung anuman ang mangyari kay Jude ay walang pagdadalawang-isip na lumusom na rin sa dagat si Stephen at pinigilan si Jude. “Jude, ‘wag mong gawin ito! Maawa ka sa sarili mo!”, nahawakan siya ni Stephen. “Bitiwan mo ako! Pabayaan mo na ako! Hindi mo ako problema Stephen! Pabayaan mo na akong lamunin ng dagat!”, pagmamatigas ni Jude. “Wag! May nagmamahal pa sa’yo Jude! Hindi ka namin iiwan!”, pagmamakaawa ni Stephen. “Pabayaan mo na akong mamatay!” “Hindi Jude! Hindi maaari!’Wag mong patayin ang sarili mo! May nagmamahal pa sa’yo! Hindi ka nag-iisa sa mundong ito!”, niyakap na ni Stephen si Jude upang pigilan ito sa gagawin. “Bitiwan mo ako! Stephen! Ano ba!”, hindi na napigilan ni Jude ang muling mapaiyak. “Mahal ka namin Jude!”, si Stephen. Napasigaw si Jude at umalingawngaw ito sa buong karagatan. Napaluhod siya sa halu-halong tensiyon. Kasalukuyan pa rin silang nakababad sa tubig-dagat. Yakap-yakap naman ni Stephen si Jude at malayang inilabas ni Jude ang sama ng loob niya habang umiiyak siya sa mga bisig ng lalake. “Andrew!! Bakit!! Bakit mo ako iniwan! Ba’t mo ako iniwan! Mahal na mahal kita!”, muling sumigaw si Jude. Hindi na rin napigilan ni Stephen ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ramdam niya ang pait at hinagpis ni Jude. “Bakit! Bakit ba kay lupit mo alon! Bakit ang lupit niyong dalawa ni dagat! Pinatay niyo ang kaibigan ko! Pinatay niyo ang kaibigan ko! Ano ba’ng kasalanan ni Andrew at bakit niyo siya kinuha!”, muling sumigaw si Jude. Mahigpit na niyakap siya ni Stephen. Patuloy naman sa paglabas ng emosyon si Jude. Talagang binuhos na ni Jude ang lahat ng kanyang sama ng loob. “Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo Jude. Naiintindihan kita. Alam kong masakit at hindi mo pa rin matanggap ang pagkawala ni Andrew.”, hinimas-himas ni Stephen ang ulo ni Jude. Hindi na namalayan ni Jude kung gaano na sila katagal ni Stephen na nakababad sa tubig-dagat. Kung gaano man sila katagal na nakababad doon ay silang dalawa lamang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD