"SO, WHAT do you think of this place?" Mula sa kinakain ay dumapo ang mga mata ni Stacey kay Hades. Nakangiti ito at nakatingin din sa kanya. Halos maubo siya nang magtama ang mga mata nila. He smiled genuinely but his eyes were very provocative. There was something in that pair of eyes. Parang nanghuhubad. Para siyang nililiyaban. "I-It's great. So luxurious," komento niya habang pinipigilang manginig ang boses. "Pero hindi ba masyado 'tong malaki para sa isang tao lang? Bakit wala ka man lang katulong dito?" Great. It felt so good to finally start a conversation with him. Kanina pa kasi siya nagwa-one word answer. Sino ba namang hindi mapipi? When she went downstairs, she saw him at the dining table, waiting for her. Nang makita siya nito ay isang makahulugang ngiti ang ibinigay nit

