NASA loob na sila ng bahay. Namangha muli si Jude sa ganda ng loob ng bahay. Magara at pangmayaman talaga.
"Wow!", naibulong ni Jude sa sarili. Bigla siyang napangiti.
"Ay Stephen, nandito ka na pala. Aba'y sino 'yang kasama mo?", si Aling Mercing, ang butihing katulong.
"Ah siyanga pala Yaya Mercing, siya si Jude. Kaibigan ko.", pangiting sagot ni Stephen.
"Magandang araw po.", pormal na bati ni Jude at ngumiti.
"Hello po Sir Jude.", ngumiti si Aling Mercing.
"Naku po. Jude na lang po.", ngumiti si Jude.
"Ah, nasa'n po si Ate Kate, yaya?", tanong ni Stephen.
"Nasa itaas po."
"Sige salamat po."
Paakyat na sana sina Stephen at Jude sa itaas nang biglang tawagin muli ni Aling Mercing si Stephen.
"Ah, Stephen..?", si Aling Mercing sa tonong malungkot.
Napalingon si Stephen. Kinabahan naman si Aling Mercing.
"Bakit po, yaya?", si Stephen.
Nagdadalawang-isip si Aling Mercing kung sasabihin ba niya ang nais sabihin kay Stephen. Hindi naman niya masabi kay Kate dahil natatakot din siya lalo na si Stephen dahil baka sigawan siya nito.
"G-Gusto ko lang sanang....... Mag-cash advance..... May sakit po kasi ang...... anak ko. Nasa ospital po siya ngayon. May pneumonia siya ngayon.", nais nang umiyak ni Aling Mercing. Halu-halong emosyon ang nararamdaman nito. Takot at lungkot. Nalulungkot dahil sa sinapit ng anak nito at takot dahil baka pagalitan at sigawan siya ni Stephen. Kabisado kasi nito ang pag-uugali niya.
Nakaramdam naman ng awa si Jude sa matandang katulong. Tiningnan niya si Stephen. Mula kay Aling Mercing ay napatingin si Stephen kay Jude. Ngumiti si Stephen at nilapitan ang matandang katulong.
"'Wag po kayong mag-alala Yaya Mercing. Heto po.", inabutan ni Stephen ng malaking pera ang matandang katulong.
"Hindi po cash advance 'yan. Tulong ko po 'yan. Makukuha niyo pa rin ng buo ang sweldo niyo ngayong buwan. Kung gusto niyo taasan ko pa ang sahod niyo. At tsaka 'wag na po kayong mag-alala, sasagutin namin ang gasto sa ospital ng anak niyo, 'wag lang po kayong malungkot.", sabi ni Stephen at niyakap ang matandang katulong.
Napaiyak ang katulong. Hindi niya akalaing magiging ganoon kabait si Stephen. Nagbago na ito.
"Maraming salamat po. Maraming salamat po.", naiyak na si Aling Mercing.
"Bumisita na po kayo sa anak ninyo. Sabihin niyo lang po. 'Wag na po kayong umiyak.", ani Stephen at ngumiti.
Tumango-tango ang matandang katulong. Maya-maya lang ay umakyat na sina Stephen at Jude sa itaas at nadatnan nila doon si Kate.
"Oh, Stephen. Nandito ka na pala.", ani Kate at bumaling ang atensyon niya kay Jude.
"Siya na ba si Jude?", si Kate na ngumiti.
"Opo Ate. Siya po si Jude. Ah, Jude, si Ate Kate nga pala, kapatid ko.", pagpapakilala ni Stephen kay Jude.
Napangiti si Kate at nilapitan si Jude.
"Hello po. Magandang araw po sa inyo.", si Jude na medyo nahihiya pa.
"Ikaw pala si Jude. Ikinagagalak kong makilala ang bestfriend ng kapatid ko.", niyakap ni Kate si Jude.
