"Let's eat dinner together later." Tumatayo ang mga balahibo ni Stacey sa tuwing naaalala niya ang bulong sa kanya ni Hades kanina. Matapos ang makapigil-hiningang pagkikita nila kanina ay nakatulala pa rin siya sa mga oras na iyon sa guest room na ipinagamit nito sa kanya. Ni hindi niya magawang ayusin ang mga gamit. She was preoccupied. Naisipan niyang tawagan ang manager. Mabilis niyang dinampot ang phone. Mabuti naman at may signal pa sa lugar na kinasasadlakan niya ngayon. Kung kanina ay para siyang hinihele ng tunog ng alon, ngayon ay para siyang sinisilaban sa kinauupuan. She felt totally odd. "Hello." bungad nito. "Hello, Mr. Riva? I am already here in Camiaran island." Simula niya. "You didn't told me about Hades." Natawa ito. "What now?" "I... I think I can't do this. Baka

