Chapter 13

4171 Words
ILANG oras na ang nagdaan at medyo kumalma na ang lahat. Dinala ni Stephen si Jude sa rest house nito malapit lang sa may tabing-dagat. Naisip niyang dalhin ang kaibigan doon sapagka’t nandoon na rin lamang sila malapit sa rest house niya at nang makapagpahinga si Jude. Matapos pahiramin ni Stephen ng damit-pampalit si Jude ay mahimbing itong nakatulog. Marahil napagod ito ng husto kaya nakatulog ito. Pinagmasdan naman ni Stephen si Jude habang natutulog. Hinimas-himas niya ang buhok nito. “Sana paggising mo ay napawi na lahat ng mga kalungkutan mo.”, ani Stephen. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan din siya sa kalagayan ni Jude. Marami nang pinagdaanan sa buhay si Jude. Limang taon nang hindi umuuwi ang mommy nito mula London, namatay pa ang kaibigan nitong si Andrew na halos limang taon din niyang nakasama, at wala na ang mga kaibigan nito at nasa Maynila na nag-aaral. Wala na rin ang ama nito dahil iniwan na sila. Naalala tuloy ni Stephen ang Ate Kate niya. Sawi din sa pag-ibig ang ate niya. Halos mawalan na nga ito ng gana sa buhay nang mamatay din ang boyfriend nito three years ago. Unti-unti rin namang nagmo-move on ang ate niya subalit nahihirapan pa itong humanap ng ibang lalakeng mamahalin niya. “Jude, hayaan mo paggising mo, wala na ang mga lungkot na nararamdaman mo. I will always be at your side kung kailangan mo ako.”, assurance ni Stephen sa kanya. GUMISING si Jude pasado alas tres na ng hapon. Nakatulog pala siya. Bumuntong siya ng malalim na hininga. “Lord, thank you at nagising pa ako.”, nagpapasalamat si Jude sa Diyos. Hinanap niya si Stephen. “Stephen?”, tinawag ni Jude si Stephen. Pero wala siyang naririnig na response. Lumabas siya ng balconahe ng rest house. Nakikita niya mula sa malayo ang isang lalake. Nakaharap ito sa tabi ng dagat. Si Stephen ‘yun kung hindi siya nagkakamali. Lumabas siya ng rest house upang puntahan si Stephen. Nang medyo nakalapit na siya ng kaunti sa lalake ay medyo nahihiya pa siyang tawagin ito. “Uhm, S-Stephen??”, si Jude. Lumingon si Stephen sa tumawag sa kanya. “Jude. Gising ka na pala.” Ngumiti si Jude. “Anong ginagawa mo dito sa dalampasigan?”, tanong ni Jude. Nilapitan ng husto ni Stephen si Jude. “Ito ‘yung ginagawa ko kapag wala akong magawa.”, ngumiti ito. “…. Alam mo, nag-aalala talaga ako sa’yo. ‘Wag mo nang uulitin ‘yun Jude ha. Iiyak talaga ako kapag ginawa mo pa ulit ‘yun.”, ani Stephen. Napangiti si Jude. “Stephen…. S-Salamat.”, si Jude. “Para saan Jude?” “Salamat sa lahat. ‘Yung pagliligtas mo sa’kin sa kamay ni Mark at tsaka sa pagsagip mo sa buhay ko kanina. Dalawang beses mo na akong niligtas. At tsaka sa pagkakaibigan mo. Sorry nga din pala ha kasi ang O.A ko.”, ani Jude. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo Jude at mag-sorry dahil binu-bully kita noon at pinagti-tripan. Utang ko sa’yo ang pagkawala ng expulsion ko. Malaki ang naitulong mo sa’kin Jude.”, sabi naman ni Stephen. “Hindi naman tama ang i-expel ka sa school dahil lang do’n sa ginawa mo sa’kin. Ayokong mawala ka sa school Stephen. Ayokong mawalan ng kinabukasan ang isang tao nang dahil lang sa’kin.”