Pagkatapos no'n ay nag-usap silang tatlo sa terasa. Iba-iba ang kanilang pinag-uusapan.
"Alam mo ate, matalino 'yang si Jude. Tinuturuan niya ako sa iilang mga mahihirap na mga subjects.", sabi ni Stephen.
"Wow, ganun ba? Anong achievement ang nakuha mo noong High School ka pa Jude?", tanong ni Kate.
"Ah. Salutatorian po ako noong high school.", sabi ni Jude sa pormal na pagkasagot.
"Wow! Galing ah. Ang talino mo nga talaga. Eh noong Elementary?", tanong ulit ni Kate.
"1st Honorable Mention po.", sagot ulit ni Jude.
"Matalino kang bata Jude. Hanga ako sa'yo. You have a bright future. Buti at nursing ang kinuha mo. Bagay din naman sa'yo.", puri ni Kate sa kanya.
"Salamat po."
"At 'di lang 'yan Ate. Magaling din na writer si Jude.", singit ni Stephen.
Napalingon si Jude sa kaibigan.
"Paano mo nalaman na nagsusulat ako?", tanong ni Jude.
"Nabasa ko 'yung isang nobelang ginawa mo. Ang galing mo talaga Jude.", sabi ni Stephen.
Napangiti si Jude.
Mahaba ang pag-uusap nila na umabot ng ilang oras. Pagkatapos no'n ay nagpaalam muna si Stephen na ihahatid niya sa ospital si Aling Mercing upang bisitahin ang anak nitong maysakit. Naiwan muna si Jude sa kanilang bahay. Kinausap naman ni Kate si Jude.
"Ahm, Jude, maraming salamat nga pala ha.", ani Kate.
"Para saan po?", curious si Jude.
"Salamat dahil nandiyan ka para kay Stephen. Binago mo ang kapatid ko. Dahil sa'yo nagbago ang pag-uugali niya. Naging mabait na ang kapatid ko. Nabawasan na rin ang konsimisyon ko sa kanya. Maraming salamat talaga. Ikaw ang nagpabago sa magaspang na pag-uugali ni Stephen. Tunay ka ngang kaibigan.", sabi ni Kate kay Jude.
Napangiti si Jude.
"W-Wala pong anuman 'yun, A-Ate Kate."
Ngumiti si Kate at niyakap ulit si Jude.
BALIK sa eskwela na sila. Araw na ng Miyerkules noon. Pinag-uusapan na doon ng lahat ang papalapit na Acquaintance Party nila. Excited na ang iba. Si Jude noon ay busy sa pagre-review ng kanyang mga notes habang ang iba ay busy rin sa pag-uusap ukol sa nalalapit na event. Nilapitan naman siya ng kaklaseng si Yvonne.
"Uy Jude, ano nang balak mo ngayong Acquaintance? Oh, ba't nagre-review ka pa? Wala namang quiz ngayon ah.", ani Yvonne.
"Ah kasi, wala lang. Hindi kasi ako makukuntento hangga't wala akong nababasa.", ani Jude.
"Ay sus! Ikaw na talaga Judelo. Matalino ka talaga."
"'Di naman."
Dumating naman si Stephen.
"Uy, ayan na ang boyfriend mo.", ani Yvonne.
"Sinong boyfriend? Wala naman akong boyfriend.", si Jude.
"Sino pa nga ba? Eh 'di si Stephen.", si Yvonne.
"Hindi ko boyfriend si Stephen 'no. Bestfriend ko lang siya. Kayo talaga!", Jude defend himself.
"Ay sus!"
"Heh!"
Lumapit naman si Stephen kay Jude.
"Oh Stephen, dumating ka na pala.", si Jude.
Ngumiti si Stephen.
"Nag-aaral ka na naman.", ani Stephen.
"Bakit? Bawal?"
Natawa si Stephen.
"Ang mabuti pa ay pag-usapan natin ang nalalapit na Acquaintance Party. Excited na rin ako.", ani Stephen.
"Ako medyo excited na hindi. Ewan ko.", sabi ni Jude.
"Bakit excited na hindi?"
"Basta."
Dumating na ang Clinical Instructor. As usual, inaasahan na nila ang klase.
PAGKATAPOS ng klase ay magkasama ulit sina Stephen at Jude. Nasa canteen sila at kumakain ng lunch.
"You know what Jude, naiisip ko lang kung ano na ang mangyayari sa'tin doon sa Acquaintance Party", si Stephen.
"Siguro may sayawan, o di naman kaya'y kantahan.", si Jude.
May naisip si Stephen.
"Alam ko na. Ire-recommend kita kay Dean na kakanta ka ngayong Acquaintance Party.", biglang naisip ni Stephen.
Nabigla naman si Jude na muntik nang mabulunan.
"Stephen, 'wag! Ayoko nga! Nakakahiya.'Di naman kagandahan 'tong boses ko.", super tanggi si Jude.
"Sige na Jude. Please! Kumanta ka na sa Acquaintance Party. Ang ganda kaya ng boses mo. Pang-international at pwede ka nang maging superstar.", puri ni Stephen sa kanya.
Inirapan ni Jude si Stephen.
"Tse! Superstar ka diyan! Ikaw na lang kaya do'n. Alam mo namang mahiyain ako tapos ipapahiya mo naman ako sa harap ng mga fellow nursing students natin. Most of all, mapapahiya ako sa mga Clinical Instructors natin lalung-lalo na kay Dean.", litanya ni Jude.
Napangiti si Stephen.
"Umiiral na naman 'yang pagiging negative vives mo. Be positive Jude. Ayon kay Rafael eh hindi ka naman daw mahiyain.", sabi ni Stephen.
"Sinabi ba naman ni Rafael 'yun? Noon 'yun. Iba na si Judelo Miranda ngayon.", sabi ni Jude.
"Sige na Jude. Pagbigyan mo na ako. Promise, hindi ka magsisisi.", si Stephen.
"Stephen naman. O sige na nga. Pag-iisipan ko pa."
"'Wag mo nang pag-isipan. Pumayag ka na at ngayon din ay ire-rekomenda kita kay Dean para i-endorse ka ng mga SBO Officers.", ani Stephen.
Napabuntong hininga si Jude. Talagang mapilit si Stephen. Ano? Kakanta ba siya? Baka mapahiya lang siya. Oh my God. Kung hindi siya papayag ay baka magtampo sa kanya si Stephen.
"Stephen please. Pag-iisipan ko muna ha. 'Wag maging atat. May bukas pa.", ani Jude.
Natawa si Stephen.
"Basta Jude, sana pumayag ka na. Gusto ko talagang marinig ang boses mo habang kumakanta ka.", ani Stephen.
"Weeh?"
Napatingin naman si Jude sa malayo. May mga babae at mga bakla na tila tumitili. Parang kinikilig. Kumunot naman ang noo ni Jude.
"Si Stephen 'yun! Oo nga si Stephen! Ayeeeh!", narinig ni Jude na sinabi 'yun ng isang bakla.
"Oo nga. Siyanga. Tara lapitan natin.", sabi no'ng isang babae.
Lumapit nga ang mga ito kay Stephen.
"Stephen, may papalapit sa'yo.", sabi ni Jude.
"H-Ha?"
Lumingon naman si Stephen.
"Oh my God!! H-Hi Stephen.! Uhm.. pwede ka ba naming ma-invite sa debut ng kaibigan namin?", sabi ng isang bakla na halos kulang na lang ay tumalon sa kilig.
Sobra naman ang pagkulo ng dugo ni Jude sa ipinakitang asal ng bakla.
"Malandi!", bulong ni Jude.