. Ngumiti si Stephen sa kanya. “Basta Jude, kahit anong mangyari ay nandito lang ako. Pu-protektahan kita sa kung sinuman ang mananakit sa’yo.”, si Stephen. Ngumiti si Jude at niyakap si Stephen. Napangiti si Stephen. Kumawala sila. “Friends na tayo Jude?”, tanong ni Stephen. “Oo naman. Bakit hindi?”, si Jude. “Kung hindi mo sana mamasamain, gusto kitang maging bestfriend.” “Bakit naman hindi? Ano naman ang rason para hindi ako pumayag?” Napangiti muli si Stephen. Talagang masaya siya. Pinapangako niyang hindi niya sasaktan ang damdamin ni Jude. NAGDAAN ang ilang mga araw ay unti-unting sumasaya si Jude. Unti-unti namang nanunumbalik ang dating sigla niya. Ngumingiti na ito, at aktibo pa sa klase. Masaya ang kanilang Clinical Instructor sa nakikita niyang sigla kay Jude. Hindi na ito masyadong tahimik at malungkutin. Gulat na gulat nga ang kanilang mga kaklase sa kasiglahan niya. Marunong din palang ngumiti si Jude. Magaling pang magbiro. Kinausap siya ni Emmie. “Jude, wow. Ang saya mo na yata ngayon ah. Ibang Jude na yata ‘tong nakikita namin.”, sabi ni Emmie. “Bakit, bawal?”, pilosopong sagot ni Jude. “Naninibago lang kami sa sa’yo. Hindi ka na masyadong malungkutin at iyakin. At tsaka, you’re so blooming.” “Blooming? Talaga? Weeh?.” “Uy Jude, ikaw ba talaga ‘yan?”, tanong ni Venus. “Ay hindi! Kaluluwa ko ‘to.”, sabi ni Jude. Natawa silang lahat. Dumating naman si Stephen. “Jude, nandiyan ka lang pala.”, nakita niya ang iba niyang mga kaklase. “….Hi guys.”, bati niya sa mga kaklase niya. “Oh Stephen, saan ka galing?”, tanong ni Jude. “Doon sa faculty. Na-late akong magpasa ng assignment.”, napakamot siya sa kanyang ulo. Gusto niyang matawa sa tinuran ng kaibigan. “Ang bata mo pa eh absent-minded ka na.”, si Jude. Napangiti si Stephen at inakbayan si Jude.’ “Hindi naman ako ganun. Nakalimutan ko lang talaga.” “Weeh? Defensive lang?” “Ikaw talaga”, at kinurot niya ang ilong ni Jude. “Aray!”, napatili si Jude. Todo hiyaw naman ang ilang kaklase nila. “Uy!!! Ano ‘yan ha.” “Mali kayo ng iniisip. Bestfriend lang kami.”, ani Jude. “Kayo talaga. Mga utak ninyo.”, ani Stephen. “Ay sus! Naku mga classmates, naglilihim ang dalawang ito oh.”, ani Emmie. “Whatever.”, si Jude. Nagkatitigan silang dalawa ni Stephen. SA Jollibee nag-lunch ang dalawa. Doon na rin sila gumawa ng mga assignments. Panay naman ang turo ni Jude kay Stephen sa iilang mga mahirap na subjects nila. Madali namang naiintindihan ni Stephen dahil magaling magturo si Jude. “Galing mo talaga Jude. Ikaw na talaga.”, puri ni Stephen sa kanya. Ngumiti lamang si Jude. Pinagpatuloy niya ang pagtuturo niya kay Stephen. Tinitigan niya ang kaklase. Naalala na naman niya si Andrew. Naaalala niya ang mga sandaling tinuturuan niya ito ng ilang mahihirap na subjects nila noon, kung pa’no sila nagkukurutan ng kani-kanilang mga ilong, naghahabulan sa classroom , at katuwaan nila. Biglang nalungkot ang mukha ni Jude. “How about ito Jude…..”, napansin ni Stephen ang malungkot na mukha ni Jude. “Jude, are you okay?”, btanong ni Stephen. Nautal si Jude. “H-Ha? Ha? Ah… w-wala. May naaalala lang ako.”, sa malungkot na tinig ni Jude. Hinawakan niya ang mga pisngi ni Jude. “Malalagpasan mo rin ‘yan. Hindi madaling tanggapin ang lahat Jude, alam ko.”, sabi ni Stephen. Niyakap niya si Jude. “Kahit anong