"Oo nga Stephen. Sa birthday ni Jenny. Alam mo ba? Crush ka ni Jenny, 'yung kaibigan namin. Hmm, kung pwede ka sanang ma-invite namin sa debut party niya bukas? Mga 7pm na magsisimula. I think wala ka nang klase niyan.", sabi ng isang babae.
Napatingin si Stephen kay Jude.
"Ah.. uhm.,..", si Stephen na nalito.
"Kilala mo si Jenny 'di ba? 'Yung beautiful naming classmate. At tsaka 'di ba kaklase tayo sa English?", sabi ng bakla.
"Ah.. oo. Kilala ko siya.", sabi ni Stephen.
"O hayan. Sige na. Pumayag ka na. Sigurado akong matutuwa 'yun kapag nandoon ka."
"Uhm.. ah.. eh kasi.....", naguguluhan si Stephen.
"Sige na. Please!"
"Ah..ahm.. s-sige...", si Stephen na no other choice.
"Yay! Thank you so much Stephen! Aasahan ka namin bukas."
Binigyan nila ng invitation card si Stephen. Umalis na rin sila.
"Patay! Anong gagawin ko? Ba't ko sinabi 'yun! Yay! Ayoko!", si Stephen na tila nagsisisi.
"Stephen, okay lang 'yan. Ano ka ba naman. Inimbita ka nga eh tapos tatanggihan mo pa. Tuloy baka magtampo 'yung si Jenny.", sabi ni Jude.
"Pero Jude, sa totoo lang ha. Ayoko talaga. Hindi ko naman type ang Jenny na 'yun.", ani Stephen.
"Ikaw naman oh. 'Wag ka namang ganyan. Kita mo oh, may crush sa'yo 'yung tao. Ikaw talaga.", sabi ni Jude.
Bumuntung-hininga si Stephen.
"Pupunta ba talaga ako Jude?"
"Eh ano ba sa tingin mo? Pumunta ka na lang."
"Pero dapat samahan mo ako Jude."
"Ha? Naku, hindi pwede. Ikaw lang ang inimbitahan nila. Baka eh kung pumunta ako doon eh ipagtabuyan nila ako. Sige na Stephen. Ako ang bahala sa'yo."
KINABUKASAN, pagkatapos ng kanilang klase ay tinulungan ni Jude si Stephen upang magbihis ng pormal. Doon sila sa bahay nina Stephen.
"Jude, samahan mo ako papunta doon.", pakiusap ni Stephen.
"Ha? Stephen naman. Para kang bata.", ani Jude.
"Please Jude. Heto na lang. Manatili ka doon sa hotel. Magbabayad ako ng room para sa'yo. Doon ka lang please. At least alam kong hindi ako malayo sa'yo.", sabi ni Stephen.
"Sigurado ka ba diyan?", si Jude.
"Ayokong maghiwalay tayo Jude. It seems na hindi ako komportable 'pag wala ka.", sabi ni Stephen.
Sa sinabing 'yun ni Stephen ay lihim na kinilig si Jude. Clingy masyado ni Stephen. Walang hiyang taong 'to. Pinakikilig siya. Kailan ba siya huling nakaramdam ng kilig?
"Ikaw talaga Stephen."
"Jude ha? Please."
"Sige na nga. Ay sus! Kung hindi lang kita kaibigan."
Napangiti si Stephen at niyakap si Jude.
"I love you so much Jude", bulong ni Stephen sa kanya.
"Uy ano ka ba! Baka makita tayo ni Yaya Mercing o di kaya'y ni Ate Kate at mapagkakamalan pang may relasyon tayo!", .sabi ni Jude.
Natawa naman si Stephen.
Pagkatapos no'n ay umalis na sila papuntang Maxandrea Hotel kung saan ini-held ang debut ni Jenny. Pagkarating doon ay agad na kumuha si Stephen ng room para kay Jude.
"Stephen, tamang-tama. Matutulog ako ng maaga ngayon. Puyat kasi ako kagabi dahil sa sigeng pag-aaral."
"Ganun ba Jude. Sige, magpahinga ka lang ha. Habang ako dito ay..... my God!", si Stephen.
Natawa naman si Jude.
"Sige na nga. Puntahan mo na doon 'yung si Jenny. Magtatampo 'yun sa'yo hala sige ka.", si Jude na natatawa.
"Tumigil ka na nga sa kakatawa Jude.", awat ni Stephen sa kanya.
Tumuloy na doon si Jude sa kwartong kinuha ni Stephen para sa kanya habang si Stephen naman ay kulang na lang ay umuwi dahil talagang nagda-dalawang-isip siya. Lulan siya ng elevator noon. Pagkadating sa venue ng debut ay hayun, sinalubong na siya ng mga nag-imbita sa kanya. Nandoon din pala sina Ken at Alex.
"Uy mga pare! Nandito din pala kayo.", si Stephen na nagulat.
"Oo naman pare. Inimbita kami ni Jenny. Grabe. Ikaw pala ang espesyal na panauhin niya.", sabi ni Alex.
Natawa naman si Stephen.
"Uy, nakita ko kayong dalawa ni Judelo na halos araw-araw kayong magkasama ah.", ani Ken.
"Ah oo. Ang saya ko dahil bestfriend ko na siya.", sabi ni Stephen. He's so proud of having Jude.
"Bakit 'di mo siya isinama dito?", tanong ni Ken.
"Ayaw daw niya kasi hindi naman daw siya imbitado.", si Stephen na biglang nalungkot ang mukha.
"Ha? Bakit naman? Sayang. Kawawa naman si Judelo.", si Ken.
"Pero nandito siya ngayon. Nandoon lang siya sa isang kwarto. Kumuha ako ng isang kwarto para sa'min. Dito na lang ako matutulog sa hotel kasama siya.", ani Stephen.
Nagulat naman sina Alex at Ken sa sinabi ni Stephen.
"Really? Ganyan mo kamahal si Judelo Miranda?", biglang nasabi ni Alex.
"He's my treasured bestfriend. Siyempre mahal ko siya dahil matalik ko siyang kaibigan. Si Jude lang ang.... nagpapagaan ng loob ko.", sabi ni Stephen.
Ngumiti naman sina Alex at Ken.
Bigla namang nagtanong si Irish, isa sa mga nag-imbita kay Stephen sa debut ni Jenny.
"Hi Ken. Hi Alex. Oh hi Stephen, nandito ka na pala. By the way, nasa'n na 'yung araw-araw mong kasama? 'Yung kausap mo sa canteen no'ng nag-imbita kami sa'yo. Kaibigan mo yata 'yun?", tanong ni Irish kay Stephen.
Nagtaka naman si Stephen. Walang ibang tinutukoy si Irish kundi si Jude.
"Classmate yata natin 'yun sa English. 'Yung matalino", dagdag ni Irish.
"Si Jude ba ang tinutukoy mo?", Stephen made the clarification.
"Oo si Jude. Judelo Miranda yata ang true name niya if I'm not mistaken?", si Irish muli ang nagsalita.
"Oo siya nga. Actually, bestfriend ko siya.", proud na sinabi ni Stephen kay Irish.
"Bakit wala siya dito? Nakalimutan naming ibigay sa kanya ang isang invitation card. Invited nga pala siya. Alam niyo ba, hanga kami doon kay Judelo. Napakatalino niya talaga. Even Jenny likes him. Bakit wala siya dito?", naitanong ni Irish.
Sa sinabi ni Irish ay biglang napangiti si Stephen.
"Ah, Irish, uhm. Tatawagan ko lang siya sandali. Baka makahabol siya dito.", sabi ni Stephen.
"Sige Stephen. Baka makahabol pa siya dito. Sayang naman. Jenny is expecting him too.", sabi ni Irish.
Dali-daling pinuntahan ni Stephen si Jude sa hotel room nito.
Samantalang si Jude naman ay nasa loob ng kwartong kinuha ni Stephen para sa kanya. Maginaw sa loob of course. Kinuha niya mula doon sa kanyang dalang bag ang kanyang netbook. Sa wakas, magagamit na niya ulit ito. Pinadala 'yun ng mommy niya a month ago. Sigurado naman siyang may WIFI ang hotel. Binuksan niya ang netbook niya at nag-surf siya sa internet. Ilang buwan na ba siyang hindi nakapag-open ng kanyang f*******:? Two months yata. Hala, baka inactive na ang f*******: niya. But when he tried to open his account ay active pa naman pala. 126 friend requests, 29 messages, and 216 notifications.
"Grabe! Ang dami ko namang friend requests. Sino naman kaya ang nagmi-message sakin at Diyos ko! Wagas naman 'tong notifications ko.", naibulong ni Jude sa kanyang sarili.
Inuna na muna niya ang friend requests. Hindi niya kilala ang ibang nag-send sa kanya ng friend requests. Sa 126 friend requests niya, isang special na tao ang nag-add sa kanya. Binasa niya ang pangalan nito.
Stephen King Chavez Roa
"Isa pala si Stephen sa nag-add sa kanya. He click on confirm and yes.
Noong nagsu-surf si Stephen sa internet, second week of the class noon, nag-open siya sa account niya sa f*******:. He searched for Jude's name on f*******: at nakita nga niya ito. Ito ang pangalan ni Jude na nakita niya sa f*******:.
Judelo Tuazon Miranda (Jude T. Miranda)
He clicked on Add Friend after that.
Tinignan pa ni Jude ang ibang nag-send ng friend request sa kanya. In-add din pala siya ng iba pa niyang mga kaklase. Habang busy sa paghahalungkat sa f*******: account niya si Jude ay may kumatok sa pintuan.
"Pasok lang.", sabi ni Jude.
Binuksan ito ng kumatok.
"Jude.", si Stephen pala 'yun.
"Oh Stephen, bakit?", naitanong ni Jude.
"Magbihis ka dali."
"Ha?"
"Magbihis ka."
"Bakit naman."
"Imbitado ka naman pala."
"Ha?"
"Ako na ang bahala sa'yo."
Natigil naman sa ginagawa si Jude.
"Sandali. Maliligo muna ako.", sabi ni Jude.
"Sige. Hihintayin na lang kita.", ani Stephen.
Kaagad namang kumilos si Jude. It takes 15 minutes bago matapos ang lahat. Bihis na bihis na si Jude. May mga Americana pala ang bawat kwarto ng hotel na 'yun kaya hindi na nahirapan pa si Jude. Maayos na ang bihis ni Jude nang biglang pumasok si Stephen sa kwarto.
"Jude, ready ka na......", natigil si Stephen. Napangiti naman siya.
"Ikaw na ba 'yan Jude?", si Stephen.
"Ay hindi! Kaluluwa ko lang 'to Stephen.", pamimilosopo ni Jude.
Natawa naman si Stephen.
"Ang gwapo mo ngayon sa suot mo. At tsaka, you're so cute.", puri ni Stephen sa kanya.
Naalala bigla ni Jude ang sinabi ni Andrew sa kanya noon nang papunta sila sa birthday party ni Hannah. Nagkibit-balikat lamang siya.
"Tara na Jude.", inakay siya ni Stephen.
Hinawakan nito ang kanyang kamay. Hindi na lang 'yun pinansin ni Jude pero doon na siya parang na-awkward nang hindi pa binitawan ni Stephen ang kamay niya.
"Ah, S-Stephen, p-pwede mo na yatang bitawan ang kamay ko.", nao-awkward si Jude.
"Baka lang kasi kinakabahan ka.", si Stephen na hindi pa binibitawan ang kamay ni Jude.