mangyari, karamay mo ako sa lahat Jude.”, dagdag pa niya. ISANG friendship outing ang ginawa nina Jude at Stephen. Sila lamang dalawa at wala nang iba. Lulan sila ng kotse nang mag-usap silang dalawa. “Hindi ko alam kung saan tayo pupunta, Stephen”, si Jude. “Surprise ‘to Jude. Ikaw lang ang makakaalam nito. Pupunta tayo sa isa ko pang resthouse doon sa Libona.”, sabi ni Stephen. “Sa Libona? Sa may bahagi ng Bukidnon?”, tanong ni Jude. “Oo Jude. Doon lang sa San Jose.”, si Stephen “Sa Santa Fe kami noon nakatira, Stephen.”, si Jude. “Really? Wow! Kailan pa?”, tanong ni Stephen. “Actually, after my father left us, napagdesisyunan ni Mommy na lumipat na lang kami ng Cagayan de Oro dahil nabenta kasi ang lupa doon sa Santa Fe.”, biglang lumungkot ang tinig ni Jude. Naulinigan ‘yun ni Stephen. Oo nga pala, wala nang Daddy si Jude. Iniwan na sila. Naitanong naman ni Stephen kung may mga kapatid si Jude. Sinabi naman ni Jude na hindi niya alam dahil kung si Rinalyn at Jonas lamang ay siya lang ang nag-iisang anak nila. “Baka may mga kapatid na rin ako sa father side. Ewan ko lang. Hindi ko na kasi alam kung buhay pa o patay na ang daddy ko. Ten years ago na kasi noong iniwan niya kami.”, malungkot muli ang tinig ni Jude. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Jude. Tumatawag sa mga panahong ‘yun si Aling Cora, ang mommy ni Andrew. “Hello, Auntie Cora?”, sinagot ni Jude ang phone call. “Naku Judelo, anak. Kumusta ka na?”, si Aling Cora na natuwa sa pagkarinig ng tinig ni Jude.’ “Okay lang po naman ako, auntie. B-Bakit po?”, na-touch si Jude sa gentleness ng tinig ng Auntie Cora niya. “Miss na miss ka na namin Jude.” Nakadama ng guilt si Jude nang marinig ang boses ng ina ni Andrew. Napamahal na kasi si Aling Cora kay Jude mula noong magkakilala sila ni Andrew. “Auntie Cora, babalik pa po ba kayo dito sa Cagayan de Oro?”, halos gusto nang umiyak ni Jude. Nasa Bohol ngayon ang pamilya ni Andrew. Alam ni Jude na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sila sa pagkamatay ni Andrew lalung-lalo na si Aling Cora na labis na nasaktan sa pagkamatay ng anak. “Oo Jude. Babalik kami diyan soon.”, si Aling Cora. ‘Di na napigilan ni Jude ang mga luha niya at dumaloy na ito patungo sa kanyang mga pisngi. “Miss ko na rin kayo, Auntie.”, ani Jude. “Umiiyak ka ba, anak?”, nasabi ni Aling Cora. Si Jude ay pinipigilan ang luha. “H-Hindi po. Talagang na-miss ko lang kayo.” Tumagal ng ilang minuto ang kanilang long distance communication. Pagkatapos no’n ay sinusubukan ni Jude ang maka-recover mula sa kanyang emosyon. Tinanong naman siya ni Stephen. “Mama ni Andrew?”, tanong ni Stephen. Tumango-tango si Jude. Sinabi niyang napamahal na sa kanya ang ina ni Andrew. Maya-maya lamang ay hindi nila namalayan ang oras nang dumating na nga sila sa bayan ng San Jose sa Libona. “Dito na ba ‘yun Stephen?”, si Jude. “Oo, dito na ‘yun pero doon pa tayo sa may unahan at iikot pa tayo pakaliwa at nandoon na ang resthouse ko.”, sabi ni Stephen. “Mayaman ka talaga. May resthouse ka pa doon sa Bonbon tapos dito naman sa Libona. Grabe ka.”, ani Jude. Natawa naman si Stephen sa tinuran ni Jude. “’Di naman. At tsaka alam mo ba, magugustuhan mo talaga doon. Napakasariwa ng hangin doon at pwede