"Pwede naman sigurong hindi mo na hinahawakan ang kamay ko. Baka kasi kung ano ang isipin nila. Alam mo na.", sabi ni Jude.
Napangiti si Stephen.
"Hayaan mo na sila sa iisipin nila Jude.", sinabi na lang ni Stephen.
Hindi alam ni Jude kung kikiligin o magagalit siya kay Stephen.
Nasa venue na sila ng party. Napalingon-lingon naman si Jude. Bigla tuloy niyang naalala ang party noon ni Hannah kung saan nakasama siya st si Andrew. Nandoon din sina Rafael at Lenlen noon. Hindi ngumingiti si Jude nang mga panahong 'yun. Parang na-a-out of place siya. Tuloy parang gusto niyang magsisisi kung bakit sumama pa siya. Napansin naman siya ni Stephen.
"Jude okay ka lang?", tanong ni Stephen sa kanya.
"H-Ha? Okay lang ako Stephen.", si Jude.
"'Wag kang mahiya Jude ha. Dahil dalawa na talaga tayo. Hindi ka nag-iisa. I'm so out of place too.", ani Stephen.
Sa sinabi ay gustong matawa ni Jude.
Nagsisimula na ang programme.
"Good evening everyone. Thank you for coming here for the Debut Party of my friend, Ms. Jenny Legazpi. Uhm, I would like to call all those who are part of the 18 roses and also prepare those who are one of the 18 escorts.", si Violet, isang bakla ang nagsalita sa stage.
Maya-maya lamang ay tinawag na ang mga parte ng 18 roses."
"Stephen King Roa", tawag ni Violet.
Napatingin si Stephen kay Jude.
"Sige na.", sabi ni Jude.
"Kenneth Maglacion", tumawag ulit ng pangalan si Violet.
Lumapit naman si Ken.
"Alexander Bryan Genaro", si Alex naman ang tinawag ni Violet.
Napangiti si Jude nang makita si Stephen sa may di kalayuan.
"Judelo Miranda", tinawag ni Violet ang atensyon ni Jude.
"H-Ha? A-Ako?", nagulat si Jude.
Wala siyang nagawa kundi ang lumapit doon at umakyat sa entablado.
Napahawak naman sa dibdib si Jude.
Napangiti naman si Stephen.
"Jude.", tinawag siya ni Stephen.
Ngumiti na lamang si Jude sa kanya.
Tinawag pa ni Violet ang ilan pang kasali sa 18 roses.
Dumaan naman ang mahabang minute matapos bigyan nila ng mga rosas si Jenny ay napaupo si Jude. Hindi pa siya nakaka-recover mula sa pagkabigla. Nais niyang matawa. Simula na ng 18 escorts. Inanunsiyo naman ni Violet na may special na escort si Jenny at 'yun ay si Stephen.
Naghiyawan ang lahat. Nasa sentro sina Stephen at Jenny and they will ready to dance. Sigawan ang lahat dahil ang gwapo ng special escort ni Jenny. The lights are then turned off at tanging isang ray of light lang ang bumukas at naka-focus ito kina Stephen at Jenny. Kinikilig naman si Jenny nang mga panahong 'yun. Si Jude naman ay pinanunuod lang sila. Naaalala na naman ni Jude si Andrew. Ganitung-ganito rin ang eksena noon sa party ni Hannah. Tumagal ang waltz dancing na 'yun ng 4 minutes.
Masaya ang debut ni Jenny na umabot halos ng madaling araw. Dahil sa madaling araw na at delikado ang dan ay sa hotel na natulog sina Jude at Stephen. Doon pa rin sa kwartong kinuha ni Stephen sila tumuloy.
"Grabe! Napagod ako.", si Stephen na biglang inihiga ang sarili sa kama.
"Inaantok na ako.", sabi ni Jude.