sa’yo na iyakin ang mag-emote doon”, ani Stephen. “Tse!” Nagpatuloy lamang sa pagmamaneho si Stephen hanggang marating na nga nila ang resthouse na sinasabi ni Stephen. Infairness, yari sa narra ang buong structure ng bahay at napapaligiran ng mga iilang matibay na punung-kahoy. Napangiti si Jude at namangha. “Wow! Ang ganda ng resthouse mo dito, Stephen. Ibang klase. Kakaiba doon sa resthouse mo sa Bonbon.”, namanghang sabi ni Jude. Napatingin si Stephen sa kaibigan at napangiti. “Alam mo Jude. Ikaw pa lang ang dinala ko dito.”, ani Stephen. Napalingon naman si Jude sa kaibigan. “Ha? T-Talaga? A-Ako pa ang unang taong dinala mo dito?”, napatanong si Jude. “Yes Jude. Ikaw pa lang. Ibig sabihin, malaki ang tiwala ko sa’yo.”, napangiting sabi ni Stephen. Jude gave Stephen a half smile. “We will spend our weekend here, okay lang ba?”, si Stephen. “W-Well., Ikaw ang bahala Stephen.” “Yes. Dito natin i-spend ang weekend. Well, wala nga pala tayong class until Tuesday.”, sabi ni Stephen. “Okay lang ba sa’yo na manatili ako dito?”, naitanong ni Jude. Lumapit si Stephen kay Jude. “Oo naman. Siyempre because you’re my bestfriend. Siyanga pala, ipakikilala kita kay Ate Kate, elder sister ko. Tiyak matutuwa ‘yun kapag nagkakilala na kayo.”, ani Stephen. Napangiti si Jude. Kung tratuhin siya ni Stephen ay parang siya ang nobya nito. Nais matawa ni Jude. Pumasok na sila sa loob pagkatapos. KINAGABIHAN, nasa isang lamesa si Jude at nagbabasa ng mga aklat sabay ng pag-aaral. Dinala niya lahat ng kanyang mga notes at ni-review lahat ang kanilang mga discussion sa major at minor subjects. Gumagawa din siya ng summary of lecture notes niya baka sakaling may quiz sila pagbalik nila sa klase.Suot-suot ni Jude ang kanyang eyeglasses. Hinihintay din niya si Stephen ng mga sandaling ‘yun dahil umalis ito sandali papuntang farm yata nila. Nagsaing na rin siya ng kanin bago siya nag-aral. Maya-maya lamang at dumating si Stephen at may dalang pagkain. Nadatnan naman nito si Jude na nag-aaral. “Hanggang dito ba naman Jude ay nag-aaral ka. Naks! Bilib na talaga ako sa’yo. Talagang tatalino ka na niyan ng husto.”, si Stephen. “Oh Stephen, nandito ka na pala. Ay, nag-aaral lang baka sakaling may quiz pagbalik natin. “Tama na muna ‘yan. Heto at may dala akong lechon manok.”, ani Stephen. “Tamang-tama. Nakapagsaing na rin ako ng kanin at kanina pa naluto.” Masayang kumain ang magkaibigan. Pagkatapos nilang kumain ay sabay na nag-aral sina Jude at Stephen. Masayang-masaya ang dalawa sa kanilang ginagawa. Nag-advance study din sila sa mga susunod na topic na posibleng i-discuss ng kanilang mga instructors in every subjects. Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Stephen dahil nakilala niya ang isang tulad ni Jude. Sa kabila ng ginawa niya dito noon ay tinanggap pa rin siya ng buong puso ni Jude. Dahil rin kay Jude ay nagbago ang pananaw niya sa mundo. Nakitaan niya ng kulay ang noo’y para sa kanya ay mundong puno ng kasakiman. Pagkatapos nilang mag-aral ay naghabulan sila sa labas. Mga walang magawa kumbaga. No’ng matutulog na sila ay nagkikilitian pa ang dalawa. Parang mag-syota lang ang labas nila. “Ang saya ng araw na ito Jude.”, sabi ni Stephen na humihingal pa. “Ang kulit mo kaya. Grabe