Bumangon si Stephen.
"Matulog ka na Jude.", inakay siya ni Stephen sa kama.
Hindi na nakayanan ni Jude ang kanyang antok at nahiga na talaga siya.
"Klase pa bukas, 7:30am ang class natin at baka ma-late tayo", antok na sinabi ni Jude.
Napangiti naman si Stephen. Ang cute ni Jude kapag inaantok.
"Jude, wala tayong klase bukas. May whole day college meeting bukas ang mga instructors. Anong gagawin mo sa school bukas ha?", sabi ni Stephen.
"H-Ha? Ganun ba.......", talagang nakatulog na si Jude.
"Jude?"
Hindi na nagsalita si Jude. Sigurado siyang nakatulog na ito. Napangiti naman si Stephen.
"Napagod ng husto ang kaibigan ko.", sabi ni Stephen.
Tumabi naman sa kanya si Stephen. Nakatulog naman sila ng mahimbing.
KINABUKASAN, dali-daling bumangon si Jude mula sa kama sa pag-aaakala niyang may klase.
"Oh my God! 07:20 na! 10 minutes na lang at mali-late na ako.", napasigaw si Jude.
Bigla namang nagising si Stephen sa ingay ni Jude.
"Jude, bakit? Anong problema?", naalimpungatan si Stephen.
"Stephen! Bumangon ka na diyan! Mali-late na tayo sa Chemistry class natin. 07:20 na oh!", si Jude na talagang seryoso sa kanyang sinasabi.
Natawa naman si Stephen sa reaction ni Jude.
"Ano ba! Babangon ka ba diyan o hindi! Kung wala kang balak pumasok pwes ako meron!", biglang tumayo si Jude.
"Jude, relax. Ano ka ba. Walang klase ngayon. 'Di ba sinabihan kita kagabi na walang pasok ngayong araw na 'to kasi nga whole day ang College meeting ngayon ng mga instructors.", pagpapaliwanag ni Stephen sa kanya.
"Ha? Sinabi mo 'yun kagabi?", ani Jude.
"Ay hindi! Hindi ko sinabi! Inaantok ka na po kagabi kaya siguro hindi rumegister sa'yo.", natatawa naman si Stephen.
Napakamot naman sa ulo si Jude.
"Ganun ba?", si Jude na hiyang-hiya.
Tuluyan nang natawa si Stephen.
"Stephen, 'wag mo nga akong pinagtatawanan diyan! Nakakainis ka!", Jude rolled his eyes on him.
Napaupo naman siya sa kama.
"Bakit hindi ko naisip 'yun?", sabi ni Jude.
"Okey lang 'yan Jude. Alam kong dedicated ka sa pag-aaral mo. Ikaw pa! Matalino ka kaya. 1st Honorable Mention sa Elementary at tsaka Salutatorian sa High School. Ano naman kaya kapag grumadweyt na tayo sa College?", sabi ni Stephen.
"Magna", sabi ni Jude.
"Wow Jude! Talaga?"
"Magna-nine years!", pamimilosopo ni Jude.
Natawa naman si Stephen.
"Stephen, alam mo, kulang 'yan sa kain eh. Hindi pa kasi tayo nakapag-agahan kaya ang mabuti pa kumain na tayo.", sabi ni Jude.
"Pero wala pang pagkain Jude.", si Stephen.
"Ay! Sorry nakalimutan ko. May pupunta lang pala dito upang mag-serve ng ating breakfast.", ani Jude.
"May free breakfast 'tong kinuha ko.", sabi naman ni Stephen.
Maya-maya lamang ay dumating na ang housekeeper dala ang dalawang tray ng pagkain.
"Good morning sir. Here's your meal. Enjoy.", bati ng housekeeper sa kanilang dalawa.
Nagkatinginan sina Stephen at Jude at nagkangitian.
"Tara, kumain na tayo.", yaya ni Stephen sa kanya.