ka naman kung kumiliti. Hanep to the max!”, sabi ni Jude. Napangiti si Stephen. Hinaplos niya ang mukha ni Jude. Nagulat si Jude pero hindi nagpahalata. “Salamat dahil naging kaibigan kita. Now I know kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang taong makakaramay mo sa anumang oras.”, bulong ni Stephen kay Jude. Napangiti din naman si Jude. “Salamat din Stephen.”, sabi ni Jude. Bago natulog ay hinalikan ni Stephen ang noo ni Jude. “Matulog ka na. Ayokong mapuyat ang bestfriend ko.”, sabi ni Stephen. Di na ipinagkaila ni Jude ang pagkagulat. KINABUKASAN, habang pinapanuod ni Jude si Stephen na nagsusungkit ng mangga sa may bakuran ay nag-aaral din siya. Pero hindi niya masyadong sineryoso ang pag-aaral niyang ‘yun dahil nakatuon ang atensyon niya kay Stephen. “Jude. Marami na akong nasungkit na mga mangga. Napakahinog Jude. Siguradong matamis ‘to.”, sigaw ni Stephen mula sa ‘di kalayuan. Napangiti si Jude. “Natatakam na ako.”, responde ni Jude. Napangiti naman si Stephen. Nasa loob na sila ng resthouse at nagsimulang kumain ng mangga. Pawisan naman si Stephen kaya hinubad nito ang suot na pang-itaas. “Ah, Stephen, gusto mo pa ba ng……”, natigil si Jude nang makita niya ang matitipunong katawan ni Stephen. Nagulat siya at agad siyang lumingon sa kabila. “Jude?”, si Stephen. “Ah.. uhm.,. ang ibig kong sabihin ay…. Baka.. baka… gusto mo pang kumain ng mangga?”, si Jude na nautal. “Okay ka lang Jude?”, tanong ni Stephen. “Ha? Uhm. Oo naman. Medyo lang yata napuling ‘tong mata ko. Pero nawala na siya.”, ani Jude. Napangiti si Stephen. “Magtitira ako para mamaya.”, ani Jude. Naitanong ni Jude kung saan nakalagay ‘yung bag niya. Nilagay ni Stephen doon sa itaas ng cabinet. May kukunin daw siya doong hand-outs at hindi pa niya ‘yun napag-aralan. “Sandali at kukunin ko muna ‘yung hagdanan. Medyo mataas ‘yung cabinet.”, sabi ni Stephen. Ngumiti lamang si Jude pero inaalis pa rin ang tingin niya sa katawan ni Stephen. Nadi-distract siya. Lumabas si Stephen para kunin ‘yung portable ladder. Nasa isang kwarto ‘yung cabinet na pinagsabitan ni Stephen ng mga bag. “Ako na ang aakyat para sa’yo Jude.”, alok ni Stephen. “Ay wag na. Ako na Stephen. Sige na. Kaya ko na ‘yan. Kanina ka pa sa puno ng mangga umakyat kaya ako naman.”, sabi ni Jude. Hinayaan na lamang siya ni Stephen. Umakyat si Jude sa portable ladder upang kunin ‘yung bag niya. May kabigatan din ang bag niyang ‘yun kaya medyo mahihirapan siyang kunin ‘yun. Nang makuha na niya ito ay biglang siyang nawalan ng balanse. Nasa aktong mahuhulog si Jude. “Ay!!”, sigaw ni Jude. “Jude!!”, nagulat si Stephen. Mula sa itaas ay nahulog si Jude at sinubukan naman ni Stephen ang saluin siya. Nasalo nga ni Stephen si Jude pero dahil sa kakulangan ng balanse ay kapwa silang natumba sa sahig. Nadaganan ni Jude si Stephen. Nabitawan naman nito ang hawak na bag. Dumaing naman si Jude dahil napilay yata ang isang paa niya. Nagkatitigan sina Stephen at Jude na kapwa nagulat. They made the face to face act. Closer. Noon lamang namalayan ni Jude na nakapatong na pala siya kay Stephen. Hindi pa sila nakaka-recover mula sa shock. Noon din ay natitigan ni Jude ang gwapong mukha ni Stephen. Oh well, napaka-expressive ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong at mga labi nito’y kay sarap halikan. Napatingin naman siya sa mga matitipunong braso at balikat ni Stephen. Bigla na lamang nagising si Jude mula sa kanyang malilikot na mata. Iginulong niya ang sarili upang umalis sa pagkakapatong mula sa katawan ni Stephen. Bigla siyang napadaing. “Aray!”, daing ni Jude. Napilayan ang kanang paa niya. Bumangon naman si Stephen mula sa pagkakahiga. “Jude, okay ka lang? Anong masakit sa’yo?”, may pag-aalala sa tanong ni Stephen. “Napilayan yata ang kanang paa ko. Ang sakit!”, napangiwi si Jude sa sakit. Dahan-dahan naman siyang binuhat ni Stephen. “Aray! Ingat lang Stephen kasi masakit.”, ngiwing-ngiwi si Jude. Lumabas sila ng kwarto at inihiga ni Stephen si Jude sa sofa. “Aray! Ang sakit talaga.” “Sandali lang Jude at hihilutin ko lang ‘yang paa mo ha. Medyo masakit nga lang ‘to.”, si Stephen na nag-aalala sa kaibigan. Sinimulang hilutin ni Stephen ang napilayang paa ni Jude. “Aray!”, halos gusto nang umiyak ni Jude sa sobrang sakit. “Tiisin mo lang Jude. Mawawala din ‘yan pagkatapos. Magtiwala ka lang sa’kin.”, ani Stephen. Sinunod ni Jude ang sinabi ni Stephen. Tiniis niya ang sakit. Light and gentle lamang ang ginawa ni Stephen. Pinagmasdan naman ni Jude ang kaibigan sa ginagawa nito. Masakit pa rin ang paa niya, pero parang unti-unting nawawala dahil gentle ang mga kamay ni Stephen. Parang nakadama si Jude ng relieve habang hinihimas-himas ni Stephen ang mga paa niya. Maya-maya lamang ay biglang hinila ng pabigla ni Stephen ang paa ni Jude causing Jude to scream even louder. Narinig at naramdaman niya ang lagutok ng mga buto niya sa paa. “Aray! Stephen! Aray! Pinalala mo naman ang pilay ko!”, napaiyak na si Jude sa sobrang sakit. “Sorry Jude. Pero ‘yan kasi ang ginagawa ni Ate Kate sa akin noon kapag napipilayan ako. Hayaan mo at mawawala rin ang sakit sa paa mo.”, paliwanag ni Stephen sa kaibigan. May tiwala naman si Jude kay Stephen. ILANG oras ang dumaan ay hindi namalayan ni Jude na nakatulog pala siya. Nagulat siya nang makita niyang katabi pala niya si Stephen sa kama. Ang mga kamay nito’y nasa dibdib niya. Nakayakap pala si Stephen sa kanya. Dahan-dahan niyang itinabi ang mga kamay nito at dahan-dahan din siyang bumangon. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch. Alas kwatro na pala ng hapon. Lumabas siya ng kwatro ay dumiretso siya sa porch ng resthouse. Malamig ang simoy ng hangin. Nilanghap niya ang sariwang hangin. Medyo nawala na ang sakit sa kanyang kanang paa. Totoo nga ang sinabi ni Stephen. Napangiti siya. Napatingin siya sa isang wooden bench sa labas. May biglang pumasok sa isip niya nang mga panahong ‘yun. Si Andrew. Bumabalik na naman sa alaala niya ang mga masasayang sandali niya sa piling ni Andrew. Nami-miss na niya si Andrew. Sobra. Kung sana’y nabubuhay lang ito ngayon. Tumulo na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sulat ni Andrew sa kanya. Kapag naaalala niya ‘yun ay nakakadama siya ng guilt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkamatay ni Andrew. Pinahid naman niya ng kanyang mga palad ang luha niya. Samantalang nagising na si Stephen. Pagkagising niya ay wala na si Jude sa tabi niya. Bumangon siya’t hinanap si Jude. Nakita niya ito sa porch. Nilapitan niya kaagad ito. “Jude?” Ngunit hindi lumingon si Jude. Nagpatuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa. Umiiyak pa rin ito. Bumuntong ng hininga si Stephen at niyakap si Jude. “Alam kong nami-miss mo na siya Jude. Okay lang ‘yan. Ilabas mo lang sama ng loob mo.”, si Stephen na nakayakap kay Jude. “Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako sa nangyari kay Andrew. Kung pinigilan ko lang siya sa kanyang pag-alis, sana buhay pa siya ngayon. H-Hindi siya nakasama doon sa mga taong nasawi sa paglubog ng barko.”, sabi ni Jude habang siya’y umiiyak. “Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kaibigan mo.”, ani Stephen. “Kung sana’y pinigilan ko siya, sana kapiling ko pa ngayon si Andrew at… sabay kaming nag-aaral ng Nursing ngayon. ‘Yun ang pangarap namin eh. Pinangako namin noon na magiging nurse kami balang araw. But… it seems na ako na lang ang tumutupad sa pangarap naming ‘yun.Tuloy, minsan naiisip ko, ang daya ni Andrew. Iniwan na lang niya ako basta-basta.”, patuloy ni Jude. Sa sinabi ni Jude ay nararamdaman ni Stephen ang sakit sa kanyang kalooban. Hindi basta-basta ang pinagdaanan ni Jude. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Jude. “Nawala si Andrew nang hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko nasabing mahal ko siya sapagka’t ayokong mawasak ang aming pagkakaibigan na tanging konsolasyon ko na lang sa sugatan kong puso araw-araw.”, sabi ni Jude. “Tahan na Jude. Nandito lang ako para sa’yo. Hindi kita iiwan. Pangako ‘yan.” Hinawakan ni Jude ang mga kamay ni Stephen. NANATILI sina Jude at Stephen sa resthouse ng dalawang araw. Lunes noon at umalis na sila pauwing Cagayan de Oro. Lulan sila noon ng kotse ni Stephen. Just a few hours at narating din nila ang Cagayan de Oro. “Pupunta muna tayo sa bahay Jude. Okay lang ba? Gusto kang makilala ni Ate Kate.”, sabi ni Stephen. “H-Ha? Eh… nakakahiya naman. Baka…..”, si Jude. “Okay lang Jude. ‘Wag kang mahiya sa Ate ko. Mabait si Ate Kate.”, si Stephen na ngumiti kay Jude. “S-Sige. Ikaw ang bahala.”, ani Jude. Nagpatuloy lamang sa pagmamaneho si Stephen. Maya-maya lang ay nagsalita muli ito. “Alam mo ba Jude. Kahit ang girlfriend ko ay hindi ko pa naisama doon sa resthouse ko sa Libona. Doon lang sa Bonbon ay nadala ko siya.”, sabi ni Stephen. Napalingon si Jude kay Stephen. “May girlfriend ka pala, Stephen?”, biglang naitanong ni Jude. Ngumiti ito. “Oo. Mahal na mahal ko ‘yun. Nasa Zamboanga siya ngayon. One year na kaming hindi nagkikita ni Cheska. I so missed her.”, nasa tono ni Stephen ang kalungkutan. “I’m sorry.”, si Jude. “Okay lang Jude. Malapit na pala tayo sa amin.”, si Stephen. Nahimigan ni Jude ang lungkot sa mukha ni Stephen. Nami-miss na pala nito ang kanyang girlfriend. Hindi lang pala siya ang nangungulila. Si Stephen din pala. “Nandito na tayo Jude.”, ani Stephen. Napatingin si Jude sa labas. Napangiti siya. Lumabas siya ng kotse at namangha. “Wow! Ang laki ng bahay niyo Stephen.”, si Jude na namangha. Napangiti si Stephen. “Halika, pumasok na tayo sa loob. I’m sure nandiyan si Ate Kate.”, ani Stephen. Hindi pa rin mapigil ni Jude ang mamangha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD